LOGINHindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kontratang nasa harapan ko.
Ilang pahina lang iyon na may iilang salita at isang pirma. At pagkatapos kong pirmahan ito, magiging asawa na ako ng isang lalaking halos hindi ko kilala.
Si Governor Alejandro Montenegro.
Ang lalaking nagpalaya sa akin, ang lalaking may galit sa pamilya ko.
At marahil ang lalaking may pinakamalaking dahilan para gamitin ako.
“Kung hindi mo kayang pirmahan ngayon, puwede kang umalis.”
Napatingin ako kay Alejandro. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng mesa, kalmado na parang hindi niya hinihingi sa akin ang buong buhay ko.
“At ano ang mangyayari kapag umalis ako?”
“Wala.”
“Sigurado kayo?”
“Oo.”
“At hindi ninyo babawiin ang tulong ninyo sa kaso ko?”
Hindi siya sumagot agad.
Iyon ang dahilan kung bakit alam kong nagsisinungaling siya. “Legal na ang release mo,” sa wakas ay sagot niya. “Hindi kita basta-basta maibabalik sa kulungan.”
“Pero?”
Bahagya siyang napangiti. “Pero hindi ko sinabi na magiging madali ang buhay mo.”
Napayuko ako. Tama siya, paglabas ko pa lang ng kulungan, sinalubong na ako ng mga camera at mga matang puno ng paghuhusga. Bukas, malamang nasa bawat social media account na ang mukha ko.
Ang anak ni Gregorio Valencia, ang babaeng pumatay sa kabit ng sariling ama.
Iyon ang magiging pangalan ko sa mata ng lahat. Wala akong kahit na ano, kaya kung tatanggapin ko ang alok ni Alejandro, kahit paano ay magkakaroon ako ng proteksyon.
Pero kapalit no'n ay pagkakulong sa isang kulungan na walang rehas.
Humawak ako sa bolpen. Tinitigan ko ang blangkong linya sa kontrata.
“Kung papayag ako,” mahinang sabi ko, “may isa akong kondisyon.”
Bahagyang umangat ang kilay niya.
“Ano?”
“Huwag ninyo akong hahawakan nang walang pahintulot ko.”
Hindi siya gumalaw. “That’s it?”
“At hindi ninyo ako pipilitin sa kahit anong bagay.”
Matagal niya akong tinitigan. Pagkatapos ay tumango.
“Deal.”
Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala dahil naniniwala ako sa kasabihang TRUST NO ONE BUT YOURSELF, ONLY YOURSELF.
Hindi sa lalaking tulad niya. Dahan-dahan kong ibinaba ang bolpen.
At nilagdaan ang kontrata.
Althea Marie Valencia. At tuluyan nang nagbago ang buhay ko.
“Congratulations.”
Napatigil ako. Napatingin ako sa kaniya.
“Hindi pa tayo kasal.”
“Technically, engagement agreement pa lang.”
“Engagement?”
Tumayo siya.
“May press conference tayo bukas.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Anong press conference?”
“Para ipaalam sa publiko ang engagement natin.”
“Excuse me?”
“Narinig mo ako.”
Tumayo rin ako.
“Hindi ninyo man lang ako tinanong!”
“Kung tinanong kita, tatanggi ka.”
“Oo!”
“Exactly.”
Napahawak ako sa noo.
“Napakabastos ninyo.”
“Sanay na ako.”
“Governor kayo.”
“Alam ko.”
“At ginagamit ninyo ang posisyon ninyo para pilitin ako.”
“Kung gusto kitang pilitin, hindi na kita bibigyan ng kontrata.”
Natahimik ako.
May punto siya.
Pero nakakainis pa rin.
“May isa pa.”
“Ano na naman?”
“May paparating na stylist.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Para saan?”
“Para sa engagement.”
“Ngayong araw?”
Tumango siya.
“Hindi ako pumayag sa ganito.”
“Pinirmahan mo.”
Napatitig ako sa kaniya.
“Kinamumuhian kita.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Good.”
“Good?”
“Mas madali kang kumbinsihin kapag galit ka.”
Napailing ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero sa unang pagkakataon mula nang makalabas ako ng kulungan, gusto kong matawa.
Hindi ko ginawa.
Dahil sa lalaking ito, hindi ko alam kung kailan ako dapat tumawa at kailan ako dapat tumakbo.
Pagkalipas ng ilang oras, nakaupo ako sa isang malaking salon na hindi ko alam kung magkano ang halaga.
Pinapalitan ng stylist ang buhok ko.
