LOGINHindi ko maialis ang mga mata ko sa litrato. Si Mama? Buhay?
Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, parang may humawak sa puso ko at marahas itong pinisil. “Althea.” Narinig ko ang boses ni Alejandro, ngunit parang napakalayo nito. Hindi ko siya pinansin, hindi mawala ang tingin ko sa litrato. Si Mama ay nakatayo sa isang madilim na silid. Nakasuot siya ng simpleng damit at mas payat siya kumpara sa huling alaala ko, ngunit walang pagdududa Siya nga 'yon, ang mga mata, ang buhok, ang maliit na peklat sa baba na nakuha niya noong bata pa ako. “Impossible…” Nanginginig ang mga daliri ko habang paulit-ulit kong zino-zoom ang litrato. May petsa ito sa ibaba. August 21, 2026. Ngayon lang 'to, hindi ito kinuha ng dalawang taon na ang nakalipas, hindi ito lumang litrato kun'di ngayon mismo. “Althea, ibigay mo sa akin ang cellphone.” Mabilis akong napalingon kay Alejandro. "Ang sabi nila, patay na siya." Nanatiling tahimik si Alejandro. “Sinabi nilang namatay siya noong nakakulong ako.” Wala pa rin siyang sagot. “Sinabi sa akin nila sa akin na hindi ako pwedeng pumunta man lang dahil minamadali nila ang lahat." Nanginginig na ang boses ko. “Bakit?” “Althea—” “Bakit?” Hindi ko namalayang sumigaw na pala ako. “Alam mo ba kung ilang gabi akong umiyak dahil hindi ko siya nakita?” Hindi siya nagsalita. “Alam mo ba kung ilang beses kong hiniling na sana man lang nakita ko siya bago siya namatay?” Tahimik ang buong sasakyan. “Dalawang taon kong pinaniwalaang wala na ang nanay ko.” Nangingilid na ang luha ko. “At ngayon sasabihin mong buhay siya?” “Hindi ko sinabi iyon.” “Pero nakita mo ang litrato.” “Oo.” “Kung gayon, alam mong buhay siya!” Mahigpit niyang pinisil ang panga niya. “Alam kong may posibilidad.” Napatawa ako nang mapait. “Possibility?” Ipinakita ko sa kaniya ang cellphone. “Anong klaseng possibility ang ganito?” Hindi niya agad sinagot. Sa halip, kinuha niya ang telepono mula sa kamay ko. “Ano’ng ginagawa mo?” Tiningnan niya ang litrato nang matagal. Pagkatapos ay binuksan niya ang isang application sa kaniyang telepono. May tinawagan siya. “Trace the number.” Mabilis na sumagot ang isang lalaki sa kabilang linya. “Now.” Binaba niya ang tawag. “May tracker kayo?” “Security system.” “At mahahanap ninyo ang nagpadala?” “Kung hindi siya gumagamit ng disposable network.” “At kung matagpuan ninyo?” Tumingin siya sa akin. “Malalaman natin kung sino siya.” Hindi ako nakasagot. Ilang minuto kaming tahimik. Hanggang sa muling tumunog ang telepono niya. Sinagot niya. “Yes?” Tahimik siyang nakinig. “How long?” Isang segundo. “Ten minutes.” Binaba niya ang tawag. “May location.” Nanlaki ang mga mata ko. “Saan?” Hindi siya sumagot agad. “Ako ang sasama.” “Kasama ako.” “Hindi.” “Nanay ko iyon!” “At maaaring patibong iyon.” “Wala akong pakialam.” “Althea.” “Dalawang taon ko siyang iniyakan!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Kung may pagkakataon akong makita siya, pupunta ako.” Matagal niya akong tinitigan. Sa huli, huminga siya nang malalim. “Fine.” Hindi ko alam kung saan kami papunta. Ang tanging alam ko ay palayo kami nang palayo sa sentro ng Maynila. Unti-unting naglaho ang matataas na gusali. Napalitan ang mga ilaw ng siyudad ng madidilim na kalsada. Tumingin ako sa bintana. “Sigurado ka bang tama ang location?” “Yes.” “At bakit parang walang tao?” “That’s the point.” Maya-maya, pumasok kami sa isang makitid na daan. May lumang bodega sa dulo. Huminto ang convoy. Agad na bumaba ang mga bodyguard. “Manatili ka rito.” Hindi ako gumalaw. “Althea.” “Kasama ako.” “Delikado.” “Mas delikado kung hindi ako sasama.” Nagtagpo ang mga mata namin. Sa huli, tumango siya. “Stay behind me.” Bumaba kami. Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik. Humakbang kami patungo sa lumang gusali. Biglang bumukas ang isang p***o. May lalaking tumakbo palabas. “Stop!” Hinabol siya ng dalawang bodyguard. Nagkagulo. Napaatras ako. At bago pa ako makapagsalita, may narinig akong boses mula sa loob. Isang pamilyar na boses. Isang boses na halos nakalimutan ko na. “Althea?” Nanigas ako. Hindi ako makahinga. Dahan-dahang bumukas ang p***o. May isang babae sa loob. Payat. Maputla. Nanginginig. Ngunit buhay. “Mama…” Napabitaw ako sa anumang pumipigil sa akin. Tumakbo ako papunta sa kaniya. “Althea!” Niyakap niya ako. At sa sandaling maramdaman ko ang kaniyang mga kamay sa likod ko, tuluyan akong napaiyak. “Mama…” Paulit-ulit kong binanggit ang pangalan niya. “Mama…” “Anak…” “Akala ko patay ka na.” Naramdaman kong humigpit ang yakap niya. “Alam ko.” “Bakit?” Hindi siya sumagot. “Mama, bakit?” Tumulo ang luha niya. “Maraming bagay kang hindi alam.” “Sabihin mo sa akin.” Tumingin siya sa likod ko. At biglang nagbago ang mukha niya. Nakita niya si Alejandro. Nanigas siya. “Ikaw…” Hindi gumalaw si Alejandro. “Mama?” Dahan-dahan siyang umatras mula sa akin. “Althea…” “Ano?” “Huwag kang lalapit sa kaniya.” Napatingin ako kay Alejandro. “Mama, kilala mo siya?” Hindi siya sumagot. “Mama?” Biglang lumapit si Alejandro. “Mrs. Valencia.” Napaatras ang mama ko. “Labingwalong taon.” Nanlamig ang mukha niya. “Ano?” “Labingwalong taon na kitang hinahanap.” Napatigil ako. “Hinahanap?” Tumingin ako kay Alejandro. Pagkatapos kay Mama. “Ano’ng ibig niyang sabihin?” Hindi sila sumagot. “Anong koneksyon ninyo?” Muling nagsalita si Alejandro. “Sabihin mo sa anak mo.” Umiling si Mama. “Hindi.” “Mama…” “Hindi mo kailangang malaman.” “May karapatan akong malaman!” Biglang napahawak si Mama sa dibdib niya. Namumutla siya. “Mama!” Sinalo ko siya. “Okay ka lang?” Tumango siya, ngunit halatang nahihirapan. “Aalis tayo rito.” Tumingin siya kay Alejandro. “Hindi ako sasama sa kaniya.” “Bakit?” “Because he’s the reason…” Hindi niya natapos. “Reason ng ano?” Muling tumingin si Mama kay Alejandro. “Kung bakit kailangan kong itago ang katotohanan sa iyo.” Nanlamig ako. “Anong katotohanan?” Tahimik siya. “Mama!” Isang malakas na tunog ang biglang umalingawngaw sa labas. Nagkatinginan kami. Isang bodyguard ang pumasok. “Governor!” “What?” “May mga paparating na sasakyan.” “How many?” “At least six.” Nanigas si Alejandro. “Armed?” Tumango ang lalaki. “Yes.” Agad siyang lumapit sa amin. “Take her.” “Alejandro—” “Now.” “Hindi kita iiwan!” “Althea!” Napatingin siya sa akin. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang tunay na takot sa mukha niya. “Hindi sila nandito para sa akin.” Tumigil ako. “Kung gayon, para kanino?” Tumingin siya kay Mama. At doon ko nakita ang sagot. Para sa kaniya. Biglang umalingawngaw ang mga putok sa labas. Nagkagulo ang lahat. Hinila ako ni Alejandro sa likod ng isang konkretong pader. “Stay down!” “Nasaan si Mama?” Hinahanap ko siya sa gitna ng kaguluhan. “Althea!” “Mama!” May narinig akong sigaw. “Althea!” Napalingon ako. Si Mama. Nasa kabilang bahagi siya ng bodega. At may isang lalaking nakahawak sa kaniya. Itinutok nito ang baril sa ulo niya. “Mama!” Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Alejandro. “Huwag!” “Bitawan mo ako!” “Kapag lumapit ka, papatayin nila siya.” Nanginginig ako. “Tulungan mo siya!” “Will do.” Tumayo siya. Ngunit bago siya makagawa ng isang hakbang, nagsalita ang lalaking may hawak kay Mama. “Governor Montenegro!” Tumigil si Alejandro. “Matagal na kaming naghihintay sa iyo.” “Bitawan mo siya.” Tumawa ang lalaki. “Hindi.” Inilapit niya ang baril sa ulo ni Mama. “May kapalit.” “Ano?” Tumingin ang lalaki sa akin. “Ang babae.” Nanigas ako. “Ako?” Tumango siya. “Oo.” Tumingin siya kay Alejandro. “Ang bagong bride mo.” Napatingin ako kay Alejandro. Bride? Paano niya nalaman? Hindi pa naman namin ipinapahayag ang engagement. Maliban kung… May taong nakakaalam. May taong matagal nang sumusubaybay sa amin. At bago pa ako makapagsalita, narinig ko ang susunod niyang sinabi. “Dalhin mo sa amin si Althea…” Humigpit ang hawak niya kay Mama. “…at sasabihin namin sa iyo ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng ama mo.” Nanigas si Alejandro. At ako naman… Parang biglang gumuho ang mundo ko. Dahil sa unang pagkakataon, naisip ko— Paano kung hindi aksidente ang pagkamatay ng mga magulang namin?“Huwag kang lalabas ng kwartong ito, Althea.”Mabilis akong napatingin kay Alejandro. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone habang nakatingin sa litrato ng lalaking nakagapos. Duguan ang noo nito at may pasa sa mukha. Kahit malabo ang litrato, alam kong siya ang lalaking nakita namin sa CCTV. Ang lalaking sinabi ng nanay ko na tunay kong ama.“Pero bakit?” tanong ko. “Kung buhay siya, kailangan ko siyang makita.”“Hindi natin alam kung sino ang nagpadala nito.”“Hindi mahalaga iyon.”“Mahalaga sa akin.” Napailing ako. “Bakit?”Hindi agad sumagot si Alejandro. Kinuha niya ang baril na nakatago sa kanyang damit at tiningnan ito. Doon ko nakita kung gaano siya kaseryoso.“Dahil maaaring gusto nilang pumunta tayo sa isang lugar kung saan hindi na tayo makakabalik.”“Hindi ako natatakot.”“Dapat matakot ka.”Napatingin ako sa kanya. Hindi ko pa siya nakitang ganito. Sa mga nakaraang araw, palagi siyang kalmado. Kahit may problema, kaya niyang itago ang nararamdaman niya. Pero ngayon, nakita
Hindi ko alam kung paano ako huminga nang mga sandaling iyon.Nakatitig lang ako sa screen ng laptop habang paulit-ulit na nagre-rewind ang video. Isang lalaki. Isang mukha. Isang taong dapat matagal nang wala sa mundo.Pero naroon siya, buhay.At sa kabila ng malabong kuha ng CCTV, sapat na ang ilang segundo para makilala ko ang mga mata niya.Dahil iyon ang mga matang matagal kong hinahanap noong bata pa ako.Ang mga matang hindi ko alam kung kanino ko namana.“No…” mahinang sambit ko. Lumapit ako sa screen at nanginginig na hinawakan ang gilid ng mesa.“Hindi siya.”“Althea.” Pagtawag sa'kin ni Alejandro ngunit hindi ko siya pinansin“Hindi siya ang tatay ko.”Sinubukan kong tumawa, pero isang basag na tunog lamang ang lumabas sa bibig ko.“Ang tatay ko si Gregorio Valencia.” Napatingin ako kay Alejandro.“Siya ang nagpalaki sa akin, siya ang nasa birth certificate ko. Siya ang tinawag kong Papa.”Walang sagot si Alejandro at iyon ang mas masakit, nang dahil sa katahimikan niya, al
Hindi ko magawang i alis ang tingin ko sa pendant na hawak ko. May dalawang initials akong nakita roon, A.M, anong ibig sabihin nito? Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Alejandro. “Ibigay mo sa akin 'yan.” Sabi niya ngunit hindi ko agad ginawa sa halip mahigpit kong isinara ang palad ko. “Hindi.” “Althea.” “Nasaan si Mama?” Hindi siya sumagot. “Nasaan siya?” Inulit ko ito ng mas malakas kaysa sa una kong pagkakasabi. Agad niyang tinawagan ang kaniyang mga tauhan. “Seal every exit. Nobody leaves the building.” “Governor, the men—” “Find them.” “Yes, sir.” Binaba niya ang telepono at muli nya akong hinarap. “Althea, kailangan na nating umalis.” “Hindi ako aalis nang wala ang mama ko.” “Kung mananatili tayo rito, baka pareho tayong hindi makaalis.” “Wala akong pake. Basta hindi ako aalis.” Umiling siya. “Napakatigas ng ulo mo.” Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa, "At ikaw ano? Napakarami mong itinatago." Saglit siyang natahimik. Tumama ang emergen
