LOGINTULOG na si Cassandra pero si Kenna ay gising pa rin at nakatingin sa mga pinamili ng lalaki para sa anak niya. Lahat ng damit at mga sapatos ay mamahalin ngunit ang pinaka tumatak sa kaniya ay ang larawan ng mga ito sa isang booth. Sobrang saya ng anak niya. Bukod pa doon ay ayaw nitong bitawan ang isang teddy bear na kulay purple na kung saan hanggang sa pagtulog ay katabi nito ito at yakap-yakap. Napa buntong hininga siya at pagkatapos ay tinabihan ang anak niya. Hinalikan niya muna ito sa kanyang noo bago na rin natulog.~~~~~MABILIS na lumipas ang araw at lunes na. Iyon na ang araw ng program sa school ni Cassandra. “Makikita ko na naman si Daddy!” masayang bulalas nito kung saan ay dali-dali siyang umupo sa harapan nito.“Anak, hindi ba at sabi ko sayo na huwag mo siyang tawaging Daddy? Hindi naman siya ang Daddy mo at isa pa, hindi mo sigurado kung pupunta siya sa program mo.” sabi niya rito at pilit na ipinapaintindi ang lahat dito. Ngunit nanatiling matatag ang ekspresyon n
NAG-RING ang cellphone ni Nathan kaya siya biglang nabalik sa katotohanan. Wala sa sarili niyang pinulot ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag ng hindi niya tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Nathan… Can you come over? I’m sick…” mahina na bulong ng isang babae sa kabilang linya.Napamulat siya ng kanyang mga mata. Eight years had passed ngunit hindi siya nagpalit ng kanyang number dahil sa pag-asang isang araw ay tatawagan siya nito. Ngunit nitong nakaraang buwan ay nagdesisyon na siyang kalimutan na ito dahil masyado ng matagal ang hinintay niya para rito.“Please… giniginaw ako… ang sakit… ang sakit ng katawan ko…” ng marinig niya ang pagdaing nito ay parang may sariling isip ang kanyang mga paa. Kaagad siyang tumayo mula sa kanyang kinatatayuan at dali-daling bumaba para sumakay ng kanyang kotse. Dahil may driver siya ay ito na ang inutusan niyang mag-drive patungo sa condo unit ni Mandy. Ang passcode ng pinto ay ang anniversary nila na hindi niya inaasahang gagamitin nit
KAAGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Nathan. “May problema ba?” tanong niya rito.Muli ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. “Nathan itigil na natin ito.” Parang isang bomba ang sumabog sa utak niya ng marinig niya ang sinabi nito. “Wh-what?” nauutal na tanong niya at hindi makapaniwalang napatitig dito. “What do you mean itigil na natin ang lahat ng ito?” muli niyang tanong.Dahan-dahan itong lumingon sa kaniya kung saan ay nagtama ang kanilang mga mata. “Lalabas ako sa tv sa susunod na linggo.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti siya. “Masaya ako para sayo. Ito naman talaga ang gusto mo hindi ba? Ayan, unti-unti mo ng naaabot ang pangarap mo.” masaya niyang sabi dahil totoo naman na masaya talaga siya para rito.“Nathan, hindi mo ba naiintindihan? Hindi pwedeng malaman ng media na may boyfriend ako, okay? Nagsisimula pa lang ako.” sabi nito sa kaniya. “Tyaka gusto nila akong lumabas sa isang drama kaya mag-aacting lessons ako.” dagdag pa nitong sabi.“Anong problema
HANGGANG sa makasakay sa kotse si Nathan ay nakatingin pa rin siya sa kanyang kamay. Guni guni niya lang ba iyon? May kuryente siyang naramdaman ng dumampi ang kamay niya sa balikat ng babaeng iyon. Napakunot ang noo niya, ano naman kaya ang ibig sabihin nito?Ilang sandali pa ay nag-ring ang kanyang cellphone kung saan ay ang kanyang assistant ang tumatawag. “Sir, may problema tayo.” sabi nito sa kaniya. Napasandal lang siya sa kanyang kinauupuan bago naging malamig ang ekspresyon.“What is it?” tanong niya pero ang totoo ay may kutob na siya kung ano iyon.“Ipinatawag po ng Daddy niyo ang family lawyer at plano niya po yatang baguhin ang nasa last will niya.” sabi nito sa kaniya na ikinabuntong hininga niya lang. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganun. Hindi siya nagsalita o ni sumagot. Hinayaan niya itong magpatuloy.“Ano pong balak niyong gawin sir? Hahayaan niyo na lang bang mawala sa inyo ang lahat ng pinaghirapan niyo nitong mga nakaraang taon?” muling tanong nito sa kaniya.
IBINAGSAK ni Kenna ang kanyang sarili sa sofa. Kauuwi niya lang at alas singko pa lang ng hapon pero pakiramdam niya ay parang hindi siya nakapaghinga ng isang buong linggo dahil sa pagod na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi lang kasi pagod sa pisikal na katawan ang nararamdaman niya kundi maging ang pakiramdam niya ay pagod.Napakaraming nangyari sa maghapon. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakita niya na sa wakas ang lalaking napakatagl na niyang hinahanap at sa hindi pa inaasahang pagkakataon. Hinanap niya naman talaga ang lalaki ngunit dahil nga hindi niya alam ang pangalan nito ay hindi niya alam kung saan ito hahanapin pero ngayon na tuluyan na niya itong nahanap ay parang nagbago na ang isip niya. Wala ng dahilan pa para sabihin niya sa lalaki ang tungkol sa katotohanan lalo na at mukha namang nakalimutan na nito ang nangyari sa kanilang dalawa. Napapikit siya ng mariin at ilang beses na napahugot ng malalim na buntong hininga dahil sa pagod niya. Idagdag pa na mu
NANGINGINIG ang mga kamay ni Kenna habang nakatingin sa kanyang cellphone. May mga larawang isinend sa kaniya ang kanyang boss na si Nathan Montefalco. Na add friend na siya nito sa kanyang social media account kung saan ay kaagad niya namang inaccept. Nag-aalala na siya para sa anak niya ngunit ng makita niya ang mga larawan na isinend nito sa kaniya ay halo-halong emosyon ang naramdaman niya.Nakangiti si Cassandra sa mga picture kung saan ay halata ang saya sa mukha nito. Hindi lang basta ngiti ang nakapaskil sa labi ng kanyang anak kundi abot ito hanggang sa mga mata na hindi niya pa nakita kahit na minsan kahit na palagi niyang nakikitang nakangiti ang anak niya.Bigla siyang napatakip sa kanyang bibig habang iniisa-isa ang mga pictures. Sa sumunod na sandali ay tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Ilang oras pa lang silang magkasama ng lalaki ngunit mukhang komportableng komportable na ang anak niya kasama ito. Magkakahalong emosyon ang naramdaman niya ng mga oras na iyon,