May makeup artist sa harap ko.
May designer na nagdadala ng sunod-sunod na damit.
Parang hindi ako isang babaeng dalawang taon lang nakakulong.
Parang isa akong celebrity na naghahanda para sa kasal.
Nang makita ko ang sarili ko sa salamin, halos hindi ko makilala ang babaeng nakatingin sa akin.
Mahaba ang buhok ko ngayon.
Bahagyang kulot.
Simple lang ang makeup.
At nakasuot ako ng itim na fitted dress.
“Beautiful.”
Napalingon ako.
Nakatayo sa may pintuan si Alejandro.
Nakasuot siya ng itim na suit.
Walang kurbata.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
“Ano?”
“Wala.”
“Kung wala, bakit ka nakatingin?”
“Sinisigurado kong tama ang ginawa nila.”
Napakunot-noo ako.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi na mahalaga.”
Lumapit siya.
At sa unang pagkakataon, nakita ko ang kakaibang pagbabago sa mga mata niya.
Hindi na siya mukhang gobernador.
Hindi na rin siya mukhang lalaking may plano.
Para lamang siyang isang ordinaryong lalaki na nakatingin sa isang babae.
Napaatras ako nang kaunti.
“Anong problema?”
“Wala.”
“Sure?”
Tumango ako.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging conscious.
Mabuti na lang at tumunog ang telepono niya.
Agad niyang sinagot.
“Yes?”
Nagbago ang mukha niya.
“Where?”
Tahimik siyang nakinig.
“Don’t let anyone leave.”
Binaba niya ang tawag.
“Ano’ng nangyari?”
Hindi siya sumagot.
Kinuha niya ang coat niya.
“Sumama ka.”
“Governor—”
“Now.”
Hindi ko pa siya nakitang ganoon kaseryoso.
Agad akong tumayo.
“May problema ba?”
“Wala pa.”
“Anong ibig sabihin ng wala pa?”
Tumingin siya sa akin.
“May taong nagtangkang pumasok sa opisina ko.”
Nanlamig ako.
“Sino?”
“Hindi pa namin alam.”
Hindi ako nakapagsalita habang papunta kami sa kotse.
Sa unang pagkakataon, hindi na ako nagreklamo sa kaniyang pagiging tahimik.
Masyado akong kinakabahan.
Paglabas namin ng building, mas maraming security personnel ang naroon.
May mga sasakyang nakaparada.
May ilang pulis.
At may isang bagay na agad kong napansin.
Sa gilid ng parking area ay may isang itim na motorsiklo.
Nakatayo ang isang lalaki roon.
Nakahelmet.
Nakatingin sa amin.
“Governor…”
Hindi pa ako nakakatapos magsalita nang biglang umandar ang motorsiklo.
“Get down!”
Hinawakan ni Alejandro ang braso ko at mabilis akong hinila pababa.
May malakas na tunog na umalingawngaw.
Nagkagulo ang lahat.
Napahawak ako sa tenga ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
“Althea!”
Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko.
“Are you hurt?”
Umiling ako.
“Hindi.”
Tumingin siya sa paligid.
Mabilis na tumakbo ang mga bodyguard.
May mga taong nagsisigawan.
Ang motorsiklo ay mabilis nang nakalayo.
“Anong nangyari?”
Hindi siya sumagot.
Sa halip, inilagay niya ang isang kamay sa likod ko at itinulak ako patungo sa sasakyan.
“Pasok.”
“Pero—”
“Althea!”
Sa unang pagkakataon, narinig ko ang takot sa boses niya.
Sumunod ako.
Halos hindi ako makahinga habang umaandar ang sasakyan.
“May nagpapaputok ba?”
“Hindi namin alam.”
“Pero bakit tayo tinatarget?”
Tahimik siya.
“Governor.”
“Althea.”
“Hindi ako bobo.”
Tumingin siya sa akin.
“May koneksyon ba ito sa tatay ko?”
Hindi siya sumagot.
Iyon ang sagot.
“Alam ko.”
Napahawak ako sa dibdib ko.
“Alam ko.”
Maya-maya, umandar ang telepono ko.
Hindi ko alam kung sino ang tumatawag.
Unknown number.
Tinitigan ko iyon.
“Answer it.”
Napatingin ako kay Alejandro.
“Sigurado kayo?”
“Yes.”
Pinindot ko ang sagot.
“Hello?”
Walang sumagot.
“Hello?”
May mahina akong narinig.
Isang babae.
Pabulong.
