Share

2.

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-07-26 17:25:31

Matamlay siyang umupo.

“Catherina, narito na ang baon mo hinanda ko na. Wag mong kalimutan ang kumain sa tamang oras pagdating mo sa opisina ha. Kung sakali na dumating ang asawa mo ay magsalo nalang kayong dalawa.” bilin ni Nana Lydia. Ito ang tumayong yaya nila ng kapatid niyang si Athena no’ng bata pa sila. Noong nagdesisyon ang kanyang ama na ipakasal siya kay Nick, nakiusap ang mommy niya rito na bantayaan siya para dito. At dahil mahal siya ni nana Lydia at parang anak na ang turing nito sa kanya ay walang pagdadalawang isip na pumayag ito.

“Nana Lydia, kahit naman po damihan niyo ang baon ko hindi naman niya ako sasalohan o sasabayan. Saka hindi naman ‘yon kumakain ng luto ng iba.” May lungkot na sagot niya dito. Saka kung uuwi man ito, malabo na kausapin siya nito. Ang saluhan pa kaya o makihati sa kanya.

Nang makita nito ang nanlalalim niyang mata ay bumuntonghininga ito.

“Magpipitong taon ka nang nagtitiis, Catherina, hanggang kailan mo balak na magtiis pa? Malinaw na hindi ka niya kayang mahalin.”

Pumait bigla ang panlasa niya. Nawalan siya bigla ng gana.

“Wag mo sanang mamasamain ang sinasabi ko, pero tingnan mo ang sarili mo. Simula ng ikasal ka ay hindi na kita nakita na ngumiti ng totoo. Nagbago ka na at nawala ang bibong batang inalagaan ko noon. Kung nabubuhay ang magulang mo tiyak ako na hindi ito ang buhay na gusto nila para sa’yo,” ginanap nito ang kamay niya. “Habang bata ka pa ay mag isip ka na, Catherina. Nasasaktan akong makita kang ganyan, hindi masaya at nagdurusa.”

“M-masaya ako, Nana Lydia. Puyat lang ako sa kakanood ng Telenovela. Tapos na ho akong kumain, aalis na ako.”

“Aba pitong taon mo ng sinasabi ang dahilang ‘yan.”

“Ayos lang po talaga ako.” Tumingin si Catherina sa relo na suot. “Sige ho aalis na ako, maiwan ko na kayo.”

Bumuntonghininga ang matanda habang nakatingin sa papalayong pigura ni Catherina. Katulad no’n, walang pagbabago, hindi ito makikinig sa anumang sasabihin niya. Wala siyang magagawa kundi ang mahabag rito.

Nang makalabas sa kusina ay saka lamang nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Catherina. Kung magtatagal pa sa loob ay sigurado siya na bibigat lang ang kanyang loob, hindi sa matanda, kundi sa kanyang asawa si Nick.

Ilang beses na siya nitong pinayuhan, ngunit hindi siya nakinig isa man sa mga payo nito. Mahal niya si Nickolas at hindi niya ito iiwan. Naniniwala siya na isang araw ay magbubunga ang paghihintay niya.

“Sa Quinn one building po tayo, manong.” aniya sa driver ng makasakay sa sasakyan. Pagdating sa tapat ng gusali na pag aari ng kanyang asawa ay agad siyang bumaba.

Pagkapasok palang sa loob ay sumalubong sa kanya ang mga empleyado na abalang nagti-tsismisan. Mukhang hindi lang maliit na tsismis ang kumakalat ngayon dahil mapababae man o lalaki ay nagti-tsismisan.

Nang makita siya ni Jasmine ay kumaway ito at agad siyang nilapitan. “Cath! Cath!” humahangos na lumapit ito sa kanya. “Alam mo na ba ang bagong tsismis tungkol sa boss natin?”

Tumahip ng malakas ang dibdib niya ng marinig ang tungkol sa asawa na ngayon ay nasa ibang bansa para sa business meeting.

Tinago niya ang excitement sa boses niya. “Kay Sir Nick? Bakit pauwi na siya?”

Umiling ito. “Hindi! Tungkol ito sa tinatagong asawa niya!” Napalunok siya ng laway sa sinabi nito. May pinakita itong article sa kanya, kuha ng asawa niya sa ospital maysa higit anim na taon na ang nakakaraan. “Kuha ito sa ospital almost seven years ago, ngayon lang lumabas. Ang babaeng kasama dito ni Sir Quinn, usap-usapan na siya ang asawa niya, si Miss Penelope! Ang ex-girlfriend niya noong college!”

