Share

Chapter 7

Author: Susi
last update publish date: 2026-04-09 14:16:58

NANATILING nakapako ang mga mata ni Nathan kay Jasmine noong mga oras na iyon. Nakasuot ito ng kulay itim na dress. Ang mapuputi nitong mga balikat ay nakalantad at ang dibdib nito ay bahagyang nakalabas. Tiyak na kaunting galaw lamang nito ay makikita na ang dibdib nito ngunit hindi naman iyon malaswang tingnan kahit papano.

Ang damit din nito ay nakahapit sa katawan nito kung saan ay kitang-kita ang napakagandang katawan nito. May kaunting makeup din itong inilagay sa mukha kung saan ay mas nakadagdag pa sa angking ganda nito at talaga namang masasabi niyang kaakit-akit ito. Sunod-sunod ang naging paglunok niya ng wala sa oras dahil dito. 

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang medyo naiinis na tinig nito. “Sir, parang hindi naman yata tama na titigan niyo ako ng ganyan hindi ba? Nakakailang sa totoo lang.” walang ekspresyon ang mukha nitong lumingon sa kaniya. 

Sa halip ay isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nathan habang nakatingin dito. “Miss De Leon, medyo hindi ko lang maiwasang hindi mag-isip, nitong mga nakaraang taon. Kamusta ang lovelife mo? O mas tamang sabihin na wala kang lovelife?” 

Natigilan si Jasmine nang marinig niya ang sinabi nito. Bakit ba pati ang mga bagay na iyon ay itinatanong nito sa kaniya? Wala na ba itong maisip na ibang itanong at maging iyon ay pinag-iinteresan na nitong itanong? Unang una ay ano ba ang pakialam nito? Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kanina pa siya nagpipigil ng kanyang galit sa lalaki sa totoo lang. 

“Ano bang pakialam mo Mr. Cruz kung may lovelife ako o wala?” naiinis niyang tanong dito.

Ngumiti lang ito sa kaniya at pagkatapos ay ipinilig ang ulo. “Well, naalala ko lang kung paano ka kabaliw sa akin noon.” may himig ng panunukso na sabi nito sa kaniya dahilan para mapakuyom lang ang kanyang mga mata.

Umingos na lamang siya. “Noon iyon, isa pa iba na ngayon. Malayo na ako sa kung sino ako noon.” matatag na sagot niya rito bago nag-iwas ng tingin at tumanaw sa labas ng bintana.

Hindi niya alam ngunit biglang pumasok sa isip niya ang unang pagkakataon na nagkita silang dalawa ng lalaki, hindi inaasahan iyon at masasabi niyang baka tadhana na rin talaga na magkita silang dalawa. Nagpunta sila sa ilalim ng napakalaking puno ng acacia kung saan ay katabi lang nito ang isang ilog at simula noon ay iyon na ang naging tagpuan nilang dalawa at doon unang may nangyari sa kanilang dalawa. 

Napakaganda ng lugar na iyon, napakatahimik kung saan gustong gusto niyang tumambay doon kahit na noong naghiwalay na silang dalawa. Palagi pa rin siyang pumupunta doon at umiiyak hanggang sa isang araw ay hindi na siya nakabalik pa roon dahil may nakabili na sa lupang iyon at pinatayuan ng napakalaking bahay. 

Ngunit laking pasalamat niya na hanggang sa mga oras na ito ay naroon pa rin ang puno at natatanaw niya sa malayo, hindi pa rin ito pinuputol ng nakabili ng lupa. 

Nahila siya sa pag-iisip nang bigla na lang gumalaw ang katabi niya at nang lingunin niya ito ay nakita niyang may kinukuha ito sa bulsa at makalipas lang ang ilang sandali ay lumapit to sa kaniya dahilan para hindi na siya makagalaw pa. Halos mataranta siya nang maamoy niya ang pamilyar nitong pabango na gamit pa rin  nito mula pa noon.

“Anong ginagawa mo?” nakakunot ang noo niyang tanong at bago pa ito makasagot at isinuot nito ang isang kwintas sa leeg niya, ang kwintas na iyon ay walang iba kundi ang ipinakuha rin nito sa kaniya kanina. Nang makita niya ito ay kaagad na namilog ang kanyang mga mata. “Teka sir, ano ito? Bakit mo pinapasuot sa akin ito?” naguguluhan niyang tanong at hinawakan ang napakamahal na kwintas.

Ilang sandali pa ay lumayo ito sa kaniya nang tuluyan na nitong maisuot sa kaniya ito. Nakatingin pa rin siya rito, halos hindi makapaniwala. “Anong…”

“Huwag ka ng magtanong pa basta isuot mo na lang. Ayokong mapahiya okay?” 

Ang kwintas na iyon ay nagkakahalaga lang naman ng ilang milyon at kahit na ipambayad niya siguro ang kanyang buhay ay hindi niya ito magagawang bayaran. Paano niya magagawang hayaan itong ipasuot sa kaniya ang ganun kamahal na kwintas? 

