Share

THE HIDDEN WIFE’S TEARS
THE HIDDEN WIFE’S TEARS
Author: SEENMORE

1.

Author: SEENMORE
last update Huling Na-update: 2025-07-26 17:25:28

“CATH, black ice coffee sa akin!”

“Sandwich tuna naman ang sa akin, Cath!”

“Cath, natapos mo na ba ‘yung files na binigay ko sayo kahapon? Kailangan ko na kasi ‘yon mamaya.”

“Eh yung pinapa-copy ko sayo, Cath? Natapos mo na ba? Naku kailangan ko na din ‘yon mamaya!”

Pagod na pagod siyang pumasok sa elevator. Hindi niya mapunasan ang pawis niya na nag uunahan sa pagtulo dahil sa dami ng kanyang dala. Muntik pa siyang matisod pagkalabas niya. Natuluan kasi ng pawis ang salamin niya kaya wala siyang masyadong makita.

“MISS GUNCHILLEZ!”

Napalundag siya sa gulat ng marinig ang malakas na boses ni Mrs. Reyes, ang head ng HR department. Muntik niya tuloy mabitiwan ang mga kapeng dala niya. Kahit hindi niya masyado makita ito, alam niyang umuusok na naman ang ilong nito dahil sa kanya.

Akala niya ay sisigawan siya nito pero hindi pala. Kinuha nito ang salamin sa mukha niya at malinaw na ng ibalik sa kanyang mata.

“Ano ka ba namang bata ka. Magpipitong taon ka na dito sa kumpanya pero parang wala kang natututunan. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka nila utusan kaya hindi mo sila kailangang sundin. Hindi ka ba napapagod?”

“Eh kasi, ma’am…” pinanlakihan siya nito ng mata kaya yumuko nalang siya. Matandang biyuda na ito kaya mainitin ang ulo. Ayaw nito ng sinasagot-sagot. Baka mamaya ay pagalitan nito ang lahat ng mga empleyado kaya hindi na siya sumagot.

“Ayoko ng mauulit ito. Maliwanag ba?”

Tumango siya.

“Hindi porke nakikita nilang hindi ka tinatrato ng mabuti ni Sir Quinn ay gaganituhin ka na nila. Sige na umalis ka na.”

Kanina pa ito nakaalis pero nakatayo pa rin siya. Oo mainitin ang ulo at masungit ito pero Alam niyang nagmamalasakit lang ito sa kanya. Hindi kasi tinatrato ng maayos ng mismong may ari ng pinapasukan niya. Kaya siguro gano’n nalang din ang trato sa kanya ng mga empleyado ng kumpanya.

Tumingin siya sa flower vase na may magandang bulaklak. Akala niya totoo ang sinasabi noon ng mommy niya—na magkakaroon siya ng magandang buhay pagkatapos niyang mag asawa.

Pero hindi pala.

Naniniwala noon ang mommy niya na nagdadala ng swerte ang mga bulaklak. Nagdadala raw ito ng magandang bukas at kasiyahan sa mga babaeng katulad nila. Kaya naman kahit saang sulok ng kanilang bahay ay mayro’ng mga bulaklak na makikita. Para daw ito sa kanila ng kapatid niya. Para magkaroon sila ng magandang bukas at swerteng kinabukasan at magaya sila rito.

Catherina used to believe that too, not until she married her cold heartless husband.

Ang maganda at masayang buhay may asawa ay malayo sa kanyang inakala, malayo sa mala-fairytale na akala niya ay mararanasan niya.

Siya si Catherina Gunchillez Quinn.

Oo. Siya ang asawa ni Nickolas Quinn, ang may ari ng kumpanyang pinapasukan niya. Asawang hindi kilala ng lahat.

“Ma’am, tumawag po si Sir Nicholas, hindi daw siya makakauwi. Baka kako hindi niya nabanggit sayo kaya sinabi ko na para hindi kayo mapuyat sa paghihintay.” Nagmamalasakit na sabi ng kasambahay sa kanya ng katukin siya. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tauhan ito ang trato sa kanya ng kanyang asawa. Naaawa ang iba at nagmamalasakit, katulad nito at ng iba pa.

