Share

Chapter 2

Author: Amarahwrites
last update publish date: 2026-07-29 23:25:17

Pagkatapos magtrabaho nang buong hapon at gumabi na nga ay nagpalit ng damit si Sophia at sumakay ng taxi papunta sa restaurant na La Playa seafood house sa timog ng lungsod. Sikat ito bilang isang mamahaling seafood. Ilang beses na ring nakakain doon si Sophia kasama ang ex niyang si Cyrus.

Gabi na nang makarating siya sa lugar at puno na ng mararangyang kotse ang labas ng seafood house, sinabi ni Sophia sa waiter ang room number na sinend ng kaibigan niyang si Amarah. Pagdating sa p***o ng kwarto, narinig niya agad ang boses ng kapatid niyang si Olivia.

Mabilis namang natigilan si Sophia at agad nakaramdam ng sakit, ngunit biglang binuksan ng waiter ang p***o at agad tumahimik ang mga tao sa loob. Kasama nina Olivia at Cyrus ang mga kilala nila sa kasal ni Amarah.

Nang makita ni Olivia si Sophia, tumayo ito na parang takot na takot. "Ate... hindi ko alam na darating ka," nanginginig nitong sabi.

Nakaramdam naman agad ng inis si Sophia sa pagiging plastik ng kapatid. Dati, inalagaan niya ito dahil akala niya ay mahina ito. Pero nagbago ang lahat nang mahuli niya ito at si Cyrus sa apartment. Naalala pa niya noong hawak niya ang cake para sa birthday ni Cyrus, habang sinasabi nito kay Olivia ang mga salitang yon: ( "Via, kapag naghiwalay na kami ni Sophia, pakakasalan kita.")

"That’s enough, Sophia!" galit na sabi ni Cyrus sabay harang kay Olivia. "Bata pa lang kayo, inaapi mo na si Olivia. Pati ba naman dito?"

Tiningnan naman sila ni Sophia at nakita niya ang patagong ngiti ni Olivia. Nasaktan siya Oo dahil hindi niya akalaing magagawa siyang baligtarin ng sarili niyang kapatid.

"Cy, tama na," malambing na sabi ni Olivia habang humahawak sa braso ng lalaki. "Ate, kung ayaw mo akong makita, aalis na lang ako."

"Kung galit siya, Ede siya ang umalis. Bakit ikaw ang magpaparaya?" sabi ni Cyrus sabay akbay kay Olivia. Tiningnan niya si Sophia at sabay sabing, "Ikakasal na kami sa susunod na buwan. Habang nandito ako, walang pwedeng umapi sa kanya."

Bago pa ito nangyari, lumabas sandali si Amarah para sumagot ng tawag. Hindi niya alam na naghiwalay na sina Sophia at Cyrus, kaya naisipan ng asawa niya na i-invite din ang lalaki. Hindi niya inaasahan na may kasama itong ibang babae at ipapahiya pa si Sophia.

Sobrang nagalit si Amarah sa nangyari kung hindi siya pinigilan ng asawa niyang si Xian, nasampal na niya ang dalawa. "Nakalimutan mo na ba ang mga pangako mo noong niligawan mo pa si Sophia?" sigaw ni Amarah kay Cyrus. Pinagsisihan niya na ipinakilala niya ito kay Sophia.

Seryosong sumagot naman si Cyrus, "Nagkamali ako noon sa pagpili. Si Olivia na ang girlfriend ko ngayon."

"Nagkamali?" galit na sabi ni Amarah. "Ang sabihin mo, bulag ka!"

"Arah, tumahimik ka na. Mapapahiya lang si Sophia," awat ng asawa niya.

Umiiyak si Olivia habang nagsalita, "Ate, sorry. Kung mahal mo pa si Cyrus, ibalik ko siya sa iyo."

Mas lalo namang nagalit si Amarah. "Huwag kang magkunwari! Inagaw mo ang boyfriend ng ate mo, tapos ikaw pa ang biktima ngayon?"

"Tumahimik ka!" sigaw ni Cyrus.

Pinigilan ni Sophia si Amarah sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito. Kalmado lang si Sophia. Tinignan siya ng lahat—ang iba ay naaawa, habang si Olivia naman ay lihim na natutuwa. Inaasahan nilang iiyak siya, pero hindi.

