LOGIN
XYLA LOPEZ POV’s
Hindi kuna mabilang kung ilang beses akong napabuga ng hangin matapos bayaran ang mga utang ko.
Sa wakas makakatulog na ako ng mahimbing ngayong gabi pero kailangan ko pa’ring kumayod para may pangbayad ako ng renta sa boarding house at pang bayad ng kuryente at tubig.
Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kung plastic bag ng makakita ng magkasintahan sa gitna ng daan na sweet sa isa’t-isa.
Ano ba 'yan, ang sakit n'yo sa mata!
"Hindi ako normal na babae katulad ng iba. Pera lang ang laman ng puso’t-isip ko, wala ng iba pa”bulong ko sa sarili.
Bata palang ako, iniwasan kuna ang magkaroon ng pantasya sa mga lalaki dahil para sa’kin ang kumita ng pera ang kailangan kung pag-ukulan ng pansin. Walang puwang sa’kin ang umibig at kung ano pa ‘man na hindi naman ako makikinabang.
Pilit akong ngumiti at nagsimula ng maglakad pauwi sa bahay.
Minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaedad kung mayayaman bakit sila pinalad na ipinganak sa mayamang pamilya? Samantalang ako, minalas at ipinanganak sa napakahirap na pamilya?
Napahinto ako sa paglalakad ng mag vibrate ang phone ko. Kaagad kong binasa ang text message ng kaibigan kung nagta-trabaho sa bar.
Halos mapatalon-talon ako sa sobrang tuwa ng may trabaho siyang inalok sa’kin kaya kaagad ko siyang pinuntahan.
“Grabe, basta talaga pera ang usapan mas mabilis kapa kaysa kay flash”bungad na sabi sa’kin ng kaibigan kung si Cheery.
Malawak naman akong ngumiti sa kaibigan.
“Syempre, pera lang ang buhay ko, e”nakangiti ko pa’ring sabi ko kaya napasimangot siya.
“Hayst. Siguro kahit sa panaginip, pera ang laman ng utak mo 'no?Magpatingin kana, Xyla. Masama na ‘yan”iling-iling na sabi niya.
“Nga pala,hintayin muna lang dito si Mr
Monterroyo.Kailangan niya ng driver dahil hindi siya makapag-drive sa sobrang kalasingan”dagdag na sabi nito.
“Mr.Monterroyo?As in ‘yong may-ari ng Imperial Motors? ‘Yung nakikita natin sa magazine na Bilyonaryo?”gulat na sabi ko.
Ngumiti si Cheery tumango pagkuwa’y inakbayan ako.
“Oo,kaibigan niya ang may-ari nitong bar na si Sir Zion”anito.
“Wow, hindi ako makapaniwalang ipag-di-drive ko ang Billionaryong ‘yon. Paano kong mabanga ang sasakyan n’ya? Ah, syempre hindi ‘yon mangyayari dahil hightech ang sasakyan n’ya di’ba?”baling kong tanong sa kaibigan.
“Baliw”bulong n’ya at napailing-iling ng ulo habang nakatingin sa’kin.
Inalis ko ang mga braso niyang naka-akbay sa’kin at umupo sa stool pagkuwa’y inilibot ko ang paningin sa buong lugar.
Isa ito sa mga luxury bar na napuntahan ko,hindi bilang isang customer kundi bilang trabahante.
“Cheery. Nasan na ‘yung kaibigan mo?”
Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa likod ko.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at bumati sa bossing ni Cheery.
Matangkad ito, moreno at malakas ang sex appeal kaya hindi na ako magtataka kung marami ang babaeng umiyak sa lalaking 'to.
"Siya po ang kaibigan ko. Si Xyla”pakilala sa’kin ni Cheery sa boss n'ya.
Kaagad naman akong ngumiti at muling bumati sa binata ng balingan n'ya ang ng tingin.
“Mayroon kang driver license?”seryusong tanong nito.
Tumango ako at kaagad na ipinakita ang driver license ko. Napasimangot ako nang kunan niya pa ‘yun ng picture bilang paninigurado.
“Ito ‘yung susi ng sasakyan,maghintay kana lang muna sa parking lot”utos sa’kin ng boss ni Cheery sabay bigay sa’kin ng susi.
Nagpaalam na ako kay Cheery nang kunin ko ang susi at dali-daling nagtungo sa parking lot.
Nakailang sipat ako sa suot kung relo habang hinihintay si Mr.Monterroyo.
“Ba’t ang tagal ng lalaking ‘yun?”bulong ko sa sarili.
Gusto kunang umuwi para magpahinga. May pasok pa ako bukas ng maaga at may gagawin pa akong research paper.
Nangunot ang noo ko ng may makitang paparating na lalaki na may kasamang babae.
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng makitang maghalikan ang mga ito.
“At dito pa talaga nila napiling gawin ‘yan? Nasaan na ba kasi ang lalaking ‘yun?!”inis na sabi ko habang pinapadyak ang paa.
Napaiwas ako ng tingin nang makita kung gaano ka wild ang paghahalikan ng babae at lalaki.
