Teilen

THE HEIR THAT NEVER EXISTED
THE HEIR THAT NEVER EXISTED
Raindaja323

Gintong hawla

last update Veröffentlichungsdatum: 19.05.2026 01:01:20

XAVIER ZANDER

Mula sa pinakamataas na palapag ng Zander Corporation Tower, kitang-kita ko ang buong siyudad.

Mula rito, ang lahat ay parang maliliit na piraso lamang ng laruan. Ang mga sasakyan na umaagos sa malalawak na kalsada ay parang mga langgam na nagmamadali. Ang matataas na gusali na may kani-kanilang kinang at pangalan? Karamihan sa mga ito ay pag-aari ko. O kung hindi man ay pag-aari ng mga taong umuutang ng pabor, proteksyon, o salapi sa akin.

Ako si Xavier Zander. Apatnapu’t limang taong gulang. Ang tawag sa akin ng mga tao ay ang Hari ng Negosyo, ang Bilyonaryong Walang Awa, o ang taong hawak ang ekonomiya ng bansa sa kanyang mga palad.

Sabi nila, nakuha ko ang lahat. Yaman, kapangyarihan, respeto, at takot. Wala akong ipinagkakait sa sarili. Kung may gusto ako, nakukuha ko. Kung may inaasam ko, akkin ko agad. Wala akong inuurungan. Dahil sa mundong ito, ang pera ang batas, at ako ang gumagawa ng batas na iyon.

Pero habang nakatayo ako rito, nakatingin sa bintanang salamin na kasing laki ng pader, hindi ko nararamdaman ang tagumpay.

Ang nararamdaman ko ay lamig. Isang nakakayakap na lamig na hindi kayang painitin ng kahit anong halaga ng ginto o pilak.

Dahan-dahan kong hinawakan ang malamig na salamin. Nakita ko ang repleksyon ko. Matigas ang mukha, matalim ang mga mata, uban na ang sumisilip sa aking itim na buhok. Ang mukha ng lalaking kinatatakutan ng lahat. Ang mukha ng lalaking akala ng lahat ay nasa kanya na ang lahat.

“Mr. Zander, handa na po ang lahat para sa press conference.”

Ang boses ni Arthur, ang aking matagal nang sekretarya at tapat na kaibigan, ang bumasag sa katahimikan.

Hindi ako lumingon. Nanatili akong nakatingin sa labas.

“Sige,” maikli at malamig kong sagot. “Dadalhin ko na.”

Lumabas ako ng aking opisina. Ang bawat hakbang ko ay sinasabayan ng takot at paggalang ng mga empleyadong nakakasalubong ko. Yuyuko sila, iiwas ng tingin, at hahayaan akong dumaan na parang isang hari na naglalakad sa gitna ng kanyang kaharian. Suot ko ang pinakamamahaling terno na gawa sa pinakamataas na kalidad ng leather at telang inaangkat pa mula sa ibang bansa. Ang aking sapatos ay kumikislap, at ang relo sa aking pulso ay nagkakahalaga pa ng higit sa kinikita ng isang pamilya sa loob ng sampung taon.

Pumasok ako sa malaking bulwagan kung saan naghihintay na ang daan-daang mamamahayag, mga kamera na nakatutok sa akin, at mga taong sabik na sabik na marinig ang bawat salitang bibitawan ko.

Umupo ako sa gitna, sa pinakamatayog na upuan na parang trono. Ang mga ilaw ay nakatutok sa akin, na parang ako ang pinakamahalagang bagay sa mundo.

Nagsimula ang mga tanong. Tungkol sa negosyo, tungkol sa mga bagong proyekto, tungkol sa aking paglawak sa ibang bansa. Sinasagot ko ang lahat nang may awtoridad, maikli, at puno ng kumpiyansa. Alam ko ang sinasabi ko. Alam ko ang ginagawa ko.

Hanggang sa dumating ang tanong na hinihintay ko... at ang tanong na kailanman ay hindi magbabago ang sagot ko.

Isang mamamahayag ang nagtaas ng kamay, seryoso ang mukha habang nakatutok ang mikropono sa akin.

“Mr. Zander, ikaw na ang pinakamayamang tao sa kasaysayan ng ating bansa. Ang iyong imperyo ay abot hanggang sa ibang panig ng mundo. Pero gusto naming malaman ng lahat... sino ang magmamana ng lahat ng ito? Sino ang susunod sa’yo? Dahil sa edad mong ito, at sa laki ng iyong yaman, hindi maiaalis sa aming isip kung sino ang magpapatuloy sa iyong pangalan kapag dumating ang panahon.”

