Mag-log inKinabukasan ng umaga, kahit halos wala siyang masyadong tulog ay dumating pa din siya sa ospital ng tamang oras. Pagkatapos niyang magpalit ng kanyang puting coat ay lalabas pa lamang siya ng may iilang tao na naglalakad sa hallway patungo sa kanya. At ang nangunguna sa grupo ay isang lalaki na may katandaan na at namumula ang mata sa sobrang galit. Paglapit sa kanya ay mabilis nitong hinawakan ang collar ng kanyang white coat. “Ikaw ba si Dr. Sophia?” tanong nito, “Wala kang awa! Maayos pa si Mama ng pumunta siya sayo. Pero pagkatapos mong itusok ang ilang mga acupuncture needles sa kanya ay hindi na siya nakakagalaw pa! Wala kang awa! Manloloko ka!”Marami na ang mga pasyente ang naghihintay sa labas, para sa kanilang acupunture. Ngunit ng marinig ang gulo ay agad na napatingin ang lahat. Naging mabilis ang paghinga ni Sophia ng hawakan ng lalaki ang kanyang damit, pero pinilit niyang maging kalmado. Gamit ang buo niyang lakas ay inalis agad niya ang kamay ng lalaki sa kanyang d
Pagkabukas pa lang ni Sophia ng pinto, napansin niya na agad si Chloe na nakaupo sa loob ng kwarto. Dahil hindi sila magkasundo at nag-away na sila kaninang umaga, umiwas na agad siya ng tingin at nagkunwaring hindi ito nakita. Tungkol naman kay Lennox, wala rin siyang balak batiin ito. Ang relasyon ng doktor at pasyente ay sa ospital lang, ngunir pagdating sa labas ng trabaho, magkasing-ibang tao sila na parang hindi sila kailanman nagkakilala.Paalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Chloe. "Dr. Sophia, bakit hindi ka sumabay sa amin maghapunan? Nagkataon naman na nagkita tayo.”Natigilan agad si Sophia habang hawak pa rin ang pinto. "I've already eaten," seryosong sagot niya. "Sorry for interrupting."Alam niyang hindi magandang makisalo sa hapunan ng ibang tao, pumasok lang naman siya dahil higit sampung minuto na siyang naghihintay sa labas pero hindi pa rin lumalabas ang waiter."Oh, come on." Tumayo si Chloe at lumapit sa kanya habang nakangiti. "I heard you just went t
Dahil sa kaguluhan ay mabilis na natapos kaagad ang hapunan. Sinamahan ni Amarah si Sophia pababa ng seafood house, na may kasamang pagrereklamo sa sarili. "Sorry talaga, Phia. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko lang sana pinakilala sayo ang lalaking yon noon, hindi mo sana nararanasan ang lahat ng ito."Para kay Amarah, mabait at maalaga si Sophia sa lahat. Nararapat talaga itong mahalin at hindi lokohin. Pero kalmado lang si Sophia, walang bakas ng lungkot sa kanyang mukha. Mas kalmado pa siya kaysa sa galit na galit na kaibigan."Walang kang kasalanan, Amarah." nakangiting sabi ni Sophia. "Ako ang nagkamali sa pagkilala sa kanya. Hindi ko lang talaga napansin ang pagkakaiba ng mabuting tao sa manloloko.""Isang malaking blessing ang pakikipaghiwalay mo sa walang pusong lalaki na katulad niya!" sabi ni Amarah sabay kapit sa braso ng kaibigan. "Maganda, may talento at mahusay na doktor ang kaibigan ko. Nararapat ka sa mas mabuting lalaki—yong talagang magpahalaga sa iyo."Natawa n
Pagkatapos magtrabaho nang buong hapon at gumabi na nga ay nagpalit ng damit si Sophia at sumakay ng taxi papunta sa restaurant na La Playa seafood house sa timog ng lungsod. Sikat ito bilang isang mamahaling seafood. Ilang beses na ring nakakain doon si Sophia kasama ang ex niyang si Cyrus.Gabi na nang makarating siya sa lugar at puno na ng mararangyang kotse ang labas ng seafood house, sinabi ni Sophia sa waiter ang room number na sinend ng kaibigan niyang si Amarah. Pagdating sa pinto ng kwarto, narinig niya agad ang boses ng kapatid niyang si Olivia.Mabilis namang natigilan si Sophia at agad nakaramdam ng sakit, ngunit biglang binuksan ng waiter ang pinto at agad tumahimik ang mga tao sa loob. Kasama nina Olivia at Cyrus ang mga kilala nila sa kasal ni Amarah.Nang makita ni Olivia si Sophia, tumayo ito na parang takot na takot. "Ate... hindi ko alam na darating ka," nanginginig nitong sabi.Nakaramdam naman agad ng inis si Sophia sa pagiging plastik ng kapatid. Dati, inalagaan
Kakatapos lang gamutin ni Sophia ang huli niyang pasyente at kasalukuyan siyang naghuhugas ng kamay sa lababo. Hindi man lang niya nilingon ang nagbukas ng pinto at agad na nagsalita, “Please take off your pants and lie down on the examinatipn bed.” Marahan na saad niya habang nagpatuloy siya sa pagsabon ng kanyang mga kamay habang nakikita lamang niya sa gilid ng kanyang peripheral vision ang bagong dating. Matangkad ang lalaki, malapad ang mga balikat, mahahaba ang mga binti, at tila mas sumikip ang maliit na silid nang pumasok ito. Pagkatapos niyang patayin ang gripo, pinunasan ni Sophia ang kanyang mga kamay gamit ang sterile gauze bago siya lumingon.Kaagad naman siyang nagtaka, dahil nakapirmi pa rin ang lalaki sa upuang nasa tabi ng pader, tuwid ang pagkakaupo at mukhang walang balak na tumayo. Pero hindi na ito bago kay Sophia ang ganitong sitwasyon. Bilang isang acupuncturist sa Department of Traditional Chinese Medicine, sanay na siyang makakita ng mga pasyenteng naiilang.







