Home / Romance / THE CEO'S ENTERTAINER / Chapter 3: 'THE GUEST'

Share

Chapter 3: 'THE GUEST'

Author: Heel Kisser
last update Last Updated: 2023-06-28 08:01:35

The VIP room door was left open owing to the floor manager was so excited to talk to the guest.

Ngunit ang lalaki ay deretso lang sa kaniya ang mga mata. Under his gaze, she felt like she had committed a great crime, o di kaya'y baka may balak itong masama sa kaniya. Pero mukhang wala naman sa aura nito ang maging masama.

"Good evening, sir!" Abot tenga ang ngiti ng floor manager na umupo sa tabi nito.

Siya naman ay nananatiling nakatayo sa may kurtina. Lihim na nakadiin ang kaniyang mga daliri sa paa sa heels na suot niya dulot ng kaba.

She just had a chance to clench her fist in the hem of her fitted dress nang bumaling ang attention ng lalaki sa floor manager.

Ipit ang mga hitang nakaupo si Mommy Tess sa couch ngunit ang mga tuhod nito ay nakaharap sa lalaki upang mas makausap nito ito nang mas magalang na may halong tuwa.

Magkadikit ang mga palad nito, habang sinasabi ang mga pagmamalaki nito sa kaniya. "Maraming guest talaga ang nag-request sa akin na paupuin siya sa kanila, pero dahil special VIP ang kinuha mo, pinili kita. Shempre naman."

Ngunit tila hindi nito nahawahan ng galak niya ang guest. "Pumayag siya?" tanong lang nito kay mommy Tess matapos tumango nang marahan.

Napakunot ang noo niya sa salitang pumayag. "Oo naman, sir. Walang problema sa kaniya," saad ni mommy Tess na mas lalong nagpakunot ng noo niya. Nagtatanong ang isipan niya kung ano ba ang ibig sabihin ng mga ito. Pumayag siya saan?

Tumingin sa kaniya ang floor manager at sumenyas na pwede na siyang maupo sa tabi ng guest. Lumunok muna siya, huminga nang malalim, iniisip na trabaho lang ito at wala siyang karapatang magreklamo.

Nangibabaw sa bawat sulok ng kwarto ang tunog ng heels niya sa tiles. Tinapunan rin niya ng tingin ang alak sa ibabaw ng lamesa.

Naroon ang apat na Martini glass para sa kaniya na nasa tabi ng pabilog at may galanteng design na bote—tila bulaklak na calendula at sa gitna nito mababasa ang pangalang Remy Martin cognac.

Dark whisky ang kulay ng laman nito at nangibabaw sa kuryosidad niya ang taglay nitong lasa, kung masarap nga ba.

Matagal na siyang nagtatrabaho sa Angel's house pero hindi pa siya nakatikim ng ganoong inumin. Alam rin kasi niyang mahal ito.

"Okay..." Tumango-tango ang guest niya saktong nakaupo na siya sa tabi nito.

Bawat galaw nito kahit simple lang dumadaan ang amoy nito sa ilong niya. Napakamamahaling amoy ng isang lalaki na kahit sinong babae ang makatabi nito ay talagang maghahangad ng halik.

Kanina pa niya napagmasdan ang kagwapuhan nito sa health center. Halos hindi na siya nagsawang titigan ang bawat sulok ng mukha nito.

Perpekto ang kilay, makapal pero malinis ang pagkaitim. Matangos ang ilong, mamula ang mga labi pero mas naging manly ito tingnan dahil sa umiigting nitong panga. Sapat lang na masabing niya na ito ang lalaking pwede nang malaglagan ng panty.

Hindi niya naiwasang masinok sa isiping iyon. Saktong nagpaalam si Mommy Tess na lumabas na. Halos wala na siyang narinig sa usapan ng dalawa dahil kung anu-ano na lang ang naiisip niya.

Tumayo si Mommy Tess. Narinig niya ang mahinang pasalamat ng lalaki rito. Isang matamis na ngiti ang iginanti ni Mommy Tess at tumingin sa kaniya. "Berhin, alagaan mo si Sir ah. Lalabas na ako."

