Share

Kapit

Author: Grace Ayana
last update Last Updated: 2025-02-14 16:20:15

“Ano na naman ba ang ginawa mo?”

Tonong naninisi si Ma’am Sheena. Ang disgusto sa mukha nito, hindi kayang itago. May pairap pa itong titig sa kanya.

“Ke bago-bago mo, ang dami mo nang dalang perwisyo.”

Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. Ganoon lang dapat. Wala namang silbi kung didepensahan ang sarili. Talagang nainis nga si Ma’am Sheena. Sinadya ni Ma’am Sheena na i-assign siya sa restocking ng mga inumin sa shelves. By the end of the night, hindi na niya nakita pa si Sir Wade. Maging kinabukasan at sa sumunod na mga gabi pa, walang Wade na napadpad sa bar.

Hindi dapat pero hinahanap-hanap niya ito.

Minsan, kapag naglalakad siya patungo sa sakayan ng jeep, bigla na lang siyang napapalingon sa paligid nang wala namang dahilan. Kapag umaakyat na siya sa slid nila at napapatapat sa bintana, karaniwan na sa kanya ang sumilip sa ibaba.

‘Para kang gaga, Tashi.’

Ang lalim ng hugot niya ng hugot sa dibdib.

“Tash, bilisan mo. Kanina pa nagri-ring ang phone mo. Kapatid mo yata ‘yong call
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE CEO'S SWEETHEART   Yate

    Natapos rin ang madugong exam week sa wakas. Natapos ang buong linggo na wala si Sir Wade. Kung saan nagpunta, ‘di niya alam. Hindi naman sila ‘yong tipong nagtatawagan. May numero sila sa isa’t-isa pero nahihiya siyang mag-text. Basta pagkatapos ng gabing ‘yon, nawala na naman itong bigla kinaumagahan.Expected naman niya na.“Tashi, sama ka naman sa amin.”Lagi na lang siyang humihindi kapag nagyayaya sina Thea.“Grabe siya o, hihindi na naman.”Kinuha ni Thea ang bag niya at isinukbit sa balikat.“Thea…”“No buts, no ifs!”Mga babae lang naman ang kasama niya. Hindi naman siguro magagalit si Sir Wade. Kakain lang naman. Napatingin siya sa spot kung saan laging naghihintay si Mang Pancho. Masyado pa namang maaga at wala pa ito. ‘Di na rin masama na pagbigyan ang kaklase. Sa totoo lang, nakakakunsensyang gumasta nang alam niyang kailangang-kailangan ng pera ang pamilya niya.“Sige na nga.”Pinagbigyan niya na si Thea. Sa isang mall sila humantong at pumasok sa isang pizzateria. Lumul

  • THE CEO'S SWEETHEART   Mesmerized

    “Sir Wade!”Ang bilis niyang nakaahon sa kama at lumabas ng silid. Ang sala kaagad ang tinalunton niya. Walang katao-tao sa sala, maging sa garahe.“Umalis na ba?”Parang kabute na biglang sumulpot na lang si Sir Wade at bigla na namang nawala. Napabuntong-hininga siya. Humakbang pabalik sa loob na may pananamlay na yumakap sa kanya. Pagtapat niya sa kusina, nalingunan niya ang dining table na may nakapatong sa ibabaw. Napahakbang siya palapit doon. Ang ngiti ay ‘di maiwasang puminta sa kanyang mukha nya habang sinuyod ng tingin ang mga natatakpang mga pakain.“At least, nag-iwan ka ng pagkain.”Breakfast ang natatanging bakas na naiwan ni Sir Wade.Paglipas ng mga araw, hindi na naman nagpakita si Wade. Hell week officially started. Sa unang araw pa lang, halos hindi na siya makahinga sa back-to-back exams at submissions ng ilang projects. Idagdag pa ang mga umaagaw na requirements sa iba-ibang subject. May practical exams pa sa PE.“One down!” si Thea na tila nakahinga ng maluwag na