“Jusko naman! Bakit kailangan kong ma-witness ang ganitong pangyayari?”bulong ko sa sarili.
“That’s enough for now. Let’s move to my place”rinig kong sabi ng lalaki sa kahalikan niyang babae.
“Sure. I think this gonna be fun”malanding sabi ng babae sabay haplos sa dibdib ng lalaki.
Napairap ang mga mata ko habang nakatingin pa’rin sa ibang direksiyon.
“Ikaw ba ‘yung driver?”
Napabaling ako ng tingin sa lalaking nagtanong sa'kin. Kasama parin nito ang babaeng kahalikan n'ya na tila linta kung makayakap sa lalaki.
"Ibinigay na sa’yo ang susi?”tanong pa nito.
Teka, s'ya ba ang ipag-di-drive ko? Napatitig ako sa mukha nito, Oo nga pala s'ya ang Bilyonaryong si Elezear Monterroyo, hindi naman pala s'ya kagwapuhan sa personal.
“So, what are you waiting for? Open the door”utos nito.
Wala akong imik na pinagbuksan sila ng pintuan bago ako nagtungo sa driver seat.
Halos hindi ako makahinga habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Paano ba naman ako mapapanatag kung halos mag sex na ang mga taong nasa likuran? Kulang na lang maghubaran sila ng damit. Jusko naman!
Napapikit ako ng marinig ang pag-ungol ng babae. Napabuga ako ng hangin at itinigil ang sasakyan sa tabi dahilan upang matigilan sila sa kalandiang ginagawa.
“Aalis na ‘ko. Kung gusto niyong ituloy ‘yan dito sa loob ng kotse, ituloy niyo na. Bahala kayo”inis na sabi ko sabay labas sa mula sa driver seat.
Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Kung gusto nilang mag sex pwede naman pero sana kahit kunti nahiya naman sila.
"What are you doing?!”inis na tanong ni Mr. Monterroyo nang lumabas ito mula sa sasakyan.
Napabuga ako ng hangin at lakas loob itong hinarap.
“Yung bayad mo? Huwag mong sabihing hindi mo ako babayaran? ‘wag kang kuripot bayaran mo ‘ko total pinag drive naman kita”paniningil ko sa kaniya.
Mas lalo akong nainis nang tumawa siya. Nakakabwesit! Sarap niyang sapukin.
“Bayad? Seriously?”natatawa niya pa’ring sabi.
"Ano bang nakakatawa? Nagmumukha kang tanga sa ginagawa mo, e”inis na sabi ko saka siya tinalikuran at naglakad ng mabilis.
Nakakainis, wala man lang akong nakuhang pakinabang sa gabing ito.
Ayaw na ayaw ko pa naman na nape-perwesyo ang oras na walang perang naipapasok sa bank ko.
*****
Maaga akong nagising kinabukasan, kailangan ko pa kasing pumasok sa cafe na pinagta-trabauhan ko bilang part timer.
“Hindi ka man lang ba magpapahinga? May day off ka naman, huwag mong sagarin ang sarili mo sa kakatrabaho”pahayag ni Cheery.
Bumuga ako ng hangin at panandaliang itinigil ang pagpupunas ko ng mesa.
“Ang mahirap na katulad ko walang karapatang magpahinga”sagot ko sa kaniya pagkuwa’y ipinagpatuloy na ang pagpunas ng mesa.
“Huwag kanang mag-alala, okay lang ako”nakangiting sabi ko sa kaibigan.
"Nababadtrip lang ako sa mayaman na 'yun"tukoy ko sa Monterroyo na 'yun.
Natawa naman siya. "Gutom lang 'yan, tara kumain tayo"
Malawak akong ngumiti saka tumakbo papunta sa kwarto niya
"Hoy, hintayin mo nga ako!"sigaw ni Cheery kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagkatakbo ko kaagad naman s'yang nakasunod sa'kin at kiniliti ako sa tagiliran kaya gumati 'din ako.