“Althea…”
Nanigas ako.
“Kilala mo ba ako?”
“Makinig ka sa akin.”
“Who are you?”
“Malapit ka kay Alejandro, hindi ba?”
Napatingin ako sa kaniya.
Napansin niyang nagbago ang mukha ko.
“Oo.”
“Kung gano’n, huwag kang magpakasal sa kaniya.”
Nanlamig ang buong katawan ko.
“Ano?”
“Huwag na huwag mong pakakasalan si Alejandro Montenegro.”
“Bakit?”
Sandaling natahimik ang babae.
Pagkatapos ay sinabi niya ang mga salitang nagpahinto sa mundo ko.
“Althea…”
Nanginginig ang boses niya.
“Ang nanay mo…”
Napahigpit ang hawak ko sa telepono.
“Ano ang tungkol sa mama ko?”
“Alam ko kung bakit siya namatay.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Ano?”
Napatingin ako kay Alejandro.
Nakatitig na rin siya sa akin.
“Sabihin mo sa akin!”
Ngunit bago pa ako makarinig ng sagot, biglang naputol ang tawag.
“Hello?”
Wala.
“Hello!”
Pinindot ko ulit ang screen.
Wala na.
“Anong sinabi niya?”
Hindi ako sumagot.
“Althea.”
Nanginginig ang kamay ko.
Dahan-dahan kong ibinaba ang telepono.
“Sinabi niya…”
Hindi ko natapos.
“Ano?”
Tinitigan ko si Alejandro.
Sa unang pagkakataon, hindi ko nakita ang gobernador na nagligtas sa akin.
Nakita ko ang isang lalaking maaaring may tinatago.
“Sinabi niyang huwag akong magpakasal sa iyo.”
Nanigas ang mukha niya.
At bago pa siya makapagsalita, muling tumunog ang cellphone ko.
Isang text message.
Isang litrato.
Binuksan ko iyon.
At tuluyan akong nawalan ng hininga.
Larawan iyon ng mama ko.
Buhay.
Nakatayo siya sa isang lugar na hindi ko kilala.At sa ilalim ng litrato ay may isang mensahe:
HUWAG KANG MAGTIWALA KAY ALEJANDRO.
SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGLAHO ANG NANAY MO.
Parang huminto ang mundo nang marinig ko ang sinabi ng lalaki.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang baril na nakatutok sa ulo ni Mama o ang paraan ng pagtitig ni Alejandro sa akin. Ilang segundo kaming walang imik. Ito ang unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, nawala ang pagiging kalmado niya. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata, ngunit higit doon, nakita ko ang takot. Hindi para sa sarili niya. Para sa akin.“Mama!” sigaw ko.“Althea, huwag kang lalapit!” sigaw niya.“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaking may hawak sa kaniya. Mas idiniin niya ang baril sa sentido ni Mama. “Isang maling galaw at matatapos ang lahat.”Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya, pero alam kong isang maling hakbang lang ay maaaring maging huling sandali ng buhay niya. Dalawang taon kong iniyakan ang pagkamatay ng nanay ko. Dalawang taon kong pinaniwalaang hindi ko na siya muling makikita. At ngayong nasa harapan ko siya, ayaw ko na siyang mawala ulit.“Bitawan mo si
Hindi ko maialis ang mga mata ko sa litrato. Si Mama? Buhay? Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, parang may humawak sa puso ko at marahas itong pinisil. “Althea.” Narinig ko ang boses ni Alejandro, ngunit parang napakalayo nito. Hindi ko siya pinansin, hindi mawala ang tingin ko sa litrato. Si Mama ay nakatayo sa isang madilim na silid. Nakasuot siya ng simpleng damit at mas payat siya kumpara sa huling alaala ko, ngunit walang pagdududa Siya nga 'yon, ang mga mata, ang buhok, ang maliit na peklat sa baba na nakuha niya noong bata pa ako. “Impossible…” Nanginginig ang mga daliri ko habang paulit-ulit kong zino-zoom ang litrato. May petsa ito sa ibaba. August 21, 2026. Ngayon lang 'to, hindi ito kinuha ng dalawang taon na ang nakalipas, hindi ito lumang litrato kun'di ngayon mismo. “Althea, ibigay mo sa akin ang cellphone.” Mabilis akong napalingon kay Alejandro."Ang sabi nila, patay na siya." Nanatiling tahimik si Alejandro. “Sinabi nilang namatay siya noong nakakulon