Tinuro nito ang pintuan gamit ang hintuturo. Tumango siya at sinabing, "Sige po, mommy Tess."

Kumaway ang floor manager sa guest niya at tumungo sa pintuan. Niladlad nito ang kurtina hanggang sa natakpan na nito ang buong pintuan. Narinig na lang niya ang pagsara ng slide door sa likod nito.

Sobrang awkward ang sitwasyon, halos hindi niya alam kung paano simulan ang conversation. Kumilos lang ang guest niya at tumagay ng cognac sa baso. Inikot-ikot nito ang baso upang mas i-halo pa ang cognac sa loob.

Nangibabaw ang amoy nito sa hangin, vanilla aroma na tila may halong dried fruit.

Nanatili sila sa ganoong sitwasyon, pinapanood lang din niya ang ginagawa nito sa baso.

Nang lumingon ito upang tingnan siya mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-iwas niya ng tingin at nagkunwaring tumikhim.

Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang pisngi at awkward niyang inabot ang isang Martini Glass at deretso niya itong nilagok.

She is not brokenhearted but the way she gulped ay mukhang ganoon na nga dulot ng nakakailang na sitwasyon.

Mas hindi siya naging komportable nang ibalik niya sa lamesa ang walang laman niyang Martini Glass. Pinapanood kasi ng lalaki ang bawat kilos niya.

Nais niyang magpakilala upang matakpan ang nakakailang na sitwasyon ngunit alam niyang alam na ng guest ang pangalan niya, kahit na ang totoong pangalang Belle Elfero. Mas kilala lang talaga siya sa trabaho bilang Berhin.

Ulit... tumikhim siya, kailangan niyang makaisip ng sasabihin ngunit tila napansin ng lalaki ang pagkailang niya ito na ang nagsalita, "As far as I can see, you are the old member here, but I don't know if I should believe it."

Naintindihan niya ang mga salita nito. Pinagdikit niya ang kaniyang mga labi at tumitig sa mukha nito, iyon rin ang ginawa nito sa kaniya.

Bahagya siyang umiling ng ulo. "Curiosity ba ang rason kung bakit ka nandito?" Kumibit-balikat siya. "Well...ngayon lang kita nakita dito."

"That's true." Nilagok nito ang laman ng hawak na baso. Pinagmasdan niya ang mariing pagdikit ng mga labi nito pagkatapos lumunok. Binalik nito sa mesa ang baso at muling nilagyan ng laman.

Tumingin ito sa kaniya at nakita nito na nanonood siya sa mga kilos nito. Sumandal ito sa couch habang ang mga mata ay nakatitig sa kaniya.

Pasimple nitong nilagay sa sandalan ng couch ang magkabilang braso at nararamdaman niya sa kaniyang buhok ang simpleng pagsagi nito.

Simpleng sagi lamang iyon pero nag-dulot iyon sa kaniya nang hindi maipaliwanag na pakiramdam. Iba ang impact ng lalaki sa kaniya pero nanatili pa rin siyang naghihintay na magsalita ito.

"I found the name of the bar in your data. Pinuntahan ko." He scanned her entirely from head to toe.

Naguluhan naman siya sa rason nito. Masyadong mamabaw para sa aura nito na pumunta sa bar na pinagtatrabahuhan niya dahil lang sa curiosity tungkol sa pagiging berhin niya.

She chuckled with a hint of sarcasm. "Bakit? Doctor ka, desente kang manamit. Ang mahal nga ng alak mo. Tapos ma-curious ka lang sa akin?"

Tumingin ito sa harap, tumitig sa kurtina. Nandekwatro siya, humarap rito. Luckily nawala ang kaninang kaba na nararamdaman niya, naging komportable siya sa sitwasyon kahit paano.

Ngunit sandali lamang iyon dahil matapos nang sandaling pagtitig ng lalaki sa kurtina na nasa harapan nila bigla itong kumilos humarap sa kaniya na talagang kay lapit sa mukha niya ang mukha nito.

