LOGINISANG malamig na boses ang narinig ni Sally at Jasmine mula sa itaas dahilan para sabay silang mapalingon. Bakas ang pagkagulat sa kani-kanilang mga mukha dahil hindi nila akalain na naroon pala ang kanilang boss.
Hindi ba at dapat itong nasa opisina nito ito? Bakit naroon ito? Dahil dito ay hindi na nagawa pang magpalaam ni JAsmine kay Sally. “Yes sir.” mabilis na sagot niya bago umalis upang pumunta sa coffee room para magtimpla ng kape. Nang matapos niyang matimpla ang kape ay kaagad na siyang nagtungo sa opisina nito para dalhin ang kape nito.
Kumatok muna si Jasmine bago pumasok sa loob ng opisina. Maingat niyang inilapag ang kape sa mesa nito. “Ito na ang kape niyo sir.” magalang na sabi niya.
Hindi siya nito sinagot bagkus ay bigla na lang nitong dinampot ang baso at pagkatapos ay humigop mula rito. Tiningnan siya nito. “Well, mas magaling ka ng magtimpla ngayon ng kape kaysa noon.” sabi nito sa kaniya bago ibinaba ang tasa. “Ngunit hindi ko akalain na habang tumatanda ka ay nagiging pabaya ka na sa mga trabaho mo.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay ibinagsak sa harapan niya ang napakaraming papeles na natapos niya na kahapon pa.
Hindi siya makapaniwalang napatingin dito ng wala sa oras at bago pa man siya makapagsalita ay muli na itong nagsalita. “Napakaraming mali sa mga ito. Ulitin mo ulit tingnan ang mga ito isa-isa at ibalik mo sa akin pagkatapos.” sabi nito sa kaniya.
Dinampot niya ang nasa ibabaw, paano sanang magkakaroon ng mali sa mga iyon e ilang beses niya muna iyong binasa bago niya ito ipinasa kaya napaka-imposible ng sinasabi nito. Lito pa rin siyang napatitig sa mukha nito. “Sir, saan banda ang may problema sa mga ito?”
Naging matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Sa tingin mo ba ay trabaho ko ang hanapin kung nasaan ang mali sa mga yan?” medyo naiinis na nitong tanong sa kaniya.
Nagtagis lang ang kanyang mga bagang ngunit kinontrol niya pa rin ang kanyang inis. Huminga siya ng malalim. “Pwede ko bang bukas ko na lang ito tapusin sir?” maingat niyang tanong dito. May lakad siya mamaya at kailangan niyang ipagpabukas na ito. Hindi naman siguro ito nag-aapura hindi ba?
Malalamig ang mga mata nitong tumingin sa kaniya. “Hindi pwede. Huwag na huwag kang uuwi hangga’t hindi mo yan natatapos, naiintindihan mo ba?”
Sa isip ng lalaki ay hindi niya ito hahayaang makipag-blindate!
Doon na tuluyang naging malamig ang mga mata ni Jasmine. Sinasadya nito iyon hindi ba? Talagang gusto nitong pahirapan siya. “Ano ba talaga ang gusto mo Nathan? Ginagawa mo ba ang lahat ng ito para makaganti? Para pahirapan ako?”
Isang ngiti ang unti-unting sumilay sa mga labi nito. “Ooh, nawawalan ka na yata ng galang sa boss mo Miss De Leon, baka nakakalimutan mo boss mo ako at isa pa, bakit naman sana kita pahihirapan? Hindi ba at parte lang iyon ng trabaho mo?” kalmado nitong tanong sa kaniya ngunit kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito at halatang natutuwa ito sa ginagawa kaya alam niyang sinasadya nitong gawin iyon sa kaniya.
“Isa pa, hindi mo pwedeng ipagpabukas ang mga yan dahil bukas ay may iuutos ako sayo. Papupuntahin kita sa isang lugar para bumili ng kwintas.” sabi nitong muli sa kaniya. “Huwag na huwag mong subukang iwala iyon dahil kahit na ibayad mo ang buhay mo ay hindi iyon magiging kapresyo ng buhay mo.”
