Share

CHAPTER 07

Penulis: ROSENAV91
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-28 13:59:23

TBVH 07

Halos malaglag ang puso ko sa sobrang kaba dahil sa muli naming pagkikita. Ang laki ng mundo, ang lawak ng Maynila bakit pa kami nagkita?

Pambihira naman ng tadhanang ito. Sa mukha niya palang ay alam ko na kung gaano siya kagalit na makita ako. Kitang-kita ko kung gaano lumaki ang kanyang mga mata habang nakadungaw sa akin at naka-igting ang panga na ma realize niya yata na ako ito... ang dati niyang girlfriend. Pero hindi pangungulila ang nakikita ko sa kanyang mga mata kundi galit at poot.

Hindi ako nagkamali, siya talaga iyon. Siya talaga. Bigla kong naalala ang anak ko para kalmahin ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata ko, pinigilan na makawala ang isang butil man na luha. Ayoko ng ganitong pakiramdam, parang ang hina-hina ko kaya kapag maalala ko si Ian, ang baby ko ay kahit papano ay kumakalma ako, pinaalala niya sa akin kung paano lumaban at huwag sumuko dahil naghihintay siya sa aking pag-uwi.

Hinawakan ko ang puso ko at ramdam ko kung gaano ito kabilis tumitibok. Parang nauubusan ako ng hangin sa lalamunan dahil sa nangyari kanina. I need water, really really need water right now. Ang tangi ko nalang ginagawa ay huminga ng malalim.

Nandito ako sa restroom at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito, parang biglang tumigil ang plano ko na umihi lang sana.

Pinaparinggan ko ang paligid, tahimik at kung may ingay man ay nasa malayo na. For sure, wala na siya ngayon at umalis na, natawa ako sa sarili ko. Nagbabasakali pa ba ako na puntahan niya ako rito?

Pinilig ko ang ulo ko, kung ano nalang ang iniisip ko. Nakita ko lang naman s'ya. Imposible naman na papasok siya para makipagbalikan sa akin.

Ilang minuto muna akong namalagi sa loob ng cubicle. Nakaupo lang at tulala.

At ilang sandali ay tumayo na ako at baka hinahanap na ako sa restaurant. Hindi pa naman ako nagpaalam sa manager namin kundi kina Cha-cha at Kimberly lamang.

Paglabas ko ay mas lalong kumalabog ang puso ko na may pares ng sapatos akong nakita sa loob ng banyo malapit sa sink at kung nasaan ako lumabas na cubicle at pag-angat ko ng tingin ay ang kanina ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay mas lalong lumakas ang kalabog ngayon.

Bakit siya pumasok sa girl restroom? Bakit siya narito? Bakit? Paano kung may biglang pumasok na ibang tao at magulat na may lalaki rito?

Humalukipkip siyang nakatingin sa akin habang nakaigting pa rin ang mga panga at madilim ang mga mata. Malapit nang magkasalubong ang mga kilay niya sa kakatitig sa akin.

Halos kapusin na naman ako sa paghinga, humakbang ako para magtungo sa kabilang sink na hindi siya pinapansin. Baka mamaya nandito pala ang girlfriend niya at gumagamit din ng banyo. Tama...baka tama ako.

"You're here, huh? Why?" natigil ang paghugas ko ng kamay. Hindi ko alam kung ako ang kausap niya. Ayokong mag-assume dahil baka biglang may lumabas sa isa sa mga cubicle na girlfriend niya o di kaya may kausap sa phone.

Pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng kamay at pagkatapos ay kumuha ng tissue at nagpunas, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magmadali, parang chill lang ang mga galawan ko pero halos nanlamig na ang buong katawan ko dahil sa presensya ng dati kong ex.

Kahit papano ay pinilit ko ang sarili ko na humakbang papuntang  pinto palabas  pero....

"I'm talking to you, Sarmiento." Naiwan sa ere ang mga kamay ko para pihitin ang doorknob na marinig ang nakakatakot niyang boses. Napanganga ako dahil sa pagtawag niya sa aking apelyido. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

"I-im sorry-"nauutal kong sabi,  hindi ko alam kung saan ako nagsosorry.

