Share

KABANATA V

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2024-08-30 15:24:06

HINDI mapakali si Isabelle habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test. She was inside the toilet in a clinic for her check up.

Nauna na niyang ginawa ang STD test the day after the family dinner with the Villanueva's. At negative naman siya sa kahit anong virus kaya nakahinga na siya nang maluwag.

Dalawang linggo naman ang pinalipas niya para sa pregnancy test. And as she was staring on the test kit, ramdam niya ang panlalamig ng mga palad niya. Kahit ang sikmura niya, parang sobrang lamig na gusto niyang sumuka.

And when the two lines becomes red, hindi niya alam kung ngingiti ba siya o iiyak. It was a mixed emotion. Hindi naman niya itinuturing na pagkakamali ang gabing iyon. It was her most memorable memory of her life. Kaya hindi rin niya ituturing na pagkakamali ang magiging bunga.

Malalim siyang huminga bago dinampot ang maliit na aparato na nakapatong sa gilid ng lababo. Tiningnan muna niya ang sarili sa salamin bago muling huminga nang malalim, saka lumabas ng banyo.

"It's positive, Doc." Inabot niya sa ob-gyne ang pregnancy test saka naupo sa visitors chair na nasa kaliwang harapan ng mesa ng manggagamot.

"Congratulations, Ms. Osorio." Inabot ng doktora ang kanan nitong kamay para kamayan ang dalaga na mabilis ding tinanggap ni Isabelle. "All right. Since you have already said that your sexual intercourse happened two weeks ago..."

Her ob-gyne discussed about pregnancy thing. At base sa computation nito halos nasa dalawang linggo na ang ipinagbubuntis niya. She gave her prescription for vitamins that she has to take, and the possible symptoms for the first trimester of her pregnancy. Pinababalik din siya nito after two weeks for another check-up, at doon daw siya iu-ultrasound.

Malalim siyang huminga nang makaupo sa driver's seat. Hindi agad siya umalis sa parking lot ng establishment. She was tapping her fingers on the steering wheel as she was thinking what she has to do next.

Confirmed that she's pregnant. Malamang na dugo palang ang nasa sinapupunan niya, but the fact that there is a new life inside her womb made her overwhelmed. Nabuntis siya nang hindi naikakasal. Nabuntis siya ng lalaking hindi niya kilala.

And it seemed like history repeat itself. Nangyari sa kaniya ang iniiwasan niyang mangyari dahil ayaw na sana niyang maulit ang nangyari sa mommy niya at sa kaniya.

She's an unwanted child. Bunga ng isang gabing kapusukan ng ama't ina na may sari-sarili namang pamilya. Kaya sa halip na maging blessing para sa dalawang taong bumuo sa kaniya, nagmistula siyang kahihiyan para sa mga magulang.

Malalim siyang napabuntonghininga. Magkapareho man sila ng kapalaran ng sariling ina, hinding-hindi naman niya ituturing na malas ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

Nang makapag-isip ay dinampot niya ang cellphone na nasa mini compartment sa ilalim ng dashboard. She dialled Sabrina's number.

"Hmmm?" ungot ng kapatid na mukhang nagising niya sa pagtulog.

"Hey, sleepy head. It's already one," bati niya.

"What do you want? I just slept two hours ago, bitch," pagtataray ni Sabrina.

Napailing na lang si Isabelle. Sabrina is already 23. Loves to party kaya hindi na siya nagtaka na inumaga na naman ito ng uwi. It was Saturday, kaya malamang ma nag-night out ito till morning.

"Fine. I just want to know the man's name," sagot niya.

"Man?"

"The man in my party. Please, Sab. What is his name and where can I find him?"

"Why suddenly you want to know?"

"I'm pregnant. I just had my check up."

Dinig ni Isabelle ang pagmumura ni Sabrina sa kabilang linya. Sanay na siya sa pagiging mean ng kapatid, hindi sila super close but somehow, they are treating her as her sister. Matabil lang talaga ang dila nito.

"You are really stupid," iritado nitong saad. "Bakit kailangan mo pang malaman? I thought Franco is fine with it?"

Bumuntonghininga siya habang nakatitig sa unahan ng sasakyan. "Wala naman sigurong masama kung ipaalam ko sa kaniya na nagbunga iyong unsafe sex namin, Sab."

