Se connecterYUMUKO ang lahat ng mga staff ng marinig nila angs inabi ng isang manager na papasok na daw ang owner ng hotel. Wala ni isa ang nagtangkang magtaas ng ulo kahit sino sa takot. “Mommy!” halos mapalundag sa gulat si Kenna ng marinig ang boses ng kanyang anak.
Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay nakita niya itong buhat-buhat ng lalaking… hindi alam ni Kenna ang gagawin niya ng makita niya ang mukha ng lalaki. Yes, alam niya na ito na ang owner ng hotel pero nang makita niya ang mukha nito ay isang tao ang kaagad na pumasok sa isip niya— ang lalaking iyon na naging dahilan ng pagkabuntis niya.
Halos manuyo ang lalamunan niya ng wala sa oras. Parang hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Puno ng liwanag ang mukha ng kanyang anak at bakas doon ang labis na kasiyahan. “Mommy, I found Daddy!” muling sabi nito na mas lalo niyang ikinagulat dahilan para tuluyan siyang mahimasmasan.
Mabilis siyang lumapit kung nasaan ang mga ito at puno ng paghingi ng paumunhin sa lalaki. “Sir, I am really sorry.” sabi niya at binuhat si Cassandra na mula sa bisig nito ngunit ang anak niya ay yumakap sa leeg ng lalaki at ayaw nitong humiwalay.
“Cassandra!” nagtitimping saway niya sa anak ngunit sa halip ay humilig pa ito sa balikat ng lalaki. Gusto niya na lang lamunin ng lupa ng mga oras na iyon dahil sa labis na kahihiyan.
“Anak you need to—”
“It’s okay, let her be.” putol sa kaniya ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. “Hindi naman siya ganun kabigat so I can manage.” dagdag pa nitong sabi at nilingon ay pinakamataas sa hotel ng mga oras na iyon. “We can talk while inililibot mo ako sa buong hotel.” sabi nito rito.
“Ah yes sir.” gulat na sagot naman nito bago tuluyang iginiya ang lalaki palayo.
Nakasunod lang siya ng tingin sa papalayong pigura ng lalaki habang karga si Cassandra. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang lalaking nakaniig niya pagkatapos ng isang gabi, siya ang ama ni Cassandra at hindi niya akalain na ito pala ang owner ng hotel na iyon na si Nathan Montefalco!
Shit, paano kung malaman nito ang totoo? Pero mukhang hindi naman siya nito natatandaan lalo na at walang ekspresyon ang mukha nito ng makita siya.
Pero… muli siyang napalingon sa anak niyang karga karga nito, kitang-kita ang saya na ni minsan ay hindi niya pa nakita. Biglang sumikip ang dibdib niya ng wala sa oras.
~~~~~
PAGKATAPOS maikot ni Nathan ang buong hotel ay pumunta siya sa opisina. Doon ay inutusan niya muna ang kanyang assistant na samahan maglaro ang batang si Cassandra. Masasabi niya na mabait ito at bubbly. Hindi niya pa rin makalimutan ang galit na mukha ng ina nito ng ayaw nitong sumama rito kanina.
Hindi niya akalain na mas pipiliin nitong samahan siya kaysa ang ina nito. Ilang sandali pa ay nahila na siya mula sa kanyang pag-iisip ng isang katok mula sa pinto ang kanyang narinig.
“Come in.” sabi niya at tuluyang pumasok ang babae, ang ina ng bata.
Kung titingnan ay mukha pa itong bata. Kung siya ang tatanungin ay nasa late twenties pa lang siguro ito o baka wala pa pero hindi niya ini-expect na magkakaroon na ito kaagad ng anak na kasing laki ni Cassandra. Hindi naman sa hinuhusgahan niya ito pero parang napaka weird lang diba?
“Pasensya na po talaga kayo sa nangyari kanina sir. Ipinapangako ko po sa inyo na hinding hindi na po iyon mauulit.” puno ng paghingi ng paumanhin na sabi nito sa kaniya.
Huminga lang siya ng malalim at napasandal sa kanyang kinauupuan. “Don’t worry, your daughter is adorable and I like her.” sabi niya rito.
Kitang-kita niya kung paano ito natigilan ngunit nanatili pa rin ang kalmado nitong ekspresyon. “She even invited me to go to her school.” muli niya pang sabi.
“I am sorry for that sir, you don’t have to. Medyo, medyo sabik lang talaga siya sa pagmamahal ng isang ama kaya ganun, pero ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya.” sabi ni Kenna na malamig ang mga mata. Hindi niya akalain na ginawa iyon ng anak niya. Nakakahiya talaga. Ito pa naman ang unang beses na nagpunta dito ang lalaki pero ito ang sumalubong sa kaniya.
“No, I am going. I promise her that I will go. I can’t bear to break her little heart.” muling sagot nito sa kaniya. Pero kung gagawin nito iyon, paano kung umasa ang anak niya? Ayaw niyang mas masaktan pa ito lalo na at sabik ito sa pagmamahal ng isang ama.
