Share

CHAPTER XII (COLLATERAL DAMAGE)

CHAPTER 12

COLLATERAL DAMAGE

 M A I N G A T . . . at isa-isang na pinunasan ni Red ang magkakahiwalay na parte ng baril na ibinigay ni Deo sa kanya. Iyon kasi ang isa sa mga nakasanayan niyang gawin kapag hindi siya makatulog o di kaya’y nag-iisip. 

Magdamag siyang hindi nakatulog sa matapos nilang magkausap ng group niya sa Special Force kagabi. Tungkol iyon sa nangyaring panlilinlang ni Deo sa kanila, pati na ang nalaman niyang impormasyon kay Yoda. Dalawang bagay ang mas naging malinaw sa kanya.

Una, sa makalawa ay magkakaroon ng siguradong transaksyon si Deo sa mga kliyente nito. Iyon ang pagkakataong pinakahihintay nila, ang mahuli ito sa akto ng pakikipagkalakalan ng ipinagbabawal na gamot at ilegal na armas. 

Pangalawa, may masama itong pakay kay Trinity, na balak nitong isakatuparan mamayang gabi mismo. 

He would have enough time to prepare for the buy bust operations, pero hindi niya alam kung paano niya ililigtas ang dalaga sa mapait na kapalarang naghihintay dito. 

“Red, as keeper of peace, we do our best to save everyone from a burning building…pero hindi ibig sabihin n’on ay mailalabas natin silang walang galos. Minsan, we have to bare with the collateral damage to save the greater number”, naalala niyang paliwanag ni General Rodriguez sa kanya nang i-apila niya rito ang pagrescue kay Trinity ng mas maaga kaysa sa plano. 

Oo, tama ang heneral. But this is Trinity. He has to do something. 

“Ang aga mo ah”, ani Yoda na biglang lumabas sa kurtinang nakatabing sa pintuan ng kwarto nito. 

Para kasi mas maging kapani-paniwala ang cover niya bilang pinsan nito, ay doon na siya tumira sa maliit na barong-barong na inuupahan nito. Bukod doon ay malapit lang din iyon sa apartment ni Deo kaya hindi na rin masama. Iisa lang ang nagsisilbing kwarto ng barong-barong, at dahil nakikisama lang siya, ay siya na lang  ang nagpresintang maglatag ng folding bed sa maliit na sala.

Tinanguan niya lang ang huli tsaka itinuloy ang ginagawa. Mukhang kagigising lang nito dahil halos nakapikit pa ito at gulo-gulo ang buhok.

Dumiretso ito sa kusina na halos isa’t kalahating dipa lang ang layo sa sala. 

“Teka, gising ka na ba o gising pa?”, maya-maya ay tanong ulit nito mula sa kusina. Isang dipa lang kasi ang distansya n’on mula sa sala kung nasaan siya kaya dinig din nila ang isa’t isa. 

Sinimulan niyang i-assemble ang baril. Ang tunog na likha ng isa-isa niyang pagkabit ng mga parte niyon lang ang namayani ng ilang sandali.  Ikinabit niya ang barrel niyon bilang huli.

“Pa”, tipid niyang sagot tsaka sinipat kung tuwid ba ang pagkakabalik niya ng mga parte.

Nang makuntento ay tumayo na siya at isinuksok iyon sa likuran ng pantalon niya.

“Me pan de sal d’yan. Kumain ka na, mauuna na ako”, aniya. 

“T-Teka lang! S-Saan ka pupunta ng ganito kaaga???”, gulat na tanong nito.

Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy siya sa paghahanda sa pag-alis.

“Atat naman ‘to, teka saglit, sama ‘ko! Payb minutes, wiwisik lang ako!” nagmamadali nitong sabi sa pagitan ng pagnguya ng pandesal. Mabilis itong uminom ng tubig tsaka kumaripas ng takbo papasok sa kwarto nito. Hindi nagtagal ay muli itong lumabas bitbit ang tuwalya at halos madapa-dapang tumakbo papasok sa banyo.

Nailing na lang siya sa nasaksihang pagkukumahog ng pinsan niyang hilaw. Nagpasya siyang magtimpla na lang ng kape at lumabas. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para lumabas at tawagan ang isa sa mga kasamahan niya. 

“Hunter”,aniya sa mahinang boses.