Napapahiya siyang tumango. ‘Mabuti pa ito ay tinawagan at binilinan. Samantalang siya na asawa ay hindi man lang tinawagan.’

“Binanggit ba ng sir mo kung kailan siya makakauwi?” Nagbabakasakali na tanong niya rito.

Magalang ito na umiling. “Hindi, ma’am.”

“Eh bilin para sa akin? Wala ba?”

“Wala din ho, ma’am. Bakit ho? May nakalimutan bang ibibilin si sir?”

“Uhm, wala. Sige salamat.”

“Walang anuman ho, ma’am!”

Nang makaalis ang kasambahay ay marahan niyang sinara ang pintuan.

‘Umasa ka na naman, Catherina!’ Kastigo niya sa sarili niya bago binaling ang mata sa kumpol ng mga bulaklak na nasa flower vase rito sa kwarto niya.

‘Hindi na naman ito makakauwi… pero wala namang bago roon. Palagi naman ganito.’

Umupo siya sa harapan ng vanity mirror niya at sinuklay ang mahaba, itim at tuwid niyang buhok na hanggang baywang. Habang nakatingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin ay kinagat niya ng madiin ang kanyang labi.

‘Wag kang malungkot, Catherina. Uuwi din naman ang asawa mo.’ sinubukan niyang pigilan ang lungkot pero hindi niya mapigilan. Walang araw yata na hindi siya nangungulila dito. Kaya mas gusto niya magtrabaho eh. Nababawasan ang pangungulila.

Magpipitong taon na buhat ng ikasal silang dalawa ni Nickolas. It was like a fairytale to her when she got married to the man she loved. Akala niya ay matutulad siya sa mga prinsesang nababasa at napapanood niya noon. Pero hindi pala. Ang mala-fairytale na kasal at kinabukasang inakala nila ng mommy niya ay napakalayo sa buhay na mayro’n siya sa piling ng asawa niya.

Pagkatapos ng kasal, Nick treated her like a stranger. A total stranger who is just nothing but a wife on paper. Ang masakit, walang nakakaalam na asawa siya nito maliban sa kanilang malapit na kakilala. Sa katunayan ay tanging magulang at kapatid kang nito ang nakakaalam kung sino siya sa buhay nito. Dahil kahit ang mga kaibigan nito ay hindi siya kilala at kung ano siya sa buhay nito.

‘She is just my secretary, or one of my employees’ ito ang palaging pakilala sa kanya ni Nick sa tuwing may nagtatanong dito tungkol sa kanya.

Para dito ay isa lamang siyang tauhan nito at wala ng iba.

Gumuhit ang kirot sa puso niya ng maalala iyon.

Arranged marriage lang ang kasal nilang dalawa. Ang kanilang ama ay nagkasundo na ipakasal sila. Noong una ay hindi siya sang ayon sa gusto ng kanyang ama, ngunit nang makita niya ang binata ay nagbago ang pasya niya. Sa unang pagkikita at pag uusap ay minahal niya agad si Nickolas at pinangarap na maging asawa ito. Ang pangarap niya ay sinantabi niya para maging asawa ng isa sa pinakabatang bilyonaryo at mayaman sa bansa, si Nickolas Quinn, ang CEO ng QID Company.

Quinn Imperial Devices is a prestigious company. It is one of the most renowned companies in the world, known for its high-quality technologies. Itinatag ito ng ninuno ni Nickolas Quinn, at hanggang sa kasalukuyan, walang nakapantay o nakapagpabagsak dito sa kabila ng mga pagtatangka ng iba pang mga kompanya. Quinn’s Company It is not targeted at the average person; its technology is exclusively for wealthy individuals like them.

Usap-usapan noon na malamig at walang pakialam ang asawa niya sa paligid nito, wala itong pinapahalagahan kundi ang pagluluto, na dahilan kaya makailang ulit nitong tinanggihan ang pagpapatakbo ng kumpanya noong nabubuhay pa ang ama at kapatid nito.