Tumahimik ang buong bulwagan. Kahit ang paghinga nila ay parang tumigil. Lahat sila ay nakatitig sa akin, sabik na sabik sa aking isasagot.

Huminga ako nang malalim, at sa huling pagkakataon, isinuot ko ang maskara ng pagiging malamig at walang pakialam. Ipinakita ko sa kanila ang mukha ng lalaking walang kahinaan.

Ngumiti ako nang mapait—isang ngiting walang halong saya.

“Magandang tanong,” simula ko, ang aking boses ay umaalingawngaw sa buong silid. “Pero kayo ay nag-aaksaya lamang ng oras kung hihintayin niyo ang susunod sa akin. Dahil nais kong linawin ito sa lahat, sa harap ng Diyos at ng publiko...”

Tumingin ako nang diretso sa kamera, na parang kinakausap ko ang buong mundo.

“Wala akong tagapagmana. Wala akong anak. Wala akong pamilya. Ako ay nag-iisa. Ang Zander Empire ay akin, at magwawakas ito kasama ko kapag dumating na ang tamang panahon. Walang magmamana, dahil walang karapatang magmana. Ako ang simula, at ako rin ang katapusan.”

Nagkagulo ang mga tao. Nagbulungan sila, nagulat, at tila hindi makapaniwala. Ito na naman ang kwentong kakalat sa mga dyaryo, sa telebisyon, at sa social media. "ANG BILYONARYONG NAG-IISA." "ANG IMPERYONG WALANG KINABUKASAN." "SI XAVIER ZANDER: ANG TAONG MAY LAHAT, PERO WALA NAMANG MAIBIBIGAY KAY KANINO."

Pinalabas ko ang aking sarili na isang lalaking walang puso. Isang lalaking hindi kayang magmahal, at hindi kayang magkaroon ng mahal sa buhay.

Dahil ito ang kailangan nilang paniwalaan. Ito ang kailangan nilang isipin.

Dahil kung malalaman nila ang katotohanan... kung malalaman nilang mayroon akong isang bagay na mas mahalaga kaysa sa lahat ng aking ginto, kaysa sa lahat ng aking kapangyarihan... kung malalaman nilang mayroon akong isang anak...

Patay na siya.

Patay na ang pinakamahalagang bahagi ng aking buhay.

LIAM ZANDER

“Liam, tapos na ba ang iyong pag-aaral ngayong araw?”

Bumuntong-hininga ako at ibinaba ang librong hawak ko. Tumingin ako kay Aling Marta, ang matandang kasambahay na kasama ko rito mula pa noong pagkabata ko. Siya ang tumayong pangalawang ina sa akin, at siya lang ang kasama ko bukod sa mga guro at mga bantay na laging nakapaligid.

“Opo, Aling Marta,” mahina kong sagot habang pinagmamasdan ang malawak na hardin sa labas ng malaking bintana. “Tapos na po. Ang sabi ni Sir Arthur, sapat na raw iyon para sa araw na ito.”

Tumabi siya sa akin at hinaplos ang aking buhok. Makita mo man sa mukha niya ang pagmamahal, hindi ko maiaalis ang lungkot na nakikita ko rin doon.

Nandito ako. Sa Zander Estate. Isang malawak na lupain na matatagpuan sa gitna ng dagat, sa isang pribadong isla na walang ibang nakakaalam maliban sa aming mga nakatira dito. Isang napakagandang mansyon na gawa sa bato at salamin, puno ng mamahaling kagamitan, mga aklatan na puno ng libro, mga silid na puno ng laruan at kagamitan.

Sabi nila, napakaswerte ko raw. Sabi nila, nakatira ako sa paraiso.

Pero para sa akin? Ito ay isang gintong hawla.

Napakaganda sa labas. Napakakinang. Pero hindi ka makakalabas. Walang makakapasok. Nakakulong ka sa gitna ng karangyaan, na walang ibang nakakausap kundi ang mga taong inatasan lang na maglingkod at magbantay sa’yo.

Labing-walong taon na akong nabubuhay dito. Labing-walong taon na hindi ko pa natitikman ang lasa ng tunay na mundo.

Hindi ako nakapasok sa eskwelahan na katulad ng ibang bata. Wala akong mga kalaro. Wala akong kaibigan. Hindi ko pa nakikita ang mataong kalsada, ang maingay na palengke, o ang simpleng buhay na tinatamasa ng karamihan.

Ang tanging mundo ko ay ang loob ng bakod na ito. Ang tanging balita ko ay ang mga librong binabasa ko at ang mga kwentong sinasabi sa akin.

