LOGIN
Alas syete pa lang ng umaga ay naghahanda na sa pagpasok sa paaralan si Jasmine at ang kanyang anak na si Diane. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nang makitang hindi pa ring ito gumagalaw mula sa kinauupuan. “Anak, suotin mo na ang mga sapatos mo, malelate na tayo niyan e.” sabi niya rito.
Ngumuso ito at pagkatapos ay bigla na lang pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib. “Ayoko! Ayokong pumasok!” sabi nito na may kasama pang pagdadabog.
Muli na lang siyang nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. “Anak naman…” medyo pinalambot niya ang kanyang boses. “Ibibili kita mamaya ng paborito mong chocolate cake kapag pumasok ka.” ngumiti siya rito. “Hindi ba at paborito mo iyon?” biglang naging malambot ang ekspresyon ng kanyang anak. Sa sumunod na sandali pa ay bigla na lang nitong iniayos ang paa.
Hindi na siya nagdalawang isip pa na bilisan ang kanyang mga galaw. Mabilis niyang sinuutan ito ng sapatos pagkatapos ay binuhat niya ito pababa ng bahay. Habang buhat-buhat ang anak ay mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone at idinial ang number ni Sally. Ilang ring lang ay mabilis naman nitong sinagot iyon. “Sally, pwede ba akong humingi ng tulong sayo? Baka kasi malate ako e. Sunduin mo naman ako.” medyo nakikiusap na sabi niya rito.
Mabilis niya namang narinig ang sagot nito mula sa kabilang linya. “Oo naman, ikaw pa ba? Hintayin mo ako. Papunta na ako.” sagot nito sa kaniya at mabilis na ibinaba na ang tawag.
Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang dumating ang taxi na tinawag ni SAlly, hindi siya nito nagawang sunduin dahil hindi daw sila parehong pwedeng malate, inihatid na sila sa school kung saan papasok ang kanyang anak. Pagbaba niya ang sasakyan ay kaagad niyang napansin ang bag ng kanyang anak na nakabukas, yumuko siya at akmang isasara na sana ito nang mapansin niyang may nakaharang pala sa zipper ng bag ni Dave kaya hindi ito maisara. Binuksan niya muna ang bag upang iayos ito ngunit halos manlamig ang kanyang katawan nang makita kung ano iyon. Isang larawan.
Halos tumigil ang pagtibok ng kanyang puso nang makita ang lalaking nasa litrato, walang iba kundi si Nathan Cruz.
Hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang anak. Paanong napunta sa bago nito ang larawang iyon? Ang tahip sa kanyang dibdib ay mas lalo pang bumilis. “Anak, saan mo nakuha ang larawang ito?” tanong niya habang nanginginig.
Nakita niyang nagsalubong ang maliit na kilay nito at pagkatapos ay itinuro ang larawang hawak niya. “Sino ba ang lalaking yan Mommy?” tanong sa kaniya ng anak bago napuno ng lungkot ang mga mata nito. “Lahat ng kaklase ko ay may Daddy. Nakita ko yan at gusto ko rin siyang maging Daddy.” sagot nito sa kaniya.
Habang nakatingin sa mukha ng kanyang anak ay bigla na lang kumirot ang puso ni Jasmine ng wala sa oras. Halos limang taon na silang hiwalay ng dati niyang asawa at simula noon ay hindi na sila muling nagkita pa. Nawalan na siya ng balita rito dahil unang-una ay hindi naman niya pinag-interesan ang mga pangyayari sa tungkol sa buhay nito dahil hiwalay na sila. Marahil ay nag-asawa na itong muli at baka masaya na.
Hindi na lamang siya sumagot pa at muling ibinalik ang larawan sa loob ng bag ng anak kahit na may kirot siyang nararamdaman at tuluyang inihatid si Diane hanggang sa classroom nito. Paglabas niya ay halos patakbo siyang sumakay sa taxi. Nagpahintay siya rito dahil alam niyang kung hindi niya iyon gagawin ay baka mahirapan siyang makahanap ng masasakyan niya.
Pagkasakay niya pa lang ng taxi ay bigla ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Sally ang tumatawag. “Jazz, nasaan ka na? Bilisan mo! Hindi ka pwedeng malate ngayon.” may pag-aalalang sabi nito sa kaniya.
Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” bigla siyang kinabahan ng wala sa oras.
“Well, tinawagan lang din ako. Alam mo naman na ngayon darating ang bagong CEO, hindi ba?” tanong nito sa kaniya.
Halos mapamura siya sa loob-loob niya dahil paano nga bang nawala iyon sa isip niya? Oo nga pala. Napakagat labi na lang siya bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. “Oo, papunta na ako.” sabi niya bago tuluyang ibinaba ang tawag.
******
Isang Rolls Royce ang pumarada sa harapan ng gusali at ilang sandali pa ay bumaba ito sa loob ng sasakyan. Nakasuot ito ng kulay itim na suit at mala-diyos ang atake nito habang naglalakad papasok. Ang mga empleyadong naghihintay sa pagdating nito ay hindi nagsalita at nakamasid lang hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa kanila. Dahil sa lakas ng awra nito ay hindi sinasadyang mapayuko silang lahat at wala ni isa ang nangahas na salubingin ang mga mata nito.