Akala niya ay walang katotohanan ang mga iyon dahil malayo iyon sa Nickolas na nakilala niya noon. Akala niya ay gano’n lang kadali ang pag aasawa, ang lahat, ngunit mali na naman siya. Heto siya ngayon, magpipitong taon ng tahimik na lumuluha sa sakit ng dulot ng pambabalewala nito sa kanya. Tama ang mga ito, Nickolas is a cold-hearted man na walang pakialam sa damdamin ng iba.

Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na siya at nagtungo sa kusina. Sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng pagkaing nakahain sa mesa.

Imbes na makaramdam ng gutom, libo-libong lungkot ang kanyang naramdaman. Walang bago, sa mahaba at malawak na dining hall ay mag isa na naman siyang uupo at kakain.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Abe Dugan
yown may bago na di hehe salamat po sa bagong story
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   24.

    ‘Pagdating niya?’ “Sino hong darating? Si mommy Kalea ho ba?” “Ah basta… magugulat ka nalang. Oh siya aalis na muna ako. Babalik din ako mayamaya kaya wag kang mag alala. Kapag nagutom ka ay may mga prutas dito sa mesa, pabalatan mo nalang sa kanya.” “Manang Selya, sandali po…” pagsara ng pinto nalang ang narinig niya. Inabot niya ang salamin ngunit wala na ito sa tabi niya. Mukhang dinala ito ni manang. Nababagot na humikab siya pagkaraan ng isang oras. Gusto niya sanang tumayo at lumabas pero kabilin-bilinan ng doktor na magpahinga siya. At isa pa, wala siyang salamin, baka kung saan-saan pa siya mabunggo kapag lumabas siya. Inabot niya ang isang orange, sakto naman na bumukas ang pintuan. “Manang Selya, pwede po bang pakiabot ng salamin ko? Wala po kasi akong makita—“ Tumingala siya sa taong kumuha ng orange sa kamay niya. Kahit napakalabo ng mata niya… kilala niya anh bulto at taas ng asawa niya Si Nick ang taong nasa harapan niya! Pinilig niya ang ulo. Imposibl

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   23.

    “Nakakainis talaga ang lalaking ‘yon! Hanggang ngayon papansin pa rin!” Bulong ni Athena. “Hanggang ngayon hindi pa rin kayo magkasundo.” Puna ni Nana Lydia. “Eh kasi hindi siya nagbabago… papansin pa rin!” Umupo ito at nakasimangot na tumabi sa kanya. “Ate, bakit nakasalamin ka pa rin hanggang ngayon? Di’ba sinabi ko sayo na magcontact lense ka nalang? Saka sinusuot mo ba ‘yung mga padala kong mga damit sayo? Bakit ganyan pa rin ang mga suot mo?” Padala? Nagtataka na tumingin siya dito. Wala kasi siyang natatanggap na padala galing dito. “Ma’am Catherina, nasa kabilang linya si ma’am Kalea! Kakausapin ka daw ho!” Imporma ng kakapasok lang na kasambahay. Sinunukan niyang bumangon pero wala siyang lakas. “Mabuti at dumating ka, Athena. Ang ate mo kasi ayaw magpadala sa hospital para magpatingin. Ang tigas ng ulo! Akala yata ay kasing lakas siya ng kalabaw!” “May sakit ka?!” Sinalat nito ang noo niya. “Kaya pala init-init mo!” Bumaling si Athena kay Nana. “Pakihanda po ng

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   22.

    Sinalubong agad siya nila Nana Lydia ng makauwi siya. Muntik pa siyang mawalan ng malay dahil sa sama ng pakiramdam niya. Pinilit niya kasing umuwi para dito makapagpahinga. At least dito ay hindi siya mag iisa, nandito si nana Lydia para alagaan siya. “Hindi na kami nakatulog ni Selya sa pag aalala. Ano kamusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito habang nililinis ang sugat sa pisngi at kamay niya. “Alam mo ba na muntik na naming suungin ang baha para mahanap ka? Buti nalang at tumawag sila Jerry. Nasaan nga pala ang asawa mo?” Tanong ni manang Selya. Pumikit siya at sumandal sa headrest ng kama. “Pumasok na ho.” “Ano pumasok? Iniwan ka niya ng mag isa sa hotel?” “Wag po kayong magalit sa kanya, inalagaan niya ako buong magdamag. May emergency meeting lang siya kaya kailangan niyang umalis ng maaga.” Inalagaan naman talaga siya ni Nick, hindi nga lang sa paraang iniisip niya. Pero hindi na kailangan pang malaman iyon ng ibang tao. Hinawakan ni manang ang kamay niyang ben

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   21.

