Share

THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY
THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY
Author: eleb_heart

Prologue

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-05-21 18:30:56

‘Pak!’ isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Kenna. Napayuko siya at walang magawa kundi ang tiisin ang sakit na dulot nito.

Nahuli siya ng kanyang ina na hawak ang isang pregnancy test kung saan ay positive ito, at oo, buntis siya. Buntis siya pero hindi niya kilala ang ama ng dinadala niya.

“Anong klaseng babae ka para magpabuntis ha?! Alam mo ba kung anong kahihiyan ang naghihintay para sa pamilya natin lalong-lalo na sa akin?!” galit na galit na sigaw sa kaniya ng kanyang ina.

“Alam mo ba Kenna?!” hindi siya makaimik o ni hindi niya magawang salubungin ang mga titig nito dahil maging siya ay hindi kayang sagutin ang tanong nito.

Gulong-gulo ang isip niya noong gabing iyon. Ni hindi niya alam na pumayag siyang makipagsiping sa lalaking iyon. Kaya lang naman niya nagawa iyon dahil sa sama ng loob niya. Kung sana ay hindi nito palaging kinakampihan ang mga step sister niya e di sana ay hindi siya nag lasing at hindi siya nabuntis.

“Ginawa ko naman ang lahat, ibinigay ko sayo ang lahat pero bakit? Bakit mo ginawa ito?” halos mawalan ng boses ang kanyang ina. 

Bakit? Bakit niya nagawa iyon?

Dahan dahang gumalaw ang kanyang ulo at tumingin dito. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sa ilang taon niyang pananahimik at pagkikimkim ng sama ng loob niya para sa ina, sa mga oras na iyon ay hindi na niya kaya pang pigilan ang lahat ng iyon. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya.

“Bakit ‘Ma? Tinatanong niyo ako kung bakit?” puno ng pait na tanong niya rito. Pakiramdam niya ay parang may nakabara sa lalamunan niya ng mga oras na iyon. Parang may sumasakal sa kaniya.

“Bakit? Dahil sa inyo. Dahil palagi na lang sila ang kinakampihan niyo kahit alam niyong sila ang mali. Dahil palaging—” ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay isang sampal ang muling dumapo sa pisngi niya.

Halos mapangiwi siya sa sakit. Ngunit walang mas sasakit sa nararamdaman niya sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. 

“Anong karapatan mo para sabihin yan sa akin?!” halos manginig sa galit ang kanyang ina. “Alam mo naman na ang Tito mo ang bumubuhay sa atin diba? Siya ang nagpapaaral sayo kaya tama lang na—”

“Na ano Ma? Na maging alila ako dito sa bahay na ito? Na ako ang palaging mali kahit na sila naman talaga?” putol niya sa sinasabi nito. Sa mga oras na iyon ay tuluyan ng tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya napigilan pa ang kanyang emosyon at tuluyan itong rumagasa.

Kitang kita niya kung paano ito natigilan ngunit sandali lang iyon ngunit kahit na ganun ay nagpatuloy pa rin siya. “Alam niyo ba kung anong nararamdaman ko sa tuwing sila ang kinakampihan niyo? Alam niyo ba kung anong sakit ang nararamdaman ko?” puno ng hinanakit na tanong niya rito habang hilam ng luha ang kanyang mga mata.

Nagtagis lang ang mga bagang nito at malamig ang mga matang nakatingin sa kaniya na para bang walang pakialam sa kung anong sinasabi niya. Napahikbi siya. Mas lalo pang sumikip ang dibdib niya dahil dito. Parang walang pakialam ang kanyang ina at higit sa lahat ay parang hindi siya nito anak.

“Bakit parang mas anak pa ang turing mo sa kanila Ma? E ako yung tunay mong anak.” sabi niya habang itinuturo ang sarili niya.

“Ako ang anak mo, hindi sila diba? Pero bakit?” halos bulong na lang iyon. 

Tumayo ito sa kinauupuan. “Lumayas ka ngayon din. Tiyak na kapag nalaman ni Tito mo na buntis ka ay magagalit lang siya sa akin kaya mas maganda na lang kung lumayas ka.” 

Napuno ng sakit ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. Paano siya lalayas? Saan siya pupunta? Isa lang siyang twenty years old at third year college student. So saan siya pupunta kung palalayasin siya nito?

