Share

Chapter 244

Auteur: SKYGOODNOVEL
last update Dernière mise à jour: 2025-06-02 21:36:29

Chapter 244

Kara POV

Ang dilim.

Tahimik.

Walang sakit… pero para akong lumulutang.

Parang may bumabalot sa akin na malamig na hangin. Gusto kong igalaw ang katawan ko, pero hindi ko magawa. Gusto kong dumilat, pero parang napakabigat ng talukap ng mga mata ko.

Hanggang sa…

Bigla akong narinig. Tinig.

Pamilyar.

“Please, Mommy… lumaban ka.”

Boses ‘yon ni Jacob.

Tapos isa pang boses… si Ellie.

“Mommy, kailangan ka po namin…”

At ang isa, mas malalim, mas pamilyar kaysa sa lahat. Puno ng pighati, pero may lakas. Si Christopher.

“Mahal… kung naririnig mo ako, lumaban ka. Hindi ko kayang mawala ka. Patawarin mo ako kung napahamak ka dahil sa mundo ko. Pero pakiusap… para sa mga anak natin, para sa akin… bumalik ka.”

Parang kidlat na tumama sa puso ko ang bawat salita niya. Gusto kong sumigaw, gusto kong sabihin na naririnig ko sila. Na andito ako. Na hindi pa ako sumusuko.

Hanggang sa may liwanag na unti-unting bumukas. Maliit lang sa una, pero palaki ito nang palaki. At sa dulo, may mga ani
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 249

    Chapter 249Kara POVHindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang bawat mukha sa harap ko. Isa-isa silang nagbigay ng ngiti, yakap, at mainit na pagtanggap hindi lang sa akin, kundi pati na rin sa aming munting anghel—ang triplets naming ipinaglaban ko ng buong lakas at buong puso.Sabay-sabay silang sumigaw, may halong kilig at saya:"Welcome home, Triplets!"Parang tumigil ang mundo ko sa sandaling 'yon. Wala akong ibang naramdaman kundi labis na pasasalamat. Para akong batang muling niyakap ng tahanan ko—mainit, totoo, buo.Nang makita ko sina Mama at Papa, hindi ko napigilang mapatakbo palapit. Niyakap nila ako nang mahigpit, at sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay buo muli ang pamilya ko."Ma, Pa... Andito din kayo!" bulong ko habang nanginginig ang tinig.Napatingin ako kina Keira at Lance, ang mga kapatid kong matagal ko na ring hindi nakakasama ng matagal."Keira, Lance! Hindi ko talaga ito inaasahan. Maraming salamat sa inyong lahat..."Lumingon

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 248

    Chapter 248 "Patawad, Kara… kung wala ako noong kailangan mo ako." Mahina kong sabi habang nakaupo sa gilid ng kama niya. Hawak-hawak ko ang kamay niya, marahang pinipisil na para bang sa bawat paghawak ay naipapadama ko ang pagsisisi ko. Tiningnan ko siya—maputla pa rin, pero pilit lumalaban. May lakas pa rin sa mga mata niya kahit na dumaan siya sa bingit ng kamatayan. Napakabuti pa rin niya, kahit ilang beses ko siyang hindi nasamahan, kahit ilang ulit ko siyang nilagay sa panganib dahil sa mundo ko. "Alam ko… sana sumama na lang ako sa pag-uwi ninyo. Sana hindi ko pinalampas ang pagkakataong protektahan kayo sa mismong oras na kailangan ninyo ako.” Tahimik lang siya sa una, parang iniisip ang bawat salitang bibitawan. Hanggang sa marahang gumalaw ang kanyang mga labi. "Chris, hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ginawa mo kung ano ang kaya mong gawin para sa atin. At kung pipiliin kong ulitin ang lahat, ikaw pa rin ang pipiliin kong makasama." Hindi ko napigilang yumu