"You came from a decent family and now," he looks at me like I'm trash,   "you're being slave in this fucking restaurant? Nagmamalaki kapa na mabubuhay ka kapag siya ang kasama mo. Na mas magaling siya sa lahat at responsable." Kunot-noo ko siyang tiningnan, hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.

Umiling ako habang nakatitig sa kanya. "Hindi ko maintindihan...wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo-"

"Oh common, akala ko ba matalino ka? Or nakalimutan mo lang? Well, tama nga naman pala ang desisyon mo na umalis sa buhay ko." Napasinghap ako sa sinabi niya, wala akong maintindihan kahit isa man lang pero bakit nasasaktan ako sa huling sinabi n'ya?

Matapang akong humarap sa kanya. The way he look at me, ibang-iba na kaysa dati na naging kami pa. Walang bahid na ngiti sa tuwing tinititigan niya ako, hindi kumikislap ang kanyang mga mata kundi tanging nakikita ko lang ay galit at pagkamunghi.

"Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo. Kung wala na po kayong sasabihin, mauna na po ako sa inyo." saad ko pero bago pa ako tumalikod sa kanya ay bigla niyang hinawakan ang kanang braso ko kaya napadaing ako dahil sa paghawak niya na mahigpit. Halos mabalian ako ng buto-buto dahil sa ginawa niya. Sobrang sakit.

"Masarap ba siya? Magaling ba siya magpaligaya sa 'yo sa kama? Did he satisfied your needs, huh slut-" isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa kanyang pisngi. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi nagustuhan ang sinabi niya kaya nagawa ko ang pananampal. Nakita ko kung paano tumabingi ang ulo niya dahil sa ginawa ko.

Dinuduro ko siya, "kung may nagawa man ako sa iyo, and then I'm sorry. Pero wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan. Wala kang karapatan para magbato ng salita na hindi mo sigurado kung tama ba o mali. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo, pero kung ganyan ang paniniwala mo at sa tingin mo na ginagawa ko, and then go on, kung hindi ka masaya at pinagsisihan mo ang nangyari sa atin noon atleast ako...hindi, bagkos masaya ako na matikman ko ang isang del Rego at ikaw iyon." matapang kong sabi sa kanya dahil ayokong sa aming dalawa, ako lang ang nagmukhang kawawa kaya  nakita ko kung paano mas lalong dumilim ang kanyang mga mata na kulang nalang bigyan ako nang magkabilaang sampal. He gritted his teeth na parang anytime ay gusto niya ng sumabog sa harapan ko.

Agad ko siyang tinulak habang kaya ko pang makawala sa kanya at mabuti naman at nagtagumpay ako. Tumakbo ako palabas ng banyo at walang lingon na iniwan siya sa loob na tulala.

Agad pumatak ang mga luha ko habang naglalakad. Ang sakit sa dibdib ang mga binitawan niya, knowing na sa buong buhay ko ay siya lamang ang minahal ko. Siya lang ang kasama ko sa mga panahong malayo ang mga mahal ko sa buhay. Ang mga magulang ko kaya hindi ko alam kung saan n'ya nakuha ang mga sinasabi ukol sa akin.

Sino ang tinutukoy niya? Anong pinagsasabi niya? Marami rin akong tanong sa kanya pero hindi sa ganitong paraan, kung gusto niya ng closure dapat hindi mainitin ang ulo niya.

"Hoy! Ang tagal mo, puntahan sana kita sa banyo, akala ko nga umuwi kana sa inyo pero nakita ko  ang ibang gamit mo kaya... uy anong nangyari sa 'yo at mugto ang mga mata mo? Nagbanyo ka lang, umiyak ka na. Wait... don't say.. okay lang ba si Ian?"

"O-oo naman-" nauutal kong sabi, kinalma ko ang sarili ko para hindi naman mag-alala ang kaibigan at baka umuwi ako ng maaga, sayang ang pera kung mabawasan pa.

"Iyon naman pala eh, namimiss mo?" Tumango na lang ako sa sinabi ni Kimberly kaysa naman sabihin ko na nagkita kami ng ex boyfriend ko.

"Pwede kang umuwi kung gusto mo, total-"

"Mamaya na, tatapusin ko nalang, ayos lang ako." putol ko sa sasabihin niya.

