Share

Chapter Three

"Mukhang baliktad ngayon ang earth, twin brother." Baling ni Hugo kay Miguel.

"And what's the basis of yours in saying that, brother?" balik-tanong nito.

"Ay, hanep ang taong ito oo. Tinanong ko na nga ay ibalik pa ang tanong." Napahawak tuloy sa leeg si Hugo dahil tinanong niya ang kambal kaso sinagot din siya ng tanong.

"Ayusin mo kasi ang pananalita mo, brother. Aba'y kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo." Binalingan na rin sila ni Eric.

Kasalukuyan naman kasi silang nasa balkonahe ng ikalawang palapag ng mansion. Kaya't kitang-kita nila ang mga magulang sa garden. Doon lang naman ang paboritong tambayan ng mga magulang nila. Graduated na silang lahat sa bachelor's degree maliban na lamang kay Hugo na mag-aaral sa Law. He is the one who followed the footsteps of their father. Accountants and pursued in law school. At ang bunso nilang kapatid na kasalukuyang nasa ikalawang taon ng kolehiyo sa kursong medisina.

"Okay, okay, ganito iyon mga brother. Biyente-singko na tayo at ibig sabihin ay ganoon na rin ang nawawala nating kambal. Kaya't kako ay baliktad ang mundo dahil kung noon ay si Mommy ang lagi nating nakikita na malungkot at umiiyak ngunit ngayon ay si Daddy na yata ang naging iyakin," pahayag niya.

"Oh, iyan pala ang nais kong sabihin mga brother ngunit naunahan n'yo lang ako. By the way, I have a friend. Hindi ko alam kung bakit malapit siya sa akin. I met met him during our training in Navy Seal. Kung hindi lang sana siya nakilala sa Lance Steven Morgan ay iisipin kong isa siya sa mg kamag-anak natin. Sometimes he looks like Great Grandpa T and some are like our Dad. Mabait siya mga brother...oh, I almost forgot to tell you, may pagkakahawig sila ni Princess. Kahit ang moves nila ay magkaparehas. Kung lalaki lang siguro si Princess ay sasabihin kong kambal sila---hey! Why you punched me?!" Napatigil si Miguel sa pagkukuwento dahil sinapak siya ng kapatid na kagaya niyang mainitin ang ulo.

"Tsk! Tsk! Will you go straight to the point, brother? Don't you know that my curiosity of your friends is killing me? Tsk! Just go ahead and finish your report!" muli ay angil ni Hugo.

Kaso!

Kung nagbatukan at nag-angilan sila ay napahalakhak naman ang panganay sa kanilang si Eric. Kahit kailan ay talagang napakakalmado nito. Unlike them, they are like the kitten and the sheep. Ganoon pa man ay hindi sila nag-aaway. Talagangainitin lamang talaga ang ulo nila.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Nasa tamang gulang na tayo ngunit para pa rin kayong mga batang Hugo at Miguel. Mabuti na lamang at walang pakialam sa mundo ang bunso basta may chocolate. Susmaeyusep kayong dalawa eh. Puwedi bang umayos-ayos kayong dalawa. Navy Seal ang isa at lawyer ang isa. Aba'y paano ninyo narating ang pangarap ninyo kung puro init ng ulo ang pinapiral ninyo." Naupo at napailing-iling si Eric dahil sa inasta ng mga kapatid.

"Well, that's how we use to be brother. Itong isa pa nating twin brother ay may platforms kaya't naiinis ako sa pasikot-sikot niyang kuwento," ani Hugo.

"Hmmm, hintayin mo na lamang na maimbitahan ko siya rito sa bahay. Mabait iyon ngunit nakita ko na minsan na tinupak. Talagang nasa loob ang kulo," wika naman ni Miguel.

"Siguraduhin mo lamang na walang masamang maidudulot sa pamilya natin, brother. Dahil ibang usapan kapag ang pamilya natin ang saklaw." This time ay naupo na ng matuwid si Eric at hinarap ang mga kapatid.

Kung ang ibang kambal ay mga identical twins subalit sa kaso nila ay animo'y hindi sila mga kambal. Ngunit para sa kanila ay mas maganda na iyon upang mas madali silang makagalaw. Dahil habang nagkakaedad ang mga magulang nila ay halatang mas nawawalan na sila ng pag-asang makitang muli ang isa sa kambal nila.

Down in the garden.

"Mukhang nagkakasiyahan na naman ang mga anak natin, my dearest. I can hear their laughter's." Napatingala si Leonora sa ikalawang palapag ng mansion kung nasaan ang mga anak nilang barako.

"Yes, my dear. That's how they keep the intactness of themselves. May kaniya-kaniyang mundo ang mga babae. Si Theo ay isinubsob na ang sarili sa airlines bagay na halos ayaw niyang pamahalaan noon subalit ngayon ay doon na yata umikot ang mundo niya. While our teenage daughter doesn't care anything surrounds her as long as they give what she wanted," saad ni Aries Dale.

Sa narinig ay napangiti si Leonora. Ayon sa biyanan niyang babae ay ganoon din daw ito noong kapanahunan. Kahit noong nag-asawa na ay hindi mawala-wala ang toblerone. Miss Tobleron nga raw ang tawag dito ng kapatid. Nag-aaral na rin ito sa kolehiyo at masasabi nilang mas tumitibay ang kanilang pagmamahalan. Iyon nga lang ay talagang nawawalan na sila ng pag-asang makitang muli ang isa pa nilang anak. Ang ipinagkait ng tadhana sa kanila. Kaso bago siya makapagsalita ay inunahan siya nito.

