เข้าสู่ระบบHALOS alas singko y medya na nang hapon nang makabalik si Jasmine sa kumpanya. Ilang beses siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili niya. Simula kaninang umaga ay hindi pa rin sila nagkita ngayong buong maghapon ng boss niya at ngayon ay kailangan niyang pumunta sa opisina nito kahit na inis na inis na siya rito.
Walang ekspresyon ang kanyang mukha na naglakad patungo sa pinto ng opisina ng kanyang boss. Kumatok muna siya sa pinto bago itinulak ito. Nanatili siyang nakayuko at ni hindi man lang ito sinulyapan dahil baka kapag nakita na naman niya ang mukha nito ay baka mainis na naman siya.
Maingat niyang inilapag ang kwintas na nakalagay sa kahon sa harapan nito. “Sir, ito na po ang kwintas na ipinapakuha niyo sa akin.” magalang na sabi niya rito. Siguro naman ay wala na itong iuutos hindi ba? Handa na sana siyang tumalikod nang marinig niyang magsalita ito.
“Mamayang gabi ay kailangan mong sumama sa akin dahil kailangan nating umattend ng dinner party.” natigilan siya ng wala sa oras sa narinig. What? Dinner party? Kailangan niya bang samahan ito doon pero bakit? Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig para magsalita ngunit naunahan na naman siya nito. “Palitan mo ang damit mo, yung medyo akma naman sa pupuntahan natin.” dagdag nitong sabi at nilingon siya bago sinuyod siya ng tingin pataas pababa. “Yung sexy ah.” muling sabi nito.
Nagtagis ang mga bagang niya. Sexy? Bakit kailangan niyang magbihis ng ganun? Kailangan niya bang iparada ang katawan niya?
Ilang sandali pa ay tumaas ang sulok ng labi nito. “Kung hindi mo gagamitin ang katawan mo, anong magiging silbi mo?” puno ng panunuya na tanong nito sa kaniya dahilan para mas lalo pa siyang magngitngit sa galit. Hindi niya akalain na ganito ang magiging uri ng mga salita nito.
Kung pwede niya lang sana itong sakalin hanggang sa mag-violet ay ginawa niya na sa sobrang inis niya.
Huminga siya ng malalim at sinalubong ang mga mata nito. “Baka nakakalimutan mo na sir, tatlo kaming sekretarya mo kaya bakit ako na lang palagi ang inuutusan ninyo? Pwede namang sila na lang ang sumama sa inyo at—” ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay mabilis siya nitong pinutol.
“Sino ba ang boss sa ating dalawa? Ikaw ba o ako?” supalpal na tanong nito sa kaniya dahilan para maging malamig lang ang kanyang mga mata dahil sa pagkapahiya. Hindi niya akalain na gagamitin nito ang posisyon nito para utusan siya sa mga bagay na labag na labag naman sa kalooban niya.
Muli siyang humugot ng malalim na buntong hininga bago pa siya tuluyang mawalan ng kontrol sa sarili niya dahil sa matinding inis sa lalaki. “Ikaw sir, syempre.” walang emosyon na sagot niya rito.
Tumaas lang ang sulok ng labi nito at sumulyap sa suot na relo bago siya nilingon. “Bibigyan kita ng 50 minutes para magpalit ng damit at maghanda sa sarili mo.” sabi nito sa kaniya dahilan para mapaikot na lamang ang kanyang mga mata bago nagmamadaling tumalikod at lumabas ng opisina nito.
Napakawalang hiya talaga ng lalaking iyon! Galit na galit na usal niya sa kanyang isip habang naglalakad palabas ng kumpanya. Tinatantiya niya ang kaniyan oras kung kakasya ba ang ibinigay nitong oras sa kaniya para umuwi at magbihis ng kanyang damit pero habang naglalakad ay doon na niya naisip na sobrang ikli lang ng oras na ibinigay nito sa kaniya at hindi niya alam kung anong pagmamadali ba ang gagawin niya para lang makabalik sa kumpanya.
Ilang sandali pa ay mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone sa bag at tinawagan ang kanyang ina. Nang marinig niya ang pagsagot nito ay hindi na siya nagdalawang isip pa na magsalita. “Ma, pwede bang diyan na muna matulog sa inyo si Diane? May pupuntahan ako e, isinama ako ng boss ko sa isang business dinner.”