Tiningnan niya ang article. Kuha nga ito ng asawa niya. May kasama itong nakatalikod na babae.

“Pamilyar ang babae di’ba?”

Tumango siya.

“Si Miss Penelope kasi ‘yan.” Sabi ni Jasmine. “Nasa hospital daw si Sir noon para dalhin ang asawa niya! Oh my god! Ang bongga ng balitang ‘to! Biruin mo magpipitong taon bago nalaman ng buong mundo na si Miss Penelope ang asawa ni Sir! Tama nga ako… hindi kung sino-sino lang ang asawa ni Sir! Sa wakas, Matatapos na ang pustahan ng mga empleyado dito!”

Narinig na niya ang bali-balita noon sa dating kasintahan ng kanyang asawa na si Miss Penelope na isang sikat na Journalism dito sa bansa. Maganda ito at galing din sa respetadong pamilya, dating kaklse ni Nick sa college. Hindi lang ito matalino, maganda rin ito, matangkad at mayroong balingkinitan na katawan.

Tama sila Jasmine, hindi ito kung sinong babae lang. Sikat ito at kilala. Naging pantasya ito ng bayan dahil sa mala-artistahin nitong katawan at kagandahan.

“T-talaga… uhm, mabuti naman.” Nabasag ang boses niya, tila kasi may nagbarang bikig sa kanyang lalamunan. Imbes na siya—ibang babae ang iniisip ng iba na maybahay ng asawa niya. Kaya sinong hindi masasaktan? Saka kumpara dito, walang-wala siya.

“Pumusta ka ba? Kasi ako pumusta ako hehe. Ang laki nga ng pusta ko. Ikaw kasi ayaw mong maniwala sa akin na si Miss Penelope ang asawa niya. Secretary ka ni Sir pero palagi mo nalang sinasabi na wala kang alam. Umamin ka na kasi… nagsisekreto ka lang noh? Alam mo taga kung sino ang asawa ni sir pero nililihim mo lang sa amin. Umamin ka na kasi!”

‘Sikreto? Naku baka kapag nalaman niyo ay hindi lang kayo magulat.’

Ngumiti siya ng pilit bago sumagot. “Hindi ko talaga alam, wala talaga akong alam. Saka kung may alam nga ako… hindi ko rin pwedeng sabihin. Alam niyo naman na ayaw ni Sir na pinagti-tsismisan siya. Baka mapagalitan pa ako.”

“Sabagay tama ka. Baka tanggalin ka pa ni Sir. Mainit pa naman palagi ang ulo niya sayo. Siya nga pala. Nagawa mo na ba ‘yung pinapatapos ko sayo? Kailangan ko na kasi mamaya. Baka pagalitan ako ni Mr. Quirrez kapag hindi ako umabot sa deadline.”

Nakahinga siya ng maluwag ng maiba ang usapan nila.

“Sige ibibigay ko sayo mamaya.”

“Thanks, Cath! Hulog ka talaga ng langit! Hayaan mo mamaya bibigyan kita ng balato sa pusta ko!”

“Wag na, nakakahiya naman—

“Ano ka ba! Deserve mo ‘yon kasi magaling ka makisama. Wag ka na mahiya. Oh siya hihintayin ko ang mga files ha!”

Hindi na siya nakatutol ng umalis na ito.

Ang totoo ay ginagawa lang naman niya ito para libangin ang sarili niya. Kung mapapagod kasi siya sa trabaho ay mawawala si Nick sa isip niya. At iyon ang gusto niya—kalimutan si Nick kahit sandali. Para pag uwi ay saka lang mapapagod ang isip at puso niya sa kakaisip dito. Pagdating sa loob ng opisina ay nilabas niya ang singsing sa bulsa niya.

Ito ang wedding ring nilang dalawa. Hindi niya kasi ito pwedeng suotin kaya nilalagay nalang niya ito sa bulsa niya. Ito ang dahilan kaya panay ang kapa niya sayo bulsa niya. Natatakot kasi siya na baka mawala ito.