“I have an offer to make.” bigla nitong sabi na ikina angat ng kanyang ulo. Nang magtama ang kanilang mga mata ay bumilis ng wala sa oras ang pagtibok ng kanyang puso. Ang mga alaala noong gabing iyon ay biglang nagbalik sa kaniya. It was her first, yes, he was the one who took her innocence at noong gabing iyon, she was drunk, totally drunk na halos hindi na niya alam pa ang ginawa niya pero may isang bagay siyang naaalala, ang mukha nito.
Hindi siya sumagot at nakatingin lang dito. “Since your daughter seems to like me as her father, why don’t we have an arrangement instead? Be my wife and I’ll be her father for a while.” sabi nito sa kaniya na ikinakuyom ng mga kamay niya.
“Don’t worry, may pipirmahan tayong kontrata at isa pa. Pareho tayong may mahihita sa kasal na mangyayari sa pagitan natin. Hindi mo ba nakita kung gaano kasaya ang anak mo na tawagin niya akong Daddy?”
Nagtagis ang kanyang mga bagang. Ginagamit nito si Cassandra para mapapayag siya nito. Pero bakit siya pa sa dami ng pwedeng babae na pakasalan nito?
“Why me?” hindi niya napigilang hindi mapabulalas.
Ngumiti ito sa kaniya. “Why you? I don’t know. My guts is telling me to offer you that since I needed a wife that much.” nagkibit balikat pa ito. “So, what do you think? Will you be my wife?”
Wife? Or a fake wife? Hindi ba at iyon ang dapat ang tanong nito sa kaniya?
“Hmm?” muling untag nito sa kaniya. “Pag-isipan mong mabuti, this is not for you but for your daughter.” muli pang sabi nito. What a heartless jerk! Ginagamit nito ang anak niya para lang mapapayag siya sa gusto nito.
…
ALAM ni Zade kung gaano kadelikado ang taong kalaban nila kaya hindi siya nagdalawang isip na humingi ng tulong sa ama ni Cassandra ng hindi nito alam dahil baka magalit lang ito sa kaniya. Ang kaligtasan nito ang nakataya doon kaya wala siyang balak na hindi ito seryosohin.“Huwag kang mag-alala, akong bahala. Hindi ko hahayang masaktan ang anak ko.” paniniyak ng ama nito. Maging ang kapatid ni Cassandra na si Damien ay siniguro din sa kaniya na wala siyang dapat ipag-alala at mag-focus lang sa karera nila.NAGING mabilis ang pagkilos ng mga tauhan ni Nathan. Kaagad nilang natagpuan ang mga taong nagbanta sa anak niya at syempre, hidni siya nagdalawang isip na ipakulong ang mga ito.Kung gusto nilang saktan ang anak niya ay kailangan muna nilang dumaan sa kaniya.DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang Championship ay ginanap sa Blackwood Academy, isa rin ito sa mga pinaka prehistiryosong academy sa bansa at doon din sila nag-training ni Zade nitong mga nakaraang araw.Katul
HINDI mapakali si Zade buong gabi.Paulit-ulit niyang tinitingnan ang simbolong nakatatak sa likod ng sobre. Isang itim na kabayo na may mapupulang mata.Akala niya ay hindi na niya iyon makikita pang muli. Mahigpit niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Unti-unting bumalik sa alaala niya ang mga pangyayaring halos sumira sa buhay ni Cassandra.Ang pekeng drug test. Ang pagkawala ng mahahalagang ebidensya.Ang biglaang pag-atras ng mga testigo.At ang mga taong tila naglaho na parang bula pagkatapos mangyari ang lahat.Noon pa man ay alam niyang hindi iyon simpleng sabwatan.May mas malaking taong nasa likod ng lahat. At ngayong bumalik ang simbolong iyon. Ang akala niya ay ang kaniyang ama lang ang nasa likod ng lahat ng iyon pero hindi pala. Nagkamli siya at ngayon, pati si Cassandra ay damay na.Ibig sabihin hindi pa tapos ang laban.Samantala...Tahimik na nakaupo si Cassandra sa veranda ng kanyang bahay.Nasa kanyang kandungan ang liham na ilang ulit na niyang binasa."Hindi pa ta
DALAWANG araw ang lumipas.Dalawang araw na paulit-ulit na pinag-isipan ni Cassandra ang imbitasyong ipinadala ng International Equestrian Federation.Hindi pa rin niya ito sinasagutan. Sa halip ay ibinuhos niya ang lahat ng oras niya sa Montefalco Horse Sanctuary. Katulad ng nakasanayan, maaga siyang nagising upang alagaan ang mga kabayo.Tahimik niyang nilinis ang sugat ng isang dating racehorse na iniligtas niya ilang buwan na ang nakararaan. "Konting tiis pa. Malapit ka nang gumaling."Marahang humuni ang kabayo. Napangiti siya. Hindi niya namalayang may nakatingin pala sa kanya mula sa may gate."Mas lalo kang gumagaling sa pag-aalaga."Napalingon siya.Si Zade.May dala itong isang maliit na paper bag.Napabuntong-hininga siya."Hindi ka ba nagsasawang pumunta rito?"Bahagyang ngumiti ang binata."Hindi."Iniabot nito ang paper bag."Ano 'to?""Bread.""Nagluto si Lola.""Sabi niya pumapayat ka raw."Napailing si Cassandra habang natatawa."Hindi naman.""Talaga?""Tingnan mo ng
