Ang lawak ng ngiti ni Lucas nang dumating siya sa wakas ng San Mateo. Dala niya ang paboritong pickled radish ni Ffion at nagdala rin siya ng tatlong araw na pamalit na damit. He'll staying in Villa for 3 days. Mag-uusap sila ni Ffion. Hindi siya mapakali sa kaniyang office after Ffion called him and crying.Oo, wala siyang pag-asa sa babae. Matagal ng walang pag-asa at tanggap niya na ito. Pero sa tuwing umiiyak si Ffion, umiinog ang kaniyang mundo. Hindi siya ang tipo ng taong uupo lang sa isang tabi at hahayaan ito.No. Kailangan niyang makausap ito. Uuwi lang siya ng Maynila kapag nasigurado ni Lucas na nasa maayos ang lahat. We need to talk Ffiona. May hinala na ako pero ayukong pangunahan ka. I need to hear you out. Naging seryuso ang kaniyang mukha habang binabaybay ang daan papuntang Villa.Gumaan ang pakiramdam ni Lucas nang matanaw ang bakuran ng Villa. Tila nawala ang pagod niya mula sa pagmamaneho. Para itong paraiso ng mga bulaklak at orchids. Kaya siguro isa ito sa na
Hindi siya umuwi nang gabing iyon. Namalayan na lamang ni Ffion na ansa bahay siya ni Manang Minda at Manong Lito. Kinakausap siya ni Manang Minda pero sabog ang kaniyang utak. Wala siyang maisagot na matino.Kaya hindi na siya pinilit ng matanda na umuwi ng Villa at hinayaan siyang manatili sa gabing iyon sa bahay ng mga ito."Talaga bang okay ka lang dito Ineng?" Tanong ni Manang Minda nung dalhan siya ng unan at kumot sa kabilang silid. "Opo. P-pasensya ho Manang kung dumito muna ako. Sadyang... Sadyang ayuko lang makita si Ivony at Adi." Tila may buhangin ang kaniyang lalamunan at nahirapan siyang lumunok. Masakit. "Oh siya, pasensyahan mo na at hindi karangyaan ang bahay namin, ha?"Ngumiti lang siya. Lumabas ito at hinayaan siya kung papatayin niya ba ang ilaw ng kaniyang silid o hindi. Yari sa amacan at semento ang bahay ng mag-asawa. Bungalow style. May tatlong silid. Isa para sa dalawang mag-asawang matanda at ang dalawa ay para sa anak ng mga ito. Para kay Ffion, okay nam
"What are you trying to say?""What I'm trying to say?" Natatawang tanong nito. "Tanungin mo ang asawa mong si Ffion. Baka sakaling masagot niya kung bakit naging ganito ka.""Huwag na huwag mong madamay ang asawa ko rito. Ngayon-ngayon din ay kaya kitang ipadampot ng pulis, Lorenzo. Binabalaan kita." Nagtagis ang kaniyang bagang. Kung may nakikita lang si Audric, baka naundayan niya na ng suntok ang lalaki."Ipapadampot mo pa kaya ako kung malalaman mo ang buong katutuhanan?""A-anong ibig mong sabihin?""Handa ka na ba? Walang magagalit, ah?"Napakuyom ng kamao si Audric. Bakit hindi niya nagugustuhan ang takbo ng usapan ngayon? May dapat ba siyang malaman laban kay Ffion? Kay kumudlit ng kaba sa sulok ng kaniyang dibdib."Si Ffion... Si Ffion ang nag-utos sa 'kin na bulagin ka. Siya ang nagbigay ng chemical na siyang binomba ko sa mata mo sa kotse mo ng araw na iyon. Si Ffion na asawa mo... Na obsessed na obsessed sa 'yo..."Fuck! Ffion?!HINDI MAPAKALI si Ffion sa kinauupuan. Para
KAHARAP NI Audric ang sarili sa malaking salamin dingding ng kaniyang opisina kung saan nakikita niya ang kaniyang sariling repleksyon. Bumalik na siya sa pamamahala. Natuloy ang paglipat sa kaniya ng titulong presidente at maraming natuwa sa bagay na iyon pero hindi siya.Hindi ito ang kaniyang gusto pero ito ang linya ng kaniyang angkan kaya dapat niya itong panindigan. Kung ang kapatid niyang si Amazi ang agad niyang pahahawakin nito, mangangapa ang lalaki. Mahihirapan ang kompanya at mapupunta sa iba ang pinahirapan ng kaniyang Ama."Kuya! I'm glad you are finally back."Napangiti siya nang makita si Amazi. Lumapit ito sa kaniya at mahigpit siyang niyakap."Kailangan. Maraming nakaka-miss na mga papeles sa table ko.""Sinabi mo pa. Maraming investors na gusto sanang pumasok pero nung malaman nilang hindi ikaw ang namahala, umatras." Natatawang saad nito. "They want your charm kuya.""Gwapo kasi ako.""Mas gwapo ako!""Oy anong mas gwapo ka, mas gwapo ako ulol!"Sabay silang napali
