author-banner
Susi
Susi
Author

Novels by Susi

THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND

THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND

Ang akala niyang perpektong asawa na mahal na mahal siya ay sumiping sa ibang babae. Idagdag pa na ang ina nito ay sobrang ayaw sa kaniya na kung saan ay handa pa siya nitong bayaran para lang hiwalayan niya ang anak nito at nang makita niyang may kasiping na iba ang asawa niya ay doon na tuluyang naubos si Jasmine. Nakipaghiwalay siya rito, not knowing na buntis pala siya. Limang taon ang lumipas at muling nagkrus ang landas nilang dalawa. He became her new boss at doon, muli nitong ginulo ang mundo niya. “She's our daughter right?” his eyes filled with emotion. Ngumiti siya ng mapait. “She's not.” “Jasmine please... Alam kong may nararamdaman ka pa para sa akin.“ Matinding galit ang nararamdaman niya rito dahil sa ginawa nitong pagtataksil, ngunit paano kung hindi naman pala totoo ang lahat ng iyon at isa lang misunderstanding? Will they find their way back to love? Or tatanggapin na lang ang katotohanan na hindi sila para sa isat-isa dahil sa mga hadlang sa pag-iibigan nila?
Read
Chapter: Chapter 62
PAGKASAKAY ni Jeddah sa sasakyan ay kaagad niyang tinawagan si Jace. “may ginagawa ka ba ngayon? Kailangan ko ng tulong mo. handa akong magbayad kahit na—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lang siya nitong pinutol sa pagsasalita.“Wala, busy ako.” at pagkasabi lang nito iyon ay pinatayan na siya nito ng tawag. Napakunot ang noo ni Jeddah at hindi makapaniwalang napatitig sa kanyang cellphone. Talaga bang tinatanggihan na siya nitong tulungan ngayon?Muli niyang tinawagan ang isa pa ngunit pareho lang ang sagot ng mga ito. Ayaw ba nilang magkaroon ng pera? Talaga bang tinatanggihan na nila ngayon ang grasya?Napasimangot na lang siya at pagkatapos ay itinago ang kanyang cellphone. Hindi nagtagal ay tuluyan nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng napakataas na gusali ng kumpanya ng mga Villanueva. Tuloy-tuloy siyang pumasok at sinabi niya sa front desk ang sadya niya at hind nagtagal, sinamahan na siya ng isa sa mga staff patungo sa pinakamataas na palapag ng g
Last Updated: 2026-09-12
Chapter: Chapter 61
PINAGHAHAMPAS ni Jasmine ang dibdib ni Nathan dahil sa galit niya. Ngunit hinawakan lang nito ang kanyang mga kamay at mas lalo pang diniinan ang paghalik sa kaniya. Halos maubusan na siya ng hininga nang sa wakas ay binitawan na siya ni Nathan.Hindi niya na nagawa pang umangal ng buhatin siya nito at pinaupo sa mesa. Ilang sandali pa ay bigla na lang siya nitong niyakap. “I’m sorry Jazz…” mahina at halos puno ng pagsisisi na sambit nito. “I am really sorry…” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya.Mas lalo lang tuloy umagos ang luha mula sa kanyang mga mata at mabilis naman nitong pinunasan iyon. “Huwag ka ng umiyak please… papalitan ko na lang ang bracelet mo okay?” Pagkasabi nito iyon ay dinukot nito ang cellphone sa bulsa. May pinindot ito doon kaso ay hindi na niya ito pinansin pa. Tinabig niya ang kamay nito at sinubukang bumaba mula sa mesa. “Pwede ba sir na hayaan niyo muna ako please?” pagkasabi niya nun ay itinulak na niya ito at bumaba siya sa mesa tyaka lumas ng hindi na i
Last Updated: 2026-09-12
Chapter: Chapter 60
LUMABAs si Nathan pagkatapos ng ilang sandali at mabilis nila itong sinundan ni Sally. Samantalang si Yvonne namay ay nagdala ulit ng panibagong kape sa tatlong nasa conference room noong mga oras na iyon. Habang naglalakad sila ni Sally at pinupuri siya nito dahil sa ginawa niya. Sino nga ba naman ang mag-aakala na gagawin niya iyon hindi ba?Ipinabago sa kaniya ni Nathan ang kontrata na mabilis niya namang ginawa. Pagkatapos niya itong gawin ay bumalik siya s a opisina ng lalaki at sabay-sabay silang tatlo nila Sally na bumalik sa conference room para tuluyang mapirmahan na ang kontrata.Nang matapos ay nagpaalam na rin para umalis sina Mr. Ross at pagkaalis ng mga ito ay kaagad siyang tinawag ng lalaki sa opisina nito. “You did an impressive job there.” hindi niya alam kung ituturing niya ba iyong compliment o ano dahil kung siya ang tatanungin, baka mamaya ay puno lang pala iyon ng panunuya. Baka mapahiya pa siya kung isipin niyang medyo na-amazed nga ito sa pinakita niya.“Do you