“Nandiyan na ba si Papa?” tanong ko, hindi makapigil ang pag-asa sa aking boses. Ito ang tanong na laging itinatanong ko araw-araw, oras-oras. “Sabi niya babalik siya agad kapag tapos na siya sa trabaho. Tapos na ba siya?”

Nagbago ang mukha ni Aling Marta. Yumuko siya at hindi ako tiningnan nang diretso.

“Pasensya ka na, iho... pero marami pa yatang inaayos ang iyong ama sa siyudad. Masyadong abala siya. Pero pangako, kapag nakaluwag siya, dadaan siya agad dito. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal, hindi ba?”

Napait ako. Ang sakit na naramdaman ko ay parang karaniwan na.

Alam ko naman. Alam ko naman na laging ganito ang sagot. "Abala siya." "May inaayos siya." "Hindi pa siya pwedeng umalis."

Bakit? Ano ba ang mas mahalaga sa kanya kaysa sa akin? Ako ba ay isa lamang gawain na kailangang gawin kapag may libreng oras?

Mahal niya ako... kung ganun, bakit parang ipinagkakaila niya ako sa buong mundo? Bakit ako nakatago dito habang siya ay nasa labas, namumuhay nang malaya, kilala ng lahat, at parang wala siyang ibang iniintindi kundi ang kanyang negosyo?

“Aling Marta,” mahina kong tawag. “Totoo ba na mayaman kami? Na ang Papa ko ay ang pinakamayamang tao sa buong bansa?”

Tumango siya. “Totoo, iho. Napakatotoo. Ang iyong ama ay si Xavier Zander. Siya ang pinakamakapangyarihan. Ang lahat ng ito... ang lahat ng nakikita mo... ay galing sa kanya.”

“Kung ganun,” dugtong ko, ang luha ay nangingilid na sa aking mga mata na kamukhang-kamukha ng kanya. “Kung napakayaman niya at napakamakapangyarihan niya... bakit hindi niya ako maipakita sa lahat? Bakit kailangan kong manatili dito na parang magnanakaw? Parang... parang wala akong karapatang umiral.”

Hindi nakasagot si Aling Marta. Niyakap niya lang ako nang mahigpit, at naramdaman ko ang paghikbi niya. Alam niya ang katotohanan. Alam nila ang lahat. Pero wala silang magawa. Nakagapos din sila sa parehong kasunduan at lihim.

Habang nakayakap siya sa akin, tumingin ako sa malayo, sa dagat na naghihiwalay sa akin at sa labas ng mundo.

Isang bagay ang hindi ko maalis sa aking isipan mula pa noong bata ako.

Sino ba talaga ako?

Sabi nila ako ang anak ni Xavier Zander. Ang kaisa-isang anak. Kung ganun, bakit wala akong pangalan sa kahit saan? Bakit wala akong birth certificate? Bakit walang rekord na nagpapatunay na ako ay ipinanganak at nabubuhay?

Sinubukan kong magtanong noon kay Sir Arthur, ang matalik na kaibigan ni Papa.

"Sir Arthur, ano po ang pangalan ko sa mga papeles? Sa gobyerno? Ano po ang nakasulat doon?"

At ang sagot niya... ang sagot na tumatak hanggang ngayon sa isip ko... ay:

"Wala, Liam. Wala kang nakasulat. Sa mata ng batas, sa mata ng lipunan... hindi ka kailanman lumabas"

Masakit. Sobrang sakit.

Parang ako ay isang multo. Isang anino. Isang bagay na lumabas lamang sa loob ng bakod na ito, pero kapag tumawid ka sa kabila, wala ka. Wala kang halaga. Wala ka.

Bakit? Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangang itago ako nang ganito kalalim?

Akala ko noon ay dahil delikado. Akala ko ay dahil gusto lang akong protektahan ni Papa. Pero habang lumalaki ako, habang mas lumalawak ang aking kaalaman, nagsisimula na akong mag-isip ng iba.

Paano kung nahihiya lang siya sa akin?

Paano kung hindi niya talaga ako itinuturing na anak?

Paano kung... hindi ako totoo sa kanya?

“Liam,” biglang tawag ng isang malalim at pamilyar na boses mula sa pintuan.

Napalingon ako.

Nakatayo doon siya.

Suot pa rin niya ang kanyang pormal na damit na mukhang galing pa sa isang mahal na okasyon. Ang kanyang buhok ay maayos, ang kanyang mukha ay matigas, pero ang kanyang mga mata—kapag tumingin siya sa akin—ay lumalambot na parang yelong natutunaw sa ilalim ng araw.