“Ma, saan ako pupunta? Bakit mo ako kailangang palayasin? Alam niyo naman na—”

“Wala akong pakialam!” sigaw nito sa kaniya habang pinanlalakihan siya ng mga mata. “Alam mo pala na wala kang mapupuntahan pero nagpabuntis ka! Kung hindi ka naman talaga gaga! Nag-aaral ka pero hindi mo ginagamit ang utak mo.” puno ng poot na sabi nito sa kaniya.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kenna ng marinig ang mga salitang iyon galing sa kanyang sariling ina. Hindi niya na matandaan pa kung kailan siya nito kinausap na parang noong bata pa siya, noong sila lang dalawa. Ibang iba na ito.

Nagpunas siya ng kanyang mga mata at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Walang imik na umalis sa harap ng ina at pumunta sa silid na halos maging isang bodega na. Halos mapadausdos siya paupo sa sahig hanggang sa muling napahikbi. Wala siyang pagpipilian kundi ang umalis na lang sa bahay na iyon lalo na at mukha rin namang impyerno ang bahay na iyon para sa kaniya.

Tama, mas mainam na umalis na lang siya. Baka sabihin lang sa kaniya ng kanyang stepfather na ipalaglag niya ang anak niya at hindi niya iyon hahayaang mangyari.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 94

    NANG matapos maligo si Kenna ay bumalik siya sa silid ni Cassandra. Tatabihan niya muna ito sa pagtulog. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang itinulak ang pinto. Malamlam na ilaw ang bumungad sa kaniya at sa kama ay nakita niya si Cassandra at si…Nag-iwas siya ng tingin. Aatras na sana siya at lalabas ngunit bigla na lang niyang narinig ang tinig ng anak niya. “Mommy…”Natigil siya. “Come here, tabi tayong tatlo please…” may pagsusumamong sambit ng anak niya kaya napuno ng pagdadalawang isip si Kenna noong mga oras na iyon. Sa kama kasi ay naroon si Nathan, nakahiga sa tabi ni Cassandra. Iniwasan niya ito ng isang buong linggo pagkatapos ngayon ay tatabihan niya lang ito?Nagtalo pa ang isip at puso niya ng mga oras na iyon, kung papayag ba siya sa gutso ng anak niya o hindi ngunit sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang maglakad patungo sa kama at humga sa kabilang side ng lalaki. “Mommy, yakap mo po ako please…” pakiusap ulit ni Cassandra sa kaniya na wala na

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 93

    ISANG linggo na ang mabilis na lumpas sa buhay ni Kenna at Nathan simula noong gabing iyon. Napakalaking pagbabago ang nangyari sa pagitannilang dalawa dahil simula noong gabing iyon ay tuluyan ng iniwasan ni Kenna ang lalaki. Pinanatili niya ang distansya sa pagitan nilang dalawa pero gabi-gabi ay umiiyak siya dahil sobra pa rin siyang nasasaktan.Alam niyang halata na ng lalaki ang pag-iwas niya ngunit hindi siya nito sinubukang kausapin man lang kaya mas lalo lang tumindi ang pagsisising nararamdaman niya. Sa kumpanya ay ginagampanan niya pa rin naman ang trabaho niya bilang sekretarya nito.Ewan niya ba pero parang maging ito ay ilag sa kaniya. “Ma’am nilalagnat po si Cassandra.” bungad ni Nadia sa kaniya pagdating na pagdating niya.“Nilalagnat?” tanong niya na may halong pag-aalala at bago pa man siya nito masagot ay kaagad na siyang tumakbo patungo sa silid ni Cassandra. Naabutan niya itong nakahiga sa kama at nang maramdaman nitong bumukas ang pinto ay dahan-dahan itong nagmu

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 92

    NAKITA niya kung paano natigilan si Nathan ng mga oras na iyon dahil sa tanong niya. Kitang-kita niya rin ang kaguluhan sa mga mata nito na para bang nalilito ito.“Kenna! Nathan!” napalingon sila sa pinagmulan ng boses at doon ay nakita nila si Via na humahangos patungo sa kanila. “Ano bang ginagawa niyo ritong dalawa? Kanina pa kayo hinahanap ni DAd, mag-uumpisa na ang party wala pa kayo doon.” nagpalipat-lipat sa kanila ang tingin nito.Nang walang nagsalita sa kanilang dalawa ni Nathan ay nagsalubong ang mga kilay nito. “May problema ba?” tanong nito sa kanilang dalawa ni Nathan dahilan para mapasulyap siya sa lalaki ngunit ito ay naging madilim lang ang mukha at ni hindi siya sinulyapan. Sa halip ay tinalikuran sila nito at nauna ng umalis.Nang mga sandaling iyon ay wala siyang nagawa kundi ang sundan na lang ang papalayong pigura nito. Gusto niyang matawa sa sarili niya. Bakit niya ba naman naisip na nagseselos ito kay Ethan? Parang gusto niya na lang lumubog sa matinding kahih