“Sir”

“Nakausap mo ba si General Rodriguez? Any update?”

“Yes Sir, actually kakatapos lang ng pag-uusap namin bago kayo tumawag”

Pasimple niyang nilingon ang pinto para siguruhing wala na si Yoda tsaka bahagya pang lumayo.

“Report”, simple nilang sabi habang nagmamasid sa paligid.

“Gustong malaman ni General ang eksaktong lugar at oras ng transaksyon para ma-mobilize ang Marines at Air force sa area”,

“Copy”, sabi niya na lang tsaka tinapos ang tawag.

“Red? Sino kausap mo?”, biglang nagsalita si Yoda kaya gulat na napalingon siya rito.

“Kausap? Ako?”, pagmamaang-maangan niya.

“Narinig ko parang may kausap ka”, anito habang lumilinga-linga sa paligid.

Pasimple niyang itinago ang cellphone.

“Tsk, o, kape, tulog ka pa ata at nananaginip ka pa eh”, idinaan niya na lang sa biro ang pagkakaila sabay abot ng hawak niyang tasa ng kape.

Inabot naman nito iyon at diretsong hinigop.

Hangga’t maaari kasi ay mas gusto niyang wala itong alam sa detalye ng mga plano nila. Mas mabuti nang kaunti ang alam nito para mas maliit ang tsansa na mapahamak ito.

“Lumakad na tayo pagkatapos mo n’yan”, aniya dito tsaka pumasok para kunin ang iba niyang mga gamit.

Pagkalipas ng halos limang minuto lamang ay umalis na sila.

“Colonel”, maya-maya ay bulong ni Yoda na nakaagapay sa kanya.

Kunot ang noo niya itong nilingon tsaka mabilis na inilibot ang tingin sa paligid. Mahirap na, baka may makarinig sa kanila. 

Mukhang naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin at pasimpleng tinakpan ang sariling bibig. Muli niyang itinuon ang pansin sa nilalakaran. 

“Anong plano mo?”, maya-maya ay tanong nito.

“Anong plano?”, 

“Kay baby mo”, kaswal na kaswal nitong sagot.

Napahinto siya at tsaka ito hinarap.

“Akala ko ba sabi mo kahapon ‘wag akong gagawa ng kahit na anong ikakapahamak natin”, 

“Oo nga!”

“O, eh anong plano, plano ang sinasabi mo d’yan?”

“A-Ah, e-eh...”, anito sabay kamot ng ulo.

Napailing na lang siya tsaka muling lumakad.

“Uy! Teka lang! Hintayin mo naman ako! Tinatanong lang eh!”,

Pero imbes na tumalima ay mas lalo niyang binilisan ang mga hakbang.

“Hoy! Insan! Ang KJ mo talaga! Uy!”, sigaw pa nito mula sa likuran niya pero hindi na niya ito nilingon pa.

Nang marating niya ang harapan ng apartment ni Deo ay huminto siya at saglit na pinagmasdan ang kabuuan niyon sa labas. The real battle will now begin. 

Maya-maya ay dumating na din si Yoda. Mukhang hingal na hingal ito at humawak pa sa balikat niya para suportahan ang sarili. 

“Insan, ba’t mo naman ako iniwan?”, anito sa pagitan ng paghahabol ng hininga.

Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay nauna siyang muli na humakbang papasok sa apartment.

“Red! Uy! ‘ta mo ‘tong taong ‘to, uy!”, muli nitong tawag sa kanya pero tuloy-tuloy na siyang pumasok sa bang house.

Halos sabay-sabay na tumutok sa kanya ang lahat ng pares ng mata ng mga inabutan niya sa sala. 

Sa normal na araw, alas otso nang umaga siya pumapasok at mabibilang sa daliri ang taong inaabutan niya. Pero ngayon, halos mag-aalas sais pa lang ay puno na ang bulwagan. 

Hindi siya nakatanggap ng kahit na anong mensahe na may pagtitipon ngayon. Patunay doon ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng naroon. 

“Red, Red, Red... tatawagan na nga dapat kita. Mabuti naman at nandito ka na!”, animo’y galak na galak na sabi ni Deo. Inilahad pa nito ng magkabilang kamay na para bang yayakapin pa siya kahit na alam niya namang peke ang lahat ng iyon. 

Tuluyan siyang niyakap ng huli ngunit nanatili siyang naka-estatwa habang nakikiramdam sa paligid niya. 

