Partager

Chapter 5

Auteur: eleb_heart
last update Date de publication: 2026-05-25 11:44:35

ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Kenna at sinalubong ang mga mata nito bago tuluyang sumagot. “I’m sorry sir pero hindi ko matatanggap ang offer niyo. Why not try to find another woman? Yung handang makipagkasundo sa inyo.” suhestiyon niya. Ayaw niyang itaya ang puso ng anak niya.

Ayaw niyang umasa ito sa pansamantalang atensyon at pagmamahal na hindi naman totoo. Oo, gusto niyang maging masaya ang anak niya pero nasisiguro niya na kapag napamahal na ito sa lalaki at kailangan na sila nitong iwan ay ang anak niya lang din ang mahihirapan. 

Ngumiti ito sa kaniya at nagkibit balikat. “Bibigyan muna kita ang oras para mag-isip Miss Samonte. Hindi naman ako nag-aapura.” sabi nito sa kaniya.

Bakit ba hindi na lang ito sumuko? Bakit siya pa talaga? Napakarami namang pwede nitong maging asawa lalo na at gwapo naman ito, bukod pa doon ay napakayaman nito kaya tiyak na hindi ito mahihirapang maghanap kung sakaling kailangan talaga nito ng mapapangasawa. Bakit hindi na lang ito magbayad ng babae diba?

Ganun ba iyon kahirap gawin? 

“I will not accept your answer right now.” sabi nitong muli bago pa niya maibuka ang kanyang bibig para muling sumagot.

“You can go now.” 

Wala na siyang nagawa kundi ang tumalikod at lumabas ng opisina ng lalaki. Napahawak siya sa kanyang dibdib pagkasara niya ng pinto at ilang beses na nagpakawala ng malalalim na buntong hininga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na muling nag-krus ang landas nila ng lalaki na hindi siya nakilala.

Pero ayos na rin iyon sa kaniya. Wala naman siyang problema doon, pero ang iniisip niya ay ang anak niya. Kaagad niya itong hinanap at nakita niya ito sa playground. “Anak, pwede ba tayong mag-usap?” mahinahon niyang tanong sa kanyang anak. Tumango naman ito kaagad kaya hinila niya ito patungo sa gilid.

Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang anak niya tungkol sa lalaki. Hindi naman niya ito pwedeng pagalitan. “Anak, bakit mo naman ginawa yun? Alam mo ba kung sino ang lalaking iyon? Siya ang may-ari ng hotel na ito.” 

Sa halip ay mas nagliwanag pa ang mga mata ng anak niya. “Talaga Mommy? E di mayaman pala ang Daddy ko?” tanong nito sa kaniya.

“Anak, huwag mo siyang tawaging Daddy. Nakakahiya!” saway niya sa anak niya. “Huwag kang mag-alala, kung gusto mo talaga ng bagong Daddy, sige. Maghahanap ako para syao pero huwag naman yung boss ko okay? Hindi mo siya pwedeng tawaging Daddy anak ng basta-basta okay? Paano kung…” bigla siyang tumigil sa pagsasalita ng bigla na lang itong napalabi.

Nag-umpisang mamula ang mga mata nito. “Pero Mommy, siya ang gusto kong maging Daddy.” nag-umpisa na itong umiyak.

“Anak, anak… listen to me, okay?” pilit niyang pinapatahan ito ngunit mas lalo lang itong umiyak.

“No Mommy! No! Ayaw ko ng iba!” biglang sigaw ng kanyang anak sa kaniya na labis niyang ikinagulat dahil ito ang unang pagkakataon na sinigawan siya nito. 

Ilang sandali pa ay bigla na lang itong tumayo at tumakbo palabas na kaagad niya namang hinabol. “Cassandra! Wait!” sigaw niya rito ngunit nagpatuloy lang ito sa pagtakbo.

“Cassandra!” 

Tumakbo ito patungo sa lobby ng hotel kung saan ay naroon ang lalaki at paalis na. Humabol si Cassandra dito at hinawakan ang kamay nito. “Daddy!” sabi nito sa lalaki.

Tumigil naman sa paglalakad ang lalaki at ibinaba ang cellphone na nasa tenga nito pagkatapos ay lumingon sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa anak niya. Kitang-kita niya kung paano ito umupo sa harap ng anak at pinunasan ang pisngi nitong puno ng luha. 

Tumakbo siya palapit dito para kuhanin si Cassandra ngunit nagtago sa likod ng lalaki ang anak niya. “Cassandra! Come here!” 

Hindi natinag ang kanyang anak. Sa halip ay tumingala sa lalaki. “Daddy, pwede po ba akong sumama sa inyo?” nagsusumamong tanong nito.

