Share

THE GENERAL'S LOVER
THE GENERAL'S LOVER
Penulis: Prinsesa Maria

PROLOGUE

Penulis: Prinsesa Maria
last update Terakhir Diperbarui: 2023-04-19 06:40:48

“Col. JUAN MIGUEL ENRIQUEZ . . . Sir!”, pagbibigay galang ni Red sa kanyang superior na si General Wisconsio Rodriguez nang maabutan niya ito sa opisina nito sa pamamagitan ng pagsaludo.

“Sigurado ka bang walang nakatunog sa’yo?”, tanong nito bago sana tumayo mula sa kinauupuan nitong swivel chair sa likod ng lamesa nito.

“Yes sir”, sagot niya naman.

Matapos niya kasing makabalik mula sa morning march ng tropang pinamumunuan niya ay nakatanggap siya ng pribadong imbitasyon mula sa heneral. Mahigpit nitong ipinagbilin na siguraduhin niyang walang makakaalam ng tungkol doon.

“Good. Maupo ka Red”, anito at imwinestra siya papunta sa receiving area ng opisina nito tsaka ito tumayo din para lumipat doon. 

Gaya  ng nakagawian, pinauna niya itong maupo bago siya pumwesto rin sa adjacent na sofa. 

Hindi pa nag-iinit ang pang-upo niya sa sofa, ay agad na itong naglabas ng folder na kulay dilaw at iniabot iyon sa kanya.

Nang imwinestra nitong buklating niya iyon ay gan’on din ang ginawa nya. Tumambad sa kanya ang iba’t ibang larawan ng mga taong duguan at nakahandusay, ang iba, base sa report na kaakibat ay dead on the spot, habang ang iba naman ay seriously injured. 

“These are what we have in records ng mga ongoing cases of murder and homicide na may kinalaman sa grupo ni Deo Dysanco, ever heard?”, wika ng heneral tsaka muling may inabot na transparent folder naman. Binitawan niya ang hawak at pinagtuunan naman ng pansin ang ibinigay nitong bagong folder.

Sa unang buklat niya ay tumambad agad ang litrato ng isang lalaking semi-kalbo, singkit at marami ang tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“Deo Dysanco, trenta y kwarto anyos, pinanganak noong Agosto 4, 1987. Anak ni Merlita Mate, isang dating entertainer sa Japan na umuwi dito sa Pilipinas matapos mabuntis ng isang hapon”, anito.

“Narinig mo na ba ang pangalang Eric Dysangco?”, maya-maya ay tanong nito.

“Kung tama ho ang pagkakaalala ko, nahuli ‘yan sa kasong drug trafficking and smuggling of illegal firearms. Pero hindi ko ho masyadong alam ang ibang detalye. Nabanggit lang ho sa amin sa training noon”, sagot niya naman.

Tumango-tango ang heneral.

“Si  Eric Dysangco ay dumating sa Pilipinas noong Hunyo ng 1991, para magtago mula sa kapulisan ng China dahil sa pagkakadawit nito sa mga kaso ng smuggling at droga. Ilang taon itong nagpalamig, at matapos ang tatlong taong pananahimik, sumabak muli sa mga ilegal na gawain dito sa Pilipinas. Nakilala si Merlita Mate,  ina ni Deo. Nagsama, hanggang sa nagpakasal at inampon ni Dysangco ang anak ni Merlita kaya dala-dala ni Deo ang apelyido ng stepfather niya. Nahuli si Eric noong taong 2001, nakulong ng siyam taon bago ito binawian ng buhay sa sakit na Chronic Kidney Failure. Mula noon si Deo na ang nagpatuloy ng ilegal na gawain ng ama”, mahabang kwento nito.

Nakakunot naman ang noo niya habang nakikinig sa sinasabi ng heneral. Gano’n kasi talaga siya kahit noong bata pa siya, kapag nag-iiisip o nag-fofocus ay hindi niya mapigilan ang pagsasalubong ng mga kilay, kaya tuloy madalas siyang napagkakamalang suplado o snob.

“At on going pa din ho ang mga ilegal na gawaing ‘to?”, tanong niya na naging sanhi ng pagbuga ng kausap ng marahas na hangin tsaka isinandal nag likod sa sandalan ng single seater sofa na kinauupuan nito. 

“Unfortunately, oo. Ilang taon na ring tinutugis ng kapulisan ang kumag na ‘yan pero sadyang may sa palos ang puny*t* at hindi mahuli-huli”, bakas ang inis sa boses at mukha nito.

Hindi muna siya nagkomento.

“Personal na akong kinausap ng presidente para ipasa sa ADFP ang kaso ni Dysangco. Mukhang nainip na sa bagal ng kapulisan kaya ipinapasa na sa atin. Hula ng pangulo may koneksyon si Dysangco sa loob pulisya o may kinakapitang pulitiko kaya hindi mahuli-huli ang anak ng teteng”, dagdag pa nito.

“So ano po ang plano n’yo, Sir?”, tanong niya.

Bahagya itong dumukwang habang matiim na nakatingin sa kanya. Sabay itinukod ang dalawang siko sa magkabilang taas ng tuhod nito at pinagsiklop ang mga kamay.

“Kung totoo ngang may tao ang intsik ‘yan sa loob ng gobyerno, eh di gagayahin ko din siya”, seryoso nitong tugon.

Lalong kumunot ang noo niya.

“Gagayahin? Magpapasok din kayo ng tao sa grupo ni Deo?”, tanong niyang muli.

“Bingo!”, anito sabay turo pa sa kanya.