Parang huminto ang mundo nang marinig ko ang sinabi ng lalaki.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang baril na nakatutok sa ulo ni Mama o ang paraan ng pagtitig ni Alejandro sa akin. Ilang segundo kaming walang imik. Ito ang unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, nawala ang pagiging kalmado niya. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata, ngunit higit doon, nakita ko ang takot. Hindi para sa sarili niya. Para sa akin.“Mama!” sigaw ko.“Althea, huwag kang lalapit!” sigaw niya.“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaking may hawak sa kaniya. Mas idiniin niya ang baril sa sentido ni Mama. “Isang maling galaw at matatapos ang lahat.”Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya, pero alam kong isang maling hakbang lang ay maaaring maging huling sandali ng buhay niya. Dalawang taon kong iniyakan ang pagkamatay ng nanay ko. Dalawang taon kong pinaniwalaang hindi ko na siya muling makikita. At ngayong nasa harapan ko siya, ayaw ko na siyang mawala ulit.“Bitawan mo si
Hindi ko maialis ang mga mata ko sa litrato. Si Mama? Buhay? Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, parang may humawak sa puso ko at marahas itong pinisil. “Althea.” Narinig ko ang boses ni Alejandro, ngunit parang napakalayo nito. Hindi ko siya pinansin, hindi mawala ang tingin ko sa litrato. Si Mama ay nakatayo sa isang madilim na silid. Nakasuot siya ng simpleng damit at mas payat siya kumpara sa huling alaala ko, ngunit walang pagdududa Siya nga 'yon, ang mga mata, ang buhok, ang maliit na peklat sa baba na nakuha niya noong bata pa ako. “Impossible…” Nanginginig ang mga daliri ko habang paulit-ulit kong zino-zoom ang litrato. May petsa ito sa ibaba. August 21, 2026. Ngayon lang 'to, hindi ito kinuha ng dalawang taon na ang nakalipas, hindi ito lumang litrato kun'di ngayon mismo. “Althea, ibigay mo sa akin ang cellphone.” Mabilis akong napalingon kay Alejandro."Ang sabi nila, patay na siya." Nanatiling tahimik si Alejandro. “Sinabi nilang namatay siya noong nakakulon
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kontratang nasa harapan ko.Ilang pahina lang iyon na may iilang salita at isang pirma. At pagkatapos kong pirmahan ito, magiging asawa na ako ng isang lalaking halos hindi ko kilala.Si Governor Alejandro Montenegro.Ang lalaking nagpalaya sa akin, ang lalaking may galit sa pamilya ko.At marahil ang lalaking may pinakamalaking dahilan para gamitin ako.“Kung hindi mo kayang pirmahan ngayon, puwede kang umalis.”Napatingin ako kay Alejandro. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng mesa, kalmado na parang hindi niya hinihingi sa akin ang buong buhay ko.“At ano ang mangyayari kapag umalis ako?”“Wala.”“Sigurado kayo?”“Oo.”“At hindi ninyo babawiin ang tulong ninyo sa kaso ko?”Hindi siya sumagot agad.Iyon ang dahilan kung bakit alam kong nagsisinungaling siya. “Legal na ang release mo,” sa wakas ay sagot niya. “Hindi kita basta-basta maibabalik sa kulungan.”“Pero?”Bahagya siyang napangiti. “Pero hindi ko sinabi na magiging madali an