“Cassandra!” saway niya sa kanyang anak at tumingin sa lalaki. “Sir, I-I am sorry for her behaviour. Hindi na po talaga ito mauulit ipinapangako—”

“Sure.” sagot ng lalaki na para bang hindi nito narinig ang sinabi niya. Tumayo ito at hinawakan ang kamay ni Cassandra bago muling ibinalik ang tingin sa kaniya. “Ihahatid ko na lang siya mamaya sa bahay niyo, just give me your address.” sabi nito at inabot sa kaniya ang cellphone nito.

Hindi siya makapaniwalang napatitig sa kanyang anak at sa lalaki. Paanong napapayag ito ng anak niya ng ganun kadali? O ginagawa nito iyon para siya ang mapapayag nito sa gusto nito? 

Napakuyom ang kanyang mga kamay ngunit sa itsura ng anak niya ay hindi talaga ito sasama sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang cellphone na inaabot nito at i-save ang kanyang number rito bago niya ibinalik sa lalaki ang cellphone.

Bahagya itong ngumiti sa kaniya. “Ako ng bahala sa kaniya, don’t worry.” pagkasabi lang nito iyon ay tumalikod na ito at umalis habang nakahawak sa maliit na kamay ng anak niya  na para bang tunay silang mag-ama.

Naging malamig ang mga mata niya habang sinusundan ng tingin ang mga ito. Paano nangyari ang lahat ng ito?

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 49

    ALAM ni Zade kung gaano kadelikado ang taong kalaban nila kaya hindi siya nagdalawang isip na humingi ng tulong sa ama ni Cassandra ng hindi nito alam dahil baka magalit lang ito sa kaniya. Ang kaligtasan nito ang nakataya doon kaya wala siyang balak na hindi ito seryosohin.“Huwag kang mag-alala, akong bahala. Hindi ko hahayang masaktan ang anak ko.” paniniyak ng ama nito. Maging ang kapatid ni Cassandra na si Damien ay siniguro din sa kaniya na wala siyang dapat ipag-alala at mag-focus lang sa karera nila.NAGING mabilis ang pagkilos ng mga tauhan ni Nathan. Kaagad nilang natagpuan ang mga taong nagbanta sa anak niya at syempre, hidni siya nagdalawang isip na ipakulong ang mga ito.Kung gusto nilang saktan ang anak niya ay kailangan muna nilang dumaan sa kaniya.DUMATING ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang Championship ay ginanap sa Blackwood Academy, isa rin ito sa mga pinaka prehistiryosong academy sa bansa at doon din sila nag-training ni Zade nitong mga nakaraang araw.Katul

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 48

    HINDI mapakali si Zade buong gabi.Paulit-ulit niyang tinitingnan ang simbolong nakatatak sa likod ng sobre. Isang itim na kabayo na may mapupulang mata.Akala niya ay hindi na niya iyon makikita pang muli. Mahigpit niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Unti-unting bumalik sa alaala niya ang mga pangyayaring halos sumira sa buhay ni Cassandra.Ang pekeng drug test. Ang pagkawala ng mahahalagang ebidensya.Ang biglaang pag-atras ng mga testigo.At ang mga taong tila naglaho na parang bula pagkatapos mangyari ang lahat.Noon pa man ay alam niyang hindi iyon simpleng sabwatan.May mas malaking taong nasa likod ng lahat. At ngayong bumalik ang simbolong iyon. Ang akala niya ay ang kaniyang ama lang ang nasa likod ng lahat ng iyon pero hindi pala. Nagkamli siya at ngayon, pati si Cassandra ay damay na.Ibig sabihin hindi pa tapos ang laban.Samantala...Tahimik na nakaupo si Cassandra sa veranda ng kanyang bahay.Nasa kanyang kandungan ang liham na ilang ulit na niyang binasa."Hindi pa ta

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 47

    DALAWANG araw ang lumipas.Dalawang araw na paulit-ulit na pinag-isipan ni Cassandra ang imbitasyong ipinadala ng International Equestrian Federation.Hindi pa rin niya ito sinasagutan. Sa halip ay ibinuhos niya ang lahat ng oras niya sa Montefalco Horse Sanctuary. Katulad ng nakasanayan, maaga siyang nagising upang alagaan ang mga kabayo.Tahimik niyang nilinis ang sugat ng isang dating racehorse na iniligtas niya ilang buwan na ang nakararaan. "Konting tiis pa. Malapit ka nang gumaling."Marahang humuni ang kabayo. Napangiti siya. Hindi niya namalayang may nakatingin pala sa kanya mula sa may gate."Mas lalo kang gumagaling sa pag-aalaga."Napalingon siya.Si Zade.May dala itong isang maliit na paper bag.Napabuntong-hininga siya."Hindi ka ba nagsasawang pumunta rito?"Bahagyang ngumiti ang binata."Hindi."Iniabot nito ang paper bag."Ano 'to?""Bread.""Nagluto si Lola.""Sabi niya pumapayat ka raw."Napailing si Cassandra habang natatawa."Hindi naman.""Talaga?""Tingnan mo ng