"Duh, may sinabi ba akong masama? Ang tanong ko is bakit kailangan mo pang kilalanin iyong lalaki? Brain on earth, Isa!"

Hindi talaga maintindihan ni Isabelle kung bakit lately nagiging mainitin ang ulo sa kaniya ni Sabrina. Bigla-bigla na lang nagbago ang pakikipag-usap nito simula nang matapos ang bridal party niya.

"I-I just want him to know."

"Tapos? Are you expecting na pananagutan ka niya para makawala ka sa kasal ninyo ni Franco? My goodness, Isa! Iyong tao na ang mag-a-adjust sa iyo, oh, choosy ka pa!" giit ni Sabrina, halata sa boses nito ang pagkawala ng antok, at nangingibabaw na ang inis sa kaniya.

"H-hindi naman, Sab. It's just that... alam mo naman kung saan ako nanggagaling, di ba?" She was born na ang kinilalang ama ay ang asawa ng mommy niya.

But things suddenly change nang muntik na niyang mapatay noon ang kapatid niya. It was an accident. She was just five. Her baby younger sister was nonstop crying. They were in the room at the second floor. Kinarga niya ito at ibababa sana sa first floor kung nasaan ang mommy nila. Pero nagkamali siya ng paghakbang. And to prevent her from falling, humawak siya sa barandilya ng hagdan, but her small hand couldn't carry a baby, nabitiwan niya ito.

Galit na galit ang kinikilala niyang ama at ang mommy niya. Sa galit nito, pinaaalis siya nito sa bahay nila. She was just five, and her mom doesn't have a choice but to choose to give me to Arnulfo Osorio, her biological father, na noon lang niya nakilala.

Wala itong alam na may anak ito sa ibang babae. Kung hindi lang daw sa DNA result na ipinakita rito ng mommy niya, hindi sana ito maniniwalang anak siya nito.

Dinig niya ang marahas na buntonghininga ng kapatid sa kabilang linya. "Fine! Sa Blissfull Nightclub. Look for Jackson. Bartender siya do'n. And please, Isa, use your brain. Bukas na ang kasal mo." Iyon lang at naputol na ang linya.

Mabilis niyang pinaandar ang makina. Minsan na siyang nakapunta sa nightclub na iyon kasama ang mga kapatid. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Kabado siya na excited sa hindi malamang dahilan. Kailangan pa niyang pakalmahin ang sarili para lang hindi madisgrasya sa pagmamaneho.

Bukas na ang kasal niya kaya hindi niya puwedeng ipagpaliban ito. Gusto lang niyang kausapin ang lalaki para ipagbigay alam dito ang kondisyon niya. Wala naman siyang ibang lalaking nakatalik. Ito ang una at huli niya. At kung hindi man siya nito panindigan, ayos lang. Ang mahalaga, alam nito.

Paano kung gusto nitong panagutan ang pinagbubuntis niya?

No... hindi siya aasa.

Mula Laguna kung saan niya kinita ang kliyente niya, bumiyahe siya nang halos tatlong oras pabalik ng Maynila. Mag-a-alas sais na ng gabi nang maiparada ang sasakyan sa parking lot ng establishment.

Alas sais nang pasukin niya ang club. Hindi pa masiyadong matao pero may mangilan-ngilan nang clubber ang naroon. Banayad palang ang tugtog na maririnig sa sound system, at hindi pa gaanong mausok.

Dumiretso siya sa counterbar and he saw a man in his black fitted shirt showing his protruded muscles and tattoos. Abala ito sa pagpupunas ng countertop table.

Nilakasan niya ang loob bago lumapit. "Hi," bati niya rito.

Natigil ang lalaki at pumaling sa gawi ni Isabelle at matamis na ngumiti na nagpakita sa maputi at perpekto nitong nga ngipin.

"Hey there, pretty! How may I help you?" magiliw nitong bati.

Matiim na pinakatitigan ni Isabelle ang lalaki. Hindi niya nakita ang buong mukha ng lalaking nakabuntis sa kaniya dahil sa half mask na suot niyon. But she was familiar with the eyes and lips of that man, at iyon ang hinahanap niya sa kaharap.

Jackson's eyes were deep and intense. Hindi tulad ng lalaking kaharap, alanganing bilugan, alanganing singkit. And Jackson's lips were wide heart-shaped, but this man has fuller upper lip.

Hmmm, maybe he's not Jackson. "I-I was looking for Jackson," aniya rito.

Lumiwanag lalo ang mukha ng lalaki bagama't may pagtatakang mababanaag sa mga mata nito. Hinubad nito ang itim na gloves sa kanang kamay sa inilahad ang palad kay Isabelle.

"Jackson at your service, lady," pagpapakilala ng binata.

Napaawang ang bibig ni Isabelle, saka pinakatitigang maigi ang lalaki. "Isabelle." Hindi inaalis ang tingin na tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

Isabelle couldn't really see Jackson's resemblance to the man she had a night with. Pero hindi rin naman siya sigurado since natatakpan ang kalahati ng mukha nito nang gabing `yon.

"I'm pregnant," saad pa niya matapos bawiin ang kamay rito.

Bahagyang napapaling pakaliwa ang ulo ng lalaking nagpakilalang Jackson. Kunot-noong saglit na tumingin sa ibaba bago tiningnan ang dalaga. "So, you are not allowed to drink alcoholic beverages. What do you prefer to drink, milkshake or juice?"

"Ikaw ang ama," sa halip ay sagot ni Isabelle.

Nandilat ang mga mata ni Jackson at bahagyang napailag ang ulo patalikod. "W-wait up, lady. That's a false accusation. I don't remember having sex with you. And if ever, I always used condoms," nakangiwing tanggi nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Marylou S. Fernando
Baka Naman Jackson Franco Ang name ni Franco
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
hahahaha isabelle wag mong biglain si jackson at baka mahimatay yan
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Mali KC pagkaintindi mo Isabelle ibig cguro sabihin ng kapatid mo si Jackson ang tatanungin mo thanks Ms Eryl SA update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA XLVII

    "LETS proceed, kailangan na natin magmadali. Sir, kailangan naming kunin ang dugo ninyo para sa cross-matching," ani ng doktor.Walang imik na sumunod si Franco sa doktor. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay maligtas ang anak nila ni Isabelle. Iniisip niya na maaaring ito ang paraan upang bigyan siya ng pagkakataon upang magpaliwanag at mapatawad ng dalaga.Pagkatapos isagawa ang cross-matching, dinala siya sa pribadong kuwarto kasama ang anak nila ni Isabelle. Nasa kabilang bed ang bata, halos isang dipa lang ang layo nila sa isa't isa. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang anak at tinititigan ito nang mabuti. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ito dahil hindi maitatanggi na anak niya ang bata dahil parehas sila ng hugis ng mukha at pati ang tangos ng ilong ay namana sa kanya."My daughter," bulong niya, at nang mga sandaling iyon ay tumulo ang kanyang mga luha.He is longing with his child, especially with Isabelle. He is hoping that this deeds is the passage to get close wit

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA XLVI

    TULOY-TULOY na naglakad si Franco papunta kay Isabelle. Nagngingit naman sa galit si Olivia habang tinitingnan niya si Franco. Umupo pa ito sa tabi ng kapatid at hinagod-hagod ang likod. "He is good in acting," angas ni Olivia at tsaka umalis. Sinundan naman ni Clint ang dalaga. Sigurado ang binata na galit ito. Hindi naman gusto nitong sabihin kay Franco ang tungkol sa nangyari sa isa sa mga kambal, nagkataon lang na nasa tahanan sila ng mga magulang nila upang maghapunan. Samantala, si Sabrina, katulad ni Olivia, ay masama ang tingin kay Franco. Tinanggal nito ang kamay ng binata sa likod ni Isabelle at tsaka niyakap ang kapatid. "You better leave, hindi ka kailangan ni Isabelle," ani ni Sabrina. Napangiti si Franco ngunit kita sa mukha nito ang pagkadismaya sa inasal ni Sabrina. "It seems you and Olivia are angry with me. But, I'm sorry—hindi ako aalis. Isabelle needs me at kailangan ako ng anak ko," mariing saad ni Franco. "Hindi mo kailangan magpaka-ama sa kambal. H

