Share

Kabanata 29

Kabanata 29

HINAWAKAN ni Rosseau ang kwelyo ng damit Trojan pagkaalis ng mga chopper na may sakay sa ilang sugatang mule na laman ng tumagilid na trailer. Baha ang luha sa kanyang magkabilang pisngi dahil sa pagdedeklarang wala nang buhay ang dalawa sa kanilang mga kapatid habang si Rowlan, sakay din ng isa sa choppers, kritikal ang lagay dahil sa tinamong mga tama ng bala.

"Save Roscoe." Garalgal ang tinig niyang anas, mas iniinda ang sakit ng pagkamatay ng dalawang kapatid kaysa sa tama ng bala sa kanyang balikat. "Save my brother. Our princess already lost two of her dads..."

Gumuhit ang awa sa mga mata ni Trojan. Kinalas nito ang pagkakahawak niya sa kwelyo nito saka sumigaw. "Put weight on the back part of the trailer! Don't let it fall!"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status