Agad akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. Wala akong inalintana ang lungkot at galit na nararamdaman ko kanina. Sa tuwing nakikita ko siya, nawawala ang lahat ng iyon. Siya ang mundo ko. Siya lang ang mayroon ako.

Niyakap niya ako nang mahigpit, halos hindi niya ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Naramdaman ko ang paghahagod niya sa aking likuran, at ang halik niya sa aking noo.

“Anak ko,” bulong niya, puno ng emosyon. “Nandito na ako. Nandito na ang Papa mo.”

“Ang tagal mo naman,” bulong ko habang isinisiksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. “Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko nakalimutan mo na ako.”

Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang paghinga. Mas hinigpitan niya ang yakap.

“Huwag mong sasabihin iyan. Huwag na huwag mong sasabihin iyan,” seryoso niyang wika, na parang nasasaktan siya sa aking sinabi. “Ikaw ang buhay ko, Liam. Ikaw ang dahilan kung bakit ako kumikilos. Ikaw ang dahilan kung bakit mayaman ako at makapangyarihan. Wala akong makakalimot sa’yo. Kahit kailan.”

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • THE HEIR THAT NEVER EXISTED    NAGPADALA

    MARCO ZANDER Nakaupo ako sa aking silid at nakatingin sa mga dokumentong nasa harap ko. Galit na galit ako sa nangyari. Akala ko ay madali lang ang gagawin ko, ngunit napahiya ako sa harap ng aking mga tauhan. "Puro kayong walang kwenta!" sigaw ko habang hinahagis ang isang papel sa sahig. "Marami kayo, pero natalo pa rin sa kanila! Hindi niyo man lang magawa ang simpleng trabaho!" Lumapit ang isa sa aking mga katulong at tumahimik lang. Takot siyang magsalita dahil alam niyang galit na galit ako. "May plano ba tayong bago, Ginoong Marco?" tanong niya nang mahina. Napahinto ako at napaisip. Tama siya. Hindi ako dapat sumuko. Kailangan kong mag-isip ng ibang paraan. Hindi pwedeng sa parehong paraan lang tayo laging matatalo. Tumayo ako at naglakad-lakad. "Hindi natin magagamit ang lakas at dami ng tao. Alam nilang handa na sila at marami na ring nagbabantay. Kailangan nating gumamit ng ibang paraan. Ang paraang hindi nila inaasahan." Tumingin ako sa kanila nang seryoso. "Alam ni

  • THE HEIR THAT NEVER EXISTED    PAGSUGOD

    XAVIER ZANDER Hindi kami natakot kahit nakita namin ang dami ng kalaban. Alam kong tama ang aming panig at alam kong may kasama kaming mga taong handang ipaglaban kami. "Liam, tumayo ka sa likod ko," utos ko nang malakas. "Huwag kang lalapit sa kanila. Ako ang bahala sa lahat." Umiling siya at humakbang palapit sa tabi ko. "Hindi ako aalis, Papa. Kasama ko kayo. Handa akong tumulong." Bago pa man kami makagalaw, biglang sumigaw ang pinuno ng mga lalaki. "Hulihin ninyo sila! Kunin ninyo ang bata! Walang makakapigil sa atin!" Agad silang lumapit. Ngunit hindi kami nagpatalo. Ang aming mga tauhan ay mabilis ding kumilos. Naglaban kami nang matindi. Naririnig ang mga sigawan at tunog ng mga bagay na nagkakaabutan. Hinawakan ko ang kamay ni Liam at itinago siya sa likod ng malaking haligi. "Manatili ka rito. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi." Tumango siya kahit halatang natatakot. "Sige po, Papa. Mag-iingat kayo." Nakipaglaban ako kasama ang aming mga lalaki. Kahit mas

  • THE HEIR THAT NEVER EXISTED    KASAKIMAN

    MARCO ZANDER Umupo ako nang maayos at pinag-isipang mabuti ang mga nangyari. Hindi ko mapigilan ang aking ngiti. Parang isang laro na malapit na akong manalo. "Kaya pala," bulong ko. "Akala niya ay ligtas sila sa malayong isla. Akala niya ay walang makakakita o makakakuha ng impormasyon mula doon. Ngunit nagkamali siya. Lahat ay nasa aking kamay na." Tumingin ako sa bintana at nakita ang mga sasakyan na dadaan sa kalsada. Ang bawat hakbang ko ay malinaw at tiyak. Wala nang magpapigil sa akin. "Kapag nawala na ang batang iyon," sabi ko sa aking sarili, "wala nang may magsasabi na may tagapagmana pa si Xavier. Ang lahat ng kanyang yaman, ang kanyang kapangyarihan… lahat ay mapupunta sa akin. Walang makakapagsalita, walang makakapag-angkin. Ako na lang ang mananatili." Hinawakan ko ang aking telepono at tumingin sa mga litrato na ipinadala sa akin. Kitang-kita doon ang mukha ng bata at ang magkakasamang sila ni Xavier. Ito ang aking sandata. Ito ang magiging dahilan ng pagbagsak ng