    Kahit nanghihina pa ay pinilit niyang bumangon. Baka huminto na ang ulan. Kailangan niyang maghanda para pumasok. Pero hindi parin kaya ng katawan niya kaya kusa siyang napahiga ulit. Kinapa niya ang katawan niya. Hindi siya nakaroba at nakakumot lang, may suot na siyang tshirt at panjama. ‘Binihisan siya ni Nick?’ Suminghot siya ng makaamoy ng mabangong pagkain. Paglingon niya sa pintuan ay nakita niya si Nick na may dalang tray, umuusok pa ang bowl na dala nito. Nagulat siya ng lapitan siya nito pagkatapos ilapag ang tray sa bedside table. Sinalat nito ang noo niya ng matagal, upang alamin kung mataas pa ang temperatura ng katawan niya. “My doctor friend came here to check you. Kailangan mo daw magpahinga ng ilang araw bago bumalik sa trabaho.” Kinuha nito ang bowl sa tray at inabot sa kanya. “Ininit ko, kainin mo na.” Hindi siya nakahuma at tumingin lang dito ng hindi makapaniwala. Ang inaasahan niya ay galit ang bubungad sa kanya pagkagising niya dahil tumabi siya dit

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   20.

    Puno ng luha ang mga mata na tumingin siya sa magulang. “W-wala akong kasalanan… m-maniwala kayo sa’kin. M-mommy, d-daddy, w-wala po akong ginawang masama…” Hindi… wala akong kasalanan… WALA! UMUNGOT siya at impit na umiiyak… nilalamig siya at hindi makagalaw. Napainit ng pakiramdam niya, parang sinusunog ang bawat himaymay ng balat niya, hindi lang ‘yon, napakasakit ng katawan niya na parang nalamog. May trangkaso yata siya. Dumilat siya at tumingin sa kisame. Nanghihina na tinaas niya ang kamay niya… may luha pala ang kabilang panig ng pisngi niya. Umiiyak na pala siya dahil sa masamang panaginip niya. “N-nick…” nanunuyo ang lalamunan niya. Gusto niyang humingi ng tubig pero parang wala siyang lakas. ‘Nasaan ako?’ Nandito parin ba sa hotel? Anong oras na? Malakas parin ba ang ulan? Naramdaman niya ang paglapat ng basang bagay sa noo niya, may umayos din ng kumot sa katawan niya. Si Nick… naaamoy niya ang pamilyar na mabangong amoy nito. Hindi ito umalis para

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   19.

    Tumingin si Penelope sa cellphone, kumunot ang kanyang noo ng hindi sagutin ni Nickolas ang tawag niya. “Ma’am, wala daw si Sir Nick sa bahay nila Madam Kalea. Umalis daw si Sir ng bahay kanina pa.” Sumbong sa kanya ng assistant niya ng utusan niya ito. “Kanina pa? Then where is he?” Lalong hindi napakali ang babae. Sanay siya na hindi sumasagot sa tawag niya si Nick ngunit iba ang kutob niya ngayon. Walang makapagturo sa kanya kung nasaan ito. “Baka na-stranded sa baha, ma’am.” “How about, tita Kalea? Kamusta na siya?” “Naku ma’am, ang sabi nila ay wala namang sakit si madam.” “What?!” Hinilot ni Penelope ang noo. “Kung wala si Nick sa bahay nila, then bakit hindi siya pumunta sa bahay ng mommy niya?“ May bagyo kaya cancel ang flight sa ibang lugar, kaya imposible na may business meeting ito. Natigilan ito ng maalala ang secretary ni Nick. Ibig sabihin pala ay gumawa ng storya ang babaeng iyon? Pagkatapos magbihis ay nagtungo ang dalaga sa terrace at naglabas ng s

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status