Natigilan si JAsmine. “Sir, bakit kailangang ako pa ang kumuha? Hindi ba ay dapat ikaw na dahil para sa personal mong buhay iyon.” sabi niya rito isa pa, kung sobrang mahal ito ay bakit kailangan sa kaniya pa nito iutos iyon? Baka mamaya ay mawala niya ito. Anong ipambabayad niya?
“Wala kang karapatang kwestyunin ang mga utos ko Miss De Leon, kung ano ang gusto ko ay kailangan mong sundin ang mga iyon.” muling sagot nito sa kaniya dahilan para maging matalim ang kanyang mga mata.
Walang salita niyang pinulot ang nakatambak na mga papeles sa harapan nito at binuhat palabas ng opisina para dalhin sa kanyang mesa.
Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Kung may choice lang siya ay mas gugustuhin niya na lang mag-resign. Unang araw pa lang nito sa kumpanya pero heto at inuumpisahan na nitong parusahan siya.
~~~~
Napainat si Jasmine nang tuluyan niyang matapos ang lahat ng papeles. Wala ni isa siyang nakitang mali. Talagang gusto lang nitong galitin at pahirapan siya kaya nito ginagawa iyon sa kaniya. Mabilis niyang inipon ang mga papeles at dinala iyon sa opisina ng kanyang nakakainis na boss. Padabog niyang inilapag ang mga iyon sa harapan nito.
Ang kanyang mga mata ay matalim na nakatingin dito at bago niya pa maibuka ang kanyang bibig ay nauna na itong magsalita. “Mukhang namalikmata yata ako Miss De Leon, pasensya na.” sabi nito sa kaniya bago ito tumayo sa kinauupuan nito. “Gabi na ihahatid na kita.”
“Hindi na kailangan, kaya kong umuwing mag-isa sir.” mabilis na sagot niya at tumalikod para lumabas ng opisina nito.
Ilang sandali pa ay nagmamadali siyang lumabas ng kumpanya at napatingin sa suot niyang relo. Halos mag aalas diyes na ng gabi nang makarating siya sa isang restaurant kung saan sila nakatakdang magkita ng kanyang ka-date. Napaka ganda ng ambiance ng lugar, tahimik at classy. Nakita niya ang lalaking katatagpuin niya ng gabing iyon, nakaupo sa pinakasulok ng restaurant at nakasuot ng kulay itim na suit. Bukod pa doon ay may maamo itong mukha.
Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi nang lumapit siya rito. “Ikaw ba si Mr. Villamor?” medyo nahihiyang tanong ni Jasmine rito. Bahagya naman itong tumango ang ngumiti sa kaniya. “Pasensya ka na, medyo na-busy lang kasi ako. Hindi ko sinasadyang paghintayin ka.” nahihiyang paliwanag niya rito.
Ngumiti lang naman siay rito. “Ayos lang. Upo ka.” sabi nito bago tumayo at ipinaghila siya nito ng upuan. Isang simpleng salamat ang sinabi niya at nang makaupo na silang dalawa ay bigla na lang itong nagsalit. “Uhm, nag-order na ako baka kasi gutom ka pagdating mo, sana ay gusto mo ang mga inorder ko.” sabi nito sa kaniya kung saan ay ngumiti lang naman siya.
“Salamat.” sagot niya at pagkatapos ay nag-umpisa na silang kumain habang nagkwekwentuhan. Habang lumilipas ang sandali ay nalaman ni Jasmine na hindi lang pala ito gwapo kundi napakatalino rin nito, naging magada ang daloy ng kanilang pag-uusap ngunit nasira ang lahat nang marinig niya mula sa kanyang likuran ang isang malalim na boses.
“Miss DE Leon.” dahan-dahan siyang napalingon sa kanyang likuran at nang makita ang lalaking nakatayo doon ay naging malamig ang kanyang mga mata.