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 247

    Chapter 247 Hinila ni Gian ang lalaki, pinadapa ito at tinutok ang baril sa batok. Nanatiling tahimik si Gian habang nanginginig ang balikat niya sa galit. Alam kong iniisip niya si Kara, ang panganib na pinagdaanan ng pamilya namin. “Ito ang para sa Ate ko...” bulong niya. BANG! Isang putok. Isang buhay ang tinapos. Tahimik kami. Walang nagdiwang. Walang sumigaw. Dahil sa ganitong mundo, ang tagumpay ay laging may kabayarang konsensya. “Tapos na…” bulong ni Gian, habang nakatingala sa kisame. “Hindi lang para sa atin… kundi para sa kinabukasan ng pamilya natin,” tugon ko. Lumabas kami ng warehouse nang sabay. Sa wakas, ang isa sa pinakamatinding banta sa buhay namin—ay wala na. Pero alam kong may iba pa… at hangga’t hindi ko sigurado ang kaligtasan ni Kara at ng limang anak namin, hindi pa tapos ang laban ko.Hindi pa man natutuyo ang dugo ni Franco sa sahig ay agad kaming kumilos. May isa pa kaming target, ang pinakamataas sa kanila. Ang tinatawag na “Silencer.” Walang mukh

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 246

    Chapter 246Stealth Mission – Pier Warehouse. Time: 12:00 AM.Tahimik ang paligid. Tanging lagaslas ng alon sa pier ang maririnig habang nakasilip kami ni Rico mula sa itim na SUV na nakaparada sa dilim. Ilang metro ang layo, kita ko ang warehouse—may tatlong bantay sa labas. Isa’y nagyoyosi, isa’y nakaupo at mukhang antok na antok, at ‘yung isa… alerto. 'Yan ang una kong target.“Sino una, Boss?” tanong ni Rico habang isinasabit sa tenga ang earpiece.“'Yung alerto. Bibigwasan ko mula sa likod. Kapag napahiga ko, ikaw na sa kanan,” utos ko.Mabilis akong kumilos, sinanay ang bawat hakbang sa hindi paglikha ng kahit anong ingay. Gamit ang combat knife, gumapang ako sa gilid ng mga container. Mula sa likod, mabilis at malinis ang bawat galaw—isang braso sa leeg, isa sa bibig. Hindi man lang nakapalag.Isang pabilog na senyas kay Rico—tanda na ng go signal. Napansin ko mula sa peripheral vision na nakabagsak na rin ang bantay sa kanan. Dalawa sa tatlo. 'Yung nagyoyosi, biglang pumasok

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 245

    Chapter 245 Chris POV Tahimik ang paligid ng ospital, pero sa dibdib ko'y may unos na di matahimik. Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Kara habang pinagmamasdan siyang natutulog—maputla, mahina, pero buhay. Ang bawat hinga niya'y tila musika sa tainga ko. Pinagmasdan ko ang swero na nakakabit sa kanya, ang mga tubo’t makina na sumasalo sa kahinaan ng kanyang katawan. Para akong binibiyak sa gitna. “Kung nawala siya… kung nawala sila…” hindi ko natapos ang iniisip ko. Agad kong sinapo ang aking mukha. Sa dami ng beses kong humarap sa kamatayan, ngayon lang ako natakot ng ganito. Ngayon lang ako natutong magdasal ng paulit-ulit, kahit makasalanan ako. Tatlong buhay ang isinugal ni Kara para sa amin. Para sa pamilya namin. At kahit isang segundo lang, muntik na silang mawala. Dumako ang paningin ko sa gilid ng silid kung saan nakasilid sa transparent incubator ang tatlong munting anghel namin—si Mateo, si Matias, at si Mariana. Maliliit pa ang katawan nila, pero bawat galaw ng kamay n

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 244

    Chapter 244Kara POVAng dilim.Tahimik.Walang sakit… pero para akong lumulutang.Parang may bumabalot sa akin na malamig na hangin. Gusto kong igalaw ang katawan ko, pero hindi ko magawa. Gusto kong dumilat, pero parang napakabigat ng talukap ng mga mata ko.Hanggang sa…Bigla akong narinig. Tinig.Pamilyar.“Please, Mommy… lumaban ka.”Boses ‘yon ni Jacob.Tapos isa pang boses… si Ellie.“Mommy, kailangan ka po namin…”At ang isa, mas malalim, mas pamilyar kaysa sa lahat. Puno ng pighati, pero may lakas. Si Christopher.“Mahal… kung naririnig mo ako, lumaban ka. Hindi ko kayang mawala ka. Patawarin mo ako kung napahamak ka dahil sa mundo ko. Pero pakiusap… para sa mga anak natin, para sa akin… bumalik ka.”Parang kidlat na tumama sa puso ko ang bawat salita niya. Gusto kong sumigaw, gusto kong sabihin na naririnig ko sila. Na andito ako. Na hindi pa ako sumusuko.Hanggang sa may liwanag na unti-unting bumukas. Maliit lang sa una, pero palaki ito nang palaki. At sa dulo, may mga ani

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status