Chapter 308 Jhanna POV Nabigla ako sa sinabi ng mommy ni Miguel. Gusto niyang makilala ang mga magulang ko. Paanong sasabihin ko na wala sila—hindi dahil patay na sila, kundi dahil iniwan ko ang buhay na kasama sila? Iniwan ko ang lahat dahil sa isang bagay na ayaw na ayaw kong ipilit sa akin—isang kasal. Isang arrange marriage… sa lalaking ni minsan ay hindi ko pa nakikita. Oo, anak ako ng isang mayamang pamilya sa Europe. Ang ina ko ay half-Pilipina, at ang ama ko ay European businessman. Pero hindi ako masaya. At sa mismong araw na pipirmahan ko sana ang papeles para sa engagement, naglayas ako. Dinala ako ng mga paa ko sa Pilipinas, at dito ako nagsimula ng bagong buhay—malayo sa pangalan, sa yaman, at sa obligasyong hindi ko pinili. Kaya ngayon, habang nakatingin sa akin si Ma’am Isabel, alam kong hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ang totoo. Huminga ako nang malalim. “Wala na po ang mga magulang ko,” bulong ko. “Naaksidente po sila noong teenager pa ako. Ako na la
Chapter 307 Miguel POV Pinagmamasdan ko si Jhanna habang sinusukatan. Tahimik siya, pero alam kong nag-iisip. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero sigurado ako—isa na naman itong bagyo na ako ang may gawa. Pero kahit ganoon, bakit parang… hindi ako nagsisisi? Napatingin si Jhanna sa akin. Napakunot ang noo niya ng bahagya, sabay irap. 'Okay, nagsisisi na ako ng konti,' bulong ko sa sarili. Pagkatapos nitong sukatan ay lumapit ito sa akin at kinurot ako. Dahil sa pagkabigla, di ko naiwasang mapalakas ang “Ay!” ko, na agad kong tinakpan ng kunwaring pag-ubo. “Uhm, sorry… dry throat,” palusot ko habang tinatapunan ako ng mga bisita ng maikling tingin. Lumapit si Jhanna at bumulong, “Sa labas. Now.” Malamig ang boses niya. Yung tipong parang ngiti lang ang kulang at instant horror movie na. Wala akong nagawa kundi sundan siya habang tahimik siyang lumabas ng sliding door papunta sa garden. Sa Garden... Paglabas ko ay nakita ko siyang nakatayo mal
Chapter 306Jhanna POV "Jhanna... Let me explain," bulong ni Miguel, halatang balisa.At yun nga ang eksaktong gusto kong marinig. Explanation. Dahil kung hindi niya ako bibigyan ng matinong sagot, baka ako ang magbigay sa kanya ng resibo ng galit ko.Kanina lang ay nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga files para sa quarterly report. Tapos biglang tumawag ang ina ni Miguel—yes, the queen of manipulation herself—para sabihing pumunta raw ako sa kanilang mansyon. Ang akala ko, nagpapagaling pa siya sa hospital. Yun pala, may pasabog na waiting sa akin.Pagdating ko dito, parang family reunion with wedding vibes ang naabutan ko. May lechon. May photo booth. May bandang tumutugtog ng romantic instrumental. Tapos may mga taong lumalapit sa akin na parang ako ang debutante.“Explain. Now,” bulong ko kay Miguel, habang pinipilit kong itago ang irita ko sa likod ng peke kong ngiti. Ayaw kong mapansin ng mga bisita na parang sasabog na ako sa inis.“Jhanna, sorry. Hindi ko rin talaga alam
Chapter 305 Napalingon ako kay Mommy nang bigla siyang magsalita. "Huh? Ano yun ulit anak? Di ko narinig nang mabuti." Agad akong ngumiti ng pilit at umiling. "Ah, wala 'yon, Mom. Sabi ko lang… bagong simula nga talaga ito." sabay iwas ng tingin at kunwaring may inaayos sa cellphone. "Oo naman! At huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa lahat. Lalo na kay Jhanna. Ako ang magpapalapit ng loob niya sayo," proud pang sambit ni Mommy habang tila may binubuong plano sa isipan. Napabuntong-hininga na lang ako. "Kailangan ko na talagang paghandaan ang gulong ‘to." bulong ko sa sarili. Habang umaandar ang sasakyan pa-uwi ng mansyon, panay ang sulyap ko kay Mommy na abala sa kanyang cellphone. Akala ko ay nagte-text lang siya, pero ilang saglit pa'y bigla siyang natawa at nagsalita. "Hello, Mari. Napatawag ako para sabihing sa susunod na buwan ay—sa wakas!—ikakasal na ang anak ko!" Napaangat ang kilay ko at napalingon agad sa kanya. "Oo, alam mo ba? Mistisa ang mapapang
Chapter 304"By the way, babalik na ako sa company, Mr. Sanchez. Dito ka lang at samahan mo ang iyong mommy dahil mas kailangan ka niya ngayon," wika ni Jhanna habang nakatingin sa akin ng diretso.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—naiinis ba ako sa pagiging bossy niya o humahanga ako sa pagiging maayos at maalaga niya?Kahit may pagka-strikta ang tono niya, alam kong may puso sa likod ng kanyang mga salita. Mabait siya, kahit tinatago niya minsan sa pagiging seryoso.Tumango na lang ako. "Salamat, Jhanna. Sa lahat."Ngumiti lang siya ng bahagya bago tumalikod at naglakad palayo. Tahimik kong pinagmasdan ang bawat hakbang niya—matikas, may kumpiyansa, at para bang may dalang misyon."Kung ganito ba lahat ng sekretarya... baka hindi na ako tumangging magpakasal," mahina kong bulong habang napapangiti.Pagkawala ni Jhanna sa paningin ko ay agad akong bumalik sa loob ng silid ni Mommy.Pagpasok ko pa lang ay nakasimangot na ito at halatang may inis sa mukha. Agad siyang na
