LOGIN"Buntis ang kapatid mo. At si Cyrus ang ama." Ito ang mga salitang nagpaguho sa mundo ni Sophia Lucero. Ang lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay, nagawa siyang pagtaksilan sa mismong pamamahay nila... at ang babae nito ay ang sarili niyang half-sister na si Olivia. Ngunit hindi doon nagtapos ang bangungot. Upang protektahan si Olivia at ang dinadala nito, pinili ng sariling mga magulang ni Sophia na talikuran siya. Pinilit siyang tanggapin ang pagtataksil ng dalawa, sinabotahe ang kanyang karera bilang acupuncturist, at tuluyang sinira ang kanyang reputasyon sa pamamagitan ng isang frame-up. Sa isang iglap, nawala kay Sophia ang lahat... pamilya, pag-ibig, at pangarap. Nang akala niya wala nang natitira sa kanya, ang pambihira niyang galing sa acupuncture ang naging daan para makilala siya ni Lennox, ang makapangyarihan ngunit misteryosong chairman ng Silvestre Group mula sa kalapit na siyudad. Inimbitahan siya nitong gamutin ang matagal nang sakit sa binti ng kanyang lolo—isang oportunidad na maaaring magbigay sa kanya ng panibagong simula. Ngunit sa engrandeng engagement party nina Cyrus at Olivia, laking gulat ni Sophia nang malaman niyang ang tahimik at maimpluwensyang lalaking ilang beses nang tumulong sa kanya ay walang iba kundi ang nakatatandang kapatid ni Cyrus. Desidido si Sophia na lumayo upang maiwasan ang mas malaking komplikasyon. Pero hindi ganoon kadaling takasan si Lennox. "We can't be together," Sophia whispered. "If we do, Cyrus and Olivia will still be our family.” Dahan-dahan siyang hinila ni Lennox sa mga bisig nito. Marahang hinaplos ng mga daliri nito ang kanyang buhok bago ito nagsalita sa malalim at matatag na tinig. "Then let them learn what it feels like to lose everything they took from you."
View MorePagkababa mula sa maternity ward, bumalik si Sophia sa kanyang opisina para kunin ang ilan sa kanyang mga personal na gamit. Habang papalapit siya sa elevator, nakasalubong niya si Chloe."Dr. Sophia," sabi ni Chloe na may malawak na ngiti na hindi maitago ang pang-aasar sa kanyang mga mata, "Now you can finally get some proper rest. No more getting up early for work, and no more worrying about whether drinking at night will affect your shift the next day." Dala-dala pa rin nito ang galit dahil sa pambabara sa kanya ni Sophia kagabi.Kaninang umaga, nakita niya ang mensahe sa group chat ng ospital na ang suspendido na si Sophia mula sa Department of Traditional Chinese Medicine dahil sa gulong ginawa ng pamilya ng pasyente.Tuwang-tuwa siya. Sino ang nakakaalam? Sa loob ng ilang araw, baka mapilitan pa si Sophia na tuluyang umalis sa ospital. Ang isip pa lang niyon ay napakasaya na para sa kanya. Ang galit na nararamdaman ni Chloe ay agad na napalitan ng katuwaan na hindi niya maikail
Kinabukasan ng umaga, kahit halos wala siyang masyadong tulog ay dumating pa din siya sa ospital ng tamang oras. Pagkatapos niyang magpalit ng kanyang puting coat ay lalabas pa lamang siya ng may iilang tao na naglalakad sa hallway patungo sa kanya. At ang nangunguna sa grupo ay isang lalaki na may katandaan na at namumula ang mata sa sobrang galit. Paglapit sa kanya ay mabilis nitong hinawakan ang collar ng kanyang white coat. “Ikaw ba si Dr. Sophia?” tanong nito, “Wala kang awa! Maayos pa si Mama ng pumunta siya sayo. Pero pagkatapos mong itusok ang ilang mga acupuncture needles sa kanya ay hindi na siya nakakagalaw pa! Wala kang awa! Manloloko ka!”Marami na ang mga pasyente ang naghihintay sa labas, para sa kanilang acupunture. Ngunit ng marinig ang gulo ay agad na napatingin ang lahat. Naging mabilis ang paghinga ni Sophia ng hawakan ng lalaki ang kanyang damit, pero pinilit niyang maging kalmado. Gamit ang buo niyang lakas ay inalis agad niya ang kamay ng lalaki sa kanyang d
Pagkabukas pa lang ni Sophia ng pinto, napansin niya na agad si Chloe na nakaupo sa loob ng kwarto. Dahil hindi sila magkasundo at nag-away na sila kaninang umaga, umiwas na agad siya ng tingin at nagkunwaring hindi ito nakita. Tungkol naman kay Lennox, wala rin siyang balak batiin ito. Ang relasyon ng doktor at pasyente ay sa ospital lang, ngunir pagdating sa labas ng trabaho, magkasing-ibang tao sila na parang hindi sila kailanman nagkakilala.Paalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Chloe. "Dr. Sophia, bakit hindi ka sumabay sa amin maghapunan? Nagkataon naman na nagkita tayo.”Natigilan agad si Sophia habang hawak pa rin ang pinto. "I've already eaten," seryosong sagot niya. "Sorry for interrupting."Alam niyang hindi magandang makisalo sa hapunan ng ibang tao, pumasok lang naman siya dahil higit sampung minuto na siyang naghihintay sa labas pero hindi pa rin lumalabas ang waiter."Oh, come on." Tumayo si Chloe at lumapit sa kanya habang nakangiti. "I heard you just went t
Dahil sa kaguluhan ay mabilis na natapos kaagad ang hapunan. Sinamahan ni Amarah si Sophia pababa ng seafood house, na may kasamang pagrereklamo sa sarili. "Sorry talaga, Phia. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko lang sana pinakilala sayo ang lalaking yon noon, hindi mo sana nararanasan ang lahat ng ito."Para kay Amarah, mabait at maalaga si Sophia sa lahat. Nararapat talaga itong mahalin at hindi lokohin. Pero kalmado lang si Sophia, walang bakas ng lungkot sa kanyang mukha. Mas kalmado pa siya kaysa sa galit na galit na kaibigan."Walang kang kasalanan, Amarah." nakangiting sabi ni Sophia. "Ako ang nagkamali sa pagkilala sa kanya. Hindi ko lang talaga napansin ang pagkakaiba ng mabuting tao sa manloloko.""Isang malaking blessing ang pakikipaghiwalay mo sa walang pusong lalaki na katulad niya!" sabi ni Amarah sabay kapit sa braso ng kaibigan. "Maganda, may talento at mahusay na doktor ang kaibigan ko. Nararapat ka sa mas mabuting lalaki—yong talagang magpahalaga sa iyo."Natawa n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews