Mag-log inKabanata 3: Ang Banta sa Dilim
XAVIER ZANDER Matapos ang tawag na iyon mula kay Marco, parang tumigil ang pagikot ng mundo ko. Kahit gaano ko pa subukang itago, naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak ko ang telepono. Ang mga salitang binitawan niya ay parang patalim na tumusok nang malalim sa aking puso at isipan. “Baka may mga bagay na akala mo ay nakatago na habambuhay… pero balang araw ay kusang lalabas din.” Ang mga salitang iyon ay patuloy na umuulit sa aking isipan. Alam ba niya? May alam ba siya kay Liam? O kaya naman ay hinuhulaan lamang niya ang mga bagay-bagay upang takutin ako? Maraming beses ko nang nakita ang kanyang ugali. Mahilig siyang maglaro, mahilig siyang magbigay ng parinig, at mahilig siyang makita akong nahihirapan. Ngunit sa pagkakataong ito, iba ang kanyang tono. Iba ang bigat ng kanyang sinabi. Parang may hawak siyang katotohanan na siya lamang ang nakakaalam. “Papa? Sino po iyon? Bakit parang namumutla ka?” Ang boses ni Liam ang bumasag sa katahimikan. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Nakita ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha. Agad kong ibinalik ang aking sarili sa katinuan. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na natatakot ako. Ako ang kanyang sandata. Ako ang kanyang proteksyon. Kung makikita niyang mahina ako, lalo siyang matatakot. Pilit akong ngumiti at hinawakan nang mahigpit ang kanyang balikat. “Wala iyon, anak. Huwag kang mag-alala. Isa lamang ito sa mga usaping pangnegosyo na kailangan kong ayusin. Walang dapat ipag-alala,” mahinahon kong sabi, bagama’t alam kong hindi ito lubos na kapanipaniwala. Napakunot ang kanyang noo. Alam kong matalino ang aking anak. Alam niyang may itinatago ako, ngunit bilang isang mabait na anak, hindi na siya nagtanong pa. Tanging tango lamang ang kanyang isinagot, bagama’t nanatili ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Kung gayon po… sana ay maayos niyo agad. Ayaw ko pong nakikita kayong nagkakaganyan,” sabi niya nang may lambing. Tumango ako at niyakap siya muli. Sa yakap na iyon, ipinaramdam ko sa kanya na hangga’t naririto ako, walang makakapaminsala sa kanya. Ngunit sa kabila ng aking ipinapakita, alam ko sa aking sarili na ang panganib ay hindi na lamang nasa labas. Pakiramdam ko ay unti-unti na itong pumapasok sa loob ng aming bakuran. Ilang sandali pa, nagpaalam na akong tatawag. Kailangan kong makausap si Arthur. Siya lamang ang taong lubos kong pinagkakatiwalaan. Siya lamang ang nakakaalam ng lahat ng aking mga sikreto at siya rin ang laging tumutulong sa akin upang panatilihing ligtas si Liam. Lumayo ako nang kaunti upang hindi ako marinig ng aking anak. Mabilis kong dinial ang numero ni Arthur. Ilang kulang lamang ay sumagot na siya agad. “Boss Zander? Mayroon po bang nangyari?” tanong niya agad. Alam niya agad na hindi pangkaraniwan ang aking pagtawag sa ganitong oras at sa ganitong lugar. “Arthur,” seryoso at mababa ang aking boses. “Kailangan kong malaman ang lahat. May nakita ka bang kakaiba nitong mga nakaraang araw? Mayroon bang sumusunod sa iyo? Mayroon bang nagtatanong tungkol sa akin… o tungkol sa mga bagay na hindi dapat malaman ng iba?” Narinig ko ang pagtigil ng kanyang paghinga sa kabilang linya. Tiyak na naramdaman niya ang bigat ng aking tinig. “Wala po, Boss Zander. Sa aking pagkakaalam ay maayos ang lahat. Sinisiguro ko araw-araw na walang sinuman ang nakakalapit o nakakaalam ng ating mga gawain. Bakit po? Mayroon bang nangyari?” “Tumawag si Marco,” diretsahan kong sabi. “Ang kanyang mga sinabi… parang alam niya ang lahat. Parang alam niya na mayroon akong itinatago. Nagbibigay siya ng mga parinig na tila ba alam na niya kung sino ang nandito. Kung alam na niya kung sino si Liam.” “Imposible po iyon,” mabilis na sagot ni Arthur, ngunit naramdaman ko rin ang kanyang pag-aalala. “Siniguro ko po na walang bakas. Walang papel, walang talaan, walang litrato. Ginawa natin ang lahat upang burahin ang kanyang pagkatao. Kung mayroon man siyang hinala… hinala lamang iyon. Wala siyang katibayan.” “Ngunit kilala ko ang aking kapatid, Arthur,” sagot ko nang mariin. “Hindi siya ang taong maniniwala lamang sa kung ano ang nakikita o naririnig. Kung mayroon siyang kahit katiting na hinala, gagawin niya ang lahat upang patunayan ito. At kapag napatunayan niya… alam mo na ang mangyayari. Hindi siya magdadalawang-isip na tanggalin ang anumang hadlang sa kanyang landas.” Tumahimik si Arthur. Alam niya ang ibig kong sabihin. Alam niya na ang buhay ni Liam ay nakataya sa sitwasyong ito. “Ano po ang nais ninyong gawin? Handa akong sumunod sa anumang utos ninyo,” seryoso niyang tanong. “Doblehin ang pag-iingat,” utos ko. “Mula sa araw na ito, walang sinuman ang makakalapit dito nang walang aking pahintulot. Kahit sino. Dagdagan mo ang mga tauhan at ang mga kagamitan sa seguridad. At higit sa lahat… alamin mo ang lahat ng galaw ni Marco. Saan siya pumupunta, sino ang kanyang nakakausap, at ano ang kanyang mga plano. Gusto kong malaman ko ang bawat hakbang na gagawin niya bago pa man niya ito gawin. Huwag kang magpapahinga hangga’t hindi mo nalalaman ang buong katotohanan.” “Naiintindihan ko po, Boss Zander. Agad ko po itong gagawin,” sagot niya. “At Arthur…” dugtong ko bago ko patayin ang tawag. “Siguraduhin mong walang makakalapit kay Liam. Siya ang buhay ko. Kung may mangyaring masama sa kanya… hindi ko mapapatawad ang aking sarili… at kahit sino pa man.” Pinutol ko na ang tawag. Napaupo ako sa isang silya at hinawakan ang aking noo. Ang sakit ng ulo ko ay tila ba tumitindi pa lalo. Akala ko noong una, kapangyarihan at yaman lamang ang kalaban ko. Akala ko, sapat na ang aking lakas upang protektahan ang aking pamilya. Ngunit ngayon, nakikita kong kahit ang aking sariling dugo ay handang magtaksil at pumatay para lamang sa salapi at kapangyarihan. Tumingin ako sa malayo kung saan naroon si Liam. Nakita ko siyang nakatayo sa bintana, nakatingin sa malawak na karagatan. Ang kanyang likuran ay payapa, ngunit alam ko na sa kanyang murang isipan ay marami ring tanong at pangamba. Napagtanto ko na hindi ko na siya pwedeng itago magpakailanman. Ang mundo ay unti-unti nang lumalapit sa kanya. Ang panganib ay nasa paligid na. Kung hindi ako kikilos, baka dumating ang araw na wala na akong magawa upang iligtas siya. Kailangan kong maging mas malakas. Kailangan kong maging mas matalino. At kailangan kong hanapin ang paraan upang sa wakas… ay magkaroon na siya ng karapatang umiral. LIAM ZANDER Habang nakatayo ako sa bintana, hindi ko maalis sa aking isipan ang nakita ko kanina. Ang itsura ni Papa habang kausap sa