“Relax! Masyado ka yatang tensed!”, pabirong turan pa nito sabay tapik sa balikat niya. 

Everything seems odd. Mula sa maagang pagpasok ng mga tauhan nito, hanggang sa tila galak na galak nitong pagbati sa kanya. Alam niya kung ano ang plano nito kay Trinity at alam niyang ngayon araw nito iyon balak isakatuparan. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit hindi sila nito sinabihan ni Yoda tungkol doon. 

“Anyway! Gaya nga ng sabi ko, dapat talaga ay tatawagan na kita kanina. Para sana sabihin sa’yo ang napagdesisyonan ko kagabi”, sabik nitong dagdag na wari bang mag-aannounce ito ng panalo sa lotto. 

“Nakikita mo naman, ipinatawag ko ang lahat ng ganito kaaga. At dalawa lang ang rason kapag nagpapatawag ako ng mga ganito kaagang pagtitipo. Una, kapag may atraso sa ‘kin”, anito sabay tingin sa kanya. 

Nakipagtagisan siya ng titig dito pero ito din ang unang nagbawi ng tingin. 

“Pero siyempre hindi ‘yon ang rason ngayon dahil sigurado naman akong walang mangangahas sa inyong tumarantado sa’kin dito, di ba Yoda?”, sabi pa nito sabay baling naman sa kasama niya. Napadilat ang huli sa gulat, ngunit sunod-sunod din itong tumango. 

“Good! At ang pangalawang rason, na siyang rason kung bakit ko kayo pinatawag…. Fiestaaaaa!!!”, buong galak nitong sabi na sinundan ng hiyawan ng mga naroon. 

Kasabay niyon ang pakaladkad na paglabas ng dalawa sa mga tauhan nito kay Trinity. Nakapiring ang mga mata, nakagapos sa likod ang mga kamay at nakabusal pa rin ang bibig ng dalaga habang kinakaladkad ito sa braso. 

“‘Eto na pala ang lechoooonnn!!!”, malakas na komento ng isa sa mga lalaki roon na sinundan ng tawanan. 

Nagkatinginan sila ni Yoda. 

Maya-maya ay inakbayan siya ni Deo.

“Ano? Ready ka na?”, bulong nito sa kanya.

“Ha?”, napalingon siya rito sa gulat. 

Tumango ito sa direksyon kung saan naroon ang dalaga. 

“Bilang ikaw ang pinakabago dito, ito na pa-welcome ko sa’yo…”

“S-Si Miss Byutipul, Boss?”, singit ni Yoda.

“Yes! Si Red na ang pauunahin ko bago ang iba…”

Nagkatinginan sila ng pinsan niyang hilaw. 

“Ito kasing si Geronimo, hindi mapalagay eh… hindi raw mawala sa isip niyang tinatraydor mo ‘ko ako, Red. Syempre alam ko namang hindi ka bobo para gawin ‘yon sa’kin di ba?”, sarkastiko nitong dagdag tsaka lalong hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya.  

Pilit siyang ngumiti tsaka tinapunan ng tingin si Geronimo na matamang nakamasid sa kanya. Of course, after all that happened, it is only right na pagdudahan siya ng mga ito. 

“Syempre naman Boss. Alam mo naman kung bakit ako nandito di ba?”, sagot niya with much confidence.

“Syempre alam ko ‘yon! Pero ayoko lang ng may mga ganitong hindi pagkakaintindihan sa atin. Alam mo namang importante ‘yon sa trabaho nating ‘to, di ba?”

Pilit pa rin ang ngiti siyang tumango. 

Sinenyasan nito ang dalawang lalaking may hawak kay Trinity, na basta lang inihagis ang dalaga papunta sa gawi niya. Mabuti na lang at maagap niyang itong nasalo, kung hindi ay siguradong susubsob ito sa sahig. 

Hindi naitago ng piring sa mata ang takot sa mukha nito. Nanginginig ito habang umiiyak at nagmamakaawang pakawalan na siya. Kusang napahigpit ang hawak niya sa mga braso nito habang inaalalayan niya itong tumayo ng maayos. 

“Please help me…”, narinig niyang bulong ng dalaga . She sounded so desperate that he almost forgot about his mission again. 

