LOGINChapter 316
Nang marinig ko ang sinabi ni Cherie, ay unti-unting lumamig ang paligid para sa akin. Hindi na ito simpleng misyon. Hindi na lang ito tungkol sa akin—may buhay na akong dala. At may taong gustong sirain ang lahat ng pinapahalagahan ko. “Kung ako ang target nila…” mariin kong sambit, habang nakatitig sa kurtinang kanina lang ay masayang tanawin sa bintana, ngayon ay parang anino ng panganib. “…then I’ll become the threat they fear.” “Jas?” tawag ni Ellie, halatang gulat sa biglang pagbabago ng tono ko. Dahan-dahan akong tumayo mula sa wheelchair. Masakit pa rin ang balakang ko pero pinilit kong ituwid ang likod ko. Ayokong makita nila akong mahina. “Simula ngayon, ayoko ng bantay. Ayoko ng tinutulak sa wheelchair. Gusto kong malaman kung sino ang nagtangkang pumatay sa ama ng anak ko. At gusto kong sila ang unti-unting mamatay sa takot.” “Whoa, chill ka lang, Jas—” si Cherie, medyo nag-aalangan. “No, Cherie. Hindi na ito panahon para magpa-cute, para magkunwaring helpless. Hindi ko na lang ito laban. Ito ay laban ng isang ina. Laban ng isang babaeng may mahal sa buhay na kailangang protektahan. At kung may dapat magbayad— —magbabayad sila nang dahan-dahan at masakit.” Hindi ko alam kung kailan nagsimulang umapaw ang init sa dibdib ko. Pero ngayon, ramdam kong bumabalik na si Raven. Ang killer instinct ko. Ang determinasyong minsan nang nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan. Tumitig ako kay Cherie. “I need my gear. Lahat. Mula laptop, hanggang sa dagger ko. May bubuwagin tayong impyerno.” “Copy,” matigas na sagot ni Cherie. “I’ll prepare everything. Pero Jas, siguraduhin mong walang emosyon sa field. Alam mo ang kahinaan kapag may personal na galit.” “Hindi na galit 'to, Cherie. Hustisya na ‘to.” Tumingin ako kay Ellie. “At ikaw… kailangan mo akong tulungan sa loob. Ikaw ang access ko sa kumpanya.” Tumango si Ellie. “Lahat gagawin ko para sa pamilya ko… at para sa magiging pamangkin ko.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Game on.” At sa loob ng silid, hindi lang isang babae ang naroon—kundi tatlong aninong handang pumatay para sa tahimik na mundong gusto nilang itayo. Hindi kami helpless. Hindi kami inosente. Kami ang tatlong babaeng handang gumawa ng impyerno... para protektahan ang langit na mahal namin. Habang nag-aayos ako ng kaunting gamit ko sa drawer ng silid, naramdaman kong lumapit si Cherie sa gilid ko. Mahina ang kanyang mga yabag, pero alam kong may bigat ang bawat hakbang—lalo na ngayong may bagong responsibilidad kaming haharapin. “Kailangan mong sanayin si Ellie, Che,” mahina kong sabi, pero matatag ang tinig ko. “Ayokong mangyari sa kanya ang nangyari sa atin. Kung may taong may masamang balak sa kanya… gusto kong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.” Tumingin ako kay Cherie, at doon ko nakita ang pagkakaintindihan naming dalawa—wala nang kailangang ipaliwanag pa. Tumango siya. “Alam ko. Palaban si Ellie, pero kulang siya sa disiplina. Marunong siyang mag-isip, pero di siya sanay sa aktwal na panganib.” “At kung may kahinaan man ang mga kalaban…” dagdag ko habang marahang isinara ang drawer, “…’yun ay ang pagtangi nila sa kakayahan ng mga babaeng tahimik lang. Hindi nila alam, kaya naming