Share

Chapter 3

Author: Amarahwrites
last update publish date: 2026-07-30 18:19:06

Dahil sa kaguluhan ay mabilis na natapos kaagad ang hapunan. Sinamahan ni Amarah si Sophia pababa ng seafood house, na may kasamang pagrereklamo sa sarili. "Sorry talaga, Phia. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko lang sana pinakilala sayo ang lalaking yon noon, hindi mo sana nararanasan ang lahat ng ito."

Para kay Amarah, mabait at maalaga si Sophia sa lahat. Nararapat talaga itong mahalin at hindi lokohin. Pero kalmado lang si Sophia, walang bakas ng lungkot sa kanyang mukha. Mas kalmado pa siya kaysa sa galit na galit na kaibigan.

"Walang kang kasalanan, Amarah." nakangiting sabi ni Sophia. "Ako ang nagkamali sa pagkilala sa kanya. Hindi ko lang talaga napansin ang pagkakaiba ng mabuting tao sa manloloko."

"Isang malaking blessing ang pakikipaghiwalay mo sa walang pusong lalaki na katulad niya!" sabi ni Amarah sabay kapit sa braso ng kaibigan. "Maganda, may talento at mahusay na doktor ang kaibigan ko. Nararapat ka sa mas mabuting lalaki—yong talagang magpahalaga sa iyo."

Natawa ng mahina si Sophia sa galit niyang kaibigan at tinapik ang kamay nito. "O sige na, huwag ka nang magalit. Okay na ako ngayon. At congrats nga pala sa grand opening ng beauty salon mo."

Kamakailan lang ay nagbukas ang bagong salon ni Amarah—ito ang magandang balita na gusto nitong i-share. "Thank you!" ngiti ni Amarah. "Simula ngayon, tuwing gusto mong magpa-facial, punta ka sa salon ko okay? Mag-ingat ka sa pag-uwi, huwag kalimutan na mag-text kapag nakarating ka na para alam kong ligtas ka."

Tumango naman agad si Sophia at agad na sumakay ng taxi at umalis.

Nang mawala na ang taxi, nawala rin ang ngiti ni Amarah. Napalitan agad ito ng matinding galit habang pabalik sa loob. Sakto namang tapos nang magbayad ng bill ang asawa niyang si Xian at lumapit sa kanya.

"Honey..."

Mabilis naman itong pinutol ni Amarah. "Sabihin mo sa akin ang totoo, alam mo ba na may relasyon sina Cyrus at Olivia?"

Itinaas ni Xian ang dalawang kamay. "Hindi biro ang paratang na yan, honey! Kung alam ko lang na naghiwalay na sila ni Sophia at palihim na sumama sa iba, hindi ko siya iimbitahan ngayong gabi kahit may nakatutok pang kutsilyo sa leeg ko!"

"Iniwan ni Sophia ang lalaking iyon," pagtatama ni Amarah. "At mula ngayon, lumayo ka sa mga taong walang matinong ugali at basura. Nakakasuka silang tingnan."

"Yes, kung ano ang sasabihin ng misis ko, yun ang masusunod," sunod-sunod na sagot ni Xian habang naglalakad sila palayo.

Sa likod ng isang malaking halaman malapit doon, may kausap na mayamang negosyante si Lennox.

"Chairman Silvestre, kararating mo lang dito sa Cebu baka hindi mo pa alam. Bukod sa magandang tirahan, sikat din ang Cebu sa mga magagandang babae," sabi ng lalaki habang s********p sa iniinom.

Ngumiti nang bahagya si Lennox at tumingin sa malaking tiyan ng lalaki. "Sa hitsura at laki ng katawan mo, Director Manuel, halatang maganda nga ang buhay dito sa Cebu.”

"Hahaha! Chairman, marunong ka talagang magbiro! Tara na sa itaas?" tawa ng lalaki.

Ang lalaking ito ay si Director Manuel, ang pinuno ng Municipal Commerce Bureau. Kahit sanay siyang sipsipan ng iba, napakababa ng loob niya sa harap ni Lennox. Maimpluwensya kasi ang pamilya ni Lennox sa Manila, at pumunta lang siya sa Cebu para mamuno sa AS Company upang kumuha ng karanasan bago bumalik sa mas mataas na posisyon.

Habang papunta sa elevator, nagmadali si Director Manuel na hawakan ang p***o para maunang papasok si Lennox. Ngunit bago pa sumara ang p***o ay may humabol.

Si Sophia.

Mabilis na natigilan si Sophia nang makita ang matangkad at naka business suit na lalaki sa loob. At ito nga, kaninang umaga sa acupuncture, gilid lang ng mukha nito ang nakita niya pero ngayon ay kilalang-kilala niya ito.

