Share

Chapter 381

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-08-10 16:56:49

Chapter 381

Jasmine POV

Mula sa malayo, tanaw ko ang bahay na dati’y tinirhan namin. Nakatayo ako sa lilim ng mga puno, mahigpit na hawak ang hood para matakpan ang mukha ko. Kanina sa sementeryo, halos hindi ko mapigilan ang sarili ko nang makita ko ang kambal… ang mga ngiti nila, ang paraan ng pagkakatingin sa akin—para bang naramdaman nila na ako nga ‘yon.

Hindi pa panahon… bulong ko sa sarili, pilit pinipigil ang luha. Limang taon akong nagkubli, limang taon na pilit kong iniiwas ang sarili para hindi sila madamay sa mundong kinasadlakan ko.

Dahan-dahan kong ipinasok ang lumang litrato sa sobre at iniwan iyon sa mesa sa sala habang wala pa sila. Huling sulyap sa loob ng bahay, at ramdam ko ang kirot sa puso ko nang marinig kong paparating na ang kotse nila. Agad akong lumabas at nagtago sa likod ng bakod, pinagmamasdan silang bumaba, tulad ng dati, masaya at buo… kahit wala ako.

I’m still here, bulong ko sa hangin, umaasang balang araw, maiintindihan nila kung bakit kailangan kong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 382

    Chapter 382 Kinabukasan, nagkita kami sa isang lumang warehouse sa labas ng lungsod—isang lugar na matagal na naming ginagamit bilang tagpuan kapag may sensitibong misyon. Pagpasok ko, naroon na sina Cherie at Demon, parehong nakasuot ng dark tactical gear. May nakalatag na mapa sa ibabaw ng mesa, kasama ang ilang mga larawan at dokumentong galing sa mga koneksyon ni Demon. “Base sa huling intel,” sabi ni Demon habang itinuturo ang isang pulang marka sa mapa, “huling nakita ang ama mo sa isang abandonadong villa sa may silangang bahagi ng Florence. May mahigpit na bantay, at malakas ang hinala namin na hawak siya ng Red Serpents.” Tumikhim si Cherie, sabay turo sa isa pang larawan. “Kung totoo ‘to, Jasmine, malamang ginagamit siya bilang leverage laban sa’yo. Ito ang gawin nilang panangga upang wala kang gagawing ikakasama ng iyong ama." Tahimik akong napatingin sa mga larawan, pinipigilan ang galit na unti-unting sumisirit sa loob ko. Kahit anong mangyari, ililigtas kita, Pa. “

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 381

    Chapter 381Jasmine POVMula sa malayo, tanaw ko ang bahay na dati’y tinirhan namin. Nakatayo ako sa lilim ng mga puno, mahigpit na hawak ang hood para matakpan ang mukha ko. Kanina sa sementeryo, halos hindi ko mapigilan ang sarili ko nang makita ko ang kambal… ang mga ngiti nila, ang paraan ng pagkakatingin sa akin—para bang naramdaman nila na ako nga ‘yon.Hindi pa panahon… bulong ko sa sarili, pilit pinipigil ang luha. Limang taon akong nagkubli, limang taon na pilit kong iniiwas ang sarili para hindi sila madamay sa mundong kinasadlakan ko.Dahan-dahan kong ipinasok ang lumang litrato sa sobre at iniwan iyon sa mesa sa sala habang wala pa sila. Huling sulyap sa loob ng bahay, at ramdam ko ang kirot sa puso ko nang marinig kong paparating na ang kotse nila. Agad akong lumabas at nagtago sa likod ng bakod, pinagmamasdan silang bumaba, tulad ng dati, masaya at buo… kahit wala ako.I’m still here, bulong ko sa hangin, umaasang balang araw, maiintindihan nila kung bakit kailangan kong