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   Chapter XLV

    OLIVIA was staring at the ceiling, thinking about what happened between her and Clint. That kiss was like a lightning storm running through her veins. The moment Clint brushed his lips against hers, she didn't complain. She just let him kiss her. But that shouldn't have happened. Bakit hinayaan niyang mangyari iyon? Dapat hindi siya pumayag; ayaw niyang may isang Osorio na naman ang napapaikot ng mga Villanueva. "No! Hindi pwedeng mangyari ito." Pabalikwas siyang bumangon at naupo sa kama, tsaka humugot ng malalim na buntong-hininga. "What is happening to me? Bakit hindi mawala sa isip ko ang mga halik ng lalaking iyon!" Inis na tumayo siya at pinagmasdan ang buong siyudad mula sa itaas ng condominium na tinitirhan. Habang pinagmamasdan ang buong siyudad mula sa itaas ng condominium, napansin niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot ang tawag. "Olivia, I've been calling you many times and you didn't answer my call. Where the hell are you?" Galit

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA XLIV

    ISANG BUWAN ang binigay na palugit ni Olivia kay Clint upang suyuin siya. Araw-araw naman itong pinaparamdam ng binata. Mula sa maagang mensahe hanggang sa paghahatid ng kanyang paboritong kape tuwing umaga, na sinasamahan ng isang pirasong rosas at love notes. Kahit abala sa trabaho, laging may oras si Clint para sa kanya. Sa gabi naman ay lagi itong nakabantay sa paglabas niya sa opisina upang ihatid siya sa condominium na kanyang tinutuluyan. May pagkakataon na bigla na lamang siya nakatingin sa kawalan habang bumabalik sa isip niya ang pagpupursige ng binata upang makuha ang kanyang matamis na oo. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging teenager dahil sa ginagawa ng binata sa kanya; kung minsan ay napapangiti na lang siya nang walang dahilan. Kung pwede nga lang na tumili siya dahil sa kilig—pero hindi niya gagawin 'yon. Siya si Olivia Osorio: tough, firm, reserved, at isang babae na naniniwala na ang "true love" ay hindi umiiral. Palabas na siya ng opisina nang marinig ang

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA XLlll

    NAPATIGIL ang mundo ni Olivia ng mga sandaling iyon. Ang galit at pagdududa ay biglang naglaho, napalitan ng isang init na hindi niya maipaliwanag. Ang mga halik ni Clint ay parang apoy na kumukulo sa kanyang buong katawan, nagpapatibok ng puso niya nang mabilis at nagpapalabo ng kanyang isipan. Nang mga oras na iyon, hindi niya alam kung susundin ang kanyang isipan. Hahayaan niya bang malunod siya sa mga halik ng binata o mananaig ang prinsipyo niya, na wala ng Osorio na muling iibig sa isang Villanueva? Mas lalong idiniin ng binata ang mga halik sa kanya; siya naman ay parang istatwa lamang na nakatayo at hinahayaan ang ginagawa ng binata. Ang totoo ay nagugustuhan niya ito habang tumatagal. Hinapit ni Clint ang beywang niya, walang pakialam kahit pinagtitinginan sila ng mga tao sa loob ng coffee shop. Umugong ang bulong-bulungan, at ang mga mata'y nakatuon sa kanila. Nang huminto si Clint, hinihingal sila pareho. Ang mata ni Olivia ay puno ng pagtataka at kaba. "Clint," usal n

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA XLII

    NAPAKUNOT ang noo ni Olivia nang makita ang isang pirasong rose na nakapatong sa kanyang table. Kinuha niya ang rosas at bahagyang idinikit sa kanyang ilong at nilanghap ang amoy nito. She's sure it came from Clint. Wala naman ibang magbibigay sa kanya ng bulaklak kung hindi ang binata lamang."Ahm, excuse me... napansin mo ba kung sino ang naglapat nito sa table ko?" tanong niya kay Matilde na kasama sa cubicle. "Nope, nandiyan na 'yan pagdating ko. Naku, girl, may suitor ka na!" panunukso nito."Shut up... baka nagkamali lang ng taong pagbibigyan," tanggi niya kahit alam niyang kay Clint ito galing,sabay buntong-hininga niya at inilagay ang rose sa empty bottle water, na nakapatong sa mesa."Hay... malay mo naman, isa sa mga katrabaho natin. Kapag nagyaya ng date, patulan mo na para magka-lovelife ka na," pambubuyo ni Matilde."Tumigil ka nga," saad niya na natatawa ngunit hindi maitanggi ang pagkairita sa kanyang boses."Hay, kung sino man 'yang manliligaw mo, ilalakad ko siya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status