Naamoy niya ang vanilla aroma ng Remy Martin cognac sa hininga nito. Bukod sa aroma na iyon sumabay rin ang lalaking-lalaking pabango nito.

Kunting lapit na lang, didikit na ang ilong niya sa ilong nito. Sumikip ang dibdib niya dahil sa ganoong posisyon. Napakurot siya sa cover ng couch dahil sa tensyon.

Ultimo paghinga niya hindi niya alam kung paano niya pakawalan. "Interesado ako sa'yo," mas nakakagulat na saad nito.

Wala sa sarili napadikit ang kaniyang mga labi. Nakagat niya ang pang-ilalim nito habang nakatitig sa mga mata nitong may mainit na tingin sa kaniya.

Lumunok siya, nahihirapan pa ring gumalaw, pero sinikap niyang magising, sinikap niyang mahimasmasan sa sitwasyon.

"I-Ikaw?" Sinikap niyang mabanggit iyon. Halatang pinilit niya ang sarili niya sa kinalabasang tono ng pagkasabi niya.

Mas napalunok siya nang mariin nang tumabingi ang ulo nito. Ang labi nito ay nakatuon sa labi niya, hindi siya umiwas o kahit gumalaw man lang ng kunti, she seemed stunned.

She understood what the man was doing. She knew he was teasing her, one of the reasons kung bakit hindi siya umiwas. Gusto niyang patunayan na matibay siya, walang kahit sinong lalaki ang may kakayahan patiklupin siya unless mahal niya.

Ngunit malakas ang kutob niyang malakas lang talaga ang aura ng lalaki kung bakit niya nararamdaman ang mga kakaibang pakiramdam na iyon.

At pagkatapos ng ilang sandali, tila naka-recover siya ng kaunti. "Interesado ka sa...katawan ko?" Tinuro niya ang kaniyang sarili.

Bumaba ang paningin nito sa dibdib niya. Bumaba rin doon ang paningin niya sa sarkastikong paraan. Tinuro niya ang cleavage niya at sinabing, "Gusto mo ito? Dito ka ba interesado?"

Bumalik ang paningin nito sa mga mata niya. Muling tumabingi ang ulo nito at pasimple idinikit ang labi nito sa labi niya.

Dikit lang, pero ang iba't ibang emotion na parang tubig sa ilog na mabilis umagos at kumalat sa iba't ibang sulok ng pakatao niya.

Simpleng dikit ng labi, hindi gumalaw o balak na angkinin siya. Tila tini-tease lamang siya, inaalam kung anong impact nito sa kaniya at kung ganoon nga ay masasabi niyang magaling mang-asar ito.

Dumistansya ang lalaki, nasa ganoon pa rin siyang posisyon, gulat na gulat at natauhan lamang siya nang kausapin siya nito. "How many years have you been working here?"

Tumikhim siya pilit na kinukumbinsi ang sarili na parte lang ng trabaho niya ang halik. Kung halik na ba ang tawag doon. "6 years," sagot niya sa malamig na paraan.

Kinagat niya ang labi niya, ramdam pa rin niya ang init ng labi nito sa balat niya. Marahan niyang kinuha ang isang Martini Glass at nilagok ito. Maibsan man lang ang kabog ng dibdib niya na halos rinig na rinig na ito sa sobrang tahimik ng kwarto.

Hindi rin kasi maririnig ang mga tugtugin mula sa ibaba.

"6 years, at ang idad mo sa record mo, 21. So that means, you started as a minor. That's illegal." Naintindihan niya reaction nito.

Ngunit sumagot siya nang matabang, "Hindi na ngayon."

Umayos rin siya ng upo, sumandal siya sa sandalan at naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang balikat. Bukod doon damang-dama niya ang init ng presensya nito sa kaniyang balat.

"You're so cunning." He smirked, at tumingin sa kaniya. "6 years..." Tumaas ang sulok ng labi nito at nagpatuloy, "You started at 16, you were a minor in the two years as entertainer, pero nandito ka parin."