“Sige.” mabilis na sagot nito sa kaniya kung saan ay nagmamadali siyang tumawag ng taxi para masakyan niya pauwi bago pa maubos ang oras niya.
~~~~
Nagmamadaling tinapos ni Jasmine ang kanyang pag-aayos nang makita niya ang oras. Halos matapilok siya sa sobrang bilis ng lakad niya para lumabas nang makita niya ang mamahaling kotse na nakaparada sa harapan mismo ng bahay niya.
Umikot siya at lumapit dito, pinag-iisipan kung saan ba siya uupo nang bigla na lang bumukas ang pinto sa likod. Hindi na siya nagdalawang isip pa na lumapit dito at sumakay ng walang imik sa tabi ng lalaki. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakatitig ito sa kaniya, malamig ang mga mata at walang imik.
Nag-iwas siya ng tingin dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkailang ng mga oras na iyon dahil sa uri ng titig nito sa kaniya. Pilit siyang tumingin sa kanyang harapan at hindi pinansin ang titig ng katabi niya na hindi man lang nito itinago at harap-harapan pa talaga siya nitong tinitingnan. Hindi niya tuloy alam kung anong mararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil sa ginagawa nito.
…
MAG-aalas kwatro ng hapon ay mabilis na umalis si Jasmine sa kumpanya at dumiretso na siya kaagad sa kindergarten kung saan pumapasok ang anak niya. Samantala, lingid sa kanyang kaalaman ay isang mamahaling sasakyan ang maingat na nakasunod sa kanyang likuran. Ang driver ni Nathan ay hindi maiwasang hindi mag-alala ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng takbo ng kotseng sinusundan nila. “Hindi ko alam kung bakit ganun siya magmaneho ng kotse, mukha yatang hindi pa siya ganun kasanay, isa pa para yatang napakaraming depekto ng sasakyan niya. Paano na lang kung madisgrasya siya?” hindi niya naiwasang hindi naibulalas.Kaagad naman na nagdilim ang mukha ni Nathan nang marinig niya ang sinabi nito. “Anong ibig niyong sabihin? Hindi na ganun kaganda ang takbo ng kotse niya?” tanong niya rito. Bahagya itong tumango bago sumagot sa kaniya.“Ang kotse niya ay lumang model na at tiyak na napakatanda na ng kotseng iyon.” sagot nito sa kaniya.Hindi niya maiwasang hindi mapaisip, tinalikuran siy
NANG sumara ang pinto ay binalingan ni Nadia si Nathan at muling nagtanong. “Wala ka bang balak na bumalik? Talaga bang mananatili ka rito?” Hindi na nagdalawang isip pa na sagutin ang tanong ni Nadia at diretsa niya itong sinagot ng walang pag-aalinlangan. “Oo, wala akong balak bumalik. Dito na muna ako mananatili.” sagot niya at pagkatapos ay pinulot ang kape na kadadala lang ni Jasmine sa kanila. Nakakaisang higop pa lamang siya ay halos maibuga na niya ang nasa bunganga niya dahil napakatamis ng kape niya kahit na mariin na niya noong ibinilin sa kanyang mga sekretarya na hindi siya nagkakape ng matamis. Dahil dito ay naging malamig ang kanyang mga mata. Halatang sinasadya ng nagtimpla ng kape na tamisan iyon. “Ganun ba. Well, nabalitaan mo na bang bumalik na rin ang kapatid mo rito sa bansa? At balita ko ay gumagawa na siya ng kanyang mga hakbang.” sabi ni Nadia. Alam niyang nag-aalala ito.“Wala kang dapat ipag-alala dahil unang-una ay hindi mapapasakamay sa kaniya ang anuman