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kontratang nasa harapan ko.Ilang pahina lang iyon na may iilang salita at isang pirma. At pagkatapos kong pirmahan ito, magiging asawa na ako ng isang lalaking halos hindi ko kilala.Si Governor Alejandro Montenegro.Ang lalaking nagpalaya sa akin, ang lalaking may galit sa pamilya ko.At marahil ang lalaking may pinakamalaking dahilan para gamitin ako.“Kung hindi mo kayang pirmahan ngayon, puwede kang umalis.”Napatingin ako kay Alejandro. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng mesa, kalmado na parang hindi niya hinihingi sa akin ang buong buhay ko.“At ano ang mangyayari kapag umalis ako?”“Wala.”“Sigurado kayo?”“Oo.”“At hindi ninyo babawiin ang tulong ninyo sa kaso ko?”Hindi siya sumagot agad.Iyon ang dahilan kung bakit alam kong nagsisinungaling siya. “Legal na ang release mo,” sa wakas ay sagot niya. “Hindi kita basta-basta maibabalik sa kulungan.”“Pero?”Bahagya siyang napangiti. “Pero hindi ko sinabi na magiging madali an
Hindi ako agad bumaba sa sasakyan. Ilang segundo akong nanatiling nakaupo habang nakatitig sa napakalaking gusaling nasa harapan namin. Mataas ang salaming dingding nito at sa bawat palapag ay makikita ang mga taong abala sa kanilang trabaho. Sa labas, may mga security guard na agad na lumapit nang makita ang sasakyan ni Governor Alejandro.Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Ang alam ko lang, mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal.“Are you coming?” Napalingon ako sa kaniya. Nakabukas na ang pinto sa kaniyang bahagi. Nakatayo siya sa labas, ang isang kamay ay nakabulsa, habang hinihintay akong bumaba.“Nasaan tayo?”“Sa opisina ko.”“Para saan?”“May pag-uusapan tayo.” Napatingin ako sa kaniya nang matalim.“Kung tungkol ito sa tatay ko, wala akong pakialam sa kaniya.”Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin lamang siya sa akin na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.“Alam ko.”“Kung gano’n, bakit mo pa 'ko dinala dito?”“Dahil kahit wala kang pakialam, bah
Narinig kong magbukas ang rehas.Sa loob ng dalawang taon, paulit-ulit ko ‘yong naririnig tuwing umaga at gabi. Noon, ang ibig sabihin lang no’n ay panibagong araw ng pagkakakulong, pero ngayon, hindi ko maintindihan ang kabog sa dibdib ko.“Valencia.” Napatingin ako sa jail officer na nakatayo sa pintuan.“It’s your time.”Hindi ako agad tumayo. Nakatitig lang ako sa maliit na bintanang matagal kong naging koneksyon sa mundo. Doon ko pinanood ang ulan, ang pagsikat ng araw, at ang paglipad ng mga ibon na malayang nakakaalis kung kailan nila gusto.Ako lang ang hindi.Marahan kong hinawakan ang manipis na kumot na naging kasama ko sa loob ng dalawang taon. Hindi ko akalaing ma-mi-miss ko ang lugar na ilang beses kong isinumpa. Ayaw ko namang mag-stay dito, pero natatakot akong harapin ang mundong iniwan ko. Wala akong uuwian, wala akong sariling bahay, kinalimutan na rin ni Papa na may anak siyang nakakulong, at higit sa lahat, wala na si Mama.Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko.
Thea's POV“Pinatay ko ang kabit ng tatay ko.”Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang maupo ako sa harap ng dalawang pulis na kanina pa seryosong nakatingin sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkakaharap sa loob ng malamig na interrogation room. Isang bombilya lang ang nagbibigay ng liwanag sa puting kwartong walang ibang laman kundi isang bakal na mesa, tatlong upuan, at isang CCTV camera sa sulok ng kisame.Tahimik ang paligid. Sa sobrang katahimikan, kahit ang mahinang pagpatak ng tubig ng aircon ay umaalingawngaw sa pandinig ko.“Uulitin ko ang tanong,” sabi ng lalaking pulis habang pinipihit ang bolpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. “Ikaw ba ang pumatay kay Veronica Salcedo?”Diretso ko siyang tiningnan.“Wala akong babawiin.” Nagkatinginan silang dalawa.“Inaamin ko ang lahat.” Tumikhim ang babaeng pulis.“Ibig mong sabihin, inaamin mong ikaw ang may gawa?” Paulit-ulit? Tss. Tumango na lang ako.“Oo.” One word is enough para tuluyan na akong makulong. Hin







