Kabanata 2
NAPANGISI si Roscoe nang ihilera sa kanyang harap ang lahat ng myembro ng Wildflower na kasapi sa entrapment operation ni Tiffany Fleud. Even those birds hiding on top of the buildings waiting for a clean shot were collected for him to cut their wings.
Nahagod niya ang kanyang panga habang isa-isang pinagmamasdan ang mga ito hanggang sa natapat siya sa kanyang paborito. The seductress who almost made him want to cancel all his plans tonight so he can taste those tender-looking pinkish lips.
But of course, not just her lips.
He pointed each one and counted mockingly. "Six, seven, eight, nine, ten, ah tsk tsk. Baby you brought a school of clownfish in a shark's territory." Lumawak ang kanyang ngisi saka niya niyuko ang kanyang ulo hanggang sa maglebel sila ni Agatha. "It's so sad to realize you can never capture a sinner when the Devil is around."
Sandaling nanlaki ang mga mata nito, tila ba napagtanto nang tuluyan kung sino siya ngunit dahil may duct tape ang bibig ay hindi nagawang magsalita.
"That's right, you sneaky poisonous flower." Sumabunot ang kanyang kamay sa malambot nitong buhok saka niya nilapit pa ang kanyang mukha rito. "The Devil has come to collect your soul..."
Tumalim ang tingin sa kanya ni Agatha nang bitiwan niya ito. Nang alisin niya ang duct tape, hindi man lamang ito umaray kung hindi ay mabilis na inumpog ang ulo sa kanya. Nakalas na nito ang tali sa paa at tanging ang mga kamay na lamang ang nakagapos sa likod, ngunit iba talaga si Agatha.
She kicked him and hard and when his back bended with the impact, she immediately locked her legs around his neck. Tila sa isang wrestling competition, nilampaso siya nito nang walang kahirap-hirap.
Roscoe groaned when he hit the floor. Ngumisi sa kanya si Agatha saka nito tinapakan ang kanyang dibdib at yumuko. "Oh great. You're the devil? Well let me play Michael. Remember this scene from children's bibles?"
Umismid si Roscoe at walang anu-anong hinatak si Agatha. Nang tumama ito sa sahig ay agad niyang pinakubabawan at mapang-asar na nginisihan. "Nah, fermosa. I don't read holy stuff. I just visit heaven with a sinner whenever I open the book of life."
Bumukas ang pinto at pumasok ang apat na lalakeng hindi nalalayo ang itsura kay Roscoe. Sinundan din ang mga ito ng ilan pang armadong kalalakihan.
Agad napawi ang kanyang ngisi nang makapasok ang lahat ng kanyang mga tauhan. Sinenyas niya ang kanyang ulo sa mga ito bago siya tumayo at hinatak si Agatha kasama niya.
"Take them. Make sure you'll dispose them properly. I don't want any traces." Utos niya sa mga tauhan bago kumuha ng panibagong tali at sinigurong hindi na makakapalag pa si Agatha.
He touched his forehead. Nabukulan pa yata siya sa lakas ng hampas nito ng ulo sa kanya kanina. Good. That's good. Looks like he finally found his type.
"You are one tough girl. I wonder if you're still that way in bed, hmm?" He smirked.
Pinaningkitan siya nito ng mga mata ngunit bago pa man siya mapaulanan ng mura ay kinabitan niya na muli ng duct tape ang bibig saka ito sinampa sa kanyang balikat na animo'y sako ng bigas.
Nagpumiglas ito kaagad ngunit hindi niya na hinayaan pang makapalag. Pumulupot sa hita nito ang kanyang braso habang ang isa niyang kamay ay binulsa niya sa kanyang slacks.
Nang mapansing nakatutok sa kanya ang atensyon ng kanyang mga tauhan ay tumaas ang kanyang kilay. "What are you looking at? Move your asses now."
The others quickly moved, maliban sa pinakapasaway sa lahat ng kanyang mga demonyong kapatid. "What, Rowlan?"
