Share

Chapter 2: ‘ENTERTAINER'S LIFE’

It was the first time that there's a man had seen her alas. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mukha nito, kung paano kumunot ang noo nito nang makitang hindi pa siya gamit lalo na't isa siyang entertainer.

Gabi na naman, panahon na naman ng kaniyang trabaho at saktong pag-pasok niya sa entrance, sinalubong siya ni Mark, isa sa mga waiter ng bar pero naging malapit sa kaniya.

Taas-baba ang tingin nito sa kabuuan niya kasabay nang pasimpleng paghagis ng vape na hawak nito sa dibdib niya. Halatang sadya, ngunit alam niya ang galawan ng lalaki, kaya mabilis rin siyang umakto upang saluhin ito.

"May mga bagong babaeng dumating, lipat ka raw ng dressing room," saad nito sa kaniya sinabayan pa ng pagtabingi ng ulo pampaangas ng galaw.

"Na naman?" reklamo siya at sumimangot.

Humithit siya ng vape, tiniis ang epekto ng usok sa lalamunan niya at habang ginagawa niya iyon pinagmamasdan siya nito habang sinasabing, "May pwesto ka pa rin naman. Ang pinagkaiba lang, maiingay ang mga kasama mo roon."

Umirap siya habang ilalaro ang makapal na usok palabas sa kaniyang bibig. Hinagis niya ang vape pabalik kay Mark. Nasalo naman ito ng lalaki.

"Saang dressing room?" malamig niyang tanong na may kaakibat na pagsipat sa sinturon ng lalaki. Palihim na pinagpantasyahan ang makasalanang bagay na nasa loob ng jeans nito.

Sumagot ito ng, "DRB!" Ibig sabihin, 'Dressing Room B.'

She rolled her eyes thinking that the women she was with were the ones who had issues with her.

Dumeretso siya sa dressing room na tinutukoy ni Mark. Pagpasok niya sa loob sinalubong siya ng mga maiinit na mga mata ng mga babaeng naroon. Maraming katrabaho niya ang ayaw sa kaniya dahil sa lakas niyang kumita kahit isa siyang berhin.

Sikmura lang ang puhunan niya sa pag-inom ng alak, pero mas malaki pa ang kinikita niya kaysa sa mga babaeng nagtataya ng laman.

Maliban sa taglay niya ang maging tuso sa mga guest, taglay rin niya ang maging malakas sa alak. "Nasaan ang pwesto ko?" bungad niya sa pintuan kasabay ng paghawi ng kulay de-gatas na kurtina.

Ramdam niya ang inis sa isiping nilipat siya sa pwesto kung kailan sanay na siya sa DRA. Nakita niya ang isang babaeng kinuha ang bag sa isa pang upuan, nasa bandang gilid ito kung saan tutok ang electric fan.

Naintindihan niya agad na iyon ang puwesto niya. Tahimik siyang humakbang roon at umupo. Pagtingin niya sa salamin, nahagip mismo nang paningin niya ang matalim na titig ng isang babae sa kaniya.

Siya si Natasha, ang pumapangalawa sa kaniya. Magandang babae, sexy ngunit mas lamang pa rin siya. Suot niya ang pagiging preska habang si Natasha naman alam na ng lahat na may mga nakinabang na.

Hindi siya nagbigay ng kahit anong reaction ngunit inasahan niyang gagawa ng eksena ang babae. "Alam mong guest ko si Gaspar, 'di ba?" Her eyes flickered at that girl's reflection in the mirror.

Kasalukuyan itong naglalagay ng whitening lotion sa buong katawan. Ang ginawa niya ay sapat lang na maintindihan ng babae na nakuha na nito ang attention niya. "Bakit umupo ka pa?" dugtong nito.

Nagpatuloy siya sa pagharap sa salamin at pinahiran ng lipstick ang kaniyang labi. Wala na siyang nilagay na kahit ano sa kaniyang mukha maliban sa cream. Tinapos niya ang ginawa niya at simpleng sumagot sa tanong ng badtrip niyang katrabaho, "Pinaupo kasi ako roon ni Mommy Tess."

"Pinaupo ka nga ba o baka kinausap mo lang talaga siyang paupuin ka doon?" sarkastikong tanong nito at sinamaan pa siya ng tingin.

Tinapos niya lang ang pag-lagay ng lipstick sa kaniyang bibig at tinakpan ito. Pasimple itong binalik sa kaniyang bag habang sumasagot, "Hindi ako gahaman sa lalaki para gawin iyon. Nagtatrabaho lang ako."

Sunod na binigyan niya ng pansin ay ang kilay niya. Naririnig niya ang bulong-bulungan ng ibang babae na tinatawag siyang mayabang. Binaliwala naman niya ang mga iyon kahit na tuloy ang talak ni Natasha sa kaniya. Tila tapos na rin itong magbihis.