Lumapit si Sophia at tiningnan si Olivia habang nakangiti nang malamig. "Ibalik mo sa akin? Olivia, kung kaya mong ibalik, hindi mo sana siya inagaw noong una pa lang."

Kaagad na natakot si Olivia, samantala mabilis na bumaling si Sophia kay Cyrus. "Sinabi mong inapi ko siya? May ate ba na nagbibigay ng kalahati ng scholarship niya sa kapatid na inapi niya? Sino ang nagtatanggol sa kanya kapag inaaway siya ng mga kaklase niya? Sino ang naghihintay sa kanya sa labas kahit may sakit para lang hindi siya mag-isa? Hindi ba niya sinabi sa iyo ang lahat ng iyon?"

Hindi naman nakakapagsalita si Olivia. Namutla pa ito, parang kulay papel na ang mukha sa sobrang putla at takot kung ano ang ibunyag ng kapatid.

Tumingin ulit si Sophia kay Cyrus at tumawa. "Cyrus, linawin natin. Ikaw ang nanligaw sa akin, hindi ako. Ikaw ang nagpapadala ng bulaklak araw-araw, hindi ako. Ikaw ang naghihintay sa akin tuwing may overtime ako sa trabaho, Hindi ako. At ikaw ang nangako sa harap ng libingan ng Mama ko na mamahalin mo ako habang buhay, lalong hindi ako yon. Tapos ngayon, sasabihin mong naloko ka lang? Ang totoo, salawahan ka Cyrus. Sumama ka sa bago at itinapon ang luma, tapos nagmamalinis ka pa. Kung umamin ka na lang sana, rerespetuhin pa kita."

Namula kaagad sa galit si Cyrus pero wala siyang maisagot dahil totoo ang lahat ng sinabi ni Sophia.

Humarap si Sophia kay Olivia. "Sinabi mong ayaw kitang makita? Tama ka. Pero walang kinalaman si Cyrus rito. Ayaw kitang makita dahil naaalala ko lang kung gaano ako kabobo noon na itinuring kitang mabuting kapatid, kahit traydor ka pala."

Mabilis na umiyak si Olivia. "Sorry, Ate... huwag mong sisihin si Cyrus. Kasalanan ko ang lahat."

Habang nakikinig si Cyrus ay agad siyang naawa ulit kay Olivia. Galit niyang tiningnan si Sophia. "Kahit mali ako, masama ka pa ring kapatid. Walang matinong kapatid na ganyan ang pagtrato sa kapatid niya." Inakbayan niya si Olivia. "Let’s go.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 5

    Kinabukasan ng umaga, kahit halos wala siyang masyadong tulog ay dumating pa din siya sa ospital ng tamang oras. Pagkatapos niyang magpalit ng kanyang puting coat ay lalabas pa lamang siya ng may iilang tao na naglalakad sa hallway patungo sa kanya. At ang nangunguna sa grupo ay isang lalaki na may katandaan na at namumula ang mata sa sobrang galit. Paglapit sa kanya ay mabilis nitong hinawakan ang collar ng kanyang white coat. “Ikaw ba si Dr. Sophia?” tanong nito, “Wala kang awa! Maayos pa si Mama ng pumunta siya sayo. Pero pagkatapos mong itusok ang ilang mga acupuncture needles sa kanya ay hindi na siya nakakagalaw pa! Wala kang awa! Manloloko ka!”Marami na ang mga pasyente ang naghihintay sa labas, para sa kanilang acupunture. Ngunit ng marinig ang gulo ay agad na napatingin ang lahat. Naging mabilis ang paghinga ni Sophia ng hawakan ng lalaki ang kanyang damit, pero pinilit niyang maging kalmado. Gamit ang buo niyang lakas ay inalis agad niya ang kamay ng lalaki sa kanyang d

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 4

    Pagkabukas pa lang ni Sophia ng pinto, napansin niya na agad si Chloe na nakaupo sa loob ng kwarto. Dahil hindi sila magkasundo at nag-away na sila kaninang umaga, umiwas na agad siya ng tingin at nagkunwaring hindi ito nakita. Tungkol naman kay Lennox, wala rin siyang balak batiin ito. Ang relasyon ng doktor at pasyente ay sa ospital lang, ngunir pagdating sa labas ng trabaho, magkasing-ibang tao sila na parang hindi sila kailanman nagkakilala.Paalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Chloe. "Dr. Sophia, bakit hindi ka sumabay sa amin maghapunan? Nagkataon naman na nagkita tayo.”Natigilan agad si Sophia habang hawak pa rin ang pinto. "I've already eaten," seryosong sagot niya. "Sorry for interrupting."Alam niyang hindi magandang makisalo sa hapunan ng ibang tao, pumasok lang naman siya dahil higit sampung minuto na siyang naghihintay sa labas pero hindi pa rin lumalabas ang waiter."Oh, come on." Tumayo si Chloe at lumapit sa kanya habang nakangiti. "I heard you just went t

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 3

    Dahil sa kaguluhan ay mabilis na natapos kaagad ang hapunan. Sinamahan ni Amarah si Sophia pababa ng seafood house, na may kasamang pagrereklamo sa sarili. "Sorry talaga, Phia. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko lang sana pinakilala sayo ang lalaking yon noon, hindi mo sana nararanasan ang lahat ng ito."Para kay Amarah, mabait at maalaga si Sophia sa lahat. Nararapat talaga itong mahalin at hindi lokohin. Pero kalmado lang si Sophia, walang bakas ng lungkot sa kanyang mukha. Mas kalmado pa siya kaysa sa galit na galit na kaibigan."Walang kang kasalanan, Amarah." nakangiting sabi ni Sophia. "Ako ang nagkamali sa pagkilala sa kanya. Hindi ko lang talaga napansin ang pagkakaiba ng mabuting tao sa manloloko.""Isang malaking blessing ang pakikipaghiwalay mo sa walang pusong lalaki na katulad niya!" sabi ni Amarah sabay kapit sa braso ng kaibigan. "Maganda, may talento at mahusay na doktor ang kaibigan ko. Nararapat ka sa mas mabuting lalaki—yong talagang magpahalaga sa iyo."Natawa n

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 2

    Pagkatapos magtrabaho nang buong hapon at gumabi na nga ay nagpalit ng damit si Sophia at sumakay ng taxi papunta sa restaurant na La Playa seafood house sa timog ng lungsod. Sikat ito bilang isang mamahaling seafood. Ilang beses na ring nakakain doon si Sophia kasama ang ex niyang si Cyrus.Gabi na nang makarating siya sa lugar at puno na ng mararangyang kotse ang labas ng seafood house, sinabi ni Sophia sa waiter ang room number na sinend ng kaibigan niyang si Amarah. Pagdating sa pinto ng kwarto, narinig niya agad ang boses ng kapatid niyang si Olivia.Mabilis namang natigilan si Sophia at agad nakaramdam ng sakit, ngunit biglang binuksan ng waiter ang pinto at agad tumahimik ang mga tao sa loob. Kasama nina Olivia at Cyrus ang mga kilala nila sa kasal ni Amarah.Nang makita ni Olivia si Sophia, tumayo ito na parang takot na takot. "Ate... hindi ko alam na darating ka," nanginginig nitong sabi.Nakaramdam naman agad ng inis si Sophia sa pagiging plastik ng kapatid. Dati, inalagaan

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 1

    Kakatapos lang gamutin ni Sophia ang huli niyang pasyente at kasalukuyan siyang naghuhugas ng kamay sa lababo. Hindi man lang niya nilingon ang nagbukas ng pinto at agad na nagsalita, “Please take off your pants and lie down on the examinatipn bed.” Marahan na saad niya habang nagpatuloy siya sa pagsabon ng kanyang mga kamay habang nakikita lamang niya sa gilid ng kanyang peripheral vision ang bagong dating. Matangkad ang lalaki, malapad ang mga balikat, mahahaba ang mga binti, at tila mas sumikip ang maliit na silid nang pumasok ito. Pagkatapos niyang patayin ang gripo, pinunasan ni Sophia ang kanyang mga kamay gamit ang sterile gauze bago siya lumingon.Kaagad naman siyang nagtaka, dahil nakapirmi pa rin ang lalaki sa upuang nasa tabi ng pader, tuwid ang pagkakaupo at mukhang walang balak na tumayo. Pero hindi na ito bago kay Sophia ang ganitong sitwasyon. Bilang isang acupuncturist sa Department of Traditional Chinese Medicine, sanay na siyang makakita ng mga pasyenteng naiilang.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status