"Are you getting in?" malamig na tanong ni Lennox.

Nagulat naman agad si Sophia. "Oh... yes." Mabilis siyang pumasok at pinindot ang 4th floor.

Katabi ni Lennox ang panel ng mga button, habang inaabot si Sophia ang mga ito, naamoy niya ang mabangong pabango ng lalaki—malinis at may natural na bango. Kinabahan siya nang hindi niya alam kung bakit dahil ramdam na ramdam niya ang lakas ng dating ng lalaki sa masikip na elevator.

Mabuti na lang, mabilis silang nakarating sa 4th floor. Huminga nang malalim si Sophia bago lumabas, kaya siya bumalik dahil nawawala ang mga susi niya sa apartment at sa opisina niya sa ospital. Malaking problema kapag nawala iyon, hinanap niya ito sa silid na kinainan nila pero wala roon, kaya bumaba siya para magtanong sa waiter.

Samantala, nakarating na sina Lennox sa 6th floor. Maraming negosyante ang naghihintay sa loob ng kwarto, umupo si Lennox sa gitna at tumabi naman sa kaliwa niya si Director Manuel.

Pagkaupo ni Lennox, tumayo ang babaeng nasa kanan niya at ngumiti para ipagbuhos siya ng tsaa. Masyadong matapang ang pabango ng babae. "Ako na, salamat." Sabi ni Lennox habang pinipigilan ang babae gamit ang kanyang kamay.

Nakaramdam naman ng pagkahiya ang babae at umupo na lang, pinakilala siya agad ni Director Manuel. "Chairman, ito nga pala ang pamangkin ko, si Chloe. Nagtatrabaho siya sa admin office ng Cebu Central medical Center.”

Nang marinig na binanggit ang pangalan ng ospital, naalala bigla ni Lennox si Sophia. Dalawang beses niya itong nakita ngayong araw, at kahit simply lang ang suot nito ngunit ay may angking ganda na hindi mo pwedeng balewalain.

Mayamaya pa ay pumasok na ang waiter na may dalang alak.

"Chloe, Salinan mo ng maiinom si Chairman," utos ni Director Manuel.

Tatayo na sana si Chloe para kunin ang bote ngunit kaagad na nagsalita si Lennox. "Huwag na, Miss Chloe. Ang waiter na ang bahala riyan."

Mabilis na namula sa hiya si Chloe dahil dalawang beses na siyang tinanggihan sa harap ng maraming tao. Biglang may kumatok at bumukas ang p***o, at si Sophia ang nasa labas.

Tumingin siya sa waiter na katabi ni Lennox. "Excuse me," polite na sabi ni Sophia. "May nakita ba kayong mga susi sa Green Mist Hall sa 4th floor?"

"Yes ma'am," sagot ng waiter. "Ibinigay na po iyon sa reception desk sa 4th floor."

"Salamat," sabi ni Sophia at akma nang isasara ang p***o ng biglang—

"Dr. Sophia," biglang tawag ni Chloe. Hindi kilala ni Chloe ang lahat ng doktor sa loob ng ospital, pero kilala niya si Sophia dahil hindi sila magkasundo, at kaibigan din niya si Olivia na kapatid nito. Kaya naman, palagi niyang binabantayan ang bawat galaw ni Sophia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 5

    Kinabukasan ng umaga, kahit halos wala siyang masyadong tulog ay dumating pa din siya sa ospital ng tamang oras. Pagkatapos niyang magpalit ng kanyang puting coat ay lalabas pa lamang siya ng may iilang tao na naglalakad sa hallway patungo sa kanya. At ang nangunguna sa grupo ay isang lalaki na may katandaan na at namumula ang mata sa sobrang galit. Paglapit sa kanya ay mabilis nitong hinawakan ang collar ng kanyang white coat. “Ikaw ba si Dr. Sophia?” tanong nito, “Wala kang awa! Maayos pa si Mama ng pumunta siya sayo. Pero pagkatapos mong itusok ang ilang mga acupuncture needles sa kanya ay hindi na siya nakakagalaw pa! Wala kang awa! Manloloko ka!”Marami na ang mga pasyente ang naghihintay sa labas, para sa kanilang acupunture. Ngunit ng marinig ang gulo ay agad na napatingin ang lahat. Naging mabilis ang paghinga ni Sophia ng hawakan ng lalaki ang kanyang damit, pero pinilit niyang maging kalmado. Gamit ang buo niyang lakas ay inalis agad niya ang kamay ng lalaki sa kanyang d