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 380

    Chapter 380“Mahal… Jasmine,” mahina kong sambit habang nakatingin sa lapida. “Pasensya ka na kung ngayon lang kami nakadalaw sa’yo sa loob ng limang taon. Kakarating lang namin kahapon mula Italy, at dito na kami maninirahan. Sana… gabayan mo kami, lalo na ang mga anak mo. Bukas, papasok na sila sa paaralan—Grade 1 na sila.”Napakagat ako sa labi habang pinapahid ang bahagyang namuong luha sa gilid ng aking mata. “Alam kong kung nandito ka, ikaw mismo ang maghahatid sa kanila bukas. Pero… gagawin ko ang lahat para punan ang puwang na iniwan mo.”Marahan kong hinaplos ang malamig na marmol ng lapida, sinusundan ng daliri ko ang ukit ng kanyang pangalan. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na tila may kasamang bulong, parang yakap niya mula sa malayo.Lumapit ang kambal sa akin at sabay-sabay naming pinagkrus ang aming mga kamay sa panalangin. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang pag-ihip ng hangin sa mga dahon, na para bang may mensaheng ipinapadala mula sa kanya.Pagkatapos n

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 379

    Chapter 379Napalunok ako, ramdam ko ang bigat ng tanong ni Caelan. Ilang segundo akong natahimik bago ako ngumiti nang tipid.“Son… kung buhay si mommy…” humugot ako ng malalim na hininga, “…of course, I’ll accept her. She’s still your mother.”Tahimik ang buong mesa. Pati si Elira, tumigil sa pagsubo at nakatingin lang sa akin na para bang naghihintay ng mas malalim na sagot.“Pero bakit mo naitanong ‘yan, anak?” dagdag kong tanong, pilit na kalmado ang boses.Nagkibit-balikat si Caelan pero ramdam ko ang pag-iwas ng tingin niya. “I just… dreamed something, too. Mommy said… ‘See you soon.’”Napatingin ako ulit sa labas ng bintana, at doon ko muling nakita—ang parehong anino ng taong naka-helmet na nakaupo sa motor."And I think, my dreams it's true!" Saka tumingin sa labas kung saan ako nakatingin. "Do you Love her mom Dad?"Parang natigilan ako sa tanong ni Caelan, ramdam ko ang pagtama ng bawat salita niya sa puso ko.Tahimik akong napatingin sa dalawang anak ko—mga inosenteng mat

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 378

    Chapter 378Kinabukasan, maaga pa lang ay nagising na ako. Nasanay na rin kasi akong gumising nang maaga mula pa noong nasa Pinas kami. Bumaba ako sa kusina at nadatnan kong gising na rin si Elira, tahimik na nakaupo sa mesa at umiinom ng gatas.“Good morning, baby girl,” bati ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.“Good morning, Dad,” sagot niya sabay ngiti. “Si Kuya po, tulog pa.”Tumango ako at nagsimulang magtimpla ng kape. Habang iniinom ko ito, napatingin ako sa bintana. Nandoon na naman… ang pigura sa may puno. Nakatalikod siya, parang nakamasid sa labas ng bakuran.Pinikit ko ang mga mata at dahan-dahang huminga. Baka nga tagabantay lang… pero bakit palaging nariyan?Pagkatapos mag-almusal, nagdesisyon akong ihatid muna ang kambal sa kanilang tutor sa kabilang bahagi ng bayan. Pagbalik ko sa mansyon, dumiretso ako sa likod-bahay para tingnan ang puno. Pero pagdating ko roon… wala na ang pigura.Tanging malamig na simoy ng hangin at lagaslas ng dahon ang sumalubong sa ak

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 377

    Chapter 3775 years Ang lumipas, 6 years na Ang kambal at 5 years na Ang lumipas noong nawala sa aming Buhay ang kanilang Ina.Kaya hi'to kami naghanda para umuwi ng ng Pinas upang doon ipagpatuloy Ang aming Buhay mag-ama.Caelan always serious at si Elira ay always smiling Ang friendly.Si Elira ay nakuha Niya Ang anyone ng kanyang Ina na si Jasmine. Sabi nila ay mini -Jasmine raw ito.habang si Caelan ay nahati sa aming dalawa."Dad, can I visit mom to the cemetery?" Tanong ni Elira sa akin.“Sure, sweetheart,” sagot ko habang binababa ang mga bagahe mula sa kotse. “Pero bukas na, ha? Kadarating lang natin, kailangan muna nating magpahinga.”Tumango si Elira, pero alam kong may lungkot sa mga mata niya. Sa lahat ng okasyon, hindi niya nakakalimutang alalahanin ang ina niya. Si Caelan naman, tahimik lang sa gilid, hawak ang maliit na bag niya at tila nagmamasid sa paligid.“Dad,” tawag ni Caelan sa mababang tono, “is it okay if I just stay home tomorrow?”Ngumiti ako at hinaplos ang u

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status