"Alam mo, Berhin." Tumaas ang kilay na tila may balak itong prankahin siya sa akala nito ay nasa maayos na rason. "Hindi lang kasi ikaw ang entertainer dito. Lahat tayo dito, gustong kumita. Oo nga nandoon na tayo na mas gusto ka nila. Tuso ka eh, magaling ka magmanipula. Hindi ka naman talaga virgin, pero pinapaniwala mo ang mga guest na ganon ka para makuha mo ang attention nila. Tama ako di ba?"

"Sinabi mo pa!" sabat naman ng isa sa bandang kanan niya. Saktong tapos na rin siyang magkilay dahil simpleng brush lamang ang ginawa niya at tumayo na rin upang magbihis.

"Iyong ibang mga babae dito, may mga anak. Mga inaasahan ng mga magulang pero dahil sa title mong berhin ka, hindi na sila napapansin ng mga guest. Puro na lang ikaw, kaya naabutan sila ng umaga na walang kinikita." Nilapitan pa siya ng babae at sinamaan ng tingin, mata sa mata. "Masyado ka talagang gahaman."

Sinipa nito ang upuan niya naging dahilan nang pagkulo ng kaniyang dugo. Dinagdagan pa ng ibang babae na pinapasadahan siya nang pamangmataas na tingin mula ulo hanggang paa.

Umalis ang babae sa harap niya. Hindi pa ito nakalabas ng dressing room nagsalita siya, "Huwag kang mag-alala, Natasha!" Napahinto ang babae. "Sasapit ang umagang wala ka ring kita kahit isa!" pang-aasar niya.

Rason lang naman niya, hindi niya kasalanan kung gusto siya ng halos karamihan. Hindi rin siya pwedeng mag-refuse kung alak lang naman ang pag-uusapan.

Hindi rin pwedeng mag-entertain siya ng guest na ang commission niya ay napunta sa ibang entertainer para lang masabing magbigay rin siya.

Komplikado para sa kaniya ang nais ng mga kapwa niya entertainer at hinding-hindi niya iyon gagawin. Huminto ang babae, tila natumbok niya ang sukdulan ng inis nito at tumingin sa kasama nilang nagpaplantsa ng buhok. Mabilis nitong hinawakan ang plantsa matapos ilapag ng babaeng gumagamit. "Pahiram nga niyan!"

Nangibabaw ang sigawan sa loob ng dressing room nang humakbang si Natasha para sugurin siya at saktan gamit ang plantsa. Agad na umakto ang ibang babae upang pigilan ito habang siya naman ay nagpasya na lang na magbihis—walang pakialam. "Kalma, Natasha! Milyon ang babayaran mo kapag may nasira ka diyan. Manika ng boss iyan eh."

Siya ang lucky charm ng bar, at dahil sa kaniya, milyon rin ang kinita nito sa loob ng isang buwan. Sa dami ng guest na pumapasok upang panoorin siya habang sumasayaw, talagang aabot ng milyon ang kinikita nito.

"Nagpaplantsa ako dito! Ano ba?!" Kinuha ng babaeng nag-aayos ng buhok ang plantsa sa kamay ni Natasha. Habang si Natasha naman ay nag-aalburoto sa galit.

Humarap na lang siya sa salamin at inayos ang sarili. Nakasuot na siya ng sexy na damit, fitted black one shoulder ito na hanggang sa kalahating hita lamang niya ang haba.

Naramdaman niyang lumabas si Natasha na tila nakinig sa pagpapaamo ng iba. Ito ang isa sa mga ayaw niya kung bakit tutol ang loob niya sa paglipat sa kaniya sa DRB. May mga entertainer kasing inggit sa kagandahan niya.

Saktong paglabas ni Natasha, bumukas ulit ang kurtina at pumasok ang floor manager awtomatikong sinipat ng mga mata nito ang mga babae sa loob ng dressing room. Suot naman ng bawat isa ang tensyon sa kanilang mga aura, maliban sa kaniya na umaakto pa ring walang pakialam.

"Anong nangyari dito?" tanong ng floor manager, bakas ang pagdududa sa mukha.

Sumagot ang babaeng may maikising buhok pero pinakamatangkad sa lahat. "Si Natasha at Berhin po nagkaroon ng kaunting alitan. Pero okay na umiwas na si Natasha para walang gulo."

Nagmukha pang siya ang hindi marunong umiwas sa gulo.

"Anong gulo na naman iyon? Nilipat dito si Berhin dahil variety group ang mga bago sa kabila." Paglinaw ni floor manager at tumingin sa kaniya. "Berhin, ikaw ang opening, kasi maraming guest eh. Magbihis ka na."

She huffed thinking that she was already dressed for the show-up but she had to get dressed again for her performance. Wala siyang choice kundi asikasuhin ulit ang sarili.

Ang dressing room, mula sa pwesto niya pakanan, mayroong makapal na pulang kurtina sa gitna at sunod nito ay mahabang vanity table rin. Sa likod ng kurtina na iyon ay entablado.

