Chapter 3
Napahinto ako sa may entrance ng hotel, tila may aninong humahatak sa akin palayo. Ang daming tanong sa isip ko—Tama ba 'tong ginagawa ko? Sino ba talaga lalaki na ito? Napalunok ako. Paano kung isa siyang matabang matanda? O isang panot na may tiyan na parang lobo? O baka naman isang payat na may malalaking mata? Naguguluhan pa rin ako nang biglang lumapit sa akin ang isang babae—maganda, pino ang kilos, at mukhang sanay sa ganitong klase ng lugar. “Miss Kara Smith Curtiz?” magalang niyang tanong. Agad akong napatingin sa kanya. “A-Ako po.” Bahagya siyang ngumiti. “Kanina pa po kayong hinihintay ni Mr. Montero sa itaas. Pakisunod po ako.” Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Kanina pa? Ibig sabihin, seryoso talaga siya sa pagkikita namin. Wala akong nagawa kundi sumunod sa babae. Sinamahan niya ako sa elevator at pinindot ang button para sa VIP floor. Lalong lumakas ang kaba ko. Anong klaseng tao ba ang naghihintay sa akin sa itaas? Habang tumataas ang elevator, pakiramdam ko’y lumulubog ang sikmura ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano. Paano kung isang matandang sugar daddy ‘to na naghahanap lang ng trophy wife? O baka naman isang lalaking may masamang balak? Huminga ako nang malalim. Hindi, Kara. Ginusto mo ‘to. Para kay Papa. Para sa pamilya mo. Nang bumukas ang pinto ng elevator, para akong na-freeze sa kinatatayuan ko. Napakagara ng hallway—puro gold at marble ang interior, parang isang palasyo. Dinala ako ng babae sa isang malaking pinto, at bago niya ito buksan, bumaling siya sa akin. “Nandito na po si Miss Curtiz, sir.” Nakarinig ako ng isang malalim na boses mula sa loob. “Papasukin mo siya.” Dahan-dahang bumukas ang pinto… at napahawak ako sa dibdib ko nang makita kung sino ang naghihintay sa akin. Parang bumagal ang oras habang nakatayo ako sa pintuan. Ang lahat ng pangit na iniisip ko kanina tungkol kay Mr. Montero—na baka isa siyang matabang matanda, panot, o may malaking tiyan—ay agad na naglaho. Dahil ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay kabaligtaran ng lahat ng iyon. Matangkad siya, siguro nasa 6'2", may matipunong katawan na halatang pinaghirapan sa gym. Ang suot niyang itim na suit ay perpektong bumagay sa kanyang broad shoulders at fit na pangangatawan. Pero ang pinakaunang nakatawag ng pansin ko ay ang kanyang mukha—matangos ang ilong, may matalim na panga, at isang pares ng mata na tila binabalatan ako ng tingin. Holy— Napalunok ako. Parang artista. O hindi, mas higit pa. Isang hot, handsome, perfect husband material. “Have a seat, Miss Curtiz,” malamig pero matigas ang kanyang boses. Parang nanigas ang paa ko, hindi ko alam kung lalapit ba ako o tatakbo paalis. Sh*t, bakit parang mas mahirap ‘to kesa sa iniisip ko? Nakita kong bahagya siyang napataas ng kilay, tila hindi sanay na may nag-aalinlangan sa harapan niya. Dahil doon, pinilit kong ipanatag ang sarili ko at dahan-dahang lumapit sa upuang nasa tapat niya. Umupo ako, pero hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanya. Ang intense ng presence niya, parang nakakaubos ng confidence. Tahimik lang siya habang nakatitig sa akin, parang inaaral ang bawat galaw ko. Hanggang sa siya na mismo ang bumasag ng katahimikan. “So, nasabi ko na ang offer ko sa’yo.” Malalim at diretso niyang sabi. “Ano ang sagot mo?” Napalunok ako. Ito na ‘yun. Wala nang atrasan. Nagtagpo ang mga mata namin. Kaya ko ba talaga ‘to? “Nais ko sanang malaman kung ano ang nasa contract?” ngiwi kong tanong habang pinipilit itago ang kaba sa boses ko. Nakatingin lang siya sa akin, nakasandal sa upuan na parang wala siyang pakialam sa mundo. May bahagyang smirk sa kanyang labi, tila nagugustuhan ang pag-aalinlangan ko. “Smart question.” Tumango siya at kinuha ang isang brown envelope sa tabi niya. “Read it.” Maingat niyang inilapag ang envelope sa harap ko. Nagdadalawang-isip akong kunin ito. Bakit parang masyadong pormal? Pero nang makita ko ang seryosong tingin niya, alam kong hindi siya nakikipaglaro. Dahan-dahan kong binuksan ang envelope at kinuha ang mga papeles sa loob. Sinimulan kong basahin—at sa bawat linya, mas lalo akong natulala. “Isang taon?!” Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. Tumango lang siya. “One year. Hindi mo kailangang manatili habambuhay. Just for one year.” Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. 1. Walang emotional attachment. 2. Lahat ng gastusin ng pamilya ko, siya ang sasagot. 3. Bawal akong makipag-relasyon sa iba habang nasa kasal kami. 4. Sa loob ng isang taon, kailangan kong gampanan ang papel ng isang asawa—privately and publicly. Napahigpit ang hawak ko sa papel. “Ano ang dahilan mo?” Diretso kong tanong. Napakurap siya, tila hindi inasahan ang tanong ko. Pero imbes na sumagot agad, pinagmasdan lang niya ako—parang sinusukat kung dapat niya ba akong pagbigyan ng sagot o hindi. Hanggang sa bahagya siyang ngumiti. “That’s none of your concern.” Napalunok ako. Ano ba ‘to? Isang laro lang para sa kanya? “Pumayag ka o hindi, Kara. But if you agree, sign it.” Nakatitig siya sa akin, naghihintay. At ako? Ramdam ko ang matinding dagundong ng puso ko. Isang desisyon na babago sa buhay ko. Isang kasal na walang pag-ibig. Pero para kay Papa… para sa pamilya ko… Handa ba akong gawin ito? "Hindi mo ba babasahin ang last page?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Last page? Mabilis kong nilagpasan ang mga pahina hanggang sa marating ko ang dulo ng kontrata. At doon, nanlaki ang mga mata ko. "Ano ‘to?!" Halos mapasigaw ako nang mabasa ang huling kondisyon. "Bago makuha ang buong 5 million, kailangang mabigyan ng anak si Mr. Montero." Nalaglag ang ballpen sa kamay ko. Hindi ako makapaniwala. Para akong sinampal ng realidad na hindi ko inasahan. Akala ko simpleng kasal lang ito?! Dahan-dahan akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko. Walang bahid ng emosyon ang mukha niya. Kalma. Malamig. Walang bakas ng pagsisisi. "You didn’t expect that, did you?" mahinang sabi niya, may bahagyang amusement sa kanyang tono. "A-akala ko… isang taon lang," mahina kong sambit, halos hindi makapagsalita. Tumango siya, pero hindi inalis ang titig sa akin. "Yes. But I need an heir. And if you accept this contract, you must fulfill that condition." Biglang nanikip ang dibdib ko. Anak?! Ibig sabihin… kailangan naming…?! Hindi ko alam kung matatakot ako, mahihiya, o tatakbo palayo. "Kung hindi mo kaya, aalis ka na lang ba?" Tanong niya, malamig pero may hamon. "Are you willing to give up? O kaya mo akong harapin, Miss Curtiz?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito simpleng kasal lang. Ngayon, mas matimbang na ang tanong… Kaya ko bang gawin ito?Chapter 418Demon POVIto ang kinatatakutan ko… kaya ayaw na ayaw kong galitin si Jas—dahil buhay ang kapalit.Hindi siya basta-basta pumapatay para lang magpatahimik. Kapag gumalaw si Jas, may rason, at siguradong wala nang makakatakas.Ngayon, nakikita ko na naman ang tingin niyang iyon… malamig, walang emosyon, at nakatutok lang sa isang bagay—paghiganti.Kung ako ang kalaban, mas pipiliin ko pang tumakbo sa gitna ng bagyo kaysa harapin siya sa ganitong estado.Alam kong sa bawat hakbang niya ngayon, parang may dumadagundong na orasan sa paligid—bilang ng segundo bago bumagsak ang hatol.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin.Si Cherie, alam din ang ibig sabihin nito; nakita ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, parang naghahanda na rin sa nalalapit na salpukan.Sa teritoryo ni Damian, walang lugar para sa mahina.At ngayong galit si Jas… wala ring lugar para sa awa.Hanggang nagsalita ito, malamig at mababa ang boses na parang gumagapang sa ilalim ng
Chapter 417Cherie POVHumigpit ang kapit ko sa baril habang patuloy ang palitan ng putok sa paligid. Ramdam ko ang tibok ng puso ko—mabilis, pero kontrolado. Hindi ako puwedeng matinag, hindi ngayon na alam kong nasa bingit kami ng kamatayan.Sa bawat paglingon ko, sinusuri ko ang kilos ni Elias. Masyado siyang kalmado, parang may alam siya na hindi pa niya sinasabi. At kung tama ang kutob ko, siya ang susi sa makakaligtas kami… o siya mismo ang dahilan ng kapahamakan namin.May dalawang lalaki ang sumulpot mula sa gilid. Hindi na ako nag-aksaya ng bala—isang mabilis na slide sa sahig, inikot ko ang katawan, at dalawang putok ang pinakawalan. Tumama. Wala nang oras para mag-alinlangan.“Keep moving!” sigaw ko kina Jas at Jacob. Hindi ako natatakot mamatay… pero hindi ako papayag na mamatay kami nang walang laban.At habang patuloy ang putukan, ramdam kong mas lalong humihigpit ang bitag na pumasok kami.Bumigat ang hangin—hindi lang dahil sa usok ng pulbura, kundi dahil ramdam ko na
