LOGINSelena's POV
Umaga na naman. Parang ayaw ko pang bumangon pero kanina pa ako pinipilit ni Centia na maligo. Ang ingay-ingay nya. Pagkababa ko ay nadatnan kong tahimik na umiinom ng kape si Alexander. May hawak itong hindi ko alam kung ano. Parang bato at may binabasa sya roon. Hindi man lang siya tumingin sa akin nang makababa ako. "Good morning!" Masigla kong bati. Itinuro iyon sa akin ni Jerrold. Pero tumango lang siya. "Good." Yun lang? Ang tipid naman niyang magsalita. "Miss Selena." Lumingon ako kay Jerrold na may dala-dalang maliit na notebook raw ang tawag doon. "Jerrold, hindi ba ang sabi mo ay kailangan kapag binati ka ng isang tao ay dapat batiin mo rin ito pabalik?" tanong ko sa kanya. Takang tumango naman ito. Lumingon ako kay Alexander na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. "Hindi ikaw 'yon ah. Wala akong sinabi," sabi ko at umiwas ng tingin. Narinig ko namang natawa si Jerrold sa tabi. Bakit ba lagi na lang syang natatawa? "Ngayong araw... tuturuan kitang umasta umasta ng tama sa harapan ng mga bisita. Ang una ay ang Etiquette. Mga tamang asal." Tumango ako kahit hindi ko maintindihan ang salita na sinabi nya. "Kunyari may bisita." Tumayo si Jerrold at kunwari ay kumatok sa hangin. "Tok tok." Binuksan ko rin kunwari ang p***o. "Hello!" Masigla kong bati. "Good. Ngayon ngumiti ka." Ngumiti ako nang sobrang laki hanggang halos sumakit ang pisngi ko. "Hindi ganyan kalaki. Baka matakot ang bisita." "Eh sinabi mong ngumiti." Napatawa si Centia sa ginawa ko. Ano na naman bang nakakatawa? Makalipas ang ilang minuto, naglakad kami papunta sa dining room na sinasabi ni Jerrold. May malaking mesa roon kaya lumapit kami. "Practice tayo." May inilagay syang plato, kutsara at tinidor sa harapan ko. Kakain na ba kami? Tamang-tama gutom na ako. "Ganito ang tamang pag-upo," sabi nya at naupo ng tuwid. Sinubukan kong gayahin ang ginagawa nya. "Tuwid dapat ang likod." Tinuwid ko naman ang likod ko. "Huwag ilagay ang paa sa upuan. Hindi asal babae 'yan," komento pa nya nang makita na nakapatong ang isang paa ko sa upuan. Dahan-dahan ko na lang itong ibinaba. "Kapag kakain, ito ang kutsara." Hinawakan ko ang kutsara. Akala nya ba hindi ko 'to alam? Meron nito sa amin. "At ito ang tinidor." Tumango ako na lang ako. "Ngayon hiwain mo ang manok." Sinubukan kong hiwain ang ulam na nasa harapan ko pero dumulas ang manok. Tumilapon ito. At kung minamalas nga naman ay natapon pa sa damit ni Xander na naka-upo ngayon sa kabilang bahagi ng lamesa. Diretsong tumama ang manok sa dibdib niya. Pagkatapos no'n ay parang tumahimik ang buong paligid. Parang walang gustong magsalita. Ang lamig tuloy. Nang lingonin ko si Xander ay nakatingin lang ito ng seryuso sa damit nya pagkatapos ay tumingin sa akin. "Explain." Napakamot ako sa ulo. "Lumipad kasi 'yong manok. Buhay pa seguro--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napansin kong mainit na naman ang ulo nito at parang may bubugang usok sa ilong nya. Ilang sandali lang ay narinig namin ang pagbuga nito ng malalim na hininga na parang pagod na pagod na sya. "You really stressing me out." Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako. Mukha kasi siyang gustong magalit pero parang pinipigilan nya. Nagulat ako dahil bigla itong tumayo at lumapit siya sa mesa kung na saan ako naka-upo. Kinuha niya ang kutsara sa kamay ko. "You're doing it wrong," pagsasalita nito. Tahimik niyang inayos ang hawak ko. Ramdam kong halos magdikit ang kamay namin. Ang lapit ng katawan nya sa akin. Kung tutuusin ay parang nakayakap na ito. Sa isiping yung ay hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka...bakit biglang bumagal ang paligid? Napalingon ako sa kanya at bumugal nga ang paligid. Paano nangyari 'yon? "Hey. Hey! Nakikinig ka ba?" Bumalik ako sa realidad ng lumakas ang boses nito. "O-oo." Bumalik ako sa ginagawa at tinuunan ng atensyon iyon. Umayos naman siya ng tayo. "Again." Tinuruan niya akong humawak ng kutsara at tinidor kahit na alam ko naman na 'yon. **** Halos mapagod na ako sa pinaggagawa namin pero hindi pa pala tapos. Ayuko na!! Pagod na ako! "Selena, ito naman ang susunod nating lesson." Napahinga ako nang malalim. Hindi pa nga ako nakakaupo ng ilang minuto eh. Lumingon ako sa kanya at kaagad na napakunot-noo sa hawak nya. "Ano 'yan?" "Cellphone." Lumapit ako at pinagmasdan iyon. Manipis lang pala ito. Akala ko dati ay maliit na salamin. Ito kasi ang madalas na nakikita ko na hawak ni Xander. "Para saan 'yan?" tanong ko at lumapit sa kanya. "Ginagamit ito for communication. Ang ibigsabihin no'n ay kaya ng bagay na ito na makausap mo ang mga taong malayo sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko. Ang galing! May mahika yata ito. Inabot sa akin ni Jerrold ang cellphone. "Hawakan mo," utos nya. Dahan-dahan ko iyong kinuha. Maya-maya ay biglang umilaw ang screen. Napasigaw ako sa gulat. "Umiilaw! Umiilaw sya Jerrold!" Gulat pero namamangha kong ani. Tinapik niya bigla ang salamin. Pagkatapos ay lumabas ang mukha ni Xander. Napakurap ako. "Paano siya nakapasok? Xander?" Kinatok ko ang salamin. "Bakit lumiit sya?" tanong ko kay Jerrold na tumawa na ngayon. Hindi na lang sumagot si Jerrold at binawi sa akin ang cellphone. "Subukan nating tumawag." May pinindot sya roon na kung ano at ibinalik sa akin. Ilang segundo lang at tumunog ang cellphone ni Centia na kanina nya pa hawak. Nanlaki ang mga mata ko. "Hello?" Nagsalita si Centia at mas lalo akong nagulat dahil narinig ko iyon sa hawak ko. Napasigaw ako. "Paano nangyari 'yon? Naririnig ko ang boses mo rito," sabi ko sabay turo sa cellphone. "Yes, Miss." "Pero andyan ka naman," taka kong ani. "Opo." Napakamot ako sa ulo. Hindi ko naintindihan. "Dalawa ka?" Natawa silang pareho. Sinubukan kong pindutin ang mga bagay doon pero hindi ko talaga naintindihan. Lahat ay maingat na ipinaintindi sa akin ni Jerrold kahit na panay lang ang reklamo ko.Third Person's POVIsinama ni Alexander si Selena sa Baguio para tingnan ang gagawin nilang hotel doon. Manghang-mangha ang dalaga habang pinapanood ang magagandang tanawing nadaraanan nila."Xander, ang ganda, oh!" Turo niya sa nakita nyang mataas na bundok. Tumango lang si Alexander pero ang tingin ay nasa iPad na hawak nito. "Xander, may mga manok!" Excited niyang sigaw nang makita ang grupo ng mga manok na tumatawid sa pilapil ng palayan. Natawa si June at simpleng nilingon si Selena na manghang-mangha sa mga nakikita. Si June ang nagmamaneho at naka-upo naman sina Alexander at Selena sa likod."Xander, anong ginagawa nila?" tanong ulit nito nang makita ang mga taong nag-aani ng palay. Pero hindi siya sinagot ni Alexander dahil busy ito sa binabasang report."Xander, ang lamig pala dito! Ang galing!""Xander, bakit madaming puno dito kesa doon sa Manila?""Xander! Xander!" Niyugyog niya ang braso ni Xander kaya inis na napapikit ang binata. Lihim namang natawa si June. "What?" Pig
Third person's POVParang bumalik na ang lahat sa dati nang gumaling na si Alexander. Nabigla rin ito dahil sobrang bilis ng kanyang paggaling kumpara dati. Masakitin na talaga ito noon pa kaya tumatagal ng halos isang linggo ang sakit nya pero ngayon ay dalawang araw lang.Hindi nya alam kung dahil ba iyon sa gamot na pinapainom sa kanya ni Selena. Kahit kasi masama ang lasa no'n at sobrang pait ay alam nyang nakatulong sa kalagayan nya.Wala na syang inaksayang oras, at kinaumagahan ay bumalik na ulit sa opisina.Tambak na agad ang mga gawaing tumambad sa kanya. Biglang pumasok ang secretary nyang si June na iba ang timpla ng mukha. "Sir, 'Yong kuya nyong hilaw, andito," sabi nya na kumuha ng atensyon ni Alexander."Tell him to leave. I'm busy," sabi nito pagkatapos ibinalik ang tingin sa mga nire-review na proposal."Can't I visit my dear brother?" Biglang pumasok si Leon, ang half brother ni Alexander. Si Leon ang panganay na anak ng Daddy ni Alexander sa una nitong asawa. Kahit m
