LOGINDAHAN-dahang napatingala si Jasmine nang marinig niya ang boses na iyon. Nakatitig sa kaniya ang isang pares ng mga matang maiitim at halos hinid mo mabasa ang anumang ekspresyon na nakapaloob sa mga ito.
Halos matulala siya nang muli niyang makita ang gwapo nitong mukha kung saan ay parang nililok ng isang napakagaling na iskultor. Paano niya nga ba naman makakalimutan ang mukha na iyon? Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang natauhan. Pero paanong narito ito? Anong ginagawa nito dito?
Ito lang naman si Nathan Cruz— ang dati niyang asawa!
Ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang narinig ang inip na boses nito. “Wala ka bang balak na bitawan ako?” tanong nito sa kaniya na may bahid ng panunuya dahilan para mabilis siyang lumayo rito na para bang nakuryente.
Inayos niya ang kanyang tayo at maging ang kanyang damit. Nang mga oras na iyon ay kaagad niyang naramdaman ang pagbabago ng hangin sa loob ng elevator.
Sa katunayan, kagabi lang ay muli na naman niya itong napaginipan. Sa kanyang panaginip ay muling naulit ang gabi kung saan ay hindi niya pinaka makakalimutan— ang gabing puno ng alaala, bago sila maghiwalay na dalawa.
Sa kanyang inip ay biglang rumagasa ang mga nangyari noong gabing iyon ngunit natigil lang siya sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Pagbukas ng pinto ng elevator ay kaagad niyang nakita si Sally at si Yvonne na naghihintay doon. Nang makita ang lalaking nasa tabi niya ay sabay ang mga itong yumuko.
“Good morning sir.” magalang na bati ng mga ito sa lalaki dahilan para mapataas ang kilay niya ng wala sa oras.
Don’t tell me ay siya ang bagong CEO na sinasabi ni Sally sa kaniya? Pero paano ito nagkaroon ng ganun kadaming pera? Saan nito kinuha ang ipinambili sa kumpanya? Kahit na marami pa siyang tanong sa kanyang isip ay mabilis siyang tumabi sa dalawa pa niyang kasama at yumuko rin sa lalaki.
Ilang sandali pa ay tumigil ito sa kanilang harapan. “Kilala niyo naman na siguro ako hindi ba? Pero magpapakilala pa rin ako. Ako si Nathan Cruz at ako ang bagong CEO ng kumpanya.” pagpapakilala nito sa sarili. “You don’t need to put sugar on my coffee since ayoko ng may asukal. Tyaka ayoko rin ng mga taong palagi na lang late kung pumasok.” malamig na sabi nito sa kanila.
Napatagis ang mga bagang ni Jasmine ng mga oras na iyon dahil siya ba ang pinatatamaan nito sa sinabi nitong iyon? Sa huli ay sabay-sabay silang sumagot na tatlo. Nag-angat ng tingin si Jasmine at nakita niyang sinulyapan siya nito. “Ikaw ba si Jasmine?” tanong nito sa kaniya.
Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya ng wala sa oras. Bakit nito tinatanong ang pangalan niya? Hindi ba nito iyon alam o nagpapanggap lang itong hindi sila magkakilala? Ngunit dahil ito nga ang boss niya ay hindi niya ito pwedeng bastusin kaya magalang siyang sumagot. “Yes sir.”
Bigla itong napatingin sa suot na relo at muling napasulyap sa kaniya. “Dahil sa pagiging late mo ay tatanggalin ko ang mid year bonus mo para maging silbing aral ito sayo. Naiintindihan mo ba?”
Napakuyom ang mga kamay ni Jasmine. Ang bonus na iyon ay napakalaking bagay na sa kaniya at talaga bang ginagawa nito iyon sa kaniya dahil sa nakaraan nilang dalawa? Dahil ba boss niya ito? Naging malamig ang kanyang mga mata ngunit alam niya sa sarili niyang wala siyang karapatan na sagutin ito kaya sa huli ay wala siyang magawa kundi ang mapa-tango na lang. “Naiintindihan ko sir.” sagot niya kahit na halos murahin niya na ito sa loob-loob niya. Mas okay na iyon kaysa ang tanggalin siya nito sa trabaho.