Nginuso nito si Agatha. "What about her?"
"I'm taking her home." Deretsahan niyang sagot.
"You cannot do that. You said never bring anything with us that can lead the enemies to us."
He sighed and walked towards his youngest, most stubborn brother. "My hell, my rules. Ready the car."
Hindi na ito kumibo at sumunod na lamang sa kanyang sinabi. Hindi rin naman nagtagal ay nabitbit na ng kanyang mga tauhan ang mga kasamahan ni Agatha. Si Rosseau, binalita sa kanyang nasa lokasyon na si Tiffany Fleud kasama ang pinuno ng Albana Syndicate.
"So the Supreme really wants Albana to be part of the circle?" Tanong ni Rosseau habang naglalakad sila palabas ng theater.
"Gresso Lindstrom is one smart punk despite the loose screw in his head. He's gonna be beneficial to the Supreme's plans."
Nagsalubong ang mga kilay ni Rosseau. "But isn't he the one you had an accidental fight with two years ago?"
"Yeah. He fucking hit me with a fucking baseball bat."
"And you hit back with a billiard stick." Halos alanganin nitong pagpapaalala ng nakakahiyang nangyari.
He stopped and cocked a brow at his brother. "Well I was drunk and I thought it's something made out of steel, alright?!" Depensa niya.
Bumungisngis ito ng tawa kaya mangani-ngani niyang tadyakan. Palibhasa ay ginawang katatawanan ng magagaling niyang kapatid ang gabing iyon na una silang nagtagpo ni Gresso Lindstrom dahil sa imbitasyon ng Suprema noong mga panahong pausbong pa lamang ang Cinco Mortales.
Natapon ng isang tauhan ang champagne sa likod ni Gresso. Sakto namang gumegewang na naglalakad si Roscoe dahil sa lintik na Bacardi na nilaklak niya. Napagkamalan siya ni Lindstrom na tinapunan niya ito ng champagne sa likod. Both of them got so pissed of and it ended up with an epic fight Roscoe wishes he could get rid of from his memory.
He sighed hopelessly. "Remind me that one more time and I'll bury you myself, Rosseau."
Nagpigil ng ngisi ang lintik niyang kapatid. Napailing na lamang si Roscoe. Sometimes he wonders how he can handle his younger brothers when he cannot even stand a minute with pea-brained people.
NAPAPAMURA na lamang si Agatha sa kanyang isip habang sinasakay siya ni Roscoe sa shotgun seat ng kotse nito. Ang kanyang mga mata, nag-obserbang mabuti sa paligid. She's the only one they are keeping alive. Papatayin ang mga kasamahan niya at kung hindi siya makagagawa ng paraan, baka ilang oras lang din ay malamig na rin siyang bangkay na kahit kailan ay hindi na matatagpuan.
The first thing she noticed is the cars. They are using identical ones. Bawat isa, ang mga lalakeng kahawig ni Roscoe at ito ang ang nagmamaneho. Ang mga tauhan nito, nasa passenger. Dalawa sa bawat kotse.
She wonders why he is the one driving the car? Hindi ba ay ito ang lider ng grupo? He's the "Luce" people cannot identify easily.
The engines started. Isa-isang lumabas ng kalsada ang mga sasakyan. Ang mga ito, nagpapalitan palagi at tila nag-uunahan. Maya't-maya rin ang pagpindot ni Roscoe ng buton. She wonders what the button does?
Napatingin siya sa nag-overtake na identical car. Napakurap siya nang makitang sa kalagitnaan ng pakikipagpalitan nito sa isa pang kotse, nagbabago ang plate number nito.
Umalingawngaw ang mga sirena. Their back ups are tailing Roscoe's team but before they reached the tunnel, napansin ni Agatha ang pagsilip ng multong ngisi sa mga labi ni Roscoe.