Sunod-sunod siyang napalunok at napatingin dito. “Sir, hindi pwede. Kapag nawala ko ito o kaya nasira, ano na lang ang ipambabayad ko?” puno ng pag-aalala ang kanyang boses idagdag pa na medyo nataranta na rin siya. Hindi biro ang presyo nito, nakakalula sa totoo lang.

Walang ekspresyon ang mukha nitong tumingin sa kaniya. “Hindi mo kailangang bayaran sa akin kung hindi mo naman sinasadyang mawala kaya wala kang dapat ipag-alala.” sabi nito sa kaniya bago bumaba ang mga mata nito sa damit niya. “Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao kung ganyan ang itsura mo lalo na at ako ang kasama mo? Sa tingin mo ba ay ginagawa ko ito dahil gusto ko? Meron akong iniingatang pangalan at reputasyon baka nakakalimutan mo na.” malamig na dagdag nito dahilan para matigilan siya ng wala sa oras.

Ang kanyang mga mata ay naging malamig at napakuyom ng bahagya ang kanyang mga kamay. Hindi naman siya nag-eexpect sa totoo lang, hindi niya lang akalain na sasabihin nito iyon kaya sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang sa gusto nito. “Kung iyon ang gusto niyo, sige.” sagot niya rin sa huli.

Bigla niyang niyuko ang kanyang suot na gown. Kung tutuusin ay halos sabihin na sa kaniya ng lalaki na napakapangit ng suot niyang gown. Hindi naman ito panget kung tutuusin at halos pinag-ipunan niya pa ang ipinambili niya sa damit na iyon noong nakaraang taon at minsan niya pa lang iyong nasuot kaya hindi pa naman iyon luma, pero kung umasta ito ay akala mo napaka panget masyado niya sa suot niya. 

Mabilis niyang iniiwas ang kanyang tingin mula dito. “Ibabalik ko rin sayo ito ng walang gasgas sir pagkatapos na pagkatapos ng dinner.” sabi niya dahil iyon lang naman ang silbi ng kwintas hindi ba? Ang hindi ito mapahiya sa mga taong kahaharapin nito, kung iinsultuhin lang din naman pala siya nito e di sana ay hindi na lang siya ang sinama nito doon.

Nagulat siya nang bigla na lamang lumapit sa kaniya ang lalaki at inayos ang kwintas na isinuot nito sa kaniya. Halos mapigil niya ang kanyang paghinga nang maramdaman niya ang pagtama ng mainit nitong hininga sa kanyang leeg at ang mga payat nitong daliri ay humahaplos sa kanyang balat kung saan ay nakaramdaman siya ng kakaibang pakiramdam. 

Ilang sandali pa ay muli niyang narinig ang mahina at mababang boses nito. “Jazz, nitong mga nakaraang taon, ni hindi man lang ba ako sumagi sa isip mo?” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND   Chapter 16

    MAG-aalas kwatro ng hapon ay mabilis na umalis si Jasmine sa kumpanya at dumiretso na siya kaagad sa kindergarten kung saan pumapasok ang anak niya. Samantala, lingid sa kanyang kaalaman ay isang mamahaling sasakyan ang maingat na nakasunod sa kanyang likuran. Ang driver ni Nathan ay hindi maiwasang hindi mag-alala ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng takbo ng kotseng sinusundan nila. “Hindi ko alam kung bakit ganun siya magmaneho ng kotse, mukha yatang hindi pa siya ganun kasanay, isa pa para yatang napakaraming depekto ng sasakyan niya. Paano na lang kung madisgrasya siya?” hindi niya naiwasang hindi naibulalas.Kaagad naman na nagdilim ang mukha ni Nathan nang marinig niya ang sinabi nito. “Anong ibig niyong sabihin? Hindi na ganun kaganda ang takbo ng kotse niya?” tanong niya rito. Bahagya itong tumango bago sumagot sa kaniya.“Ang kotse niya ay lumang model na at tiyak na napakatanda na ng kotseng iyon.” sagot nito sa kaniya.Hindi niya maiwasang hindi mapaisip, tinalikuran siy

  • THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND   Chapter 15

    NANG sumara ang pinto ay binalingan ni Nadia si Nathan at muling nagtanong. “Wala ka bang balak na bumalik? Talaga bang mananatili ka rito?” Hindi na nagdalawang isip pa na sagutin ang tanong ni Nadia at diretsa niya itong sinagot ng walang pag-aalinlangan. “Oo, wala akong balak bumalik. Dito na muna ako mananatili.” sagot niya at pagkatapos ay pinulot ang kape na kadadala lang ni Jasmine sa kanila. Nakakaisang higop pa lamang siya ay halos maibuga na niya ang nasa bunganga niya dahil napakatamis ng kape niya kahit na mariin na niya noong ibinilin sa kanyang mga sekretarya na hindi siya nagkakape ng matamis. Dahil dito ay naging malamig ang kanyang mga mata. Halatang sinasadya ng nagtimpla ng kape na tamisan iyon. “Ganun ba. Well, nabalitaan mo na bang bumalik na rin ang kapatid mo rito sa bansa? At balita ko ay gumagawa na siya ng kanyang mga hakbang.” sabi ni Nadia. Alam niyang nag-aalala ito.“Wala kang dapat ipag-alala dahil unang-una ay hindi mapapasakamay sa kaniya ang anuman

  • THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND   Chapter 14

    DAHIL hindi siya halos nakatulog kagabi ay may itim sa ibaba ng kanyang mga mata. Ayaw niya sanang pumasok ngunit naalala niya ang sinabi ng lalaki kagabi kaya wala siyang choice. Pagdating niya sa opisina ay napakunot ang noo niya ng makita ang napakaraming bulaklak. Alam niyang mahal ang mga iyon dahil sobrang gaganda. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Alam na niya kaagad kung sino ang nagpadala ng mga iyon sa kaniya. Ibig lang sabihin ay dumating na naman si Aeron, ang manliligaw niya. Lumapit sa kaniya si Sally. “Grabe huh, napaka-effort at napaka tiyaga rin ng lalaking iyon. May isang taon na rin siyang nanliligaw sayo hindi ba? Bakit ayaw mo pa siyang sagutin?” tanong nito sa kaniya.Napabuntong hininga na lang siya ng wala sa oras. “Well, pinag-iisipan ko pa.” sagot niya na totoo naman. Ang totoo niyan ay wala talaga siyang balak na sagutin ito pero dahil bumalik na si Nathan ay ayaw niya namang isipin nito na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya maka m

  • THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND   Chapter 13

    MEDYO nahimasmasan naman na kahit papano si Jasmine kaya nilingon niya ng malamig si Nathan. “Iwan mo na ako rito.” walang ekspresyon ang mukha niyang sabi rito. Tumingin naman ang lalaki sa kaniya at isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Hindi ba at ikaw ang unang nanunggab sa akin?” tanong nito sa kaniya. Sa halip na patulan ito ay nag-iwas na lamang siya ng tingin. Ayaw niyang mapagod sa pakikipagtalo dito.Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntong hininga at pagkatapos ay may isang bote ng gamot ang inilapag nito sa harap niya. “Inumin mo ito para mawala ang epekto ng gamot sayo.” sabi nito sa kaniya.Mabuti na lang at mabilis kumilos si Max at nakahanap ito kaagad ng pangontra sa gamot na ipinainom nila kay Jasmine, idagdag pa na alam na rin niya kung sino ang nasa likod ng lahat ng iyon. Kaagad na pinulot ni Jasmine ang bote ng gamot na ibinigay sa kaniya ni Nathan. Binuksan niya ito at naglabas ng ilang tableta rito at ininom ng

  • THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND   Chapter 12

    HINDI nagtagal ay dumating na si Jeddah sa hotel kasama ang ilan niyang mga kaibigan. Pumunta siya doon para makita ng lahat kung ano ang ginagawa ng mahal na sekretarya ni Nathan Cruz. sa pamamagitan nito ay matatanggal ito sa trabaho kung sakali at maingat niyang plinano ang lahat. Ngunit nang dumating sila sa mismong silid ay nagulat siya dahil ang tanging naabutan nila doon ay ang lalaking inutusan niya at nakatali ito sa kama. Wala na itong saplot. Hindi siya nakapagsalita at bago pa man siya makapag-react ay isang tinig ang nagmula sa isang gilid. “Mukhang nabigo ka yata sa plano mo Miss Navarro.” Nang lingunin niya ang nagsalita ay nakita niya si Maxwell Martin na nakatayo ilang metro sa kaniya. Malalamig ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Alam mo ba kung sino ang kinakalaban mo?” muli nitong tanong sa kaniya.Sunod-sunod ang naging paglunok niya ng mga oras na iyon. Ang kanyang mukha ay napuno ng takot. Napaatras siya. Hindi niya akalain na magiging ganito ang

  • THE CEO I HATE IS MY EX-HUSBAND   Chapter 11

    MULA sa itaas ng isang gusali ay kitang-kita ni Maxwell ang buong pangyayari at kaagad niyang nakilala ang babaeng hawak-hawak ng lalaki. Naging malamig ang kanyang mga mata at hindi na nagdalawang isip pa na dukutin ang kanyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang isang numero. Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang narinig ang pagsagot nito ng tawag niya.“Alam mo ba kung nasaan ang sekretarya mo ngayon? Nasa kabilang hotel, hila-hila ng isang lalaki.” sabi niya rito.Hindi niya na rinig ang sagot nito dahil mabilis nitong ibinaba ang tawag, kasunod nito ay bumaba rin siya sa kinaroroonan niya dahil gusto niyang makita ang buong pangyayari.Naabutan niya si Nathan na nakatayo sa labas at hindi maipinta ang mukha. Nagtatagis ang mga bagang at nag-aapoy ang mga mata na parang isang leon at anumang oras ay handang manlapa ng kahit sinong makita nito. “Nasaan sila?!” mariin nitong tanong sa kaniya at kakikitaan ng katakot-takot na awra ang pagmumukha nito.Mabilis niyang itinuro kung saa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status