She rolled her eyes and said, "Maraming paraan basta gusto."

Tumaas ang kamay nito, tinuro ang kurtina pero alam niya na ang sitwasyon ang tinutukoy nito. "Ito? Gusto mo?"

May sumagi sa isipan niya, natakam rin siya bigla, kaya imbis na sumagot sa tanong nito nagtanong muna siya sa kung ano ang sadya niya. "Gumagamit ka ba ang vape?"

Tumitig ito sandali sa mukha niya, tila binabasa siya pero kumilos rin. Dumukot ito sa kaliwang bulsa at binigay sa kaniya ang isang bagay na tinatanong niya.

Hindi niya intensyon ang manghiram ng vape rito, nagtanong lang talaga siya dahil balak niyang hiramin ang kay Mark.

"Use this." Bumaba ang tingin niya sa kamay nito ngunit ang kanang braso nito ay nasa likuran pa rin niya nakadantay sa sandalan ng couch.

"Sa'yo?" tanong niya sabay tingin sa mukha nito nakaturo ang hintuturo niya sa vape.

Tila mahirap para sa kaniya ang paniwalaan na okay lang sa lalaki na hiramin niya ang vape nito. Gwapo ito, malinis, mayaman, tapos isa lamang siyang entertainer. Ngunit tumango ito bilang permission. Nag-smirk siya at hindi nagdalawang isip na kunin ito.

Pasimple siyang humithit sa mouthpiece nito. Ramdam niya ang linis ng vape sa kaniyang bibig at sa kaniyang paghigop hinayaan niyang maghit hanggang baga niya ang usok nito.

Pinagmasdan siya ng lalaki habang ginagawa iyon hanggang sa ibuga niya ang makapal na usok at sumagot sa kaninang tanong nito. "Malaki ang kita sa pagiging entertainer. Kasalanan nga lang ang gawain." Tumingin siya rito, handang magpaliwanag. "Okay lang naman basta kaya mong protektahan ang sarili mo."

Muli siyang humithit, nanatiling tahimik ang lalaki willing na makinig sa kaniya. Sa pagbuga niya ng usok, inabot niya rito ang vape, sumenyas lang ito na gamitin niya pa, walang problema.

Tinanggap niya ang simpleng alok nito, pinagbigyan niya ang sarili niyang gumamit ng vape kahit ilang hit ang gusto niya.

Kumibit balikat siya. "Nagtatrabaho ako dito, pero hanggang alak lang. Hindi ako gimik, at mas lalong hindi ako tumatanggap ng offer para lang bilhin ako."

Malamang sa malamang iyon ang pakay nito sa kaniya lalo na't sa sinabi nitong interesado ito sa kaniya talagang gusto nitong bilhin siya para lamang angkinin.

Ngunit hindi niya inasahan ang sinabi nito. "Bibilhin kita sa halagang isang milyon."

Seryoso itong nagsalita, pero tumaas ang kilay niya. Then sa huli tinaas niya ang kamay niya at kinuyom ang palad. "No," Deretso niyang sagot.

Tumabingi ang ulo nito tila hindi naniniwala sa kaniyang pagtanggi. "Hindi ko binibenta ang sarili ko. Ito lang ang mayroon ako, ibenta ko pa ba? Parang pati ako wala na ring respeto sa sarili ko." Umiling siya bilang sagot. "So No."

"I'm not after your body. That's just a bonus." Inalis nito ang braso sa sandalan ng couch at uminom ng cognac.

Nalilito siya sa sinasabi nito. "Anong...hindi katawan ko ang habol mo?" Gulong-gulo siya sa ibig sabihin nito.

Matapos maibaba nito ang walang lamang baso sa lamesa tumingin ito sa kaniya. "I need a woman to marry."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CEO'S ENTERTAINER   SNEAK PEAK

    7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 104: 'END'

    Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 103: 'THE SONS' LOVE'

    Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 102: 'CONCEDED'

    Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 101: 'SAVED'

    Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s

  • THE CEO'S ENTERTAINER   Chapter 100: 'CUNNING BLOODLINE'

    "What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status