Chapter 303Miguel POVHindi ko alam ang gagawin ko. Parang binagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ko mula sa bibig ni Mommy na may malubha siyang sakit.“Shit, ano ba ang dapat kong gawin?” gulong tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kanya—nakahiga, nanghihina, at may pa-haplos pa sa dibdib na parang anytime ay aatakihin ulit.Hindi ako sanay makakita ng ganitong Mommy. Siya ang matatag, maingay, at makulit kong ina. Pero ngayon, parang isa na lang siyang pasyente na naghihintay ng milagro.Napatingin ako sa labas ng ospital. Tila ba pati araw ay nalulungkot para sa amin.“Paano kung totoo? Paano kung wala na talaga siyang matagal na panahon?”Napakagat ako sa labi. Tumingin muli sa ina. Nakatitig siya sa akin… may konting ngiti.“Anak, hindi ko na alam kung aabot pa ako sa future grandchild ko. Pero sana, makita ko man lang ang magiging ina nito bago ako...”Napapikit ako.Damn it, Jhanna… kailangan ba talaga ikaw?"Mom, ‘wag ka nang magsalita. Papayag na ako!" pili
Chapter 302Isabel POV (Ina ni Miguel) Kailangan kong magkunwaring tumaas ang BP ko para mapanatag ko ang gusto ko—ang mapalapit si Jhanna sa anak ko. Nakita ko kung paanong nataranta si Miguel kanina. Alam kong kahit anong tanggi niya, may nararamdaman na rin 'yon kay Jhanna.Huminga ako nang malalim habang nakaalalay pa rin siya sa akin. Medyo pinisil ko pa ang dibdib ko para mas convincing."Anak... parang sumisikip... ang dibdib ko..." dramatiko kong wika, habang bahagyang umuungol."Mom, huwag kang magsalita muna. Dadalhin kita agad sa hospital. Jhanna, samahan mo kami, please," ani Miguel, litong-lito at halatang natataranta.Ngiting-ngiti ako sa loob-loob ko. Jackpot na talaga ako sa batang ito.Paglingon ko kay Jhanna, halatang nag-aalala rin ito. "Sige po, sasama ako," aniya.Perfect. Habang nasa biyahe kami, pasimpleng tumingin ako sa rearview mirror at nakita ko ang mukha ni Miguel—seryoso, tensyonado, pero sa gilid ng mata niya, pansin kong panay sulyap kay Jhanna.Miguel
Chapter 301Napakamot si Miguel sa ulo, malinaw ang pagkabigla at kaunting pagkabahala sa mukha. Halatang hindi sanay sa ganitong klaseng tanong mula sa kanyang ina, at lalo na’t ang buong opisina ay parang isang entablado ng isang pelikula. Habang nagsasalita ang kanyang ina, naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon, parang ako na lang ang naiwan sa pagitan ng mag-ina na ito."Mom, hindi ko pa kailangan ng pamilya!" sagot ni Miguel, medyo nangingiti na parang pilit na pinapalakas ang loob. "Hindi ba’t nagsimula lang ako bilang acting-CEO?"Sumimangot ang ina ni Miguel, ang mga mata nito ay nag-aalangan at puno ng panghihinayang."Oo nga, acting lang ang title mo, pero hindi mo ba naiisip na baka mamaya mag-acting-acting ka na lang hanggang pagtanda mo? You’re almost 30 na, anak. Kung ako sa’yo, maghanap na ng girlfriend, at baka dito pa sa secretary mo!" sabay turo sa akin na ngayo'y hindi ko na alam kung paano mag-react.Pilit kong iniiwasan ang mga mata nilang pareho, pero sa loob ko,
Chapter 300"Okay, sinabi mo 'eh."Bigkas ko saka ako tumayo at lumabas ng opisina para bumalik sa sarili kong table.Habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles at pagreply sa ilang email para sa mga kliyente ni Mr. Sanchez, biglang bumukas ang pintuan ng opisina.Isang ginang ang pumasok—elegante ang dating, simple pero classy ang suot. Saglit akong napatigil sa pagta-type. Hindi ko siya kilala, pero may kung anong pamilyar sa kanyang mukha. Parang... kahawig ni Mr. Sanchez?Agad akong tumayo at nilapitan siya, pinanatili ang pagiging propesyonal."Good morning, Madam. May I help you?"Sambit ko sa pinakamaayos kong boses at ngiti.Tumango ang ginang. "Yes, I'm looking for Miguel Sanchez. Is he available?""Yes, Madam. But may I know your name, please?"Paghingi ko ng impormasyon habang nakangiti pa rin, kahit may konting kaba sa dibdib ko. Hindi ko talaga alam kung sino siya pero parang hindi siya basta-bastang bisita.Ngumiti ang ginang at mahinahong sumagot,"I'm Isabelle Sanche