Share

Kabanata 39

MABILIS na tumatakbo si Diane papunta sa kuwarto kung saan dinala daw si Ryder. Hindi niya pa alam ang totoong nangyari sa binata. Pero sobrang kaba at takot ang namayani sa kanya.

Paano kung huli na ang lahat para sa kanila ni Ryder? Iiwan na pala siya ng tuluyan ng binata. Hindi man lang siya nakabawi dito. Paano na lang siya kapag nagkagayon mawala ito?

Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan na mga tanong. Paano kung magkatotoo ang lahat ng iyon?

Agad na nilapitan niya ang isang nurse sa information.

"Saan po ang kuwarto ni Mr. Sable?"

Chineck 'nong nurse ang computer na nasa harapan niya.

"Room 108 po," magalang na sagot nito sa kanya.

"Salamat."

Umalis din siya kaagad sa information. Saka hinanap ang sinasabi na room number kung saan andoon si Ryder.

"Room 108. Ito na nga," usal niya sa isip.

Nag-alangan siya kumatok. Sari-sari kasi ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Sobrang takot dahil ayaw niyang makitang nakahiga si Ryder at walang malay. Maraming nakakabit na machine
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status