Kaagad na sinalubong ng Vice President ang bagong CEO na may ngiti sa mga labi. “Welcome sir Nathan.” magalang na sabi nito. Hindi ito sumagot sa halip ay walang pakialam nitong sinuyod ang mukha ng lahat ng empleyado na naroon.
Bakit parang may kulang yata? Tanong niya sa kanyang isip habang magkasalubong ang kanyang mga kilay. “May meeting hindi ba? Kailangan lahat ng kasali sa meeting ay naroon.” sabi niya rito at tuluyang naglakad patungo sa elevator.
Dahil ito ang gagamit ng elevator, ang ilang empleyado na naroon ay kaagad na nagtakbuhan patungo sa hagdan para umakyat. Pumasok na si Nathan sa loob ng elevator kasama ang ilan at malapit ng sumara ang elevator nang isang sigaw ang umalingawngaw ng wala sa oras. “Sandali lang!”
Sa sobrang pagmamadali ni Jasmine na habulin ang pagsara ng elevator ay natapilok siya ng wala sa oras. Mabuti na lang at may mga bisig na sumalo sa pagbagsak niya. Hindi niya hahayaang malate siya dahil malalagot siya kung sakali.
Napahawak si Jasmine sa dibdib ng lalaking sumalo sa kaniya. Napakatigas ng dibdib nito at bukod pa doon ay naramdaman niya ang pagbalot ng mga kamay nito sa kanyang beywang ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay isang tinig ang narinig niya. “Sa tagal nating hindi nagkita, ganyan na ba talaga kalakas ang loob mo ngayon para gawin ang bagay na ito?”
…
PAGKATAPOS ng meeting ay inanyayahan ni NAthan si Vincent sa kanyang opisina. Tinawagan niya si Jasmine para magpatimpla ng kape. Dahan-dahang itinulak ni Jasmine ang pinto ahbang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa tasa na may lamang kape. Sa loob ay naroon si Nathan at si Vincent. Ang mga mukha ng mga ito ay seryosong seryoso habang nag-uusap at maging ang hangin ay medyo kakaiba. Maingat niyang inilapag ang mga tasa sa tabi ni Nathan at ang isa naman ay sa harap ni Vincent. Tumalikod siya kaagad at paalis na sana ngunit narinig niya ang boses ni Nathan. “Sandali Miss De Leon.” Huminto siya sa paglalakad bago ito nilingon. “Dito ka muna.” sabi nito, turo sa tabi niya. Hindi niya alam kung bakit siya nito pinapanatili nito doon pero syempre, boss niya ito kaya wala siyang karapatan na tumanggi. Naglakad siya patungo sa tabi nito. Sa harap nito ay nakaupo si Vincent kung saan ay nag-rereport ito tungkol sa ilang project nito. “Kapag naging successful ang project na ito sir ay tiy
PAGDATING ni Jasmine sa kumpanya ay humahangos siyang sinasalubong ni Sally. Napaka liwanag ng mukha nito at may matamis na ngiti sa mga labi. “Alam mo bang bumalik na sa kumpanya si sir Vincent? Grabe, halos kalahating taon din siya sa ibang bansa ah!” kumikislap pa ang mga mata nito.Ang Vincent na tinutukoy nito ay ang isa sa mga gwapong lalaki sa kumpanya. Ngunit ilang sandali lang ay napanguso ito. “Pero syempre, pangalawa lang siya dahil nasa first place pa rin si sir Nathan.” Hindi siya sumagot sa sinasabi nito at tahimik lang na umupo sa kanyang mesa. Halos lahat yata ng babae sa kumpanya ay nahuhumaling sa lalaking iyon noon pero siya, wala siyang nararamdaman kahit na katiting na paghanga man lang sa totoo lang.Matalino ito at wala pa ni isang client ang tumanggi rito. Ganun ito kahusay. “Pwede bang punta tayo mamaya sa cafeteria sa ground floor? Doon ko gustong kumain para makita natin siya!” napailing na lang siya. Mukhang mababaliw na naman si Sally dahil rito. “Tama,
…HINDI maipinta ang mukha ni Jasmine na ibinaba ang paperbag sa harap ng lalaki. Hindi pa man siya nakakapagtanong ay ito na ang nagsalita. “Hindi ako makakauwi ngayon kaya kailangan mo akong ipaghanda ng paligo ko.” sabi nito sa kaniya na parang isang boss.Ang mga mata ni Jasmine ay napuno ng poot habang nakatingin dito. Ano bang sinasabi nito? Isa pa, sinong nagsabi sa lalaking ito na pwede itong manatili sa bahay niya? Napakuyom ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Wala sila sa opisina kaya hindi niya ito ituturing na boss niya. “Alam mo ba ang sinasabi mo huh? Isa pa, wala ng natitira pang silid dito sa bahay kaya umalis ka na. Tyaka, wala akong sinabing pwede kang manatili dito naiintindihan mo ba huh?” inis na tanong niya rito. Nameywang siya. “Kung hindi mo kayang umuwi ngayon e di sa hotel ka matulog at huwag dito! Ubusin mo na yan ngayon din at umalis ka na.” walang kagatol-gatol na pagtataboy ni Jasmine sa lalaki.Bukod pa doon ay hinila niya ito mula sa pagkakaupo at itinu