Last Updated: 2026-09-09
Chapter: Chapter 59
PAGKATAPOS ihatid ni Jasmine si Diane ay nagpababa siya kay Vincent sa coffee shop malapit lang sa kanilang kumpanya at bumili ng sandwich at kape para sa kanilang dalawa ni Vincent. Paglabas niya ay inabot niya lang ito rito at mag-isa na siyang naglakad patungo sa kumpanya. Ayaw niyang magkaroon ng kung ano-anong balita kapag nakita sialng magkasama nito.Medyo maaga pa noong dumatiing siya sa kanilang opisina kaya naupo muna siya sa kanyang mesa. Habang nagkakape at kumakain ng sandwich ay binasa niya ang kontrata na iniwan ni Mr. Ross kahapon. Kaagad niyang napansin ang pagkakaiba ng nilalaman ng dalawang kontrata. Ang isa kasi ay nakasulat sa English at ang isa naman ay sa Italian language.Napakunot tuloy ang noo niya ng wala sa oras. Ang nilalaman ng kontrata ay magkaibang magkaiba at tiyak na makakaapekto ito sa kumpanya kapag hindi nakita ni Nathan lalo na at hindi pa nito iyon pinipirmahan. Habang napapaisip ay biglang dumating si Nathan na may hindi maipintang mukha kaya sa
Last Updated: 2026-09-09
Chapter: Chapter 58
NGUNIT katulad kanina ay hindi pa rin siya nito hinayaang makalayo. Mabilis siya nitong muling hinila at isinandal sa pader habang hawak nito ang magkabila niyang mga braso. “Sabihin mo akin, anong gusto mo? Ibibigay ko basta patawarin mo lang ako.” Sinubukan ni Jasmine na makawala mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit mas lalo lang naging mahigpit ang hawak nito sa kaniya na para bang ayaw siya nitong pakawalan. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tumingala at sinalubong ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.“Wala akong ibiang gusto kundi ang tigilan mo na ako.” diretsa niyang sagot dito. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang mga braso.Bukod pa doon ay naging matalim na ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Huwag mo akong galitin Jasmine…” halos umigting ang mga panga nito sa galit. Hindi niya alam kung ano bang mali sa sagot niya samantalang iyon naman ang sagot na dapat sa uri ng tanong nito. Sinagot niya lang ang tanong nito.Ngunit kahit na na
Last Updated: 2026-09-09
Chapter: Chapter 57
HABANG kumakain ang lahat ay patuloy naman sa pakikipag kwentuhan si Nathan kay Mr. Ross habang umiinom. Panay ang salin ng alak nito sa baso ni Nathan na wala namang katanggi-tanggi. Samantalang si Jasmine, kahit na isang baso lang ang nasa harap niya ay hindi niya pa rin ito ginalaw dahil ayaw niyang malasing.Pagkatapos nilang kumain ay halos pulang-pula na rin si Mr. Ross at halos hindi na makapagsalita pa ng maayos. Namumungay na rin ang mga mata nito kaya kaagad na tinawagan ni Jasmine ang driver na maghahatid sa mga ito sa hotel na tutuluyan ng mga ito kasama ang secretary. Pero ang interpreter ay hindi sumama sa mga ito at ngumiti lang ito sa kaniya. “I have something to do so I’ll stay here for a while.” ngumiti lang siya rito.“Enjoy yourself Miss Peterson.” nauna itong pumasok sa kaniya.Ilang minuto pa siyang anatili sa labas dahil sinuguro niya munang nakaalis na sina Mr. Ross at gusto niya munang masiguro na nakarating na ang mga ito sa hotel bago niya planong bumalik s
Last Updated: 2026-09-07
I Didn't Know He Loved Me Until I Was Gone

I Didn't Know He Loved Me Until I Was Gone

Sa araw ng libing ng kaniyang ina, nalaman niyang hindi siya mahal ng kaniyang asawa. Nag-file siya ng divorce at umalis. Pagkalipas ng ilang taon, muli siyang bumalik ngunit hindi na ang dating babae na nakilala ng lahat.