MABIGAT ang katahimikan sa buong Montefalco Horse Sanctuary.Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis ang mga opisyal ng International Equestrian Federation, ngunit nanatili pa ring nakaupo si Cassandra sa veranda. Nasa kandungan pa rin niya ang maliit na kahong naglalaman ng kanyang National Champion Pin.Paulit-ulit niya iyong binubuksan.Paulit-ulit ding isinasara.Parang hindi pa rin siya makapaniwala na matapos ang halos isang taon ay muli niya itong nahahawakan.Marahan niyang hinaplos ang gintong insignia.Kasabay niyon ang pagbalik ng napakaraming alaala.Ang unang araw niya sa Equestrian Academy. Ang unang medalya. Ang unang pagkapanalo. Ang unang pagkakataong niyakap siya ng kanyang lolo habang umiiyak ito sa sobrang saya."Alam kong kaya mo, apo. Hindi ka ipinanganak para sumuko."Napapikit si Cassandra. Muling bumigat ang kanyang dibdib.Kung buhay lamang sana ang kanyang lolo...Marahil ay ito ang pinakamasayang araw para rito."Ate Cassandra?"Napamulat siya. Nakatayo
KINABUKASAN hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay gising na si Cassandra.Katulad ng kanyang nakagawian, tahimik siyang naglakad palabas ng bahay habang tangan ang isang timba ng pagkain para sa kanyang mga kabayo. Mahinahon niyang isa-isang pinakain ang mga ito."Good morning, Atlas.""Good morning, Bella."Ngumiti siya nang lumapit si Ellie at marahang isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat.Napatawa siya. "Selosa ka talaga."Marahan niyang hinimas ang noo nito. "Don't worry. Ikaw pa rin ang favorite ko."Mahinang humuni ang kabayo na tila ba naiintindihan ang bawat salitang sinasabi niya. Ilang sandali pa'y dumating si Mang Ernesto, ang matagal nang tumutulong sa kanya sa sanctuary simula ng dumating siya."Ma'am Cassandra. Luto na po ang almusal."Ngumiti siya. "Salamat po, Mang Ernesto."Ngunit bago pa siya makalakad papasok ng bahay ay may narinig silang busina mula sa labas ng gate.Napatingin silang lahat.Isang puting van ang dahan-dahang huminto.May logo iyon ng In
Maagang-maaga pa lamang ay tila ibang klaseng sigla na ang bumalot sa buong Montefalco Horse Sanctuary. Yes, binigyan na niya nga pangalan ang kaniyang rancho.Isa-isang inilabas ni Cassandra ang mga kabayo mula sa kani-kanilang kulungan habang sinasalubong ng malamig na simoy ng hangin ang kanyang mukha."Good morning, Atlas."Mahinahon niyang hinaplos ang noo ng isa sa mga kabayong dati niyang nailigtas mula sa isang ilegal na karera.Noon, kahit makita lamang nito ang tao ay agad na itong nanginginig sa takot.Ngayon...Ito na mismo ang kusang lumalapit sa kanya.Napangiti si Cassandra."Ang layo na ng narating mo."Parang naisip niyang ganoon din ang nangyari sa kanya.Dati, akala niya ay hindi na siya muling makakahawak ng reins.Hindi na muling sasakay.Hindi na muling mangangarap.Ngunit kahapon...Isang simpleng pagtalon lamang ang nagpatunay na may natitira pa pala sa dating Cassandra Montefalco.Hindi pa tuluyang nawawala ang rider sa loob niya.Habang inilalagay niya ang pa
NI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hil
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Kenna at sinalubong ang mga mata nito bago tuluyang sumagot. “I’m sorry sir pero hindi ko matatanggap ang offer niyo. Why not try to find another woman? Yung handang makipagkasundo sa inyo.” suhestiyon niya. Ayaw niyang itaya ang puso ng anak niya.
SEVEN YEARS LATERNapa buntong hininga si Kenna. Kauuwi niya lang galing sa hotel kung saan siya nagtatrabaho. Nagbihis siya sandali bago tuluyang sinulyapan ang kanyang suot na relo. Alas kwatro na ng hapon, tiyak na kanina pa naghihintay ang anak niya sa kaniya.Sumakay siya sa kanyang kotse at n
‘Pak!’ isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kenna. Napayuko siya at walang magawa kundi ang tiisin ang sakit na dulot nito.Nahuli siya ng kanyang ina na hawak ang isang pregnancy test kung saan ay positive ito, at oo, buntis siya. Buntis siya pero hindi niya kilala ang ama ng dinadala