"Hi babe! Nagluto na ako ng dinner para sa 'tin, uuwi ka ba?"Ito ang bumungad kay Audric by nung tawagan siya ni Ivony. Nasa office pa rin siya, nag-review ng mga papeles bago permahan. Gabundok din ang taas ng mga dokumento sa kaniyang mesa."No.""But naglaan ako ng time para magluto kahit hindi ko hilig magluto, babe!"Napabuntong-hinga siya."Hindi lang ako ang may gusto na makasabay ka, pati ang anak mo sa sinapupunan ko."Natigil ang kaniyang kamay sa pagpeperma. Sandali siyang napasandal sa kinauupuan at napahugot ng hangin."Ginagawa mong rason ang anak ko.""Kaya umuwi ka para sabay tayo mag-dinner, okay?""Okay." Saka walang sabi na pinatay ang tawag. Hindi na hinayaan ni Audric na humaba pa ang usapan nila ni Ivony.Mahal niya pa rin ito. Gano'n naman talaga siguro ang puso, hindi agad nakakalimot ng taong minahal. Pero natuto na si Audric. Natuto na ang kaniyang puso na pahalagahan ang sarili.Hindi niya na ibubuhos lahat ng pagmamahal niya sa isang tao. Masasaktan lang
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Ivony. Sa wakas, nararamdaman niya na rin na bumabalik na si Audric sa kaniya simula nung umalis at lumayas ang walang-hiyang Ffion na iyon sa kanilang buhay.Nagagalak siya na wala na ang babae at solong-solo niya na ang lalaki. Isa pa, umalis na rin sila ng Villa at bumalik sila sa Maynila na mas labis niyang kinatuwa.Nakakabaliw sa probinsya. Dito sa Maynila, isang swipe lang ng kamay sa iPhone niya, nasa harapan niya na ang kaniyang inorder mula sa mga online shops. Easy lang talaga hindi tulad sa Villa na para siyang bumalik sa sinaunang panahon.Kapagkuwan ay tinawagan niya ang Donya. Masiglang sinagot naman ito ni Donya Vilma sa kabilang linya kaya mas lalo siyang ginanahan magkwento sa matanda."Kumusta ang anak ko, hija? Sumabay ba sa 'yo sa dinner, ha?""Yes Mommy. Late siya nakauwi pero I'm happy na umuwi pa rin siya and not just that, marami siyang naubos na luto ko. My heart is gonna explode. I'm happy!""I told you! Babalik ang gwapo kong an
Kinabukasan, agad siyang nagmulat ng mata nang marinig niya ang mahihinang katok ni Manang Minda sa pintuan ng kaniyang silid.Dali-dali niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon. Ngumiti siya sa matanda at bahagayng yumuko bilang tanda ng kaniyang respito rito."Ineng, pupunta kami ng anak ko sa bayan. May ipapabili ka ba o ipapasabay?"Mabilis siyang umiling. Wala siyang ipapasabay. Ang makitira nga sa poder ni Manang Minda ay sobrang nakakahiya na."Wala ho, Manang. Maraming salamat.""O siya, basta kung may kailangan ka, ha? Sabihan mo si Manong Lito mo at para matawagan niya kami sa cellphone."Tumango siya at ngumiti. Nung makaalis na ito, kaagad niyang sinara ang pintuan at bumalik sa kama. Nagising na ng tuluyan ang kaniyang diwa kaya imposible na makakabalik pa siya sa pagtulog.Kaya ang ginawa niya, nag-unat ng kamay at lumanghap ng hangin mula sa bintana. Nasa San Mateo pa rin siya at hindi ito alam ni Audric.Bago nito malalaman na nandito siya, dapat nakaalis na siya s
"Paalam Ffiona."Isang halik kaibigan ang binigay sa kaniya ni Lucas sa noo at mahigpit na yakap bago ito umalis sa kaniyang harapan. Ang sabi nito, dumaan lang ito para personal na bisitahin siya at iabot ang pickles.Natawa na lamang si Ffion kasi sobrang babaw ng rason ng binata. Para itong 'di lawyer kung magsinungaling ito sa kaniya kasi ang totoo, alam niyang gusto nitong buksan ang topic na sumama siya rito sa Maynila.Pero hindi pwede. Kung may lugar man siyang hindi dapat balikan, ito ay ang Maynila. Hindi siya nababagay sa lugar na ito at siguro naman ay maiintindihan ito ng kaniyang Ina.Gusto niya itong dalawin pero saka na lang. Saka na kapag matino na ang utak niya at hindi kasinggulo ng kaniyang puso. Kasi wala e, magulong-magulo ang lahat."Ineng, umuwi na ang kaibigan mong si Lucas? Aba ay sayang, nagluto pa naman ako ng madalian na tinolang manok."Napangiti siya sa tinuran ni Manang Minda. Tunay na kay bait nito talaga at isa itong anghel para sa kaniya."May as