May kinabit itong earpiece at mayamaya'y nagsalita. "Ready the trucks. Rodent, switch now."
Hindi naalis kay Roscoe ang tingin ni Agatha. Hindi na siya nanlalaban, hindi dahil sumusuko na siya ngunit dahil nais niyang makita kung paanong palaging nananatiling multo ang pinuno ng Arkanci Syndicate.
Mayamaya'y sa kalagitnaan ng tunnel, isang trailer truck ang bumukas ang likuran. Nagspark ang bakal sa aspalto at gumawa ng ingay ang pagkiskis nito sa daan.
Roscoe switched gears. Tumingin ito sa rearview mirror at nang matakpan nang tuluyan ng ibang mga sasakyan, dumiretso ang sasakyang gamit nila sa loob ng trailer.
The trailer's door shut before they reached the other end of the tunnel. Si Roscoe, lumabas agad ng sasakyan habang naiwan si Agatha sa shotgun seat at tahimik na nagmasid.
Lumapit kay Roscoe ang isang lalakeng may dalang laptop. Naupo si Roscoe sa hood ng kotse at kinandong ang laptop bago nito sinuot ang headset.
Roscoe began talking in a different language but she can hear familiar names he already mentioned earlier. Mayamaya'y ngumisi ito at nagtipa sa laptop. Nasilip ni Agatha ang screen nang humarap si Roscoe sa tauhan nito at sa screen, kitang-kita niya kung papaanong sumabog ang mga sasakyan ng kanilang back up team.
Roscoe whistled and smirked devilishly. Napalunok si Agatha nang makitang in-access nito ang security cameras ng iba't-ibang establisyimento nang halos sabay-sabay.
He changed the footages, making sure there's no shot where they were seen passing by. Kahit iyong mga kuha na mabilis naman ang takbo ng sasakyan.
Napamura si Agatha sa kanyang isip. This is why he was never identified. Roscoe is so careful that even the smallest mistakes are cleaned even before it's noticed.
She breathed in and stared at him. Sakto namang tumayo ito at bumaling sa kanya. Nilapag nito ang laptop sa hood ng kotse saka nito sinangkal ang mga palad sa hood. Ang mga mata nito, bahagyang naningkit sa kanya habang unti-unting kumukurba ang mga labi para sa makahulugang ngisi.
As if he was able to read her remarks earlier, Roscoe rolled the tip of his tongue on his lower lip before he went towards her. Tinanggal nito ang duct tape at hinaplos ang kanyang pisngi.
"There is no way I'm getting myself captured. If you think I'm being too careless to show you what I just did, think again. I ain't the devil if I'm not familiar with my own sins." Tumaas ang kilay nito. "And you, you can never escape from me anymore."
Gumalaw ang panga ni Agatha at ang mga mata niya ay tumalim habang nilalabanan ang tingin ni Roscoe. Mayamaya'y mapang-asar din niya itong nginisihan at tinaasan ng kilay bago nagsalita.
"We'll just see about that..."