KINAHAPUNAN ay kaagad na nakita ni Jasmine ang isang friend request. Lalaki iyon at alam na niya kaagad na iyon na nga ang lalaking sinasabi ng kanyang ina sa kaniya. Hindi niya na lang ito pinansin at hindi niya rin ito inaccept. Wala siyang plano na tanggapin iyon isa pa, hindi siya naghahanap ng pag-ibig sa ngayon. Dahil hindi naman siya busy ay sinundo niya na lang ang kanyang anak sa school at pagkatapos ay dinala niya ito sa playground. Pinaglaro niya muna ito sandali bago tuluyang inuwi. Pagkauwi nila ay nagluto na siya kaagad para mapakain niya ito ng maaga dahil ang plano niya ay turuan muna ito sa mga assignment nito. Hindi nagtagal ay natapos na niya itong linisan at pakainin kaya umupo silang dalawa sa sala. “Anak, anong hayop ito?” “Duck Mommy!” “E ito naman?” “Chick!” Napakunot ang noo ni Jasmine nang bigla na lang siyang makarinig ng doorbell. Baka si Jeddah ito. “Dito ka muna sandali.” sabi niya sa anak niya at tumayo tyaka siya nagtungo sa pinto. Nang buksan niy
ALAS diyes na ng umaga ng tuluyang magising si Jasmine. Kaagad siyang napahawak sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay para itong pinupukpok at bukod pa doon ay parang umiikot ang paligid niya. Napakahilot siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay bigla siyang napatayo mula sa kama ng maalala na late na siya! Kailangan niya pang pumasok! Hindi siya pwedeng umabsent dahil— Bumukas ang pinto dahilan para matigilan siya. Pumasok si Jeddah. “Gising ka na pala.” sabi nito sa kaniya at nang makita ang nag-aalala niyang itsura ay ngumiti ito sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, ipinagpaalam na muna kita.” sabi niya rito.Dahan-dahan siyang napaupo sa kama. “Dahil wala ka namang pasok ngayon, bakit hindi mo muna dalawin ang iyong ina? May sakit pa rin yata siya at tungkol naman kay Diane ay ayos lang sa akin na dito muna siya para hindi siya mahawa ng sakit.” sabi nito sa kaniya.Tumayo siya mula sa kama at dahan-dahang lumapit sa kanyang kaibigan at tyaka niya ito niyakap n
PAGKATAPOS iparada ni Jeddah ang kanyang sasakyan sa parking lot ay bumaba siya ng kanyang kotse at tumawag ng kasambahay. Nagpatulong siya ritong buhatin si Jasmine na lasing na lasing ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit ito naglasing ngunit sigurado siya na may dahilan iyon. Napa buntong hininga na lang siya. Matapos nilang dalhin ito sa isang kwarto ay napabuga pa siyang muli ng hangin.Biglang nagsalita si Jasmine habang nakahiga sa kama. “Ang lakas ng loob mo Nathan…” “Akala mo ba talaga ay ibibigay ko sayo ang anak natin?” “Pagkatapos mo akong lokohin…” kahit na tulog at hindi nito alam ang sinasabi ay ramdam na ramdam niya sa boses ng kanyang kaibigan ang labis na sakit. Kapag lasing pa naman ang mga tao ay doon lumalabas ang tunay nitong nararamdaman at mabuti na lang talaga ay hindi niya ito hinayaang sumama sa lalaking iyon. Lumabas sandali si Jeddah para kumuha ng pamunas sana kay Jasmine ngunit pagbalik niya ay nakita niyang wala na ito sa kama. Nasa sahig i
NANATILING nakapako ang mga mata ni Nathan kay Jasmine noong mga oras na iyon. Nakasuot ito ng kulay itim na dress. Ang mapuputi nitong mga balikat ay nakalantad at ang dibdib nito ay bahagyang nakalabas. Tiyak na kaunting galaw lamang nito ay makikita na ang dibdib nito ngunit hindi naman iyon mal
HALOS alas singko y medya na nang hapon nang makabalik si Jasmine sa kumpanya. Ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili niya. Simula kaninang umaga ay hindi pa rin sila nagkita ngayong buong maghapon ng boss niya at ngayon ay kailangan niyang pumunta sa opisina nito kahit na i
MATALIM ang mga matang tiningnan niya si Nathan. “Anong klaseng rules ito?!” hindi niya na napigilan pang mapasigaw. Kahit na boss niya pa ito ay wala na siyang pakialam pa dahil hindi niya akalain na aabot sila sa ganito.Sa halip na sagutin siya ay isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mga labi
NANG marinig ni Cedric ang pangalan ng lalaki ay hindi siya makapaniwala. Nathan Cruz, siya lang naman ang tycoon na may bilyong ari-arian. Samantala, halos mahulog na mula sa mga paa ni Jasmine ang suot niyang sapatos dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin binibitawan ni Nathan. Nilay