pumatay… at magtanggol.” “Okay. Magsisimula tayo bukas ng madaling araw. Basic training muna—combat stance, situational awareness, close-quarter defense,” tuloy ni Cherie habang inilabas ang maliit na tactical notebook mula sa kanyang sling bag. Napangiti ako. “Siguraduhin mong hindi mo siya bibiglain, baka matakot at sumuko agad. Dahan-dahanin mo, pero siguraduhin mong magiging epektibo siya.” “Don’t worry. Pagkatapos ng training, kahit ‘yang mga bodyguard ninyo, kaya niyang itumba. Magiging paborito kong trainee si Ellie.” "Good," bulong ko. “Dahil oras na may sumubok saktan ang pamilya ng Montero… sila ang mahuhulog sa sarili nilang bitag.” Dahil si Ellie, si Cherie… at ako, —kami ang mga babaeng hindi dapat maliitin. Pagkaalis ni Cherie sa silid ay napatingin ako sa salamin. Hindi na ako ang dating Jasmine na palaging umaasa sa iba para mailigtas. Ako na ngayon ang nagsasalba, ang lumalaban, at ang nagtatanggol—lalo na sa mga taong mahal ko. Lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang malawak na hardin ng Montero mansion. Ang lugar na ito ay tila mapayapa, pero sa likod ng katahimikang iyon ay may nagtatagong panganib. Hindi ko ito pwedeng balewalain. Lalo na ngayon, hindi lang sarili ko ang pinoprotektahan ko—nasa sinapupunan ko na ang buhay na produkto ng isang gabi, ng pagmamahalan, at ng responsibilidad. "Jacob…" mahina kong sambit habang pinipisil ang aking tiyan. "Hindi ko alam kung handa ka na, pero gagawin ko ang lahat para sa anak natin." Napalingon ako nang bumukas nang marahan ang pinto. Si Ellie iyon, nakasuot ng simpleng hoodie at jogging pants, pero halatang may laman ang isip. “Jas…” sabay lapit niya sa akin. “Totoo ba? Sasailalim na ako sa training ni Cherie?” Tumango ako. “Oo, Ellie. Hindi ito para gawin kang katulad namin, kundi para ipagtanggol mo ang sarili mo kung kailangan.” Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya—mula sa kaba ay napalitan ito ng determinasyon. “Handa ako. Para sa pamilya natin. Para sa anak mo. Para sa Kuya Jacob ko.” Ngumiti ako. Lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Kaya natin 'to, Ellie. Hindi lang tayo babae sa likod ng malalakas na lalaki—tayo ang mga babaeng ginuguhitan ng lakas ang mga anino nila." At sa darating na mga araw, kami ang magiging kalasag ng Montero… sa dilim na muling nagbabantang umatake. "Sana, Ellie… mananatiling lihim ito," mahina kong wika habang pinagmamasdan ang determinadong mga mata ng kapatid ni Jacob. "Lalo na sa iyong pamilya. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila ang lahat." Tahimik siyang tumango, kita ko ang pag-aalangan ngunit ramdam ko rin ang kanyang pangako. "Alam kong hindi madali ang pinasok ko, Jas," aniya. "Pero kung ang pagsisinungaling ay makakaligtas sa pamilya ko at sa'yo, gagawin ko." Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Ellie, hindi ito simpleng laro. Hindi tayo basta-basta nagtatago ng sikreto. Kung mabunyag ito sa maling tao, buhay ang nakataya. Kaya kailangan nating maging matalino, tahimik… at alerto sa bawat kilos nila." Napalunok siya, sabay bitiw ng mahinang buntong-hininga. "Sa mga oras na ‘to, ikaw ang ate ko, Jas," mahinang sabi niya. "At pangako ko—walang makakaalam. Kahit isang hibla ng katotohanan, mananatiling nakatago. Para sa'yo. Para kay Kuya. Para sa magiging pamangkin ko." Ngumiti ako sa kanya. Sa gitna ng panganib, sa pagitan ng mga lihim at kasinungalingan, isang totoo lang ang malinaw — may isa na akong kakampi na handang lumaban para sa pamilyang ito, at hindi ako nag-iisa. Author note: Sana po ay magustuhan ninyo ang update ko ngayon. Maraming salamat sa inyong palaging nakasubay-bay.... love you all. From: Inday StoriesChapter 451 Third POV Maging masaya ang Montero family sa lumipas ng mga taon. Ang kanilang bunsong anak na si Honey, at ang kanilang adopted son na si Harvey, kasama ang kambal na sina Elira at Caelan, ay naging dahilan upang lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama. Sa kabila ng mga matitinding pagsubok na dumaan sa kanilang buhay—mga sikreto, pagkawala, at mga pagkakahiwalay—natutunan nilang walang mas makapangyarihan pa kaysa sa pagmamahalan ng isang pamilya. Si Jasmine at Jacob ay patuloy na naging haligi ng tahanan, nagtuturo sa kanilang mga anak ng halaga ng pagtanggap, pagmamahal, at pag-asa. Si Harvey, na minsan ay itinuring lamang nilang “napulot,” ay naging tunay na anak sa puso ng bawat isa. At si Kaye, na noon ay simpleng yaya lamang, ay natagpuan ang kanyang tunay na pagkatao at pamilya sa Italy—ngunit kailanman ay hindi nawala sa kanyang puso ang pamilyang nagbigay sa kanya ng tahanan noong mga panahong wala siyang inaasahan. Sa dulo, naging buo at mas matatag ang
Chapter 450Last Chapter Dalawang taon na ang lumipas mula nang umalis si Kaye—ang Yaya ni Harvey na kalaunan ay natuklasan naming isang prinsesa pala sa Italy. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ang huling yakap ng kambal sa kanya, at ang pagluha ng mga bata sa kanyang paglisan.Ngayon, dalawang taon na si Harvey—masayahin, malikot, at parang tunay na anak na namin. At ang bunsong anak namin ni Jasmine, si Honey, ay nagdiriwang na ng kanyang unang taon.Habang pinagmamasdan ko sina Caelan at Elira na masayang nakikipaglaro kay Harvey sa hardin, at si Jasmine naman ay buhat si Honey na walang sawang pinapatawa, hindi ko maiwasang mapangiti. Para bang napakabilis ng panahon.“Daddy, tignan mo si Harvey, o! Marunong na siyang magbilang hanggang five!” sigaw ni Elira.“Daddy, ako naman magtuturo sa kanya ng ABC!” sabad naman ni Caelan na halatang proud na proud sa kanilang parang kapatid na bata.Natawa ako. “Sige lang, mga anak. Habang bata pa siya, turuan niyo na ng mabubutin
Chapter 449Jacob POV Lumapit ako kina Elira at Caelan na halos ayaw pakawalan si Kaye. "Mga anak," malumanay kong sabi habang yumuko ako para pantay ang tingin naming tatlo. "Hindi tayo iniiwan ni Ate Kaye. Sandali lang siya mawawala dahil kailangan niyang makasama ang kanyang pamilya. Pero tandaan ninyo, lagi siyang babalik dito sa puso ninyo."Hinaplos ko ang pisngi ni Elira na basa ng luha. "Alam ko, mahirap tanggapin… pero isipin ninyo, mas masaya si Ate Kaye kapag alam niyang nakangiti kayo.""Pero Daddy," bulong ni Caelan na pinipigilang humikbi, "paano po kung hindi na siya bumalik?"Napatingin ako kay Kaye, at ramdam kong pareho kaming natigatig sa tanong ng bata. Dahan-dahan kong ngumiti at sagot ko, "Kapag totoong pamilya ang turingan, kahit saan pa siya dalhin, babalik at babalik ang koneksyon ninyo. Hindi iyon mawawala."Kaye, na halos mapaiyak na rin, yumakap nang mahigpit kina Elira at Caelan. "Promise, babalik ako. Hindi ko kayang kalimutan ang pagmamahal ninyo."Tahi