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 46

    MABIGAT ang katahimikan sa buong Montefalco Horse Sanctuary.Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis ang mga opisyal ng International Equestrian Federation, ngunit nanatili pa ring nakaupo si Cassandra sa veranda. Nasa kandungan pa rin niya ang maliit na kahong naglalaman ng kanyang National Champion Pin.Paulit-ulit niya iyong binubuksan.Paulit-ulit ding isinasara.Parang hindi pa rin siya makapaniwala na matapos ang halos isang taon ay muli niya itong nahahawakan.Marahan niyang hinaplos ang gintong insignia.Kasabay niyon ang pagbalik ng napakaraming alaala.Ang unang araw niya sa Equestrian Academy. Ang unang medalya. Ang unang pagkapanalo. Ang unang pagkakataong niyakap siya ng kanyang lolo habang umiiyak ito sa sobrang saya."Alam kong kaya mo, apo. Hindi ka ipinanganak para sumuko."Napapikit si Cassandra. Muling bumigat ang kanyang dibdib.Kung buhay lamang sana ang kanyang lolo...Marahil ay ito ang pinakamasayang araw para rito."Ate Cassandra?"Napamulat siya. Nakatayo

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 45

    KINABUKASAN hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay gising na si Cassandra.Katulad ng kanyang nakagawian, tahimik siyang naglakad palabas ng bahay habang tangan ang isang timba ng pagkain para sa kanyang mga kabayo. Mahinahon niyang isa-isang pinakain ang mga ito."Good morning, Atlas.""Good morning, Bella."Ngumiti siya nang lumapit si Ellie at marahang isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat.Napatawa siya. "Selosa ka talaga."Marahan niyang hinimas ang noo nito. "Don't worry. Ikaw pa rin ang favorite ko."Mahinang humuni ang kabayo na tila ba naiintindihan ang bawat salitang sinasabi niya. Ilang sandali pa'y dumating si Mang Ernesto, ang matagal nang tumutulong sa kanya sa sanctuary simula ng dumating siya."Ma'am Cassandra. Luto na po ang almusal."Ngumiti siya. "Salamat po, Mang Ernesto."Ngunit bago pa siya makalakad papasok ng bahay ay may narinig silang busina mula sa labas ng gate.Napatingin silang lahat.Isang puting van ang dahan-dahang huminto.May logo iyon ng In

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 44

    Maagang-maaga pa lamang ay tila ibang klaseng sigla na ang bumalot sa buong Montefalco Horse Sanctuary. Yes, binigyan na niya nga pangalan ang kaniyang rancho.Isa-isang inilabas ni Cassandra ang mga kabayo mula sa kani-kanilang kulungan habang sinasalubong ng malamig na simoy ng hangin ang kanyang mukha."Good morning, Atlas."Mahinahon niyang hinaplos ang noo ng isa sa mga kabayong dati niyang nailigtas mula sa isang ilegal na karera.Noon, kahit makita lamang nito ang tao ay agad na itong nanginginig sa takot.Ngayon...Ito na mismo ang kusang lumalapit sa kanya.Napangiti si Cassandra."Ang layo na ng narating mo."Parang naisip niyang ganoon din ang nangyari sa kanya.Dati, akala niya ay hindi na siya muling makakahawak ng reins.Hindi na muling sasakay.Hindi na muling mangangarap.Ngunit kahapon...Isang simpleng pagtalon lamang ang nagpatunay na may natitira pa pala sa dating Cassandra Montefalco.Hindi pa tuluyang nawawala ang rider sa loob niya.Habang inilalagay niya ang pa

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 6

    NI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hil

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 4

    YUMUKO ang lahat ng mga staff ng marinig nila angs inabi ng isang manager na papasok na daw ang owner ng hotel. Wala ni isa ang nagtangkang magtaas ng ulo kahit sino sa takot. “Mommy!” halos mapalundag sa gulat si Kenna ng marinig ang boses ng kanyang anak.Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay nak

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 3

    “Dito ka lang, okay? Huwag kang lalayo. Hahanapin kita mamaya kapag may free time na ako.” bilin niya rito. Tumango naman ito kaagad sa kaniya. Bukod doon ay iniwanan niya ito ng mga pagkain para hindi naman ito magutom.Muli niya itong hinalikan sa noo bago tuluyang umalis dahil kailangan na niyan

  • THE HARD-HEARTED BILLIONAIRE IS MY BABY DADDY   Chapter 2

    MALALIM na ang gabi ngunit nananatiling dilat pa rin ang mga mata ni Kenna. Hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang sinabi ng anak niya kanina. Hindi niya maiwasang hindi mapasulyap sa natutulog na anak. Tumagilid siya at hinaplos ang maliit

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status