Sa bar ako dumiretso ng pagkagaling ko sa school. Ang saya-saya ko dahil lahat ng nireview ko ay naalala ko kaagad sa exam kanina kaya hindi na piga ang utak ko.Nagbihis ako at pumunta sa VVIP room 3.Napakagat-labi ako ng madatnan si Mr. Monterroyo na mag-isang uminom.“Late ka”anito.“Hindi kaya, maaga ka lang dumating”pagdadahilan ko bago naupo sa single sofa na palagi kong inuupuan.“May iaalok ako sayong trabaho, h’wag kang mag-alala mataas ang salaray at libre lahat. Accomodation, pagkain at lahat ng needs mo basta siguraduhin mo lang na magagampanan mo ng maayos ang trabaho”pahayag nito sabay simsim ng alak sa kaniyang kopita.Nagtaka ako sa trabahong inaalok nito. Mataas ang sahod at libre lahat? Talaga bang may gano’n na trabaho o ini-scam n’ya lang ako? Sabi kuna nga ba, e. Kaya pala mabait siya sa'kin 'nong nakaraang araw dahil may balak talaga siya saking masama. Baka nakitang malusog ako kaya n'yang ipa-harvest ang lamang loob ko? Jusko naman!“Minsan munang iniligtas an
Tulog na tulog si Mr.Monterroyo kaya hindi ko matanong kung saan ito nakatira.Ayaw ko naman s’yang gisingin dahil baka masapak n’ya ako ng wala sa oras dahil naniniwala ako sa kasabihang magbiro kana sa lasing h’wag lang sa bagong gising.Napasabunot ako sa buhok ko dahil nag try na akong mag search sa internet kung saan nakatita si Mr.Monterroyo pero walang impormation kong saan ba s’ya nakatira.“Saan ko naman s’ya dadalhin sa mga oras na ‘to?”tarantang sabi ko.Hindi ko naman s’ya pwedeng dalhin sa hotel dahil baka may makakita sa’min at isipin nila na may balak akong pagnasaan ang lalaking ‘to dahil dadalhin ko s’ya sa hotel nang lasing.Mabilis kong ipinaikot ang sasakyan. Babalik kami sa bar baka sakaling bukas pa ‘yon nang ganitong oras.Pwede naman ata s’yang matulog ‘don sa paborito n’yang kwarto na VVIP room 3.Gano’n na lang ang pagkadesmaya ko ng maabutang sarado na ang bar.“Anong gagawin ko?”tanong ko sa sarili pagkuwa’y nilingon ko si Mr. Monterroyo na himbing na himbin
Nangunot ang noo ko ng mag vibrate ang phone ko.Napangnga ako ng makitang nabawasan ng five thousand ang babayaran kong tuition sa school.Baka nagkamali lang ng account ang nagbayad? Nagpagulong-gulong ako sa maliit na kama ko dahil paano ko isasauli ang pera kung hindi ko naman kilala kong sino ang taong nag bayad ng five thousand sa account ko?Ano ba ‘yan! Imbes na matuwa ako dahil sa wakas nabawasan ang twenty thousand kong balance pero naguguilty naman ako.Alam ko kung paano paghirapan ang bawat sentimo kaya hindi ko pwedeng ipagpasalamat ang nangyari.“Xyla, nand’yan kaba? Si Cheery ‘to”pakilala ni Cheery sa sarili mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko kaya tumalon ako sa kama ko at mabilis na binuksan ang pinto.“Natanggap muna? Nabawasan ng five thousand ang balance mo”anito.“Paano mo nalaman ‘yon?”takang tanong ko.Malawak itong ngumiti. “Hiningi sa’kin ni Boss ang account mo, e. Tapos sinabi n’ya sa’kin na ididiposit n’ya ‘don ang five thousand na tip na natanggap mo mul
Naglalakad ako pauwi ng makita ang isang batang patawid sa kalsada.Napanganga ako ng makita ang kotse na paparating sa direksiyon nito kaya walang pagdadalawang-isip na tumakbo ako at niyakap ko ang bata bago pa ito masagasaan ng sasakyan kaso na out of balance ako kaya bumagsak kami sa semento.Pikit ang mga mata ko habang yakap ang bata at hinihintay na masagasaan kami ng sasakyan.“Gaven!...Gaven!”rinig kong sigaw ng lalaki habang patakbong papalapit sa’min.Tiningnan ko ang batang yakap-yakap ko. Tulala ito at hindi makapagsalita dahil siguro sa pagkabigla.“Gaven, wake-up”nag-alalang sabi ng lalaki bago kinuha sa’kin ang bata.Napatingin ako sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala si Mr. MonterroyoTumingin ito sa’kin at nagpasalamat.“Thank you for saving him”pagpapasalamat nito bago tuluyang inalayo sa’kin ang bata.Tumayo naman ako at nagpagpag ng damit na nadumihan.Napangiwi ako ng makita ang galos sa siko ko, mabuti na lang dahil hindi nasaktan ‘yong bata.T
XYLA LOPEZ POV’sHindi kuna mabilang kung ilang beses akong napabuga ng hangin matapos bayaran ang mga utang ko.Sa wakas makakatulog na ako ng mahimbing ngayong gabi pero kailangan ko pa’ring kumayod para may pangbayad ako ng renta sa boarding house at pang bayad ng kuryente at tubig.Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kung plastic bag ng makakita ng magkasintahan sa gitna ng daan na sweet sa isa’t-isa.Ano ba 'yan, ang sakit n'yo sa mata!"Hindi ako normal na babae katulad ng iba. Pera lang ang laman ng puso’t-isip ko, wala ng iba pa”bulong ko sa sarili.Bata palang ako, iniwasan kuna ang magkaroon ng pantasya sa mga lalaki dahil para sa’kin ang kumita ng pera ang kailangan kung pag-ukulan ng pansin. Walang puwang sa’kin ang umibig at kung ano pa ‘man na hindi naman ako makikinabang.Pilit akong ngumiti at nagsimula ng maglakad pauwi sa bahay. Minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaedad kung mayayaman bakit sila pinalad na ipinganak sa mayamang pamilya? Samantalang ako, minala
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






