LOGINNI hindi humiwalay ang batang babae kay Nathan habang nakasakay sila ng kotse. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kakulit. Talagang ni ayaw nitong sundin ang Mommy nito na ikinangiti niya na lang. Hindi naman siya naiinis dito kahit na wala talaga siyang hilig sa mga bata sa totoo lang. Bukod pa doon ay mainam na rin iyon na mapalapit ito sa kaniya para mapapayag niya ang babaeng iyon sa plano niya.
Kung sakali mang pumayag ito sa gusto nito ay kahit dalawang taon lang siguro silang mananatiling kasal hanggang sa maisalin lang sa kaniya ang kanyang mana. Napatitig siya sa batang nasa tabi niya. Sa totoo lang ay lumaki siyang walang ama.
Buong akala niya noon ay pinsan niya si Olivia pero hindi nagtagal ay lumabas ang totoo dahil hindi niya pala ito pinsan kundi kapatid niya ito. Talagang nagulat siya noong una pero sa huli ay natanggap niya rin naman ang totoo at mas naging maganda ang relasyon nilang pamilya.
Hindi nagtagal ay tuluyan na nga silang tumigil sa mansyon ng mga Montefalco. Hindi siya dito nakatira dahil may sarili siyang bahay. Isa pa, mas prefer niyang tumira sa bahay mag-isa ng walang kasama kundi tanging ang mga kasambahay lang.
Hawak niya ang maliit na kamay ng bata habang naglalakad papasok. Birthday ngayon ng anak ni Olivia pero hindi naman ito naghanda ng marami. Ang sabi kasi nito ay sila-sila lang daw ang pupunta dahil tiyak daw na kapag napa-party siya ay baka hindi daw siya pupunta kaya inirespeto nito ang gusto niya.
Wala naman kasi talaga siyang kahilig-hilig sa mga ganung klase ng bagay, bukod pa doon ay masyado siyang busy. Pagpasok niya sa loob ng main door ay rinig na mula doon ang tawanan mula sa loob. Humigpit ang hawak ng batang babae sa kanyang kamay kung saan ay kaagad niya itong niyuko at nginitian. “Kinakabahan ka?” tanong niya rito na ikinatango nito.
Yumuko siya para buhatin ang bata. “Huwag kang mag-alala little bean, nandito naman si Daddy e.” sabi niya rito saka ito kinindatan. Nagliwanag ang mukha nito at iniyakap ang maliliit na kamay sa leeg niya.
Napalingon ang lahat sa kanila ng marinig ang kanyang pagdating. Si Olivia na may hawak na cupcake ng mga oras na iyon ay biglang nabitawan ito. Iisa lang ang nakarehistro sa mga mukha ng mga ito. Pagkagulat.
“What the hell?” gulat na bulalas ni Via. “Who is that little girl?” naglakad ito palapit sa kanila at nang makita ang mukha ng bata ay napatakip ito sa bibig.
“Is she, is she your daughter?” nanlalaki ang mga mata pa rin nitong tanong.
Ngumiti siya at niyuko si Cassandra. “Say hi to your Tita.” sabi niya sa bata.
Nahihiya itong tumingin kay Via. “hi po Tita.” malambing na sabi nito kung saan ay kaagad naman na lumambot ang ekspresyon ni Via.
“Oh, you are so cute. Halika, come to Tita.” sabi ni Via at kinarga ang bata. Sumama naman ito at pagkatapos ay ipinakilala ito ni Via sa kanyang mga anak na naroon.
Samantala, kaagad siyang hinila ng kanyang ama sa study room at alam na niya kaagad kung ano ang sasabihin nito. “What the hell are you doing Nathan? Sa tingin mo ba ay isa itong malaking biro? Darating ka dito na may bitbit na bata? Anong klaseng kalokohan ito huh? Anong sasabihin ng mga tao kapag nakita nila ang bata?” malamig na tanong nito sa kaniya.
Napa buntong hininga na lang siya. Ito ang nag-utos sa kaniya na maghanap na ng mapapangasawa niya para na rin sa mamanahin niya pagkatapos ngayon na sinusunod na niya ang gusto nito ay ito naman ang nagrereklamo. Hindi na tuloy niya alam kung saan siya lulugar.
“Dad, hindi ba at kayo na rin ang nagsabi sa akin na maghanap ng mapapangasawa ko? Sinunod ko lang ang gusto niyo.” walang gana niyang sagot. Hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit ito sa kaniya e wala naman siyang ginagawang masama.
Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang nito. “Napakaraming babae ang pwede mong mapangasawa tapos ay hahanap ka ng babaeng may anak? Nag-iisip ka ba talaga Nathan?”
Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. “Dad, ano naman kung may anak siya? Ang point dito ay magpapakasal ako dahil iyon ang utos niyo.” sagot niya sa kanyang ama ngunit mas lalo lang naging pangit ang mukha nito.