Read
Chapter: Chapter 5
​Sa parking lot, nagkaroon ng kaguluhan na hindi inaasahan nina Sean at Caleb. Dahil sa pagmamadali nilang magtago nang makitang papalabas na ang mga tauhan ni Adrian, hindi nila napansin na naiwan ang kanilang bunsong kapatid na si Sofi. Si Sofi ay abala sa pagpulot ng isang makulay na bato sa semento nang biglang may aninong tumakip sa kanya.​Si Lucas Ramirez, ang kanang kamay at bodyguard ni Adrian, ay naglalakad patungo sa sasakyan nang mapansin niya ang isang maliit na bata na nakatayo malapit sa dinumihang Rolls-Royce.​“Hoy, bata. Ang pangalan mo ba ay Sofi?” tanong ni Lucas nang makita niya ang pangalang nakaburda sa maliit na bag ng bata. “Bakit mo dinrawing-an ang kotse ni Sir Adrian? At sino ang mga kasama mo? Hindi ba itinuro sa iyo na masamang manira ng gamit ng iba?”​Si Sofi, bagama’t maliit at mukhang mahina, ay hindi basta-basta nagpapakita ng takot. Tinandaan niya ang turo ni Caleb: “Huwag magsasalita kapag tinatanong ng mga strangers na mukhang masama ang balak, la
Last Updated: 2026-03-27
Chapter: Chapter 4
​Lalong bumigat ang bawat hakbang ni Sam Navarro habang tinatahak niya ang mahabang hallway palabas ng opisina. Ang bawat hibla ng kanyang pagkatao ay sumisigaw na lumayo sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Limang taon niyang binuo ang kanyang bagong pagkakakilanlan bilang "Nash," isang misteryosong auctioneer sa bansang Y, malayo sa sakit, pang-aapi, at pagkakakulong sa pamilya Luces. Ngayong narito sila, parang isang malakas na tsunami na bumubura sa kapayapaang pinaghirapan niyang itayo.​“I am priceless,” ang huling salitang iniwan niya sa loob ng silid, isang direktang sampal sa kayabangan ni Roxanne na akalang lahat ng bagay ay nabibili ng pera.​Sa labas ng pinto, hindi niya inaasahang may nakatayo pa palang isa pang pigura. Isang matangkad at matikas na lalaking nakasuot ng pasadyang dark navy suit. Ang kanyang presensya ay tila kumakain ng hangin sa paligid. Si Adrian Luces. Ang lalaking dati niyang tinawag na asawa, ang lalaking naging sentro ng kanyang mundo, at an
Last Updated: 2026-03-27
Chapter: Chapter 3
​Sa malawak at sementadong parking lot ng Y-Country Auction House, isang makintab at napakamahal na itim na Rolls-Royce ang naging biktima ng hindi inaasahang sining. Napahawak sa kanyang noo si Sean Navarro, ang panganay sa tatlong magkakapatid, habang pinapanood ang kanyang kapatid na si Caleb. Si Caleb ay kasalukuyang nakatuon ang buong atensyon sa pag-ukit ng mga letra gamit ang isang makapal na permanent marker sa gilid ng makinis na pintuan ng sasakyan.​“Grabe ka talaga, Caleb,” bulong ni Sean na may halong kaba at inis. Lumingon-lingon siya sa paligid, tinitiyak na walang security guard na nakatingin sa kanila. “Mommy always tells you na magbasa ka ng books instead of playing computer games all the time. Pero ayan, nag-computer ka na naman nang palihim kagabi, no? Doon mo ba natutunan ang mga salitang ‘yan?”​Hindi man lang kumurap si Caleb. Ang kanyang maliliit at chubby na daliri ay matatag na humahawak sa marker, parang isang dalubhasang pintor na gumagawa ng kanyang obra m
Last Updated: 2026-03-27
Chapter: Chapter 2
Limang Taon ang LumipasIsang top-tier auction house sa bansa.Malawak at napakagara ng auction hall. Punô ito ng mga kilalang negosyante, socialites, at mga taong mayayaman na sanay sa mga mamahaling koleksiyon.Sa gitna ng entablado, nakatayo ang auctioneer.Nakasuot siya ng eleganteng puting gown na may modernong Asian touch. Maayos ang pagkakatali ng mahaba niyang buhok, at may manipis na belo na nakatakip sa kanyang mukha.Hindi makita ang buong mukha niya.Pero sa bawat galaw niya—sa pagtaas ng kamay, sa kumpiyansang pagtayo—nakakabighani ang kanyang aura.Fluent siyang nagsalita sa English habang ipinapakilala ang artwork sa harap.“Ladies and gentlemen, this rare landscape painting dates back more than a century. The starting bid is one million.”Kaagad nagtaasan ang mga paddle sa audience.“Two million!”“Three million!”“Five million!”Ang kanyang malinaw na mga mata ay dahan-dahang naglibot sa buong hall habang hawak ang maliit na martilyo ng auctioneer.Kontrolado niya a
