LOGINKINAHAPUNAN ay kaagad na nakita ni Jasmine ang isang friend request. Lalaki iyon at alam na niya kaagad na iyon na nga ang lalaking sinasabi ng kanyang ina sa kaniya. Hindi niya na lang ito pinansin at hindi niya rin ito inaccept. Wala siyang plano na tanggapin iyon isa pa, hindi siya naghahanap ng pag-ibig sa ngayon. Dahil hindi naman siya busy ay sinundo niya na lang ang kanyang anak sa school at pagkatapos ay dinala niya ito sa playground. Pinaglaro niya muna ito sandali bago tuluyang inuwi. Pagkauwi nila ay nagluto na siya kaagad para mapakain niya ito ng maaga dahil ang plano niya ay turuan muna ito sa mga assignment nito. Hindi nagtagal ay natapos na niya itong linisan at pakainin kaya umupo silang dalawa sa sala. “Anak, anong hayop ito?” “Duck Mommy!” “E ito naman?” “Chick!” Napakunot ang noo ni Jasmine nang bigla na lang siyang makarinig ng doorbell. Baka si Jeddah ito. “Dito ka muna sandali.” sabi niya sa anak niya at tumayo tyaka siya nagtungo sa pinto. Nang buksan niy
ALAS diyes na ng umaga ng tuluyang magising si Jasmine. Kaagad siyang napahawak sa kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay para itong pinupukpok at bukod pa doon ay parang umiikot ang paligid niya. Napakahilot siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay bigla siyang napatayo mula sa kama ng maalala na late na siya! Kailangan niya pang pumasok! Hindi siya pwedeng umabsent dahil— Bumukas ang pinto dahilan para matigilan siya. Pumasok si Jeddah. “Gising ka na pala.” sabi nito sa kaniya at nang makita ang nag-aalala niyang itsura ay ngumiti ito sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, ipinagpaalam na muna kita.” sabi niya rito.Dahan-dahan siyang napaupo sa kama. “Dahil wala ka namang pasok ngayon, bakit hindi mo muna dalawin ang iyong ina? May sakit pa rin yata siya at tungkol naman kay Diane ay ayos lang sa akin na dito muna siya para hindi siya mahawa ng sakit.” sabi nito sa kaniya.Tumayo siya mula sa kama at dahan-dahang lumapit sa kanyang kaibigan at tyaka niya ito niyakap n
PAGKATAPOS iparada ni Jeddah ang kanyang sasakyan sa parking lot ay bumaba siya ng kanyang kotse at tumawag ng kasambahay. Nagpatulong siya ritong buhatin si Jasmine na lasing na lasing ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit ito naglasing ngunit sigurado siya na may dahilan iyon. Napa buntong hininga na lang siya. Matapos nilang dalhin ito sa isang kwarto ay napabuga pa siyang muli ng hangin.Biglang nagsalita si Jasmine habang nakahiga sa kama. “Ang lakas ng loob mo Nathan…” “Akala mo ba talaga ay ibibigay ko sayo ang anak natin?” “Pagkatapos mo akong lokohin…” kahit na tulog at hindi nito alam ang sinasabi ay ramdam na ramdam niya sa boses ng kanyang kaibigan ang labis na sakit. Kapag lasing pa naman ang mga tao ay doon lumalabas ang tunay nitong nararamdaman at mabuti na lang talaga ay hindi niya ito hinayaang sumama sa lalaking iyon. Lumabas sandali si Jeddah para kumuha ng pamunas sana kay Jasmine ngunit pagbalik niya ay nakita niyang wala na ito sa kama. Nasa sahig i
WALANG magawa si Jasmine ng mga oras na iyon kundi ang hayaan ang lalaki na buhati siya. Lasing na lasing talaga siya at wala na siyang lakas pa para makipagtalo o ni makipag argumento pa rito. Napasandal na lang siya sa matigas nitong dibdib at pagkatapos ay dahan-dahang nagtaas ng ulo para tumingin sa lalaki. Sa nanlalabo niyang mga mata ay nagsalita siya. “Nathan, hinding hindi kita mapapatawad.” bulong niya rito.Samantala, napangiti naman si Nathan ng marinig niya ang sinabi nito. Hindi niya niluwagan ang pagkakayakap niya rito at sa halip ay mas humigpit pa ang hawak niya sa maliit nitong katawan habang naglalakad siya. “Wala rin akong balak na patawarin ka.” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali. “Alam mo ba na dapat kitang parusahan dahil lang sa ginawa mo?” tanong niya rito.Naabutan sila ni Asher at Siege sa labas at inabot sa kaniya ang bag ng babae. Ilang sandali pa ay hindi na napigilan pa ni Asher na magtanong sa kaniya. “Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi ka