“No. hindi ako papayag na pakasalan mo ang ina ng batang iyon. Kung magpapakasal ka lang din ay sa pamilya na ng taong kakilala ko at makakapantay sa—”
Naging malamig ang ekspresyon ni Nathan. Hindi niya akalain na sasabihin ito ng kanyang ama. “Pakakasalan ko siya sa ayaw at gusto niyo.” putol niya sa kung anuman ang sasabihin nito. Wala itong karapatan na diktahan siya sa kung sino ang gusto niyang pakasalan kahit na sabihin pang marriage for convinience lang ang magiging kasal nila ng babaeng iyon kung sakali man.
Pinukpok nito ang mesa. “Nathan binabalaan kita, hindi ikaw ang masusunod kundi ako!” galit na sigaw nito sa kaniya na pumuno sa loob ng opisina.
Ang malalamig niyang mga mata ay napatitig dito. “Hindi niyo pwedeng kontrolin ang buhay ko kahit na kayo pa ang ama ko.” malamig na sagot niya rito. Tumayo siya.
“Kailan ka pa naging bastos? Hindi pa tayo tapos mag-usap!” muling sigaw sa kaniya nito. “At kapag pinakasalan mo ang babaeng iyon, mas wala kang mamanahin sa akin!” banta nito sa kaniya na ikinangiti niya ng mapait.
Sinalubong niya ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Alam niyo sa totoo lang, all my life ay lumaki akong walang ama. Lumaki akong walang ibang nandiyan para sa akin kundi si Mommy lang at ngayon na tinanggap niyo ako bilang anak niyo ay ganito ang gagawin niyo sa akin? Kokontrolin niyo na parang isang puppet niyo sa lahat ng gusto niyo?” puno ng panunuya niyang tanong dito.
“Alam nating lahat kung ano ang pinagdaanan ni Via dahil lang sa kagagawan niyo at maswerte siya dahil minahal siya ni Ivan pero paano kung hindi? Sa tingin niyo ba ay magiging masaya siya sa pagiging match maker ninyo? We are adults now kaya alam na namin kung anong ginagawa namin at isa pa, wala kayong karapatan na husgahan ang isang babae dahil lang may anak siya.” tuloy-tuloy na sabi niya. Basta na lang iyon lumabas sa bibig niya ng hindi niya inaasahan sa totoo lang.
“At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng iyon? Mag-isip ka nga Nathan, sa tingin mo, iiwan ang babaeng iyon ng nakabuntis sa kaniya kung matino siya? Isipin mo nga iyon!”
Napakuyom ang kanyang mga kamay. Paano nito naaatim na husgahan ang isang babaeng hindi pa nito kilala? At alam ba nito ang pinagdaanan ng babaeng iyon para masabi nito ang lahat ng iyon?
Sa halip na sagutin ito ay tumalikod siya. Kung sasagot pa siya ay baka humaba pa ang usapan nilang dalawa kaya mas maganda na lang na lumabas na siya at umalis.
Ngunit nang hawak na niya ang seradura ng pinto ay narinig niyang muli ang tinig nito. “Huwag mo akong subukan Nathan. Kaya kong gawin ang lahat para lang mawala siya sa landas mo at ng hindi lang masira ang pangalan at reputasyon mo kung iyon ang kinakailangan.”
Natulos siya mula sa kanyang kinatatayuan ngunit kahit na ganun ay wala siyang balak na hayaan itong gawin ang gusto nito. Binuksan niya ang pinto at lumabas ng hindi sumasagot.
…
TULOG na si Cassandra pero si Kenna ay gising pa rin at nakatingin sa mga pinamili ng lalaki para sa anak niya. Lahat ng damit at mga sapatos ay mamahalin ngunit ang pinaka tumatak sa kaniya ay ang larawan ng mga ito sa isang booth. Sobrang saya ng anak niya. Bukod pa doon ay ayaw nitong bitawan ang isang teddy bear na kulay purple na kung saan hanggang sa pagtulog ay katabi nito ito at yakap-yakap. Napa buntong hininga siya at pagkatapos ay tinabihan ang anak niya. Hinalikan niya muna ito sa kanyang noo bago na rin natulog.~~~~~MABILIS na lumipas ang araw at lunes na. Iyon na ang araw ng program sa school ni Cassandra. “Makikita ko na naman si Daddy!” masayang bulalas nito kung saan ay dali-dali siyang umupo sa harapan nito.“Anak, hindi ba at sabi ko sayo na huwag mo siyang tawaging Daddy? Hindi naman siya ang Daddy mo at isa pa, hindi mo sigurado kung pupunta siya sa program mo.” sabi niya rito at pilit na ipinapaintindi ang lahat dito. Ngunit nanatiling matatag ang ekspresyon n
NAG-RING ang cellphone ni Nathan kaya siya biglang nabalik sa katotohanan. Wala sa sarili niyang pinulot ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag ng hindi niya tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Nathan… Can you come over? I’m sick…” mahina na bulong ng isang babae sa kabilang linya.Napamulat siya ng kanyang mga mata. Eight years had passed ngunit hindi siya nagpalit ng kanyang number dahil sa pag-asang isang araw ay tatawagan siya nito. Ngunit nitong nakaraang buwan ay nagdesisyon na siyang kalimutan na ito dahil masyado ng matagal ang hinintay niya para rito.“Please… giniginaw ako… ang sakit… ang sakit ng katawan ko…” ng marinig niya ang pagdaing nito ay parang may sariling isip ang kanyang mga paa. Kaagad siyang tumayo mula sa kanyang kinatatayuan at dali-daling bumaba para sumakay ng kanyang kotse. Dahil may driver siya ay ito na ang inutusan niyang mag-drive patungo sa condo unit ni Mandy. Ang passcode ng pinto ay ang anniversary nila na hindi niya inaasahang gagamitin nit
KAAGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Nathan. “May problema ba?” tanong niya rito.Muli ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. “Nathan itigil na natin ito.” Parang isang bomba ang sumabog sa utak niya ng marinig niya ang sinabi nito. “Wh-what?” nauutal na tanong niya at hindi makapaniwalang napatitig dito. “What do you mean itigil na natin ang lahat ng ito?” muli niyang tanong.Dahan-dahan itong lumingon sa kaniya kung saan ay nagtama ang kanilang mga mata. “Lalabas ako sa tv sa susunod na linggo.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti siya. “Masaya ako para sayo. Ito naman talaga ang gusto mo hindi ba? Ayan, unti-unti mo ng naaabot ang pangarap mo.” masaya niyang sabi dahil totoo naman na masaya talaga siya para rito.“Nathan, hindi mo ba naiintindihan? Hindi pwedeng malaman ng media na may boyfriend ako, okay? Nagsisimula pa lang ako.” sabi nito sa kaniya. “Tyaka gusto nila akong lumabas sa isang drama kaya mag-aacting lessons ako.” dagdag pa nitong sabi.“Anong problema
HANGGANG sa makasakay sa kotse si Nathan ay nakatingin pa rin siya sa kanyang kamay. Guni guni niya lang ba iyon? May kuryente siyang naramdaman ng dumampi ang kamay niya sa balikat ng babaeng iyon. Napakunot ang noo niya, ano naman kaya ang ibig sabihin nito?Ilang sandali pa ay nag-ring ang kanyang cellphone kung saan ay ang kanyang assistant ang tumatawag. “Sir, may problema tayo.” sabi nito sa kaniya. Napasandal lang siya sa kanyang kinauupuan bago naging malamig ang ekspresyon.“What is it?” tanong niya pero ang totoo ay may kutob na siya kung ano iyon.“Ipinatawag po ng Daddy niyo ang family lawyer at plano niya po yatang baguhin ang nasa last will niya.” sabi nito sa kaniya na ikinabuntong hininga niya lang. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganun. Hindi siya nagsalita o ni sumagot. Hinayaan niya itong magpatuloy.“Ano pong balak niyong gawin sir? Hahayaan niyo na lang bang mawala sa inyo ang lahat ng pinaghirapan niyo nitong mga nakaraang taon?” muling tanong nito sa kaniya.
IBINAGSAK ni Kenna ang kanyang sarili sa sofa. Kauuwi niya lang at alas singko pa lang ng hapon pero pakiramdam niya ay parang hindi siya nakapaghinga ng isang buong linggo dahil sa pagod na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi lang kasi pagod sa pisikal na katawan ang nararamdaman niya kundi maging ang pakiramdam niya ay pagod.Napakaraming nangyari sa maghapon. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakita niya na sa wakas ang lalaking napakatagl na niyang hinahanap at sa hindi pa inaasahang pagkakataon. Hinanap niya naman talaga ang lalaki ngunit dahil nga hindi niya alam ang pangalan nito ay hindi niya alam kung saan ito hahanapin pero ngayon na tuluyan na niya itong nahanap ay parang nagbago na ang isip niya. Wala ng dahilan pa para sabihin niya sa lalaki ang tungkol sa katotohanan lalo na at mukha namang nakalimutan na nito ang nangyari sa kanilang dalawa. Napapikit siya ng mariin at ilang beses na napahugot ng malalim na buntong hininga dahil sa pagod niya. Idagdag pa na mu
NANGINGINIG ang mga kamay ni Kenna habang nakatingin sa kanyang cellphone. May mga larawang isinend sa kaniya ang kanyang boss na si Nathan Montefalco. Na add friend na siya nito sa kanyang social media account kung saan ay kaagad niya namang inaccept. Nag-aalala na siya para sa anak niya ngunit ng makita niya ang mga larawan na isinend nito sa kaniya ay halo-halong emosyon ang naramdaman niya.Nakangiti si Cassandra sa mga picture kung saan ay halata ang saya sa mukha nito. Hindi lang basta ngiti ang nakapaskil sa labi ng kanyang anak kundi abot ito hanggang sa mga mata na hindi niya pa nakita kahit na minsan kahit na palagi niyang nakikitang nakangiti ang anak niya.Bigla siyang napatakip sa kanyang bibig habang iniisa-isa ang mga pictures. Sa sumunod na sandali ay tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata. Ilang oras pa lang silang magkasama ng lalaki ngunit mukhang komportableng komportable na ang anak niya kasama ito. Magkakahalong emosyon ang naramdaman niya ng mga oras na iyon,