EpilogueTAHIMIK na nakatitig si Roscoe sa puntod na nilaan para sa kanilang pamilya. Next to his parents are Roam and Rodent's resting place while on the left side of their grandpa's is their grandma's and Chrome's. Walang katawang naretrieve sa naging pagsabog ngunit pinili ni Roscoe na maglaan pa rin ng himlayan para sa dalawa sa libingan ng mga Arkanci. Pumayag ang ama ni Agatha na sa tabi ng kanyang lola bigyan ng libingan si Chrome bilang pag-alala na hanggang sa huli ay magkasama ang dalawa."Were you aware that it was him?" Tanong ni Roscoe sa kanilang Butler.Yumuko ang Butler saka inilapag ang bulaklak na hawak sa puntod ni Chrome. "I saw the resemblance but I was never sure."Kahit siguro ang mga kapatid niya hindi na rin n
Kabanata 30NAPATAKBO si Agatha nang makitang bumarurot paalis ang sasakyan ng kanyang asawa. Hindi ito allowed na umalis ng kastilyo at oras na tumapak ito sa labas ng gate, maaari itong mapaslang ng MI6."Damn it!" Nilabas niya ang kanyang cellphone at agad tinawagan ang numero ng asawa. "Where do you think you're going?!""Sorry, baby but I gotta save your parents. Your brother had lost his mind. He's planning to blow himself up with them."Pakiramdam ni Agatha ay tumigil ang kanyang mundo sa narinig. Nanikip ang kanyang dibdib at ang kanyang mga tuhod ay halos bumigay. "W—What? W—Where are they?"Sinabi nito ang lokasyon ng nagaganap na hostage taking. "I promise you
Kabanata 29HINAWAKAN ni Rosseau ang kwelyo ng damit Trojan pagkaalis ng mga chopper na may sakay sa ilang sugatang mule na laman ng tumagilid na trailer. Baha ang luha sa kanyang magkabilang pisngi dahil sa pagdedeklarang wala nang buhay ang dalawa sa kanilang mga kapatid habang si Rowlan, sakay din ng isa sa choppers, kritikal ang lagay dahil sa tinamong mga tama ng bala."Save Roscoe." Garalgal ang tinig niyang anas, mas iniinda ang sakit ng pagkamatay ng dalawang kapatid kaysa sa tama ng bala sa kanyang balikat. "Save my brother. Our princess already lost two of her dads..."Gumuhit ang awa sa mga mata ni Trojan. Kinalas nito ang pagkakahawak niya sa kwelyo nito saka sumigaw. "Put weight on the back part of the trailer! Don't let it fall!"
Kabanata 28"PARALYSIS, of the major parts of her brain, just like what I've told you before, caused the coma. If we won't be able to figure out how her memories were blocked and reprogrammed, I'm afraid..." Dr. Butch sighed hopelessly, tila ayaw nang ulit-ulitin sa kanya ang mga nasabi na rin nito noon. "I'm really sorry but we need to find out the root of her case before her brain stops sending signals to the other parts of her body that keeps her alive."Gustong manlambot ni Roscoe. Pinaganda lamang nito ang sinabi ngunit ang ibig sabihin ng diagnosis ng doktor, iisa pa rin. Hindi gigising si Agatha hangga't hindi nila nalalaman kung ano talagang nangyari rito. Pang-ilang examination na ito at ang brain activity ni Agatha, pahina ng pahina. Anim na buwan na rin mula nang mauwi nila si Agatha at sa bawat araw na lumilipas, hindi nawaw
Kabanata 27"ARE YOU sure about this?" Tanong ni Roam kay Roscoe.Tumango siya at pinakawalan ang hangin sa kanyang baga saka niya inilapag ang kutsaritang ginamit para haluin ang juice na hinanda niya para kay Rhen."We gotta reinact a few important parts of her memory with us. Including the night I married her."Napakamot ng patilya si Roam. "This is such a risk to take but I hope Decka didn't lose his talent.""I'll put a bet on that."Ngumisi si Roam at tinitigan siya. "You love her that much that you're willing to get shot again so she'll remember she loves you, huh? Tsk tsk. Love is really deadly."
Kabanata 26NAGPUYOS ang dibdib ni Roscoe sa sobrang pag-aalala dahil sa binalita ni Roam. Tinungo nila ang silid ng anak kasama ang ibang mga kapatid at nang madatnan nila ang mga nakadikit sa pader, unti-unting nagsikunot ang kanilang noo."What the fuck!" Tinignan niya si Roam. "Who showed her my blueprints?!"Ang blueprints para sa isang bullet-proof car with built in nukes na ginawa niya noon, nakapaskil sa silid ng kanyang anak kasama ang ilang sarili nitong sketch at tila mga tinagping printed copies ng newspapers.Nagkibit-balikat ang mga kapatid niya. "I don't know, bro."Hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. "When was the last pick up happened?"