ALAS syete ng gabi mag-uumpisa ang dinner sa isang mamahaling hotel. Hindi na siya nagpasundo pa sa kanyang boss at sinabi na lang niya ritong susunod na lang siya doon. Pagdating nga niya sa pribadong silid ay kaagad niyang binuksan ang pinto at doon nga ay nakita niya ang tatlong lalaki, si Nathan, Asher Villanueva at Siege Ross.Kilala niya ang mga ito. Si Asher Villanueva ay isang playboy at isa itong anak ng isa sa mga mayayamang pamilya sa lungsod. Si Siege naman ay allergic sa mga babae na kinailangan pang bumili ng pamilya nito ng sariling facility para lang magamot ang sakit nitong iyon. Mabilis na itinuro ng kanyang boss ang kanyang uupuan. Pagkaupo niya ay nagsimula ng mag-inuman ang tatlo. Nang hindi siya dumampot ng baso ay nilingon siya ni Asher. “Miss De Leon right?” tumango siya. “Bakit ayaw mong makipag-toast sa amin? Isa pa, isa ka sa mga secretary ni Nathan kaya kasali ka sa kasiyahan.” sabi nito sa kaniya ngunit sa halip ay ngumiti lang siya at dinampot ang baso n
UMIKOT ang mga mata ni Jasmine dahil sa sinabi ng lalaki bago nagpaalam. Mukha naman yatang wala itong importanteng sasabihin sa kaniya kaya mas maganda na lang na umalis na lang siya. Kinahapunan, alas singko ng hapon ay tapos na ni Jasmine ang mga ipinapagawa sa kaniya ng kanyang boss. Inilagay niya ito sa mesa ng lalaki bago nagmamadaling umalis.Nagtext sa kaniya ang kanyang ina na hindi daw maganda ang pakiramdam nito kaya wala siyang choice kung hindi kuhanin si Diane. Baka din kasi mahawa ng sakit ang anak niya e kawawa naman. Nasa school pa ito panigurado at naghihintay dahil hindi daw kayang bumangon ng kanyang ina kaya hindi nito nasundo. Medyo binilisan niya ang pagtakbo ng kanyang sasakyan para lang makarating kaagad sa school ng kanyang anak. Ang hindi niya alam ay isang luxury car pala ang nakasunod sa kanyang likuran. Pagkaparada niya ng sasakyan sa labas ng eskwelahan ay nagmamadali siyang pumasok sa loob para sunduin ang anak. Kinarga niya ito at buong pagmamahal na
NANG sumara ang pinto ay binalingan ni Nadia si Nathan at muling nagtanong. “Wala ka bang balak na bumalik? Talaga bang mananatili ka rito?” Hindi na nagdalawang isip pa na sagutin ang tanong ni Nadia at diretsa niya itong sinagot ng walang pag-aalinlangan. “Oo, wala akong balak bumalik. Dito na m
DAHIL hindi siya halos nakatulog kagabi ay may itim sa ibaba ng kanyang mga mata. Ayaw niya sanang pumasok ngunit naalala niya ang sinabi ng lalaki kagabi kaya wala siyang choice. Pagdating niya sa opisina ay napakunot ang noo niya ng makita ang napakaraming bulaklak. Alam niyang mahal ang mga iyon
MEDYO nahimasmasan naman na kahit papano si Jasmine kaya nilingon niya ng malamig si Nathan. “Iwan mo na ako rito.” walang ekspresyon ang mukha niyang sabi rito. Tumingin naman ang lalaki sa kaniya at isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Hindi ba at ikaw ang unang nanunggab sa akin?” tanong
MULA sa itaas ng isang gusali ay kitang-kita ni Maxwell ang buong pangyayari at kaagad niyang nakilala ang babaeng hawak-hawak ng lalaki. Naging malamig ang kanyang mga mata at hindi na nagdalawang isip pa na dukutin ang kanyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang isang numero. Ilang sandali pa ay