“Patunayan mo sa harap ng mga kasamahan natin, lalo na sa akin, na ‘sa akin’ ka, Red”, seryosong sabi ni Deo sa kanya. 

“Boooyysss???!”, pasigaw na tawag nito sa mga tauhan.

Agad dumating ang apat na lalaki, dala-dala ang isang malaki at mahabang lamesa. Yari iyon sa kahoy, na diretsong inilapag ng mga lalaki sa gitna mismo ng bulwagan. Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinila si Trinity mula sa kanya at kinaladkad papunta sa lamesa. 

“Wait—Nooo!!! Let me go!!!”, ibayong protesta ng huli. 

Napakabilis ng mga pangyayari. Bago pa siya makapag-react ay namalayan niya na lang na iginagapos na ng mga lalaki ang mga kamay at paa ng dalaga sa apat na sulok ng lamesa.

“Pwede ka nang magsimula”, baling ni Deo sa kanya na may mapanganib na ngiti. 

Napamulagat siya.

“D-Dito???”

“Oo”, tumatango pa nitong sagot. 

Iginala niya ang paningin sa mga tauhan nitong sa kanya din nakatutok ang atensyon. “Kapag hindi mo ako sinunod, iisipin kong tama si Geronimo….na binalak mo nga akong sabotahehin at espiya ka ng kabila”, dagdag pa nito. 

Napalunok siya. 

C’mon Red, think!,  aniya sa isip. 

“Ayaw mo?”, tanong ni Deo.

Nang hindi siya umimik ay nilingon nito ang isa sa mga lalaking nakatayo malapit sa lamesa. Walang ano-ano’y marahas na hinablot ng lalaki ang taas na bahagi ng damit ng dalaga, sanhi para mapunit iyon at humantad ang bahagi ng dibdib nito. 

“NOOOOOOOO!!!! Pleaaaaaase!”, pagmamakaawa ni Trinity sa gitna ng hiyawan ng mga tauhan ni Deo.

“Last chance Red! Kung ayaw mo, kanina pa naglalaway itong mga aso kong ulol!”, nakangising baling sa kanya ng kalbong lider. 

Ikinumpas nito ang isang kamay at tuluyang sinira ng lalaki ang bestida ng dalaga, leaving her only wearing her undergarments. 

“Please! Stop!!!”, sigaw mula ng dalaga. 

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga lalaki sa munting palabas na nagaganap. Kita niya sa mga mata nito ang pagkasabik habang hindi inaalis ang mga mata sa kahubaran ng babaeng bihag nila. 

Muli siyang napalunok habang nag-iisip ng malalim. 

“Insan…”, bulong ni Yoda sa kanya na tila nag-aalala na din. 

“Ayaw mo talaga ah—”

“Wait!”, pasigaw niyang pigil sa akmang pagbibigay na naman ni Deo ng utos sa mga tauhan nito. 

Nakangiti itong bumaling sa kanya. 

“Gagawin ko. Dito mismo, at kung paano mo gusto”, aniya. 

“That’s my boy!!!”, galak na tugon nito na umaktong aakbayan siyang muli pero agad ding natigilan ng magsalita ulit siya. 

“Pero sa isang kondisyon…ako lang ang gagalaw”, dagdag niya. 

Tila napaisip din ito at pinakatitigan siya ng matagal. 

“Geronimo!!!”, maya-maya ay sigaw nito nang hindi inaalis sa kanya ang tingin. 

Agad namang lumapit ang huli. 

“Dalhin mo mga babae dito..iyong magaling kumabayo ah! Put*ng ina alangan namang magbabayad na ako, ako pa mapapagod!”, 

Tumango lang ang huli at agad nang umalis. Samantalang tinawid naman ni Deo ang distasya sa pagitan nila. 

“Pasalamat ka good mood ako ngayon Red. Papayag akong iyo lang si Tisay, pero kapag tumigil ka bago ako tumumba, ipapalapa ko ‘yang buto mo sa mga naglalaway na aso”, 

Hindi siya sumagot. Nakuha na niya ang ibig nitong sabihin. Tumalikod na ito at diretsong pumasok sa silid kung saan ito naglalagi. 

“Insan…ano nang mangyayari ngayon? Pagsasamantalahan mo nga si Miss Byutipul?”, agad na bulong ni Yoda sa kanya nang makalayo si Deo sa kanila. 

“I have to. Wala akong pagpipilian…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status