telepono. Ang takot at pag-aalala sa kanyang mga mata. Sa loob ng labing-walong taon na kilala ko siya, bihirang-bihira ko siyang makitang ganito. Si Xavier Zander, ang taong kinatatakutan ng lahat, ang taong tila hawak ang buong mundo sa kanyang kamay… ay natatakot. Natatakot siya para sa akin. Ngayon, naiintindihan ko na nang lubusan ang lahat. Hindi lamang ito tungkol sa negosyo o yaman. Ito ay tungkol sa buhay. Ang aking buhay. Ang kwentong ibinahagi niya sa akin kanina ay parang pelikulang hindi ko akalaing mangyayari sa totoong buhay. Ang pagmamahalan nila ng aking ina na puno ng bawal at lihim. Ang kasakiman ng aking tiyuhin na si Marco. Ang dahilan kung bakit kailangan kong ituring na parang wala sa mundo. Masakit. Sobrang sakit isipin na ang aking pagkatao ay kailangang isakripisyo upang ako ay mabuhay. Masakit isipin na ang aking ama ay kailangang magsinungaling sa buong mundo at magmukhang masama, para lamang mailigtas ako. Ngunit sa kabila ng sakit, naramdaman ko rin ang napakalaking pagmamahal. Walang sinuman ang gagawa ng ganoong bagay kung hindi tunay na nagmamahal. Ang tanging hangad lamang niya ay ang makita akong lumaki nang ligtas at malayo sa kapahamakan. “Liam…” Napalingon ako. Nakita ko si Papa na papalapit sa akin. Ang kanyang mukha ay kalmado na muli, bagama’t bakas pa rin ang pagod at bigat na kanyang dinadala. Hinawakan niya ang aking balikat at tumingin sa akin nang diretso sa mga mata. “Anak, mayroon akong sasabihin sa iyo,” panimula niya nang seryoso. “Mula sa araw na ito, magbabago ang lahat. Hindi na ako maghihintay ng panahon na magiging ligtas ka. Sisiguraduhin ko na gagawin ko ang lahat upang mapalakas pa lalo ang aking pwersa. Hindi ko na hahayaang may sinumang makapaminsala sa iyo. At… darating ang araw na hindi mo na kailangang magtago. Ang araw na ipapakilala kita sa buong mundo bilang aking tagapagmana.” Nangilid ang luha sa aking mga mata. Ang mga salitang iyon ang matagal ko nang hinihintay. Ang araw na hindi na ako kailangang ituring na parang multo. Ang araw na magkakaroon na ako ng pangalan at pagkakakilanlan. “Talaga po, Papa? Posible po ba iyon?” nanginginig kong tanong. “Oo, anak. Posible ito. Gagawin kong posible,” matibay niyang sagot. “Ngunit hangga’t hindi pa dumarating ang araw na iyon… kailangan mong maging matatag. Kailangan mong maging maingat. Huwag kang lalabas ng bakod na ito nang walang aking pahintulot o kasama. Huwag kang magtitiwala sa kahit na sino, maliban sa mga taong alam mong tapat sa atin. Naiintindihan mo ba?” Tumango ako nang buong puso. “Opo, Papa. Naiintindihan ko po. Pangako, magiging maingat ako. Handa akong gawin ang lahat. Handa akong matuto upang balang araw, ay maging karapat-dapat ako sa pangalang Zander.” Ngumiti siya nang malungkot ngunit puno ng pagmamalaki. Hinaplos niya ang aking mukha. “Alam mo ba, Liam? Kahit wala kang pangalan sa mga papel… kahit sinasabi ng lahat na hindi ka totoo… para sa akin, ikaw ang pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo. Dahil hawak mo ang puso ko. Hawak mo ang lahat ng aking dahilan upang lumaban. Ikaw ang tunay na yaman ko.” Sa sandaling iyon, naramdaman ko na hindi ako nag-iisa. Kahit nakakulong ako sa lugar na ito, kahit hiwalay ako sa mundo, alam kong mayroon akong ama na handang ibigay ang lahat para lamang sa