  • THE HEIR THAT NEVER EXISTED    KATIBAYAN

    MARCO ZANDER Nanlaki ang aking mga mata sa tuwa habang hawak ko ang telepono. Ang mga salitang narinig ko ay parang musika sa aking pandinig. Ito na. Ito na ang matagal kong hinihintay. Ang katibayan na akala niya ay kailanman ay hindi malalaman ng sinuman. Napangisi ako nang malaki, halos umabot hanggang sa dulo ng aking mga tainga. Sa wakas. Sa wakas ay napatunayan ko na ang aking hinala. “Magpatuloy,” utos ko, nanginginig ang aking boses dahil sa labis na pananabik. “Sigurado ka ba sa iyong sinasabi? Huwag kang magbibiro sa akin dahil alam mo kung ano ang kahihinatnan kapag niloloko mo ako.” “Tapat po ako, Ginoong Marco,” mabilis na sagot ng lalaki sa kabilang linya. “Kung inyong makikita, iisipin ninyo na parang nakikita niyo lamang si Ginoong Xavier noong kanyang kabataan. Iisa ang tindig, iisa ang hugis ng mukha, at maging ang kulay ng kanilang mga mata ay magkapareho. Walang pag-aalinlangan… siya ay anak ninyo.” Hindi ko mapigilan ang aking sarili at humalakhak ako nang m

  • THE HEIR THAT NEVER EXISTED    GINTONG HAWLA

    LIAM ZANDERTinawag nila itong paraiso. Sinasabi nilang napakaswerte ko dahil nakatira ako sa lugar na puno ng ginhawa, ganda, at lahat ng kailangan ko. Lahat ay dito na. Walang kulang. Ang pinakamagandang bahay, pinakamasasarap na pagkain, pinakamagagarang damit, at pinakamalinis na hangin. Sa paningin ng iba, ako ay parang prinsipe na laging inaalagaan at pinahahalagahan.Ngunit sa katotohanan, ano nga ba ang lugar na ito?Isa lamang itong gintong hawla.Maganda, makintab, at mahal ang materyales na ginamit. Napakagandang tingnan sa labas. Pero sa loob? Nandito ako, nakakulong. Wala akong kalayaan. Wala akong karapatang lumabas, pumunta kung saan ko man gusto, o makilala ang sinumang nais kong makilala. Ang lahat ng ito ay akin, oo. Ngunit wala akong karapatang hawakan ang mundo sa labas ng bakod na ito.Nakaupo ako sa may malawak na bintana, nakatingin sa malawak na karagatan. Ang tubig ay kulay asul at napakalinaw, tila ba inaanyayahan akong lumangoy at lumayo. Sa kabilang ibayo,

  • THE HEIR THAT NEVER EXISTED    BANTA SA DILIM

    Kabanata 3: Ang Banta sa Dilim XAVIER ZANDER Matapos ang tawag na iyon mula kay Marco, parang tumigil ang pagikot ng mundo ko. Kahit gaano ko pa subukang itago, naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak ko ang telepono. Ang mga salitang binitawan niya ay parang patalim na tumusok nang malalim sa aking puso at isipan. “Baka may mga bagay na akala mo ay nakatago na habambuhay… pero balang araw ay kusang lalabas din.” Ang mga salitang iyon ay patuloy na umuulit sa aking isipan. Alam ba niya? May alam ba siya kay Liam? O kaya naman ay hinuhulaan lamang niya ang mga bagay-bagay upang takutin ako? Maraming beses ko nang nakita ang kanyang ugali. Mahilig siyang maglaro, mahilig siyang magbigay ng parinig, at mahilig siyang makita akong nahihirapan. Ngunit sa pagkakataong ito, iba ang kanyang tono. Iba ang bigat ng kanyang sinabi. Parang may hawak siyang katotohanan na siya lamang ang nakakaalam. “Papa? Sino po iyon? Bakit parang namumutla ka?” Ang boses ni Liam ang

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status