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 91

    ANG mga mata ni Ethan ay napuno ng sakit habang nakatingin sa kaniya. “Why not?” puno ng lungkot ang boses nito. “Ala kong minahal mo ako noon.”Noon iyon. Usal niya sa loob ng isip niya. Iba na ang sitwasyon ngayon.“O dahil mahal mo na siya?” mahina ngunit bakas sa mukha nito ang sakit ng mga oras na iyon. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang ganuong emosyon sa mukha ni Ethan.Halos matagal din silang naging magkarelasyon at masasabi niyang matino naman ito ngunit ngayon niya lang ito nakitang nagpakita ng ganitong lungkot. Hindi niya nakayang salubungin ang mga mata nito kaya nag-iwas siya ng kanyang tingin dito.Ibinuka niya ang kanyang bibig para sana i-deny ang sinasabi nito ngunit walang salita ang gustong lumabas sa kanyang mga labi. “So it was a yes, I think?” napatawa ito at pagkatapos ay napailing.Nang lingunin niya ito ay nakita niya itong nakatingala sa kalangitan. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at hindi niya maiwasang hindi ma-guilty sa totoo lang pero anong m

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 90

    KATULAD noong una ay kinuhanan siya ni Nathan ng mag-aayos sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang bumaba dahil alam niyang naghihintay na ito sa kaniya sa baba. Malakas ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon dahil kinakabahan pa rin siya sa totoo lang.Nang marinig nito ang tunog ng sapatos niya ay kaagad itong lumingon sa kaniya. Ang mga mata nito ay kaagad na nagliwanag. Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya.Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kaniya at bigla na lang nitong itinaas ang kamay nito. Hindi siya gumalaw ng ilang segundo bago tuluyang tinanggap ang kamay nito ngunit bago sila maglakad ay bigla na lang itong lumapit sa kaniya at bumulong. “You look stunning, wife…”Namula siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya akalain na kahit na sila na lang palang dalawa ay tatawagin pa rin siya nitong wife. Nakakasanayan na siya nitong tawagin ng ganun pero hindi niya al

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 89

    IWAS na iwas si Kenna kay Nathan nitong mga nakaraang araw ngunit dahil nga palagi naman silang magkasama sa kumpanya ay hindi niya pa rin ito maiwasan. Ang ginagawa na lang niya ay hindi siya pumapayag na maiwan sila sa iisang silid na silang dalawa na lang dahil baka kung ano na naman ang gawin nito. Natatakot siya sa sarili niya na baka hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon e bigla na lang niyang mayakap ito at aminin na gusto niya ito. Isang linggo na ang nakakalipas noong matapos ang preparasyon nila para sa clothing brand ni NAthan at masasabi niyang napakabilis ng progress at sa mga oras na iyon ay sama-sama na naman sila sa meeting para sa company anniversary.“Kayo na ang bahala sa mga kailangang gawin mula venue hanggang sa mga pagkain. Maging sa mga pag-distribute ng mga invitations ay gusto kong kayo na rin ang gumawa. Ayoko namang ma-stress pa ang secretary ko para sa mga bagay na yan. Right wife?”Halos mapaubo si Kenna nang marinig niya ang sinabi ni Nathan. Dali-d

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 6

    NI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hil

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 5

    ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Kenna at sinalubong ang mga mata nito bago tuluyang sumagot. “I’m sorry sir pero hindi ko matatanggap ang offer niyo. Why not try to find another woman? Yung handang makipagkasundo sa inyo.” suhestiyon niya. Ayaw niyang itaya ang puso ng anak niya.

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 4

    YUMUKO ang lahat ng mga staff ng marinig nila angs inabi ng isang manager na papasok na daw ang owner ng hotel. Wala ni isa ang nagtangkang magtaas ng ulo kahit sino sa takot. “Mommy!” halos mapalundag sa gulat si Kenna ng marinig ang boses ng kanyang anak.Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay nak

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 3

    “Dito ka lang, okay? Huwag kang lalayo. Hahanapin kita mamaya kapag may free time na ako.” bilin niya rito. Tumango naman ito kaagad sa kaniya. Bukod doon ay iniwanan niya ito ng mga pagkain para hindi naman ito magutom.Muli niya itong hinalikan sa noo bago tuluyang umalis dahil kailangan na niyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status