akin. Ngunit sa kabila ng aming pag-uusap, hindi namin alam na sa oras ding iyon… ay may mga matang nakamasid na sa amin. Mga matang matagal nang naghihintay lamang ng kaunting butas upang makapasok at wasakin ang lahat ng aming itinayo. MARCO ZANDER Nakaupo ako sa aking malawak na opisina, hawak ang isang baso ng mamahaling alak habang nakangisi nang nakakaloko. Ang tawag ko kay Xavier kanina ay tiyak na nagdulot ng matinding takot sa kanya. Alam ko kung paano siya mag-isip. Alam ko kung paano siya kumilos. Ang simpleng parinig na iyon ay sapat na upang guluhin ang kanyang isipan. “Kapatid ko… napakadaling lokohin mo ang ibang tao. Ngunit ako?” bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. “Hindi mo ako madadaan sa iyong mga kasinungalingan.” Sa mahabang panahon, pinaniwala niya kaming lahat na siya ay nag-iisa. Na wala siyang pamilya. Na wala siyang tagapagmana. At sa mahabang panahon, akala ko ay totoo ito. Akala ko ay talagang wala akong dapat katakutan at balang araw ay sa akin din mapupunta ang lahat ng kanyang yaman. Ngunit may mga bagay na hindi maitatago nang habambuhay. May mga bakas na kahit anong burado ang gawin mo, ay naiiwan pa rin. Ilang buwan na ang nakalilipas nang magsimula akong maghinala. Napansin ko ang madalas na pagkawala niya. Sa mga panahong hindi siya matagpuan, sa mga oras na tila inuuna niya ang isang bagay kaysa sa kanyang negosyo. At higit sa lahat… ang kanyang matinding pagprotekta sa isang liblib na lugar na tila ba paraiso para sa kanya, ngunit ipinagbabawal naman sa iba. Ang Zander Estate. Ang pribadong isla na binili niya maraming taon na ang nakalilipas. Walang sinuman ang pinapapasok doon. Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang naroroon. Noon pa lamang ay mayroon na akong hinala. Ngayon naman, ay nakuha ko na ang mga katibayan na matagal kong inaasam. Kinuha ko ang aking telepono at tinawag ang isang numero. Ito ang taong inupahan ko upang alamin ang lahat ng sikreto ng aking kapatid. Ang taong kayang pumasok sa anumang lugar at makakuha ng anumang impormasyon, kapalit lamang ng sapat na halaga ng salapi. Mabilis itong sumagot. “Kamusta? Mayroon ka bang nakuha?” tanong ko agad, puno ng pag-aabang. “Opo, Ginoong Marco. Tulad ng inyong hinala… mayroon nga siyang itinatago,” sagot ng lalaki sa kabilang linya. Napangisi ako nang malaki. Tama ako. Alam ko na hindi ako nagkakamali. “Magpatuloy,” utos ko. “Sa loob ng Zander Estate… mayroong nakatira. Isang binatilyo. Nasa edad labing-walo. Mataas, gwapo, at kung titingnan mo nang mabuti… halos kamukhang-kamukha niya.” Nanlaki ang aking mga mata sa tuwa. Ito na. Ito naLIAM ZANDERTinawag nila itong paraiso. Sinasabi nilang napakaswerte ko dahil nakatira ako sa lugar na puno ng ginhawa, ganda, at lahat ng kailangan ko. Lahat ay dito na. Walang kulang. Ang pinakamagandang bahay, pinakamasasarap na pagkain, pinakamagagarang damit, at pinakamalinis na hangin. Sa paningin ng iba, ako ay parang prinsipe na laging inaalagaan at pinahahalagahan.Ngunit sa katotohanan, ano nga ba ang lugar na ito?Isa lamang itong gintong hawla.Maganda, makintab, at mahal ang materyales na ginamit. Napakagandang tingnan sa labas. Pero sa loob? Nandito ako, nakakulong. Wala akong kalayaan. Wala akong karapatang lumabas, pumunta kung saan ko man gusto, o makilala ang sinumang nais kong makilala. Ang lahat ng ito ay akin, oo. Ngunit wala akong karapatang hawakan ang mundo sa labas ng bakod na ito.Nakaupo ako sa may malawak na bintana, nakatingin sa malawak na karagatan. Ang tubig ay kulay asul at napakalinaw, tila ba inaanyayahan akong lumangoy at lumayo. Sa kabilang ibayo,