“Kaya n’yo ho ako ipinatawag? Para pumili ng taong mag-a-undercover sa plano nyo?”,

Muli itong sumandal habang umiiling.

“No Red, kaya kita pinatawag ay dahil gusto kong ikaw mismo ang maging undercover agent ko sa operasyong ‘to”, tugon nito at muli siyang itinuro.

Bahagya siyang natigilan. Hindi naman sa ayaw niya, nagawa na niya ang makipagbarilan, makipagpalitan ng putok at sumugod mismo sa kuta ng mga kaaway ng gobyerno pero hindi ang undercover. At kung gaya ng sinasabi ng heneral na isa itong malaki at importanteng misyon, ay nag-aalala syang kung ang isang hindi eksperyensyado sa ganung larangan nito iaatang ang pinakamahalagang papel sa operasyon, ay baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkabigo ng misyon.

“Bakit? Ayaw mo ba? Natatakot ka?”, maya-maya ay tanong ng kausap niya.

“H-Hindi ho General. Iniisip ko lang po kung bakit sa dinami-rami ng mas malawak ang karanasan sa ganitong strategy ay ako ang napili n’yo”, 

Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong hininga saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

“Gusto ni Presidente na isiwalat din natin ang mga kawani ng gobyerno na pumo-protekta kay Dysanco at iba pang ilegal na gawain. At kung gan’on nga, ay hindi tayo pu-pwedeng basta-basta magtiwala sa kahit na sino sa loob man o labas ng ADFP. Kaya ko din sinabi sa’yo na siguraduhin mong walang makakaalam ng pag-uusap nating ito”, mahaba ulit nitong paliwanag.

“Paano ho kayo nakakasigurong mapagkakatiwalaan n’yo ako?”,

Ngumiti muna ito bago siya sinagot.

“Red, ako na ang nagpalaki sa’yo...bukod sa talino at galing mo sa paghawak ng baril, na nakuha mo sa iyong nasirang ama, alam kong tapat ka sa iyong sinumpaang tungkulin sa bansang Pilipinas. Kaya alam kong kahit na sa pinakamahirap na sitwasyon ay palagi mong  pipiliing gawin ang tama”.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 123 (THE SIGNAL)

    S H E . . . heard the sound of the thin fabric tearing and right there she immediately felt Red's hot breath in between her breasts. Napamulagat siya sa gulat. Muling nagbunyi ang lahat sa paligid nila. "Atat na atat si General!!!!" sigaw ng mga ito. Alam niyang nasa gitna sila ng krisis pero sino ang hindi pananayuan ng mga balahibo sa sensasyong dala ng bawat dampi ng mga labi ni Red sa dibdib niya?! His lips hurriedly went up to her neck again, and God knows how she fought not to close her eyes and savor every bit of whatever he's doing. Kelan ba 'yong signal???? she silently prayed. "When all these are over, mananagot ka sa'kin for all these," bulong nito sa tenga niya na parang may himig ng paninermon. Napakunot tuloy siya ng noo. At ano naman ang ginawa niya para sermonan siya nito??? At ito pa talaga ang may ganang manermon sa kanilang dalawa???? Lumayo naman ito sa kanya atsaka sumandal sa back rest ng silya. "Get down on your knees," maya maya ay malakas u

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 22 (DEJA VU BUT NOT A DEJA VU)

    "JM . . . cannot be here in this room for your little show. He's still a minor. Have your people move him next door," kalmadong sabi ulit ni Red. Kunot ang noo ni Deo pero sinenyasan din nito ang mga tauhang may hawak kay JM na sundin ang hiling ni Red. Tumalima naman ang dalawang lalaki at inilabas si JM mula sa silid. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mag-alala. Baka mamaya ay ano ang gawin ng mga ito sa anak niya! "Red!" tawag niya sa katabi pero tinginan lang siya nito mula sa gilid ng mga mata at hindi natinag. NagsImulang magtubig ang mga mata niya. Gets niya naman na may hindi sila pagkakaunawan, pero hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon para unahin nila ang mga gan'ong issue. "Next. I did the work last time. This time, why not let do the job?" maya maya ay pagpapatuloy ni Red sa pangalawa niyang kondisyon. Ilang segundo ang lumipas bago nagsink in sa kanya ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan nito. He did not mean that! ika niya sa isip. Marahas n

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 121 (THE UPPER HAND)

    "G E N E R A L . . . Juan Miguel Enriquez!!!" galak na tawag ni Deo kay Red habang nagsi-slow clap pang humahakbang para lapitan ang bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at kay Red na tila na-estatwang nakatutok pa rin ang baril kay Deo. Pero ni hindi natinag ang huli at umakto pa itong parang long-lost friend ang wine-welcome. Napakunot siya ng noo. Mukhang malakas talaga ang sira nito sa ulo. "Let my son and Trinity go, Deo!" mariing giit ni Red. Tumawa naman ang huli. "Relax, masyado ka namang nagmamadali, General. Baka gusto mo munang magkape?" cool na cool pa nitong pag imbita. Nagtatagis ang bagang na kinalabit ni Red ang paltik ng baril na nakatutok pa rin kay Deo. "Sa lamay mo na lang ako magkakape. Now let them go and surrender yourself calmly," sagot ni Red dito. Muling tumawa ang tila nababaliw na intsik na hilaw na 'to at mukhang amused na amused pa sa reaksyon at mga sinasabi ni Red. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon, General

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 120 (REAL IDENTITY)

    JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 119 (A FOE)

    JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 118 (TABLES TURNED)

    RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status