“Nabasa ko ang mga impormasyon tungkol sa profile mo, totoo bang divorced ka na?” muling tanong nito sa kaniya dahilan para magtagis pa lalo ang mga bagang niya. Kailangan pa ba talaga nitong tanungin ang mga ganuong bagay? O sinasadya nito iyon?
Pinilit niyang kontrolin ang emosyon niya, boss niya pa rin ito. “Yes sir.” muli niyang sagot dito.
Nakita niya ang pagguhit ng kapilyuhan sa mga mata nito. “Anong dahilan bakit kayo naghiwalay ng dati mong asawa? Pwede ko bang malaman?” ngumiti ito sa kanyang pagkatapos. “Hindi naman sa pinanghihimasukan ko ang personal mong buhay pero syempre ay araw-araw tayong magiging magkasama kaya dapat na alam ko ang bawat detalye ng buhay mo.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para maningkit ang mga mata niya.
Kung ganun naman pala e bakit siya lang ang ini-interview nito? Trip lang nito ganun?
“Dahil sa personal na mga bagay. Alam niyo na.” sagot niya at sinalubong ang mga mata nito. Nagulat ang mga kasama niya dahil sa paraan ng pagsagot niya ngunit wala siyang pakialam.
Muling kumislap ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Ilang sandali pa ay muli na naman itong nagtanong. “So, nagkaroon ba kayo ng anak?”
“Hindi.” mabilis na sagot niya ng hindi na pinag-iisipan pa.
“Mabuti naman.” sagot nito bago tuluyang umayos ng tayo.
Sinulyapan nito si Sally. “Sumama ka sa akin.” sabi nito at mabilis namang napatango si Sally rito.
“Yes sir.”
~~~~~~~
TUMAGAL ng halos tatlong oras ang meeting dahilan para umaga pa lang ay mapagod na si Sally. Doon nito nakita ang pagiiging dedikado ng bago nilang boss dahil tinanggal lang naman nito ang tatlong executive kahit na bagong dating lang nito.
Nang bumalik si SAlly sa kanyang upuan ay halos mapaupo na lang siya sa kanyang upuan. Napasandal siya sa kinauupuan at halos mapahilot sa sentido. “Grabe si sir, mukhang napaka-workaholic. Mukhang magugurang ako ng sobra.” reklamo nito. “Pero grabe ah, sigurado bang wala siyang asawa? Napakagwapo niya sobra e. Siguradong napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya.” dagdag pa nito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang hinila siya ni Sally para pumunta sa hagdan para makapagpahinga muna.
Nang marinig iyon ni Jasmine ay bigla siyang natigilan ng wala sa oras. Ano bang pake niya sa lalaking iyon? Isa pa, kahit na maraming babae ang magkandarapa para sa kaniya e ano naman? Ano naman sa kaniya?
“Jasmine, diba sabi mo yung ex mo ay panget? Nakita mo ba ang mukha ng bago nating boss? Napakagwapo niya hindi ba? Tyaka, single ka. Malay mo, ma-inlove siya sayo.” ngumisi ito sakaniya habang sinasabi ang mga salitang iyon dahilan para umikot lang ang kanyang mga mata.
“Tumigil ka nga sa sinasabi mo Sally. Hindi ko siya pag-iinteresan okay.” sagot niya rito.
SAMANTALA, sa iitaas ng hagdan ay naroon nakatayo si Nathan na noong mga oras na iyon ay tahimik na nakikinig sa usapan ng dalawa.
“Bakit naman? E napakagwapo niya.”
“Masyado siyang mataas para sa akin, hindi kami bagay.” sagot ng babae.
Hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Hindi sila bagay? Anong ibig nitong sabihin? Hindi niya akalain na magiging ganito ito katahimik kumpara noon. Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Masaya naman silang dalawa noon ngunit pagkalipas lang ng dalawang taon ay bigla na lang itong nakipaghiwalay sa kaniya at iginiit nito na hindi siya nito mahal at masyado daw siyang mahirap para rito.