Pagkatapos niyang magbihis, humakbang siya papunta roon suot ang purong itim na bikini, may manipis na tali itong pa-ekis ang istilo sa kaniyang tiyan.

De-tali rin ang kaniyang pang-ibaba sa magkabilaang parte ng kaniyang balakang, na kapag nagkamali siya ng galaw, halimbawa mahila niya ito, ay matatanggal ito mula sa katawan niya. Ngunit kabisado niya ang suot niya.

Sa paghawi niya sa kurtina, una niyang nakita si Mark na tinutulak ang de-gulong cage props na kasama sa kaniyang performance at tinapat ito sa red beaded curtain.

"Aga naman magstart," reklamo niya rito.

Pasimple lang itong sumagot ng, "Dumami ang guest eh. Kailangan ng big show."

Tumango lamang siyang at lumapit na rin ang isa pang waiter para hahawak ng cage sa kabila dahil sa kaliwang bahagi nito ay si Mark ang tutulak.

"Pasok na," utos naman ni Loyd ang waiter na mag-aasist ng cage sa kanang bahagi.

Pumasok siya sa loob ng, humawak siya bakal sa bandang harapan at nagsimula na ring tumunog ang mapang-akit na musika.

Nagsimula nang magtulak ang dalawang lalaki sa de-gulong na cage niya.

Awtomatikong nahawi lamang ang beaded curtain sa pagtulak ng cage hanggang bumungad sa paningin niya ang sandamakmak na mga guest sa harapan ng stage.

Hindi bago sa kaniya ang ganitong sitwasyon, dahil gabi-gabi ito ang mga nagaganap sa buhay niya. Umalis na ang dalawang lalaki matapos mai-pwesto ang cage sa gitna. Nagsimula na rin siyang ibigay ang performance niya in their watch.

Sa kasalukuyan niyang pagsayaw sa loob ng cage. Nahagip ng kaniyang paningin ang familiar na tindig ng lalaki sa itaas. Lumakas ang tibok ng puso niya nang mapagtantong ito ay ang doctor na nag-asikaso sa kaniya sa health center.

Nakasuot lamang ito ng itim na trouser pa rin, pero itim na rin ang suot nitong dress shirt. His gaze sent her a shiver down her spine. Halos hindi ito kumukurap kung pagmasdan siya. Maging ang galaw niya ay pakiramdam niya nakokontrol siya ng mga mata nito.

Ang lambot ng kaniyang paggiling ay naging matigas, it also caused her toes to curl in the heels she was wearing. Her grip on the iron cage tightened. At minsan pa ay ang galaw niya, dinadaanan lamang niya sa pagtalikod, upang maiwasan ang malagkit na tingin nito.

Nakahinga lamang siya nang maluwag nang matapos na ang show niya. Bumalik siya sa dressing room na tumatagaktak ang pawis. Naroon rin sa loob nag-aabang ang floor manager na si Tessa pero mas kilalang mommy Tess.

"May gustong mag-VIP sa'yo, Berhin," saad nito na awtomatikong nagpakunot ng noo niya.

Habang nagbibihis kinausap niya ito, "Hindi naman ako nagpapa-VIP, mommy eh."

"Gusto ka lang niyang makausap. Alam niya ang issue mo, naipaliwanag ko na rin." Hindi kumukurap ang floor manager na nakatitig sa kaniya. Sapat na para maintindihan niyang hindi siya pwedeng humindi. "Inom lang ang kailangan niya, mukhang professional naman."

Sa paglarawan nito sa guest maliwanag para sa kaniya na ito ay ang doctor. Namayani sa kuryusidad niya ang sadya nito at dahil nasa usapan ng ang pag-iinom lang ang namamagitan sa kanila at hindi kasama ang hindi niya magugustuhang gawain, pumayag siya.

Makakaharap niya ulit ang doctor na iyon at hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin.

Sumama siya kay mommy Tess sa itaas kung saan naroon ang VIP room. May mga table rin sa hallway na madadaanan nila at talagang nagmukha siyang artista kung titigan ng mga kalalakihan.

Sa isang VIP room siya dinala ng floor manager. Ngunit hindi lang basta VIP. Isa ito sa pinakamahal bagay na para sa ibang babae napaka-swerte niya. Mas malaki ang perang makukuha niya sa klase ng VIP na ito.

Ang floor manager na ang nag-bukas ng crystal slide door. Natatakpan lang ito ng makapal at mahabang brown curtain, kaya kung ano man ang nangyayari sa loob ay hindi makikita sa labas.

Sa paghawi ni mommy Tess ng kurtina matapos mabuksan ang pintuan, nangibabaw ang light yellow na ilaw and she saw the doctor sitting on the couch while in front of him, there were expensive cognacs—imported that only wealthy people could afford

And as their eyes met...her heart seemed missed its beat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status