"Alam mo bang minsan ay naiisip ko kung ano kaya ang hitsura ni Theodore ngayon? Kung nagaya ba siya sa mga kambal niyang mainitin ang ulo o may trademark din siya bukod sa pagkakilanlan natin sa kaniya. Noon ay lagi kitang inaaliw upang huwag malungkot dahil sa kaniya ngunit kung kailan may edad na tayo ay saka pa niya ako laging dinadalaw. Hindi natin siya nakasama dahil sa pag-aakalang talagang patay siya noon. Ngunit ang mukha niya sa video noong itinakas siya ng nurse ay hinding-hindi ko makakalimutan," pahayag nito kasabay nang pagtanaw sa malayo.

Kaya naman ay tumayo siya saka lumipat sa tabi nito saka siya yumakap. Ramdam na ramdam niya ang bigat sa dibdib nito. She and her husband did their best for the future of their family. At masasabi nilang nagtagumpay silang ibigay sa kanilang mga anak ang the best. Tanging sina Hugo at Eleonor na lamang ang nag-aaral. Dahil nasa ikalawang taon pa lamang ng kolehiyo ang bunso nila samantalang si Hugo ay tapos at CPA na ito subalit sumunod sa yapak ng amang CPA/lawyer.

"Malamang baliktad ang earth na naman ang sasabihin ng mga anak natin kapag marinig nila nag usapan natin. Dahil noon ay talagang nawalan na ako ng pag-asang makita pa natin siyang muli. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay ibang-iba ang pakiramdam ko. Ayaw kong umasa subalit makulit ang damdamin ko. May bumubulong sa damdamin ko malapit na nating makasama si Theodore. As you always says to me way back then, don't give up on him. Dahil panahon ang naging daan kaya't nawalay siya sa atin kaya't sigurado akong panahon din ang magiging tulay upang makapiling natin siya," aniya habang nakayakap dito.

Hindi na sumagot si Aries Dale bagkus ay gumanti siya nang yakap sa asawa. Tama nga naman ito dahil madalas nga silang kantiyawan ng mga anak na baliktad ang earth. Dahil talagang switched na nag mundo nila. Mas naging emosyonal na siya samantalang pilit nitong nilabanan ang sarili.

Samantala...

"Ngayong nagtapos ka na sa pag-aaral mo, dumaan ka na rin sa training bilang Navy Seal at kasapi ka na rin sa Interpol Madrid. Wla ka naman sigurong masabi dahil sinunod ko ang lahat ng gusto mo. Kaya't oras na rin upang harapin mo ang tunay mong mundo o ang misyon mo," ani Mr Howard isang hapon na nagpang-abot silang dalawa sa unang palapag ng bahay nila.

"Huwag kang mag-alala dahil may isa akong salita. Tutuparin ko lahat nang binitawan kong salita. At isa pa ay hindi ka pa rin maniniwala sa akin samantalang ilang taon na akong tagatumba sa mga kalaban mo kapalit nang pang-aaral ko," sagot ni Lance.

Kahit sa kaloob-looban niya ay ito ang gusto niyang patayin. Subalit kailangan niyang magtimpi dahil kulang pa ang kakayahan niya upang ito ang ibagsak niya. Nagsisimula pa laman siya sa kaniyang career at hindi niya iyon sisirain. At kung mamatay man siya habang nasa misyon ay sisiguraduhin niyang isasama niya ito sa kabilang buhay.

"Very well said, Lance. Since that you understand me very well, here take a look on this mission of yours. She is the last child of the business magnet here in Madrid. Hindi lamang iyan, bilyonaryo ang taong iyan kaya't napapalibutan ng mga guwardiya. Dahil inside and out of Europe ang negosyo nila. But that child is still studying. At nasa iyo na rin kung paano mo isasagawa ang iyong misyon. As the other mission that you did, it's fully package. You have your own allowance while you are executing your mission. Remember, this mission of yours is the key for you to have full authority to all the wealth that your parents left behind," muli ay pahayag ni Mr Morgan.

"Nasabi ko na sa iyo ang, Uncle Morgan. May isa akong salita kaya't siguraduhin mo lamang na tutupad ka sa ganoon ka rin. Kahit hindi mo iyan ulit-uliting sabihin sa akin ay gagawin ko. Dahil ako at ako lamang ang may karapatan sa ari-arian nina Mommy at Daddy. Ngunit masyado kang gamahan. Sarili kong kayamanan ay ginawa mo pang bidding." Kabastusan man subalit hindi na niya napigilan ang sariling hindi ito respetuhin. Dinampot niya ang envelope na naglalaman ng panibago niyang misyon.

"Damn you, old man! Sige lang magsaya ka ngayon ngunit sisiguraduhin kong mapapatay kita balang-araw. Ipinagakait mo sa akin ang makasama sina Mommy at Daddy dahil sa kasuwapangan mo sa pera. Hayop ka!" Ngitngit niya habang papalayo sa kinaroroonan ng alipores ni Satanas.

Ang hindi niya alam ay habang papalayo siya sa kinaroroonan nito ay nakasunod ang paningin niya. Binabalot ang buong mukha ng mala-demonyong ngiti. Ngiting animo'y nagtagumpay pa.

"Sige lang, Lance. Kumagat ka sa huli mong misyon. Hindi mo lang alam na hinuhukay mo ang sarili mong libingan," bulong ni Mr Morgan habang nakasunod ang paningin sa binatang papalayo sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status