Halos ayaw niya pang paniwalaan ito noong una ngunit nang ihain nito sa kaniya ang divorce papers ay doon na niya napatunayan kung gaano ito kalupit.
“O dahil gwapo ang magiging blind date mo mamaya kaya wala kang interes sa kaniya kahit na ganun siya kagwapo?” halata ang excitement sa boses nito habang kausap ang babae.
“Hindi naman masyado.” sagot nito.
Blind date? Hindi niya maiwasang hindi mapakuyom ang mga kamay nang marinig niya ito. Talaga bang wala lang sa kaniya ang lahat? Noon bang maghiwalay sila ay marami pang lalaki itong naka-date?
Dahil dito ay naging matalim ang kanyang mga mata at nawalan siya ng gana. “Miss De Leon, can you make coffee for me?”
…
ALAS syete ng gabi mag-uumpisa ang dinner sa isang mamahaling hotel. Hindi na siya nagpasundo pa sa kanyang boss at sinabi na lang niya ritong susunod na lang siya doon. Pagdating nga niya sa pribadong silid ay kaagad niyang binuksan ang pinto at doon nga ay nakita niya ang tatlong lalaki, si Nathan, Asher Villanueva at Siege Ross.Kilala niya ang mga ito. Si Asher Villanueva ay isang playboy at isa itong anak ng isa sa mga mayayamang pamilya sa lungsod. Si Siege naman ay allergic sa mga babae na kinailangan pang bumili ng pamilya nito ng sariling facility para lang magamot ang sakit nitong iyon. Mabilis na itinuro ng kanyang boss ang kanyang uupuan. Pagkaupo niya ay nagsimula ng mag-inuman ang tatlo. Nang hindi siya dumampot ng baso ay nilingon siya ni Asher. “Miss De Leon right?” tumango siya. “Bakit ayaw mong makipag-toast sa amin? Isa pa, isa ka sa mga secretary ni Nathan kaya kasali ka sa kasiyahan.” sabi nito sa kaniya ngunit sa halip ay ngumiti lang siya at dinampot ang baso n
UMIKOT ang mga mata ni Jasmine dahil sa sinabi ng lalaki bago nagpaalam. Mukha naman yatang wala itong importanteng sasabihin sa kaniya kaya mas maganda na lang na umalis na lang siya. Kinahapunan, alas singko ng hapon ay tapos na ni Jasmine ang mga ipinapagawa sa kaniya ng kanyang boss. Inilagay niya ito sa mesa ng lalaki bago nagmamadaling umalis.Nagtext sa kaniya ang kanyang ina na hindi daw maganda ang pakiramdam nito kaya wala siyang choice kung hindi kuhanin si Diane. Baka din kasi mahawa ng sakit ang anak niya e kawawa naman. Nasa school pa ito panigurado at naghihintay dahil hindi daw kayang bumangon ng kanyang ina kaya hindi nito nasundo. Medyo binilisan niya ang pagtakbo ng kanyang sasakyan para lang makarating kaagad sa school ng kanyang anak. Ang hindi niya alam ay isang luxury car pala ang nakasunod sa kanyang likuran. Pagkaparada niya ng sasakyan sa labas ng eskwelahan ay nagmamadali siyang pumasok sa loob para sunduin ang anak. Kinarga niya ito at buong pagmamahal na
NAGPAALAM muna si Nathan sa dalawang kasama nito bago sila naglakad na dalawa patungo sa kotse nito. “Sakay.” sabi nito sa kaniya at hindi na siya nagdalawang isip pa na sumakay dahil sa pagod niya. Bukod pa doon ay sumakit din ang dibdib niya dahil sa mga sinabi sa kaniya ng lalaki kanina na tiniis niya lang. Sumandal siya sa kotse at pumikit hanggang sa hindi niya inaasahang makatulog. Sa loob ng sasakyan ay walang ibang maririnig kundi ang malalalim na mga paghinga. Pagdating nila sa bahay kung saan nakatira si Jasmine ay kaagad na sinenyesan ni Nathan ang kanyang driver na huwag maingay. Nilingon niya ang babaeng mahimbing ang tulog sa tabi niya at pinagmasdan ang mukha nito. Limang taon. Hindi na niya matandaan pa kung ilang beses niyang napaginipan ang mukha nito sa loob ng mahabang panahong iyon. Ilang taon niyang pinangarap na muling masulyapan ang mukha nito at ngayon nga ay nasa harap na niya ito. Bigla niyang itinaas ang kanyang kamay. Hindi niya alam kung anong pumasok
