‘Gusto mong makuha ang regalong ibinigay mo?’ Sa isip ni Devin.Natatawa si Devin sa galawan ni Renz na para bang napakahalaga ng mga ibinigay nito sa kaniya. Na para bang kapag binawi nito ang mga bagay na iyon ay ikamamatay nita.Noong una, akala niya ay medyo walang kwenta lang si Renz. Hindi niya inaasahan na ganoon pala ito kadamot at masama ng ugali.Pakiramdam niya ay napakamalas niya na makasama ang lalaking katulad ni Renz.Bumalik si Devin sa bahay nila ni Aslan upang kukunin ang lahat ng regalong ipinadala sa kaniya ni Renz nang biglang dumating si Aslan.Tiningnan ni Aslan ng malamig si Devin. “Ano ang hinahanap mo?”Natigilan si Devin sa kaniyang ginagawa at kaswal na sumagot, “It's a debt we owed after the breakup. Hinahanap ko ang mga bagay na ibinigay sa akin ng walang ex. Gusto niyang ibalik ko sa kaniya ang mga regalo na ibinigay niya sa akin no'ng kami pa. Hindi pa ako nakakakita ng ganito kasama na lalaki sa buong buhay ko.”Nakaramdam si Devin ng kaunting inis, at
This was an unrestrained kiss. Malalim at mabigat. Mahinang hiningal si Devin, at ang hininga ni Aslan ay lubos na ipinasok sa kaniyang mga labi.Kusang gumalaw ang kamay ni Devin at hinawakan ang laylayan ng damit ni Aslan.Hindi tumigil si Aslan hanggang sa manghina ang mga binti ni Devin. Tumingin si Aslan kay Devin at mahina ang baritono nitong boses na sinabi, “Swindling, Mrs. Aslan, kailangan mo munang matuto sa akin.”Si Devin ay isang taong tumatanggi na magpatalo. Kinurba niya ang kaniyang pulang labi at biglang hinalikan ang Adam's apple ni Aslan.Naramdaman ni Devin ang bahagyang paninigas ng katawan ng lalaki, umatras siya ng kalahating hakbang, tamad na ngumingiti at may kaunting pang-aakit.“Mr. Aslan, that’s all.”Muling tumingin si Aslan na may mas madilim na ekspresyon, ngunit tumigil na si Devin sa pagsasalita.Matapos idagdag nila ang contact information ng isa't isa, lumipat siya sa si Devin sa bahay ni Aslan.Ang bahay ni Aslan ay may magandang lokasyon. Bago siya
Nang banggitin ni Aslan si Yesha, muling kinurba ni Devin ang mga sulok ng labi.Talagang nagdadalawang-isip si Devin kay Aslan na kumuha ng marriage certificate dahil ano na lang ang iisipin ni Yesha. Magkaibigan sila at pinakasalan niya ang pinsan nito?Pero si Aslan na ang nagsabi ang tungkol kay Yesha na ayos lamang dito kung magkakatuluyan sila o para ngang ito pa ang nag-uudyok kay Aslan na kumuha sila ng marriage certificate.Napakahirap talagang hindi mapatitig kay Aslan sapagkat ang presensya nito tila nag-iimbita na doon lamamg sa kaniya ituon ang mata nang taong kaharap.Gusto ni Devin na magpakasal sa isang taong hindi nakakabuwisit at may mabuting ugali, at si Aslan nga ang pinakamagandang pagpipilian.Sa ilang beses niyang pakikipagkita sa mga lalaking inihanda para sa kaniya ng kaniyang ina wala man lang nakakuha ng interes niya.Ngayon na si Aslan ang nasa harapan niya at nagyaya na kumuha ng marriage certificate ay tila natutuwa pa siya.Kinurba ni Devin ang pulang la
Sa unang pagkakataon, para kay Devin ay mahirap isipin na ang lalaking nasa harapan niya ay ang taong nasa kaniyang alaala na paulit-ulit na nag-aliw sa kaniya noong pansamantalang nabulag siya sa pag-ibig.Nang panahong iyon, isang lindol ang naganap, iniligtas si Devin ni Renz. Inaliw at sinamahan siya nito habang naghihintay ng mga rescuer, matagal nang umibig si Devin kay Renz at mas lalo pang lumalim iyon dahil sa ginawa nitong pagsagip sa kaniya at sinamahan siya kahit na hindi sila magkakilala.Nakita niyang isa itong mabuting tao, may puso at malasakit sa kapwa. Ngunit hindi kailanman naisip ni Devin na ang lalaking sinamahan siya sa kadiliman sa kaniyang alaala ay magiging ganoon kasama at hindi mapagkakatiwalaan.“Devin, dapat maging maalaga ang mga babae sa kanilang sarili. Wala kang mapapala kung patuloy mong kukulitin ako ng ganito. Hindi na ikaw ang gusto ko, kaya tanggapin mo na lang ang katutuhanan na hindi na ako babalik sa'yo.”Umarko ang kilay ni Devin dahil iniisip
Kalmadong sinabi ni Devin, “Huwag kang mag-alala, tapos na kami ni Renz. Ngunit dahil mamamahala ako sa La Hermosa sa hinaharap, mas mabuting magkaroon ako ng matatag na kasal. Mas mabuting pumili ako ng isang lalaking hindi ko gusto.”Tutol si Madame Editha sa pakikipagrelasyon ni Devin kay Renz.Sa isang banda, hindi siya nasisiyahan kay Devin dahil sa nagpakabaliw ito sa pag-ibig sa lalaking hindi sinuklian ang pagmamahal, at sa kabilang banda, dahil ang pamilya Hermosa at pamilya Hidalgo ay magkakompetensya.Kahit na ang mga Hidalgo ay hindi kasing-lakas ng mga Hermosa, sila pa rin naman ay mga kalaban.Sa katunayan, pagdating sa kasal, si Madame Editha ay wala gaanong pagnanais na kontrolin si Devin, at hindi nito gaanong pinapansin ang marami sa mga gawain ni Devin dahil na kay Denise ang atensyon at pag-aalaga nito.Matatalas ang mga mata ni Madame Editha, at sinuri nito si Devin saglit. “Sige.” Sabi nito, “Ikaw mismo ang pumili ng lalaking papakasalan mo. Umaasa akong tatangg
‘Paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Renz?’ Sa isip ni Devin.Napuno ng sari-saring katanungan ang isipan ni Devin, ngunit nang maisip na nabanggit ni Yesha sa binata ang tungkol sa kanila ni Renz ay hindi na siya nag-isip pa ng ibang dahilan.Ngumiti lang siya, at sinabi, “Hindi, Kuya Aslan, sadyang pinairal natin ang kapusukan, kaya kalimutan na natin ito.”Kumurap si Devin, ngunit nakaramdam pa rin ng kaunting pagka-guilty.Si Aslan napakaespesyal.Napakatalentado, gwapong binata at promising, at maihahalintulad ito sa isang kilalang bulaklak sa tuktok ng bundok, tulad ng malamig na buwan na nakasabit sa langit.Ang nangyari sa kanila, isang malaking kasalan.Lihim na sinumpa ito ni Devin sa kaniyang puso.Itinaktak ni Aslan ang abo ng sigarilyo sa ashtray at walang pakialam sa sinabi ni Devin na kung ito man ay masama o mabuti. Gayunpaman, madilim ang kaniyang marahas na mga mata. “Whatever.”Nakahinga ng maluwag si Devin nang marinig ang sagot nito ngunit natigilan si Devi