Last Updated: 2026-03-27
Chapter: Chapter 1
“Sam, malapit nang ilabas ang kabaong. Hindi pa ba darating si Adrian?”Tahimik ang buong lamay. Mabigat ang hangin sa loob ng funeral hall, halo ang amoy ng kandila, insenso, at nasusunog na papel.Si Samantha “Sam” Navarro ay nakaluhod sa harap ng altar ng kanyang ina. Nakasuot siya ng simpleng puting damit ng pagluluksa. Ang ilaw mula sa nasusunog na papel na pera ay kumikislap sa kanyang maputlang mukha.Pitong araw na halos siyang walang tulog.Dahan-dahan siyang yumuko at tinignan ang cellphone niya. Halos wala nang battery. Ilang beses na niyang tinawagan si Adrian Luces.Pero tulad ng mga nakaraang araw—walang sumasagot.Pitong buwan na buntis si Sam.Sa kabila ng bigat ng kanyang katawan at sakit sa likod, pitong araw siyang nagbantay sa lamay ng kanyang ina.At sa loob ng pitong araw na iyon, ni minsan—hindi nagpakita ang kanyang asawa.Tatlong taon na silang kasal.Alam ni Sam kung gaano ka-busy si Adrian. CEO ito ng Luces Group, isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa.
Last Updated: 2026-03-27
Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire

Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire

Sa loob ng ilang taon bilang magkasintahan, nahuli ni Emily na niloloko siya ng kaniyang nobyo dahilan para makipaghiwalay siya rito at bumalik sa dati niyang buhay na tinalikuran para sa lalaki. Kasabay nito ay ang pagpayag na magpakasal sa lalaking itinakda sa kaniya ng kaniyang lolo. Akala niya ay hindi niya ito mamahalin, ngunit unti-unti'y natagpuan niya ang sarili niyang nahuhulog na rito. May patunguhan kaya ang nararamdaman niya?
Read
Chapter: Chapter 5
KAHIT na hindi nakatingin si Emily sa lalaki ay ramdam na ramdam niya pa rin ang bawat titig nito sa kaniya at dahil dito ay medyo naiilang na siya sa totoo lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Bakit ba ito tingin ng tingin sa kaniya? May dumi ba siya sa mukha? Hindi na lang siya sumagot sa halip ay umupo na lang. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong may inilapag na maliit na kahon sa mesa. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano ito?” tanong niya na may halong pagtataka. Sa liit ng kahon ay may ideya na siya kaagad kung ano ang laman nito. Singsing ba iyon? Hindi ito sumagot kaya kinuha niya ang kahon tyaka niya ito binuksan. Doon nga ay nakita niya ang isang singsing kung saan ay may napakalaking diamante na medyo kulay pink na mag-violet. Parang may kung anong kurot siyang naramdaman habang nakatingin dito dahil sa tagal na nilang magkasintahan ni Bran, ni minsan ay hindi pa siya binigyan nito ng kahit na anong regalo, lalong-lalo
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: Chapter 4
PAGLABAS ni Emily ay kaagad na pumasok si Alexa sa loob ng opisina ni Bran. may malungkot pa rin siyang ekspresyon ng mga oras na iyon dahil sa totoo lang ay hindi niya naiwasan na hindi makaramdam ng tampo sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagtataboy sa kaniya kanina. Sinulyapan niya si Bran.“Bakit hindi mo man lang ako ipinagtanggol kanina? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang mga sinabi ng babaeng iyon? Mas mahalaga ba talaga sayo kung anong mararamdaman niya kaysa sa akin?” puno ng hinanakit na tanong niya rito.Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bran bago lumapit kay Alexa, hinapit niya ito sa beywang bago yumuko para halikan sa labi. Ang mga mata nito ay napuno ng pagmamahal habang nakatingin sa babae. “Ano ka ba naman Alexa, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa, hindi ba at nangako na ako sayo na hindi ko siya pakakasalan? Isa pa, alam kong alam mo kung gaano siya kahalaga sa kumpanya kaya kailangan natin siya. Idagdag pa na kung magkakaroon