  • THE CEO'S SWEETHEART   Missed

    Buong gabi siyang ginulo ng halik na ‘yon. Buong gabing naiisip kung paano humagod ang mga labi ni Sir Wade sa kanya. Heto at kung anong oras na ay hindi pa niya natatapos ang ginagawa. Kahit sa paghiga niya para magnakaw ng ilang oras na tulog, nabubulabog ang isip niya. Naroroong magtatalukbong siya ng kumot, mapakagat sa unan o sa daliri. Tila lang kasi may nais kumawalang tili sa lalamunan niya.At the same time, naroroon din ang hiya.Nahihiya siya sa mga nanay at tatay. Nahihiya siya lalo na sa Tita Merriam. Kaya naman, atrasado rin ang balak niya na tawagan ito. Ang boses pa naman ng tita niya, napakamalumanay. Nakakakunsensya na ganito na ang mga ginagawa niya. Basta, okay na sa kanya na nalaman mula sa kapatid na nakalaya na ito. Ang susunod na kabanata na lang na pagtutuunan nila ay ang kasong kakaharapin nito.Kinabukasan paggising niya, hindi kaagad siya umahon sa kama. Nakiramdam muna siya sa paligid. Kung may mga kaluskos ba siyang maririnig mula sa silid ni Sir Wade o m

  • THE CEO'S SWEETHEART   Lesson

    Pagdating sa bahay, inayos niya kaagad ang takeout food na inorder ni Sir Wade para sa hapunan. Para raw hindi na siya maabala sa studies niya. Ililipat na niya sana sa mga sisidlan ang mga ‘yon nang bigla na lang siyang napatanga habang nakatitig sa bagong rolyo ng tissue sa countertop. Sa pinakagitna ng island counter ay may malaking basket na napupuno ng iba’t-ibang prutas.Nangunot ang noo niya kakaalala kung sinong namalengke. Pagbukas niya ng ref, natuklasan niyang ang daming laman niyon. Meat, poulty, fish, fruits and vegetables. Katabi ng canned juices ang sandosenang beer.“Matigas ang ulo mo. Ayaw mong mamili, so I brought the groceries home.”Awang ang mga labi niyang napalingon sa nakatayong si Sir Wade sa bungad ng kusina. Pumasok ito at nagbukas ng ref na kakasarado niya pa lang. Beer ang kinuha.“Ang dami naman ng supplies.”“Don’t worry, malakas akong kumain.”Maglalagi na nga siguro ito sa bahay. Madalas ding magkakasabay silang kakain.“Requirement ba na ipagluluto k

  • THE CEO'S SWEETHEART   Temporary

    Mag-aalas onse na pero nasa bahay pa rin si Sir Wade. Natapos na niya at lahat ang nakabinbing assignments pero hindi pa rin ito umaalis. Ang balak sanang pagtambay sa sala upang doon mag-aral para sa quiz, hindi niya nagawa. Habang nasa harapan ng study table, panay ang silip niya ritokay. Kaharap nito ang laptop at tila nalulukot na ang noo nito sa kung anumang binabasa. Wala naman siyang natatandaang may dala itong anumang gamit kanina ah. Pero bahay nga naman nito itong kinaroroonan nila at may office pa ito dito sa bahay, malamang, hitik sa gamit iyon ng lalaki.Bumalik siya sa ginagawa at tinapos ang paperwork.Hindi pa man umiinit ang puwet niya nang makarinig ng kalabog sa labas. Dali-dali siyang napasugod sa labas. Sa kusina pala nanggaling ang ingay. May nahulog na kung ano sa sahig. Sa countertop, may nakalapag ding pakete ng noodles at gumugulong-gulong pang lata ng beef loaf.“Aw! Shit!”Kalaking tao pero de lata lang pala ang katapat ni Sir Wade. Ang laking mama pero muk

  • THE CEO'S SWEETHEART   Taken

    She didn’t exactly know how she survived dinner. Basta natapos na napunan naman ang gutom niya. Matapos ang nangyari, at makalipas ang ilang sandaling pinaghupa ang nagwawalang dibdib, nadatnan niya sa kusina si Sr Wade, nakalukot ang manggas at kasalukuyang inilipat ang chinese takeout food sa mga sisidlan.“Dig in,” paanyaya nito sa kanya na parang walang anumang nangyari.Ang unfair lang, halos mamatay-matay na siya sa kaba at hiya pero balewala para kay Sir Wade ang halika na iyon. Siya itong eng-eng na hindi mapakali at panay ang pakiramdam sa bawat kilos nito. Every time na nagtatama ang mga mata nila, parang binabanat ang buhok niya sa anit. Parang nagsa-sommersault ang bituka niya sa tiyan. Kaya ba kapit na kapit ang mga babae rito kasi nga kahit simpleng halik lang, nawiwindang na ang diwa niya.Matapos kumain, siya na ang nagboluntaryong magligpit.“Sige na, ako naman. Nakakahiya na kasi sa’yo.”“Fine.” Isinarado nito ang gripo at nagpunas ng mga kamay. “We will talk later,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status