ALAS syete ng gabi ay dumating si Jasmine at Nathan sa isang pantalan pagkatapos ay sumakay sila sa isang yate. Sa isip-isip ni Jasmine ay baka kaya nagpunta sila doon ni Nathan ay may mahalaga itong meeting. Ngunit pagpasok nila sa loob ay bigla niyang napagtanto na silang dalawa lang pala ang naroon. Nilingon niya ang lalaki na may nagtatanong na mga mata. “Bakit, tayo lang dalawa ang nandito sir?” Kitang-kita niya kung paano gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ng lalaki at humakbang palapit sa kaniya. “Masyado ka namang kabado, huwag kang mag-alala darating din sila maya-maya.” sabi nito sa kaniya at napangisi. Hindi na lang ito pinansin ni Jasmine sa inis niya at pagkatapos ay naglakad patungo sa barandilya ng yate. Pumikit siya at hinayaang tumama sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Ang kanyang buhok ay malayang lumilipad. Napamulat siya ng kanyang mga mata ng naramdaman niya ang mga kamay na bigla na lang yumakap sa kaniya mula sa likuran. Bukod pa doon ay
HINDI niya namamalayan na dahil sa pagbalik niya sa mga alaalang iyon ay mag-iinit ang sulok ng kanyang mga mata. Bumalik lang siya sa realidad ng marinig niya ang boses ng kanyang anak. “Mommy, pwede po ba na siya na lang po ang maging Daddy ko?” inosenteng tanong nito sa kaniya na sa totoo lang ay ikinagulat niya. Napalunok siya bago umilig. “Hindi pwede.” mabilis na sagot niya ng hindi na nag-iisip pa.“Sayang naman kung ganun.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay napasimangot ng wala sa oras. Halatang nadismaya ito sa pagtanggi niya ngunit kailangan nitong lumayo sa lalaking iyon. Napa buntong hininga na lang siya at hindi na niya sinagot pa ang kanyang anak dahil kung sasagutin niya lang ang sinabi nito ay mas hahaba lang ang magiging usapan nila.Dinala ni Jasmine si Diane sa isang fast food na nasa loob ng mall kung saan ay naghihintay na doon kanina pa si Amanda. Sa labas pa lang ng fast food restaurant ay kaagad na niyang nakita ang kanyang kaibigan na nakasuot ng isang ku
MAG-aalas kwatro ng hapon ay mabilis na umalis si Jasmine sa kumpanya at dumiretso na siya kaagad sa kindergarten kung saan pumapasok ang anak niya. Samantala, lingid sa kanyang kaalaman ay isang mamahaling sasakyan ang maingat na nakasunod sa kanyang likuran. Ang driver ni Nathan ay hindi maiwasang hindi mag-alala ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng takbo ng kotseng sinusundan nila. “Hindi ko alam kung bakit ganun siya magmaneho ng kotse, mukha yatang hindi pa siya ganun kasanay, isa pa para yatang napakaraming depekto ng sasakyan niya. Paano na lang kung madisgrasya siya?” hindi niya naiwasang hindi naibulalas.Kaagad naman na nagdilim ang mukha ni Nathan nang marinig niya ang sinabi nito. “Anong ibig niyong sabihin? Hindi na ganun kaganda ang takbo ng kotse niya?” tanong niya rito. Bahagya itong tumango bago sumagot sa kaniya.“Ang kotse niya ay lumang model na at tiyak na napakatanda na ng kotseng iyon.” sagot nito sa kaniya.Hindi niya maiwasang hindi mapaisip, tinalikuran siy

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





