เข้าสู่ระบบ“Huwag kang lalabas ng kwartong ito, Althea.”Mabilis akong napatingin kay Alejandro. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone habang nakatingin sa litrato ng lalaking nakagapos. Duguan ang noo nito at may pasa sa mukha. Kahit malabo ang litrato, alam kong siya ang lalaking nakita namin sa CCTV. Ang lalaking sinabi ng nanay ko na tunay kong ama.“Pero bakit?” tanong ko. “Kung buhay siya, kailangan ko siyang makita.”“Hindi natin alam kung sino ang nagpadala nito.”“Hindi mahalaga iyon.”“Mahalaga sa akin.” Napailing ako. “Bakit?”Hindi agad sumagot si Alejandro. Kinuha niya ang baril na nakatago sa kanyang damit at tiningnan ito. Doon ko nakita kung gaano siya kaseryoso.“Dahil maaaring gusto nilang pumunta tayo sa isang lugar kung saan hindi na tayo makakabalik.”“Hindi ako natatakot.”“Dapat matakot ka.”Napatingin ako sa kanya. Hindi ko pa siya nakitang ganito. Sa mga nakaraang araw, palagi siyang kalmado. Kahit may problema, kaya niyang itago ang nararamdaman niya. Pero ngayon, nakita
Hindi ko alam kung paano ako huminga nang mga sandaling iyon.Nakatitig lang ako sa screen ng laptop habang paulit-ulit na nagre-rewind ang video. Isang lalaki. Isang mukha. Isang taong dapat matagal nang wala sa mundo.Pero naroon siya, buhay.At sa kabila ng malabong kuha ng CCTV, sapat na ang ilang segundo para makilala ko ang mga mata niya.Dahil iyon ang mga matang matagal kong hinahanap noong bata pa ako.Ang mga matang hindi ko alam kung kanino ko namana.“No…” mahinang sambit ko. Lumapit ako sa screen at nanginginig na hinawakan ang gilid ng mesa.“Hindi siya.”“Althea.” Pagtawag sa'kin ni Alejandro ngunit hindi ko siya pinansin“Hindi siya ang tatay ko.”Sinubukan kong tumawa, pero isang basag na tunog lamang ang lumabas sa bibig ko.“Ang tatay ko si Gregorio Valencia.” Napatingin ako kay Alejandro.“Siya ang nagpalaki sa akin, siya ang nasa birth certificate ko. Siya ang tinawag kong Papa.”Walang sagot si Alejandro at iyon ang mas masakit, nang dahil sa katahimikan niya, al
Hindi ko magawang i alis ang tingin ko sa pendant na hawak ko. May dalawang initials akong nakita roon, A.M, anong ibig sabihin nito? Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Alejandro. “Ibigay mo sa akin 'yan.” Sabi niya ngunit hindi ko agad ginawa sa halip mahigpit kong isinara ang palad ko. “Hindi.” “Althea.” “Nasaan si Mama?” Hindi siya sumagot. “Nasaan siya?” Inulit ko ito ng mas malakas kaysa sa una kong pagkakasabi. Agad niyang tinawagan ang kaniyang mga tauhan. “Seal every exit. Nobody leaves the building.” “Governor, the men—” “Find them.” “Yes, sir.” Binaba niya ang telepono at muli nya akong hinarap. “Althea, kailangan na nating umalis.” “Hindi ako aalis nang wala ang mama ko.” “Kung mananatili tayo rito, baka pareho tayong hindi makaalis.” “Wala akong pake. Basta hindi ako aalis.” Umiling siya. “Napakatigas ng ulo mo.” Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa, "At ikaw ano? Napakarami mong itinatago." Saglit siyang natahimik. Tumama ang emergen
Parang huminto ang mundo nang marinig ko ang sinabi ng lalaki.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang baril na nakatutok sa ulo ni Mama o ang paraan ng pagtitig ni Alejandro sa akin. Ilang segundo kaming walang imik. Ito ang unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, nawala ang pagiging kalmado niya. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata, ngunit higit doon, nakita ko ang takot. Hindi para sa sarili niya. Para sa akin.“Mama!” sigaw ko.“Althea, huwag kang lalapit!” sigaw niya.“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaking may hawak sa kaniya. Mas idiniin niya ang baril sa sentido ni Mama. “Isang maling galaw at matatapos ang lahat.”Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya, pero alam kong isang maling hakbang lang ay maaaring maging huling sandali ng buhay niya. Dalawang taon kong iniyakan ang pagkamatay ng nanay ko. Dalawang taon kong pinaniwalaang hindi ko na siya muling makikita. At ngayong nasa harapan ko siya, ayaw ko na siyang mawala ulit.“Bitawan mo si
Hindi ko maialis ang mga mata ko sa litrato. Si Mama? Buhay? Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, parang may humawak sa puso ko at marahas itong pinisil. “Althea.” Narinig ko ang boses ni Alejandro, ngunit parang napakalayo nito. Hindi ko siya pinansin, hindi mawala ang tingin ko sa litrato. Si Mama ay nakatayo sa isang madilim na silid. Nakasuot siya ng simpleng damit at mas payat siya kumpara sa huling alaala ko, ngunit walang pagdududa Siya nga 'yon, ang mga mata, ang buhok, ang maliit na peklat sa baba na nakuha niya noong bata pa ako. “Impossible…” Nanginginig ang mga daliri ko habang paulit-ulit kong zino-zoom ang litrato. May petsa ito sa ibaba. August 21, 2026. Ngayon lang 'to, hindi ito kinuha ng dalawang taon na ang nakalipas, hindi ito lumang litrato kun'di ngayon mismo. “Althea, ibigay mo sa akin ang cellphone.” Mabilis akong napalingon kay Alejandro."Ang sabi nila, patay na siya." Nanatiling tahimik si Alejandro. “Sinabi nilang namatay siya noong nakakulon
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kontratang nasa harapan ko.Ilang pahina lang iyon na may iilang salita at isang pirma. At pagkatapos kong pirmahan ito, magiging asawa na ako ng isang lalaking halos hindi ko kilala.Si Governor Alejandro Montenegro.Ang lalaking nagpalaya sa akin, ang lalaking may galit sa pamilya ko.At marahil ang lalaking may pinakamalaking dahilan para gamitin ako.“Kung hindi mo kayang pirmahan ngayon, puwede kang umalis.”Napatingin ako kay Alejandro. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng mesa, kalmado na parang hindi niya hinihingi sa akin ang buong buhay ko.“At ano ang mangyayari kapag umalis ako?”“Wala.”“Sigurado kayo?”“Oo.”“At hindi ninyo babawiin ang tulong ninyo sa kaso ko?”Hindi siya sumagot agad.Iyon ang dahilan kung bakit alam kong nagsisinungaling siya. “Legal na ang release mo,” sa wakas ay sagot niya. “Hindi kita basta-basta maibabalik sa kulungan.”“Pero?”Bahagya siyang napangiti. “Pero hindi ko sinabi na magiging madali an