Chapter 448Hinawakan ko ang balikat ni Kaye at nginitian ko ito para gumaan ang loob niya."Kaye, wag kang mag-alala. Andito naman kami ni Jacob para kay Harvey. Siya ang naging parte ng pamilya namin kaya hinding-hindi namin siya pababayaan," mahinahon kong sagot.Tumango rin si Jacob na nasa tabi ko."Oo, Kaye. Nandito ka man o wala, pamilya na si Harvey sa mga Montero. At kapag nakilala mo na ang tunay mong magulang, makakabalik ka pa rin dito para bisitahin si Harvey kung gugustuhin mo."Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadurog ng loob, pero naroon din ang pag-asa at excitement na tila pilit na sumisingit.“Pero… nakasanayan ko na po siya, Ma’am. Para ko na ring anak si Harvey…” mahina niyang sabi, sabay silip sa kuwarto kung saan mahimbing na natutulog ang bata.Nilapit ko siya at niyakap.“Alam ko, Kaye. At hindi mawawala iyon. Kahit anong mangyari, mananatili ang pagmamahal mo sa kanya. Pero ngayon… oras na rin para maranasan mo ang buhay na talagang para sa’yo.”"Ng
Chapter 447Magdamag akong nagising-gising. Hindi dahil sa kambal sa aking sinapupunan o kay Harvey na natutulog sa nursery, kundi dahil sa iniisip ko si Kaye. Naiimagine ko siya, nakahiga pero hindi mapakali, paulit-ulit na bumabalik sa isipan ang sinabi ko kanina.Alam ko, hindi siya agad makakatulog. Hindi biro ang biglaang pagbabago ng kanyang mundo. Mula sa pagiging isang simpleng yaya, bukas ay posibleng malaman niyang prinsesa pala siya ng Italy.Kinabukasan, habang abala si Manang Belen at ang mga bagong kasambahay sa paghahanda ng almusal, ramdam ko ang tensyon sa mansyon. Tahimik si Kaye habang nag-aayos ng pagkain ni Harvey, pero halatang nanginginig ang mga kamay niya.Lumapit ako at hinawakan ang kanyang balikat.“Relax ka lang. Huminga ka nang malalim, Kaye. Nandito kami para sa’yo.”Tumango lang siya at pilit na ngumiti. Pero nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata—malamang hindi nga siya nakatulog kagabi.Ilang oras pa, isang maitim na kotse ang pumarada sa harapan
Chapter 446Habang nasa hapag-kainan kami, tahimik si Kaye na abala lang sa pag-aasikaso kay Harvey. Pero ako at si Jacob ay nagkatinginan—ito na ang tamang oras para sabihin ang lahat.“Uhmm… Kaye,” bungad ko habang maingat na inilapag ang kubyertos. “May isang mahalagang bagay kaming kailangan ipaalam sa’yo.”Napatingin siya sa amin, halatang nagtataka. “Ano po iyon, Ma’am, Sir?”Huminga nang malalim si Jacob bago nagsalita. “Kaye, ang totoo… hindi ka basta ulila tulad ng akala mo. Mayroon kang totoong pamilya sa Italy. Isa kang anak ng isang makapangyarihang tao roon—at prinsesa ka sa totoo lang.”Nanlaki ang mata ni Kaye, muntik pang mabitawan ang hawak na kutsara. “A-anong ibig n’yo pong sabihin? Baka po nagkakamali kayo. Ako po ay lumaki sa bahay-ampunan… wala po akong magulang.”Umiling ako, sabay hawak sa kanyang kamay para iparamdam na totoo ang lahat. “Hindi kami nagkakamali. Nakipag-ugnayan kami sa pamilya mo, at nagpadala na sila ng tauhan para personal na kumpirmahin ang