"Sigurado ka?" Tumango ulit ako sa sinabi ng kaibigan ko para hindi na magtanong pa at baka hindi ko mapigilan na humahagulgol ng iyak dahil naalala ko na naman ang lahat na pinagdaanan ko. Ang pagtakwil ng mga magulang ko sa akin. Ang paglayo ng lalaking mahal ko.

Bago ako nagsimula na magtrabaho ay hindi ko maiwasan na lumingon sa loob ng restaurant at baka nariyan lang siya at naghihintay sa akin hindi para kausapin ako at bumalik siya kundi pagsalitaan ulit ako ng masasakit na salita at iyon ang bagay na ayoko ng marinig pa.

Nakahinga lang ako nang maluwag dahil  hanggang pagtapos ko sa ginagawa ay walang del Rego na nakabantay sa akin.

Umuwi ako na payapa at nakangiti na makita ko na ang aking mahal na anak na si Ian Sarmiento.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)   CHAPTER 46

    CHAPTER 46The Billionaire's Vulnerable Heart “Na, masungit ako?" “Oo, –i mean…no…yes, no sir," shit, ano ba itong pinagsasabi ko at bakit nauutal ako kung paano ko sabihin sa kanya na tama naman na masungit siya. Nagkatitigan kami kaya napalunok ako ng laway habang nakatago sa likod ko ang cellphone. Nakita ko kung paano gumalaw ang gilid ng labi niya at natutuwang nakikita ang reaksyon ko na parang magnanakaw na nahuli. “Well, tanging opinion mo lang ang tinatanggap ko, be thankful." Aniya sabay talikud at naglalakad patungo sa kanyang office. Huminga ako ng malalim na makaalis na siya sa aking harapan. “Anong sinabi ni sir sa'yo at parang nagbubulungan na lang kayong dalawa–” napaigtad ako sa gulat na bigla na lang nagsalita si Kimberly sa likuran ko. "Oh, easy Ashera, para kang nakakita ng multo, grabe kana.” "Ikaw kasi, nangugulat–" sisi ko sa kanya.“Eh, ikaw kasi magulatin, hindi ko na iyan kasalanan, huwag kasi kape nang kape kahit tanghaling tapat. Anyway, anong sinab

  • THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)   CHAPTER 45

    CHAPTER 45 The Billionaire's Vulnerable Heart Kinabukasan, pagkarating ko sa restaurant ay halos pinagtitinginan ako sa mga kasamahan ko, lalo na itong si Kimberly, kanina pa nakangiti na animo gusto na akong puntahan at yakapin na ewan. Tinaasan ko siya ng kilay habang patungo ako sa counter. “What?" Tanong ko pero bigla na lang akong nagulat dahil bigla ba naman akong niyakap. Talagang hindi na makapagpigil. “Congrats! Ang ganda mo doon sa awarding." Natawa naman ako, akala ko kung ano na. "At bakit ka sa akin nagsasabi ng ganyan? Dapat sa boss natin, iyong original boss ha, dahil sa kanya naman dapat ang award na ito, napag-utusan lang ako na tumanggap.” Paliwanag ko pero tinampal ba naman ang likod ko malapit sa puwetan. Ang babae na ito talaga. “Kahit na, eh sa wala siya rito, look oh, wait kukunin ko sa bulsa ang cellphone ko. Ito oh, look at yourself Ashera, look at your face, look at your make-up, look at the way you smile,look at the way you walk, you're so pretty

  • THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)   CHAPTER 44

    CHAPTER 44 The Billionaire's Vulnerable Heart “Are you okay?" Narinig ko na tanong ni Jaymark sa akin. Nilingon ko siya at ngumiti. Maayos ba ako? Hindi ko alam. Pero sa tingin ko ay maayos naman ako, praning lang yata ang utak ko ngayong gabi at anak inaantok lang ako. “Oo naman," sagot ko na lang para hindi siya mag-alala habang nakangiti. “It's okay, sinigurado ko na walang nakasunod sa atin kung iyan man ang kinatatakutan mo-" nagulat ako sa sinabi niya dahil halata ba ang kinikilos ko? Pero hilaw na lang akong ngumiti at tumango ulit sa kanya. Hindi ko alam kung alam niya ba kung sino ang taong iniiwasan ko. Wala naman akong binanggit sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa apartment na kung saan kami nakatira ng anak ko na si Ian. “Are you sure na hindi ko na babayaran?" Tanong ko ulit kay Jaymark dahil babayaran ko sana ang nagastos niya sa pamasahe kaso ayaw naman niyang tanggapin kanina ko pa inaabot sa kanya ang pera ko, may dala naman ako

  • THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)   CHAPTER 43

    CHAPTER 43The Billionaire's Vulnerable Heart “Hindi naman at saka pa tingnan mo oh, may mga tao pa nga ang naghihintay ng masasakyan sa waiting area." Turo ko rin sa tinutukoy naming dalawa. Pero magdilim lang lalo ang kanyang mga mata na nakatitig sa waiting area at kitang-kita ko ang panga niya na umiigting. At nang mapansin niya na nakatitig ako sa kanya ay biglang lumambot ang expression ng mukha niya. Pareho kaming huminga ng malalim. “Okay na? Bababa na ako, maraming salamat sir at ingatan mo yang award or thropy para maibigay natin yan sa boss natin ay boss ko pala.” Paliwanag ko sa kanya. "Ako na ang bahala diyan,” tumango ako sa sinabi niya at akmang bubuksan ko na sana ang pinto para makalabas sa kotse ay pinigilan na naman niya ako. “Ihahatid na lang kita, malapit na ba ang bahay mo rito?" “O-opo…malapit lang. Huwag kang mag-alala, makarating din naman ako. Lalakarin ko na lang” "Na ganyan ang damit mo?” Sinilip ko naman ang suot ko na dress at doon ko lang nais

  • THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)   CHAPTER 42

    CHAPTER 42 The Billionaire's Vulnerable Heart “Here!" “Are you okay?" Tumikhim ako at kinuha sa kanyang kamay ang supot na bitbit niya. “Oo naman, thank you at pasensya ka na." “Go and change, malapit na magsimula ang program, we can go home after that–" aniya sa malamig na boses. Sinarado ko naman ang pinto para makapagbihis na. Binuksan ko ang supot at nakita ko ang pack ng napkin, mabuti na lang at dalawa lang ang binili niya, alangan naman magdadala ako nitong supot na may napkin habang may program lalo at maliit ang dala ko na lalagyan na bag. Maliit na pouch na pahaba na tanging kasya lamang ang cellphone, lipstick at powder at pocket money unlike before, kapag maabutan ako ng dalaw at sasabihin ko sa kanya ay laging isa o dalawang pakete mismo na may lamang twelve o walo. Dati ito, noong naging kami pa at nag-aaral. Ngayon, iba na. Babayaran ko siya mamaya sa nagastos n'ya pambili. At hindi rin mawawala na bilhan niya ako ng black panty pamalit. Marahil nakahanap

  • THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)   CHAPTER 41

    CHAPTER 41The Billionaire's Vulnerable Heart “Hi! Ikaw! Narito ka rin?" Nakangiti kong tanong sa kanya.“Yeah, I have work." Nakita ko nga ang pang-uniporme niya na suot. Nakasuot ito ng black suit at itim ba panloob at black pants. At nakita ko sa kanyang kabilang tenga ang isang earpiece, oh, I know kung ano ang trabaho niya. Gusto kong itanong sa kanya kung sino ang binabantayan niya rito pero wala yata akong karapatan para itanong ito lalo at baka bawal sa field ng trabaho nila kaya tumahimik na lang ako sa bahay na uya at tanungin siya ng ilang bagay. “I see…” bagkos ito lamang ang naisagot ko sa kanya habang nakangiti .“Saan ka pupunta?" Tinuro ko ang restroom na nasa likuran niya lang pala.“Restroom lang, excuse me." Paalam ko sa kanya na siya naman ang pagbigay saan sa akin. Kaya pala hindi ko na siya nakikita sa apartment ni Manang Sidra dahil may trabaho pala siya.Kanina, nakausap niya ang anak ko. My baby Ian , namimiss ko na siya. Sana maaga matapos ang event or m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status