‘Singsing lang ‘yan at walang halaga. Pero ayokong pagmulan iyan ng pagdududa ng mga makakakita!’ Umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ni Nick. Ayaw nito na isuot niya ang singsing na nagpapatunay na kasal na sila. Kaya kaysa magalit ito ay sinunod nalang niya ang gusto nito kahit labag sa loob niya na hubarin ang singsing nila.

Tumingin siya sa buong paligid. Plain na black and white lang ang theme ng office. Walang bakas niya o ng kahit anong ugnayan na mayroon sila. Walang wedding photo nila maski isa. Hindi katulad ng office ng kanyang ama, may family pictures sila at solong kuha ang mommy nila. Gusto kasi ng daddy niya na nakikita sila noon, lalo na ang mommy niya kahit saan ito lumingon. Napangiti siya ng maalala ang malambing na dahilan nito.

‘Ginaganahan ako magtrabaho kapag nakikita ko ang litrato ng mommy niyo’ linya nito na babasagin naman ng mommy ng ‘Bolera talaga ang daddy niyo’

Tumingala siya at pumikit. ‘Mommy, Daddy, miss na miss ko na po kayo’ may lungkot na anas niya ng maalala ang mga ito. Kung hindi ba nangyari ang insidenteng iyon ay hindi ganito ang buhay nila ngayon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   24.

    ‘Pagdating niya?’ “Sino hong darating? Si mommy Kalea ho ba?” “Ah basta… magugulat ka nalang. Oh siya aalis na muna ako. Babalik din ako mayamaya kaya wag kang mag alala. Kapag nagutom ka ay may mga prutas dito sa mesa, pabalatan mo nalang sa kanya.” “Manang Selya, sandali po…” pagsara ng pinto nalang ang narinig niya. Inabot niya ang salamin ngunit wala na ito sa tabi niya. Mukhang dinala ito ni manang. Nababagot na humikab siya pagkaraan ng isang oras. Gusto niya sanang tumayo at lumabas pero kabilin-bilinan ng doktor na magpahinga siya. At isa pa, wala siyang salamin, baka kung saan-saan pa siya mabunggo kapag lumabas siya. Inabot niya ang isang orange, sakto naman na bumukas ang pintuan. “Manang Selya, pwede po bang pakiabot ng salamin ko? Wala po kasi akong makita—“ Tumingala siya sa taong kumuha ng orange sa kamay niya. Kahit napakalabo ng mata niya… kilala niya anh bulto at taas ng asawa niya Si Nick ang taong nasa harapan niya! Pinilig niya ang ulo. Imposibl

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   23.

    “Nakakainis talaga ang lalaking ‘yon! Hanggang ngayon papansin pa rin!” Bulong ni Athena. “Hanggang ngayon hindi pa rin kayo magkasundo.” Puna ni Nana Lydia. “Eh kasi hindi siya nagbabago… papansin pa rin!” Umupo ito at nakasimangot na tumabi sa kanya. “Ate, bakit nakasalamin ka pa rin hanggang ngayon? Di’ba sinabi ko sayo na magcontact lense ka nalang? Saka sinusuot mo ba ‘yung mga padala kong mga damit sayo? Bakit ganyan pa rin ang mga suot mo?” Padala? Nagtataka na tumingin siya dito. Wala kasi siyang natatanggap na padala galing dito. “Ma’am Catherina, nasa kabilang linya si ma’am Kalea! Kakausapin ka daw ho!” Imporma ng kakapasok lang na kasambahay. Sinunukan niyang bumangon pero wala siyang lakas. “Mabuti at dumating ka, Athena. Ang ate mo kasi ayaw magpadala sa hospital para magpatingin. Ang tigas ng ulo! Akala yata ay kasing lakas siya ng kalabaw!” “May sakit ka?!” Sinalat nito ang noo niya. “Kaya pala init-init mo!” Bumaling si Athena kay Nana. “Pakihanda po ng

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   22.