DAHIL hindi siya halos nakatulog kagabi ay may itim sa ibaba ng kanyang mga mata. Ayaw niya sanang pumasok ngunit naalala niya ang sinabi ng lalaki kagabi kaya wala siyang choice. Pagdating niya sa opisina ay napakunot ang noo niya ng makita ang napakaraming bulaklak. Alam niyang mahal ang mga iyon dahil sobrang gaganda. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Alam na niya kaagad kung sino ang nagpadala ng mga iyon sa kaniya. Ibig lang sabihin ay dumating na naman si Aeron, ang manliligaw niya. Lumapit sa kaniya si Sally. “Grabe huh, napaka-effort at napaka tiyaga rin ng lalaking iyon. May isang taon na rin siyang nanliligaw sayo hindi ba? Bakit ayaw mo pa siyang sagutin?” tanong nito sa kaniya.Napabuntong hininga na lang siya ng wala sa oras. “Well, pinag-iisipan ko pa.” sagot niya na totoo naman. Ang totoo niyan ay wala talaga siyang balak na sagutin ito pero dahil bumalik na si Nathan ay ayaw niya namang isipin nito na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya maka m
MEDYO nahimasmasan naman na kahit papano si Jasmine kaya nilingon niya ng malamig si Nathan. “Iwan mo na ako rito.” walang ekspresyon ang mukha niyang sabi rito. Tumingin naman ang lalaki sa kaniya at isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Hindi ba at ikaw ang unang nanunggab sa akin?” tanong nito sa kaniya. Sa halip na patulan ito ay nag-iwas na lamang siya ng tingin. Ayaw niyang mapagod sa pakikipagtalo dito.Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntong hininga at pagkatapos ay may isang bote ng gamot ang inilapag nito sa harap niya. “Inumin mo ito para mawala ang epekto ng gamot sayo.” sabi nito sa kaniya.Mabuti na lang at mabilis kumilos si Max at nakahanap ito kaagad ng pangontra sa gamot na ipinainom nila kay Jasmine, idagdag pa na alam na rin niya kung sino ang nasa likod ng lahat ng iyon. Kaagad na pinulot ni Jasmine ang bote ng gamot na ibinigay sa kaniya ni Nathan. Binuksan niya ito at naglabas ng ilang tableta rito at ininom ng
HINDI nagtagal ay dumating na si Jeddah sa hotel kasama ang ilan niyang mga kaibigan. Pumunta siya doon para makita ng lahat kung ano ang ginagawa ng mahal na sekretarya ni Nathan Cruz. sa pamamagitan nito ay matatanggal ito sa trabaho kung sakali at maingat niyang plinano ang lahat. Ngunit nang dumating sila sa mismong silid ay nagulat siya dahil ang tanging naabutan nila doon ay ang lalaking inutusan niya at nakatali ito sa kama. Wala na itong saplot. Hindi siya nakapagsalita at bago pa man siya makapag-react ay isang tinig ang nagmula sa isang gilid. “Mukhang nabigo ka yata sa plano mo Miss Navarro.” Nang lingunin niya ang nagsalita ay nakita niya si Maxwell Martin na nakatayo ilang metro sa kaniya. Malalamig ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Alam mo ba kung sino ang kinakalaban mo?” muli nitong tanong sa kaniya.Sunod-sunod ang naging paglunok niya ng mga oras na iyon. Ang kanyang mukha ay napuno ng takot. Napaatras siya. Hindi niya akalain na magiging ganito ang
MULA sa itaas ng isang gusali ay kitang-kita ni Maxwell ang buong pangyayari at kaagad niyang nakilala ang babaeng hawak-hawak ng lalaki. Naging malamig ang kanyang mga mata at hindi na nagdalawang isip pa na dukutin ang kanyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang isang numero. Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang narinig ang pagsagot nito ng tawag niya.“Alam mo ba kung nasaan ang sekretarya mo ngayon? Nasa kabilang hotel, hila-hila ng isang lalaki.” sabi niya rito.Hindi niya na rinig ang sagot nito dahil mabilis nitong ibinaba ang tawag, kasunod nito ay bumaba rin siya sa kinaroroonan niya dahil gusto niyang makita ang buong pangyayari.Naabutan niya si Nathan na nakatayo sa labas at hindi maipinta ang mukha. Nagtatagis ang mga bagang at nag-aapoy ang mga mata na parang isang leon at anumang oras ay handang manlapa ng kahit sinong makita nito. “Nasaan sila?!” mariin nitong tanong sa kaniya at kakikitaan ng katakot-takot na awra ang pagmumukha nito.Mabilis niyang itinuro kung saa