Kabanata 3: Ang Banta sa Dilim XAVIER ZANDER Matapos ang tawag na iyon mula kay Marco, parang tumigil ang pagikot ng mundo ko. Kahit gaano ko pa subukang itago, naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak ko ang telepono. Ang mga salitang binitawan niya ay parang patalim na tumusok nang malalim sa aking puso at isipan. “Baka may mga bagay na akala mo ay nakatago na habambuhay… pero balang araw ay kusang lalabas din.” Ang mga salitang iyon ay patuloy na umuulit sa aking isipan. Alam ba niya? May alam ba siya kay Liam? O kaya naman ay hinuhulaan lamang niya ang mga bagay-bagay upang takutin ako? Maraming beses ko nang nakita ang kanyang ugali. Mahilig siyang maglaro, mahilig siyang magbigay ng parinig, at mahilig siyang makita akong nahihirapan. Ngunit sa pagkakataong ito, iba ang kanyang tono. Iba ang bigat ng kanyang sinabi. Parang may hawak siyang katotohanan na siya lamang ang nakakaalam. “Papa? Sino po iyon? Bakit parang namumutla ka?” Ang boses ni Liam ang
XAVIER ZANDER Matapos kong yakapin nang mahigpit ang aking anak, dahan-dahan kaming umupo sa malaking salas ng mansyon. Hawak-hawak ko pa rin ang kanyang kamay, parang ayaw ko itong bitawan. Sa tuwing nakikita ko si Liam, parang bumabalik ako sa panahong iyon—ang panahon na nagbago ang lahat sa aking buhay. Tumingin ako sa kanya. Halos kamukhang-kamukha ko na siya. Mataas na ang kanyang tindig, matikas, at may kislap sa kanyang mga mata na hindi matatago. Labing-walong taong gulang na siya. Dapat ay sa edad na ito, malaya na siyang nakakagala, nakakapag-aral, at nakikilala ang mundo. Ngunit narito siya, nakakulong sa lugar na ito, dahil sa desisyong ginawa ko noon. Isang desisyong alam kong tama, ngunit nagdulot sa kanya ng labis na kalungkutan. “Papa,” panimula niya, ang kanyang boses ay mahina ngunit malinaw. “Napanood ko sa telebisyon kanina ang iyong interview” Natigilan ako. Alam ko na agad kung saan ito patungo. Dahan-dahan akong huminga upang pakalmahin ang aking sarili. “
XAVIER ZANDER Mula sa pinakamataas na palapag ng Zander Corporation Tower, kitang-kita ko ang buong siyudad. Mula rito, ang lahat ay parang maliliit na piraso lamang ng laruan. Ang mga sasakyan na umaagos sa malalawak na kalsada ay parang mga langgam na nagmamadali. Ang matataas na gusali na may kani-kanilang kinang at pangalan? Karamihan sa mga ito ay pag-aari ko. O kung hindi man ay pag-aari ng mga taong umuutang ng pabor, proteksyon, o salapi sa akin. Ako si Xavier Zander. Apatnapu’t limang taong gulang. Ang tawag sa akin ng mga tao ay ang Hari ng Negosyo, ang Bilyonaryong Walang Awa, o ang taong hawak ang ekonomiya ng bansa sa kanyang mga palad. Sabi nila, nakuha ko ang lahat. Yaman, kapangyarihan, respeto, at takot. Wala akong ipinagkakait sa sarili. Kung may gusto ako, nakukuha ko. Kung may inaasam ko, akkin ko agad. Wala akong inuurungan. Dahil sa mundong ito, ang pera ang batas, at ako ang gumagawa ng batas na iyon. Pero habang nakatayo ako rito, nakatingin sa bintanang s