Third person's POVPumasok si Selena sa kwarto ni Alexander na may dala-dalang lugaw at tubig. Akala ng dalaga ay nagpapahinga si Alexander pero nakatutok pa rin ito sa laptop nya at kausap ang mga bago nitong kliyente."Hindi ba't sinabi ko nang magpahinga ka?" Medyo naiinis na sabi ni Selena."Yeah. Mamaya. I'm working.""Xander naman."Hindi sya pinansin ng lalaki kaya mas lalo itong nainis. Lumapit siya kay Alexander at nagpamewang sa harapan nito."Isa!"Napalingon naman sa kanya ang binata. "What?""Is that your girlfriend?" Biglang tanong ng kliyente nito. "Yeah. I'm sorry Mr. Suarez, please excuse me for a minute.""No. It's okay. Tama naman ang girlfriend mo. Mukhang masama ang pakiramdam mo, Alexander. You should rest. Nag-aalala na sa'yo 'yan.""But--""Okay lang naman sa akin. You know you are really lucky to have her. She reminds me of my late wife."Hindi na nakasagot pa si Alexander at napilitan itong ngumiti. "Thank you, Mr. Suarez." Pagkatapos ay pinatay na nya ang ta
Selena's POVMasaya naman pala sa kompanya ni Xander. Marami na akong naging kaibigan at binibigyan pa nila ako ng pagkain tuwing tanghalian. Kapalit no'n ay ang pagsagot ko sa mga tanong nila sa akin. Ewan ko ba kung bakit ang dami nilang tanong tungkol sa amin ni Xander. Eh bakit hindi na lang nila itanong mismo sa kanya?"Eh Ma'am, sweet ba si Sir sa inyo?" tanong ni Vernel na kumakain ng chichirya sa tabi ko. Apat silang nakatingin sa akin habang hinihintay ang sagot ko. "Ano ba 'yong sweet?" tanong ko dahil parang hindi ko iyon napag-aralan."Ay mukhang hindi," bulong ni Anna na narinig ko naman. "Sweet 'yon yung kung lagi ka nyang pinagsisilbihan, sinasabihan ng mahal kita at nireregalohan ng mga gusto mo." Si Vernel ang sumagot.Napa-isip naman ako. Parang hindi nya naman ginagawa iyon dahil palagi syang galit kung magsalita at minsan lang nya ako kausapin sa bahay."Mahalaga ba 'yon?" tanong ko na lang. "Ay oo, Ma'am! Iyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na pwedeng iparanas
Third person's POV"Manong guard, magkano po ang kita nyo taga araw dito?" Seryusong tanong ni Selena nang dumaan sya sa harapan ng entrance guard sa kompanya ni Alexander. Nagulat naman ang matanda at hindi alam ang isasagot."Ah...""Sapat naman ba sa pang-araw araw?" Sunod na tanong nito. Napilitan namang tumango ang matanda. "Parang sapat naman po, Ma'am.""Mag-apply din kaya ako? Kailangan ko rin kasi ng pera eh. May bakante pa ba?" tanong ulit nya. "Ah..eh.. Ma'am, hindi ko po alam eh." Napakamot na lang ng ulo ang matanda.Habang sa kabilang banda naman ay ngayon lang napansin ni Alexander na hindi pala nakasunod si Selena sa likuran nya. Bumalik ito sa first floor at nakitang kinakausap nito ang guard sa entrance.Inis na nilapitan nya ang dalaga. "What the hell are you doing?! Ang sabi ko ay sumunod ka sa akin.""Sorry naman," sabi nya na medyo gumagaling na sa page-english. "May itinanong lang ako kay Meaning Guard.""Let's go. I'm late."Kaagad na sumunod sa kanya si Selena
Third person's POVDumating na rin ang araw na ipapakilala ni Alexander si Selena sa kanyang buong angkan. Sakto ring birthday iyon ng Daddy ni Alexander kaya halos kumpleto ang buong pamilya.Nakasuot si Selena ng floral white dress na above the knee. Off-shoulder din iyon kaya mas ma-appeal tingnan ang katawan ng dalaga. Habang si Alexander ay nakapormal ang suot na aakalain mo ay papasok sa trabaho.Nang bumaba sila ng sasakyan ay nanginginig na inilagay ni Selena ang kamay sa braso ni Alexander. Naramdaman ito ng binata kaya hinawakan nya ang kamay ng dalaga."Let's go."Nang makapasok na sila ng tuluyan sa malaking pintuan ay napunta kaagad sa kanila ang atensyon ng lahat lalong-lalo na sa kay Selena na ngayon lang nila nakilala. Iba't iba ang naging reaksyon ng mga tao habang pinagmamasdan at pinag-aaralan ang bawat galaw at mukha ng dalaga.May iilang nabighani sa ganda ni Selena pero ang ilang mga kapatid ng Daddy ni Alexander ay hindi nagustuhan ang natural na morenang kulay