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 4

    Pagkabukas pa lang ni Sophia ng pinto, napansin niya na agad si Chloe na nakaupo sa loob ng kwarto. Dahil hindi sila magkasundo at nag-away na sila kaninang umaga, umiwas na agad siya ng tingin at nagkunwaring hindi ito nakita. Tungkol naman kay Lennox, wala rin siyang balak batiin ito. Ang relasyon ng doktor at pasyente ay sa ospital lang, ngunir pagdating sa labas ng trabaho, magkasing-ibang tao sila na parang hindi sila kailanman nagkakilala.Paalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Chloe. "Dr. Sophia, bakit hindi ka sumabay sa amin maghapunan? Nagkataon naman na nagkita tayo.”Natigilan agad si Sophia habang hawak pa rin ang pinto. "I've already eaten," seryosong sagot niya. "Sorry for interrupting."Alam niyang hindi magandang makisalo sa hapunan ng ibang tao, pumasok lang naman siya dahil higit sampung minuto na siyang naghihintay sa labas pero hindi pa rin lumalabas ang waiter."Oh, come on." Tumayo si Chloe at lumapit sa kanya habang nakangiti. "I heard you just went t

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 3

    Dahil sa kaguluhan ay mabilis na natapos kaagad ang hapunan. Sinamahan ni Amarah si Sophia pababa ng seafood house, na may kasamang pagrereklamo sa sarili. "Sorry talaga, Phia. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko lang sana pinakilala sayo ang lalaking yon noon, hindi mo sana nararanasan ang lahat ng ito."Para kay Amarah, mabait at maalaga si Sophia sa lahat. Nararapat talaga itong mahalin at hindi lokohin. Pero kalmado lang si Sophia, walang bakas ng lungkot sa kanyang mukha. Mas kalmado pa siya kaysa sa galit na galit na kaibigan."Walang kang kasalanan, Amarah." nakangiting sabi ni Sophia. "Ako ang nagkamali sa pagkilala sa kanya. Hindi ko lang talaga napansin ang pagkakaiba ng mabuting tao sa manloloko.""Isang malaking blessing ang pakikipaghiwalay mo sa walang pusong lalaki na katulad niya!" sabi ni Amarah sabay kapit sa braso ng kaibigan. "Maganda, may talento at mahusay na doktor ang kaibigan ko. Nararapat ka sa mas mabuting lalaki—yong talagang magpahalaga sa iyo."Natawa n

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 2

    Pagkatapos magtrabaho nang buong hapon at gumabi na nga ay nagpalit ng damit si Sophia at sumakay ng taxi papunta sa restaurant na La Playa seafood house sa timog ng lungsod. Sikat ito bilang isang mamahaling seafood. Ilang beses na ring nakakain doon si Sophia kasama ang ex niyang si Cyrus.Gabi na nang makarating siya sa lugar at puno na ng mararangyang kotse ang labas ng seafood house, sinabi ni Sophia sa waiter ang room number na sinend ng kaibigan niyang si Amarah. Pagdating sa pinto ng kwarto, narinig niya agad ang boses ng kapatid niyang si Olivia.Mabilis namang natigilan si Sophia at agad nakaramdam ng sakit, ngunit biglang binuksan ng waiter ang pinto at agad tumahimik ang mga tao sa loob. Kasama nina Olivia at Cyrus ang mga kilala nila sa kasal ni Amarah.Nang makita ni Olivia si Sophia, tumayo ito na parang takot na takot. "Ate... hindi ko alam na darating ka," nanginginig nitong sabi.Nakaramdam naman agad ng inis si Sophia sa pagiging plastik ng kapatid. Dati, inalagaan

  • THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR   Chapter 1

    Kakatapos lang gamutin ni Sophia ang huli niyang pasyente at kasalukuyan siyang naghuhugas ng kamay sa lababo. Hindi man lang niya nilingon ang nagbukas ng pinto at agad na nagsalita, “Please take off your pants and lie down on the examinatipn bed.” Marahan na saad niya habang nagpatuloy siya sa pagsabon ng kanyang mga kamay habang nakikita lamang niya sa gilid ng kanyang peripheral vision ang bagong dating. Matangkad ang lalaki, malapad ang mga balikat, mahahaba ang mga binti, at tila mas sumikip ang maliit na silid nang pumasok ito. Pagkatapos niyang patayin ang gripo, pinunasan ni Sophia ang kanyang mga kamay gamit ang sterile gauze bago siya lumingon.Kaagad naman siyang nagtaka, dahil nakapirmi pa rin ang lalaki sa upuang nasa tabi ng pader, tuwid ang pagkakaupo at mukhang walang balak na tumayo. Pero hindi na ito bago kay Sophia ang ganitong sitwasyon. Bilang isang acupuncturist sa Department of Traditional Chinese Medicine, sanay na siyang makakita ng mga pasyenteng naiilang.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status