“Sir…” sabi niya at pagkatapos ay mabilis na tumayo mula sa kanyang kinatatayuan habang kinakabahan. Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Sinundan ba siya nito?
Ni hindi siya nito sinulyapan sa halip ay inayos lang nito ang mamahalin nitong cuff sa suot nitong suit. Sa totoo lang noong mag-asawa pa silang dalawa ay nag-ipon din siya ng pera para ibili ito ng ganun ngunit ni minsan ay hindi niya nakitang isinuot nito iyon, dahil ba sa mumurahin lang iyon?
Ilang sandali pa ay tuluyan na siya nitong nilingon. “May kailangan akong puntahan mamaya na isang social engagement, kailangan mo akong samahan.” sabi nito sa kaniya na parang wala siyang karapatang humindi.
Agad na napuno ng pag-aalala ang mukha ni JAsmine. “Pero sir, anong oras na? Kanina pa tapos ang working hours ko at—” bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lang siya nitong pinutol.
“Baka nakakalimutan mo na ang mga panuntunan? Ang isang sekretarya ay matatapos lang ang trabaho kung tapos na ang trabaho ng kanyang boss.” walang ekspresyon ang mukha nitong nakatingin sa kaniya habang sinasabi ang mga salitang iyon. “Nakakalimutan mo na ba iyon?”
Napakagat labi na lang si Jasmine dahil totoo naman ang sinabi nito pero, talaga ba? Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang lumingon sa lalaking nasa harap pa ng mesa. “Pasensya ka na po talaga Mr. Villamor.” sabi niya at dagdagan pa sana ang kanyang sinasabi ngunit hindi na niya nagawa dahil bigla na lang siyang umangat mula sa lupa.
Namilog ang kanyang mga mata. “Anong ginagawa mo Nathan Cruz?! Ibaba mo ako!” sigaw niya kasabay ng pagsipa niya sa hangin, pilit siyang nagpupumiglas ngunit hindi talaga siya nito binitawan.
…
MATALIM ang mga matang tiningnan niya si Nathan. “Anong klaseng rules ito?!” hindi niya na napigilan pang mapasigaw. Kahit na boss niya pa ito ay wala na siyang pakialam pa dahil hindi niya akalain na aabot sila sa ganito.Sa halip na sagutin siya ay isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mga labi nito habang nakatingin sa kaniya. Nagtagis ang mga bagang niya habang nakatingin sa gwapong mukha nito at kung pwede lang niyang burahin ang ngiti sa labi nito ng mga oras na iyon ay gagawin niya dahil lang sa inis na inis siya sa lalaking ito. Ang kupal na ito! Sa sobrang inis niya ay inuntog na lang niya ang kanyang ulo sa pinto ng opisina nito. Nagkaroon ng malakas na tunog.Gulat na gulat at nanlalaki naman ang mga mata ni Nathan nang makita ang ginawa nito at pagkatapos ay malamig ang mga matang napatingin sa namumula na nitong noo. “Jazz anong…”Halos manigas sa kinatatayuan si Jasmine nang mga oras na iyon ngunit nanaig pa rin ang galit niya at mabilis na itinulak ang lalaki. “Lumay
NANG marinig ni Cedric ang pangalan ng lalaki ay hindi siya makapaniwala. Nathan Cruz, siya lang naman ang tycoon na may bilyong ari-arian. Samantala, halos mahulog na mula sa mga paa ni Jasmine ang suot niyang sapatos dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin binibitawan ni Nathan. Nilayo siya sa retaurant at inilabas sa isang bench. Nang ibaba siya nito ay matalim niya itong tiningnan. “Mag-ingat ka sa lalaking iyon.” Ngunit hindi pinakinggan ito ni Jasmine. Wala siyang pakialam kung boss niya ang lalaki. “Ano ba talaga ang gusto mo huh? Talaga bang sinasadya mong gawin ang lahat ng ito?!” sigaw niya na rito habang naghahabol ng kanyang paghinga. Galit na galit talaga siya ng mga oras na iyon.Nakatingin lang ito sa kaniya habang walang ekspresyon ang gwapo nitong mukha. “Maanong magpasalamat ka na lang sa akin dahil iniligtas kita mula sa kamay ng lalaking iyon.” sabi nito sa kaniya. “Hindi siya bagay sayo.”Halos magpanting ang tenga ni Jasmine nang marinig niya ang sin
ISANG malamig na boses ang narinig ni Sally at Jasmine mula sa itaas dahilan para sabay silang mapalingon. Bakas ang pagkagulat sa kani-kanilang mga mukha dahil hindi nila akalain na naroon pala ang kanilang boss. Hindi ba at dapat itong nasa opisina nito ito? Bakit naroon ito? Dahil dito ay hindi na nagawa pang magpalaam ni JAsmine kay Sally. “Yes sir.” mabilis na sagot niya bago umalis upang pumunta sa coffee room para magtimpla ng kape. Nang matapos niyang matimpla ang kape ay kaagad na siyang nagtungo sa opisina nito para dalhin ang kape nito. Kumatok muna si Jasmine bago pumasok sa loob ng opisina. Maingat niyang inilapag ang kape sa mesa nito. “Ito na ang kape niyo sir.” magalang na sabi niya.Hindi siya nito sinagot bagkus ay bigla na lang nitong dinampot ang baso at pagkatapos ay humigop mula rito. Tiningnan siya nito. “Well, mas magaling ka ng magtimpla ngayon ng kape kaysa noon.” sabi nito sa kaniya bago ibinaba ang tasa. “Ngunit hindi ko akalain na habang tumatanda ka ay
DAHAN-dahang napatingala si Jasmine nang marinig niya ang boses na iyon. Nakatitig sa kaniya ang isang pares ng mga matang maiitim at halos hinid mo mabasa ang anumang ekspresyon na nakapaloob sa mga ito. Halos matulala siya nang muli niyang makita ang gwapo nitong mukha kung saan ay parang nililok ng isang napakagaling na iskultor. Paano niya nga ba naman makakalimutan ang mukha na iyon? Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang natauhan. Pero paanong narito ito? Anong ginagawa nito dito? Ito lang naman si Nathan Cruz— ang dati niyang asawa! Ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang narinig ang inip na boses nito. “Wala ka bang balak na bitawan ako?” tanong nito sa kaniya na may bahid ng panunuya dahilan para mabilis siyang lumayo rito na para bang nakuryente. Inayos niya ang kanyang tayo at maging ang kanyang damit. Nang mga oras na iyon ay kaagad niyang naramdaman ang pagbabago ng hangin sa loob ng elevator. Sa katunayan, kagabi lang ay muli na naman niya itong napaginipan. Sa ka
Alas syete pa lang ng umaga ay naghahanda na sa pagpasok sa paaralan si Jasmine at ang kanyang anak na si Diane. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nang makitang hindi pa ring ito gumagalaw mula sa kinauupuan. “Anak, suotin mo na ang mga sapatos mo, malelate na tayo niyan e.” sabi niya rito. Ngumuso ito at pagkatapos ay bigla na lang pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib. “Ayoko! Ayokong pumasok!” sabi nito na may kasama pang pagdadabog. Muli na lang siyang nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. “Anak naman…” medyo pinalambot niya ang kanyang boses. “Ibibili kita mamaya ng paborito mong chocolate cake kapag pumasok ka.” ngumiti siya rito. “Hindi ba at paborito mo iyon?” biglang naging malambot ang ekspresyon ng kanyang anak. Sa sumunod na sandali pa ay bigla na lang nitong iniayos ang paa. Hindi na siya nagdalawang isip pa na bilisan ang kanyang mga galaw. Mabilis niyang sinuutan ito ng sapatos pagkatapos ay binuhat niya ito pababa ng bahay. Habang buhat-buhat a