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: Chapter 3
NAGPAKAWALA ng isang buntong hininga si Bran at pagkatapos nang muling magsalita ay medyo mas malambot na ang kanyang tinig. “Kung pagod ka e di magpahinga ka. Huwag mong pilitin ang sarili mong magtrabaho dahil ang kalusugan ang pinaka-importante sa lahat.” Sabay silang napalingon sa pinto nang bumukas ito. Pumasok mula doon si Alexa kung saan ay hawak nito sa isang kamay ang apat na taong gulang nitong anak. Napuno ng pag-aalala ang mga mata nitong tumingin sa kanila. “Uhm, gusto daw ni makita ni Jax ang Tito Bran niya pero mukhang busy yata.” sabi nito.Kahit na medyo malambing ang boses nito, sa mga mata ni Emily ay napaka kapal ng mukha nito. Kitang-kita niya kung paano napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Bran habang nakatingin dito. Gumalaw ito at akmang lalapitan na sana ang bata ngunit natigil ito marahil dahil sa kanyang presensya. Nilingon niya ang kapapasok lang na babae bago ito nginitian. “Hindi naman siya busy ano ka ba. Isa pa, kung si Jax lang din naman ay wala nama
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: Chapter 2
PARANG daan-daang kutsilyo ang tumarak sa dibdib ni Emily ng mga oras na iyon. Pagkatapos ng lahat na ginawa niya, ganito lang pala ang isusukli nito sa kaniya? Natawa siya ng pagak, nasaan na ang lalaking mapagmahal noon? Nasaan na ang dating Bran? Ibig bang sabihin ay peke lang ang ipinakita nitong lahat sa kaniya? Malinaw din sa naging usapan nila na magkita ni Alexa. Ang business trip na sinabi nito sa kaniya ay hindi totoo. Sa totoo lang ay hindi niya alam noong una ang tungkol sa dating relasyon ng dalawa, may nakapagsabi lang sa kaniya at bukod pa doon ay paminsan-minsan na dinadala ni Alexa ang anak nitong si Jax sa kumpanya ay siya pa ang nag-aalaga dito. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na niya ang lahat. Isang kalokohan lang ang lahat at malinaw na ginagamit lang siya nito. Sa kanyang pag i-scroll ay napakarami niya pang nabasa, mga mahahalagang okasyon kung saan ay palaging may regalo si Bran dito at hindi lang basta regalo kundi ito ay mga mamahaling regalo. Samantalang pagda
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: Chapter 1
NAPAKUNOT ng noo si Emily nang makatanggap ng isang notification galing sa bangko. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng buksan niya ito. Ilang beses niya itong binasa dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi, nabawasan talaga ng limang milyon ang joint account nila ni Bran. Noong nakaraang linggo ay nagipit ang kumpanya ng pondo para sa isang proyekto at gusto niya sanang gamitin ang pera ngunit pinigilan siya ni Bran. Mahigpit pang ipinaalala nito sa kaniya na ang perang iyon ay inipon nilang dalawa para sa kasal nila dahil matagal na nga nilang pinaplanong magpakasal. Ngunit ang hindi niya lubos maintindihan ay bakit ito mismo ang gumastos ng pera ng hindi man lang siya nito sinasangguni? Idagdag pa na itrinansfer nito ang pera kay Alexa Martin, ito ang babaeng dati nitong karelasyon. Tinalikuran niya ang lahat para rito, maging ang sarili niyang pamilya para lang makasama ito. Talagang nahulog ang loob niya rito noong una pa lang at halos ilang taon na silang magkarelasyon
Last Updated: 2026-03-31
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status