Chapter 416Sa bawat segundo, lalong lumalakas ang ugong ng motor. Hindi ito bangka—mas malalim at mas matinis ang tunog.“Jet ski…” bulong ni Demon, nanlilisik ang mga mata. “Mas mabilis sila sa atin.”“Hindi sila makakadaan nang madali sa makipot na pasok ng ilog na ’to,” sagot ni Elias habang patuloy na nagsasagwan. “Pero maghanda kayo. Kapag lumitaw sila, hindi na natin maiiwasan ang putukan.”Hinugot ko agad ang aking baril, ramdam ang lamig ng bakal sa palad ko. Si Cherie naman ay mabilis na nag-reload ng kanyang rifle.Sa di-kalayuan, lumitaw ang dalawang jet ski, sakay ang apat na lalaki na naka-itim at may suot na tactical vest. Isang tingin pa lang, alam kong hindi basta-basta ang mga ito—mga sanay pumatay.“Jas, ikaw sa kanan. Demon, sa kaliwa. Ako sa gitna,” mabilis na utos ni Elias.Bago pa sila makalapit, biglang may narinig akong pamilyar na tunog sa unahan—click… kasunod ng mahinang ugong na parang mula sa ilalim ng tubig.“Mine trap?” tanong ko, nakakunot ang noo.Ngu
Chapter 415Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi sa excitement ng paparating na laban.Si Demon ang unang gumalaw—isang mabilis na side step at tinamaan niya ng matinding siko ang panga ng kalaban sa kaliwa. Bumagsak agad ito na parang pinutol ang kuryente sa katawan.Si Cherie naman ay gumamit ng diskarte—isang mababang ikot, sinipa ang tuhod ng isa, sabay suntok sa sikmura. Umubo ito nang malakas bago mawalan ng malay.Dalawa na lang ang nakatayo, at ako ang hinarap nila.Ang una, sumugod nang mabilis, pero hinawakan ko ang baril niya, pinaikot ang braso niya, at isang CRACK!—nabali. Bago pa makareact ang isa, inihagis ko ang unang kalaban papunta sa kanya. Sabay kaming umabante ni Mr. Crus para tapusin sila.Sa loob ng ilang segundo, wala nang nakatayo sa harapan namin.“Walang takot, sabi ko sa’yo,” bulong ko kay Mr. Crus na nakangiti lang at tumango.Pero bago kami makagalaw ulit, biglang tumunog ang malakas na alarm sa buong gusali.“Uh-oh,” ani Demon. “Mukh
Chapter 414 Ngumisi siya, ngunit malamig, walang init ng pagkilala. "Maraming bagay ang hindi mo pa alam. At kung hindi kayo maingat, baka hindi lang clone ang problema natin—baka mas malalim pa." Ramdam ko ang bahagyang pagpitik ng mga daliri ni Demon sa tabi ko, hudyat na handa siya kung sakaling may biglaang mangyari. Si Cherie naman ay hindi na inaalis ang kamay sa hawak niyang armas. "Kung gano’n, sino talaga ang dapat naming paniwalaan?" tanong ko, halos bumulong. Tumikhim siya at tumalikod, tinapik ang mesa kung saan may nakakalat na mga mapa at litrato. "Sasagot ako… pero hindi dito. Maraming matang nakatingin." Sa sandaling iyon, mas lalo akong naguluhan—at mas lalong dumami ang tanong kaysa sagot. Pero nagkatinginan kami nina Demon at Cherie nang biglang magsalita siya ng mahina, halos pabulong pero malinaw ang bigat ng tono. "Maghanda kayo… alam na nila andito na kayo. Pumunta kayo sa may kusina, may makikita kayong carpet doon. Tanggalin ninyo at buksan ang dalawang
Chapter 413Parang tumigil ang oras nang makita ko ang anyo ng matanda sa bintana. Nanginginig ang kamay ko habang nakapikit sandali, pinipigilan ang sarili na sumugod agad.Pero bago pa ako makagalaw, isang presensya ang biglang sumulpot sa perimeter. Mula sa dilim, may lalaking dahan-dahang naglakad papasok sa compound—matangkad, naka-itim mula ulo hanggang paa, at may hawak na mahabang kutsilyong kumikislap sa ilalim ng buwan.“Target spotted,” bulong ni Demon sa earpiece. “Hindi yan ordinaryong bantay… kilala ko ‘yan. Elias Cruz—dating top assassin ng Red Roses. Dangerous man, Jas. Kung nandito siya, ibig sabihin may mas malalim na misyon ang mga taong humahawak sa tatay mo.”Ramdam ko ang malamig na pawis sa batok ko. Kilala ko ang reputasyon ni Elias—walang nakakatakas sa kanya, at wala siyang sinasanto.“Abort or proceed?” tanong ni Cherie, bakas ang kaba sa boses.Hindi ako sumagot agad. Pinagmamasdan ko si Elias na ngayon ay papalapit sa mismong bintana kung saan ko nakita an