    Sinalubong agad siya nila Nana Lydia ng makauwi siya. Muntik pa siyang mawalan ng malay dahil sa sama ng pakiramdam niya. Pinilit niya kasing umuwi para dito makapagpahinga. At least dito ay hindi siya mag iisa, nandito si nana Lydia para alagaan siya. “Hindi na kami nakatulog ni Selya sa pag aalala. Ano kamusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito habang nililinis ang sugat sa pisngi at kamay niya. “Alam mo ba na muntik na naming suungin ang baha para mahanap ka? Buti nalang at tumawag sila Jerry. Nasaan nga pala ang asawa mo?” Tanong ni manang Selya. Pumikit siya at sumandal sa headrest ng kama. “Pumasok na ho.” “Ano pumasok? Iniwan ka niya ng mag isa sa hotel?” “Wag po kayong magalit sa kanya, inalagaan niya ako buong magdamag. May emergency meeting lang siya kaya kailangan niyang umalis ng maaga.” Inalagaan naman talaga siya ni Nick, hindi nga lang sa paraang iniisip niya. Pero hindi na kailangan pang malaman iyon ng ibang tao. Hinawakan ni manang ang kamay niyang ben

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   21.

    Kahit nanghihina pa ay pinilit niyang bumangon. Baka huminto na ang ulan. Kailangan niyang maghanda para pumasok. Pero hindi parin kaya ng katawan niya kaya kusa siyang napahiga ulit. Kinapa niya ang katawan niya. Hindi siya nakaroba at nakakumot lang, may suot na siyang tshirt at panjama. ‘Binihisan siya ni Nick?’ Suminghot siya ng makaamoy ng mabangong pagkain. Paglingon niya sa pintuan ay nakita niya si Nick na may dalang tray, umuusok pa ang bowl na dala nito. Nagulat siya ng lapitan siya nito pagkatapos ilapag ang tray sa bedside table. Sinalat nito ang noo niya ng matagal, upang alamin kung mataas pa ang temperatura ng katawan niya. “My doctor friend came here to check you. Kailangan mo daw magpahinga ng ilang araw bago bumalik sa trabaho.” Kinuha nito ang bowl sa tray at inabot sa kanya. “Ininit ko, kainin mo na.” Hindi siya nakahuma at tumingin lang dito ng hindi makapaniwala. Ang inaasahan niya ay galit ang bubungad sa kanya pagkagising niya dahil tumabi siya dit

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   20.

    Puno ng luha ang mga mata na tumingin siya sa magulang. “W-wala akong kasalanan… m-maniwala kayo sa’kin. M-mommy, d-daddy, w-wala po akong ginawang masama…” Hindi… wala akong kasalanan… WALA! UMUNGOT siya at impit na umiiyak… nilalamig siya at hindi makagalaw. Napainit ng pakiramdam niya, parang sinusunog ang bawat himaymay ng balat niya, hindi lang ‘yon, napakasakit ng katawan niya na parang nalamog. May trangkaso yata siya. Dumilat siya at tumingin sa kisame. Nanghihina na tinaas niya ang kamay niya… may luha pala ang kabilang panig ng pisngi niya. Umiiyak na pala siya dahil sa masamang panaginip niya. “N-nick…” nanunuyo ang lalamunan niya. Gusto niyang humingi ng tubig pero parang wala siyang lakas. ‘Nasaan ako?’ Nandito parin ba sa hotel? Anong oras na? Malakas parin ba ang ulan? Naramdaman niya ang paglapat ng basang bagay sa noo niya, may umayos din ng kumot sa katawan niya. Si Nick… naaamoy niya ang pamilyar na mabangong amoy nito. Hindi ito umalis para

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   19.

    Tumingin si Penelope sa cellphone, kumunot ang kanyang noo ng hindi sagutin ni Nickolas ang tawag niya. “Ma’am, wala daw si Sir Nick sa bahay nila Madam Kalea. Umalis daw si Sir ng bahay kanina pa.” Sumbong sa kanya ng assistant niya ng utusan niya ito. “Kanina pa? Then where is he?” Lalong hindi napakali ang babae. Sanay siya na hindi sumasagot sa tawag niya si Nick ngunit iba ang kutob niya ngayon. Walang makapagturo sa kanya kung nasaan ito. “Baka na-stranded sa baha, ma’am.” “How about, tita Kalea? Kamusta na siya?” “Naku ma’am, ang sabi nila ay wala namang sakit si madam.” “What?!” Hinilot ni Penelope ang noo. “Kung wala si Nick sa bahay nila, then bakit hindi siya pumunta sa bahay ng mommy niya?“ May bagyo kaya cancel ang flight sa ibang lugar, kaya imposible na may business meeting ito. Natigilan ito ng maalala ang secretary ni Nick. Ibig sabihin pala ay gumawa ng storya ang babaeng iyon? Pagkatapos magbihis ay nagtungo ang dalaga sa terrace at naglabas ng s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status