Share

CHAPTER 2

panganib sa paligid. Hindi mo sila makita at hindi mo alam kung kailan sila aatake.

Mula sa malayo sila ay nakamasid, ninanamnamn ang iyong halimuyak at kapag hindi nakapagpigil sa tawag ng kanilang kumakalam na sikmura ikaw ay kanilang lalapain hanggang ikaw ay mawalan ng buhay.

Humans are just like a livestock for them were they can eat whenever they want and they feel hungry.

Sinong mag-aakala na sa modernong panahon ngayon ay mayroon pa palang katulad nila, namumuhay at tahimik na naghahasik ng lagim, nagbibigay ng takot at pangamba sa kanilang mga naging biktima.

Mababalahibong katawan, matatalas na kuko at matutulis na ngipin na kapag bumaon sa iyong balat ay tiyak na ikaw ay papalahaw hanggang sa unti-unti lang mawalan ng boses at hininga.

 “Hindi ko akalaing sa edad kong ito ay mayroon pang katulad nila, umaaligid at naghihintay ng tiyempo. Hindi ko rin lubos maisip na sila ay namumuhay sa modernong panahon,” bulong mahinang sambit ni Hasna habang pinagmamasdan ang ilang siyudad mula sa pinakamataas na gusali ng bayan.

Humampas ang malamig na simoy ng hangin sa kaniyang balat at ginulo nito ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nakawala sa pagkakapusod

 “Hasna,”

Napalingon si Hasna sa kaniyang likuran kung saan nagmula ang narinig niyang boses na tumawag sa kaniyang pangalan.

Walang emosyong tinapunan niya ito ng tingin bago muling ibinalik ang atensyon sa kalsada na punong-puno ng umiilaw na sasakyan. Kanina pa walang usad ang mga sasakyan dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.

“Hasna, ipinatatawag ka ni Kapitan Klaus,” wika ng babaeng tumawag sa kaniya kanina. Nanatiling nanahimik si Hasna at hindi man lang binalingan ng tingin ang babaeng kararating lang.

“Ano’ng pinaplano mo, Hasna?” tanong pa nito sa akin. Napabuntonghininga na lamang si Hasna at saka hinarap ang babae.

“Eris,” marahang sambit ni Hasna sa pangalan nito. Huminto siya at pinagmasdan ang kaibigan. Si Eris ang kaibigang babae ni Hasna na kapwa kaedad niya at kasamang sinanay ni Kapitan Klaus.

 Diretso niyang tiningnan sa mga mata ang dalaga. Kitang-kita ni Hasna ang pag-aalala sa mga mata ni Eris.

“Hasna,”

“Alam ko ang ginagawa ko. Wag kang mag-alala sa akin. Kayang-kaya kong tanggapin ang mga sermon ni Kapitan Klaus sa akin. Hayaan n’yo lang akong sumama sa inyo ngayong gabi,” walang emosyong sabi ni Hasna.

“Pero…”

“I already said it. Wag mo na akong paulitin pa,” mariing sabi ni Hasna at saka muling ibinaling ang atensyon sa mga sasakyang mabagal ang usad sa kalsada.

Walang kamalay-malay ang grupo na nakasama na nila si Hasna. Palihim na sumakay si Hasna sa bubong ng dyip at doon nahiga hanggang sa makaalis ang ito sa sittio. Ang kaniyang mga gamit ay kaagad niyang isinuot sa kaniyang katawan at ipinulupot ang latigo sa kaniyang baywang na nagmistulang sinturon.

Nang makarating sa bayan at mag-ayos ang grupo na nakatuka ngayong gabi na magmanman sa bawat sulok ng bayan, kinuha iyong pagkakataon ni Hasna upang makaalis sa ibabaw ng dyip hanggang sa napagpasyahan niyang ipaalam sa kaniyang kabigan na kasama nila siya.

“Patay tayo nito kay Kapitan Klaus, Hasna,”

“Bakit ka ba nangangamba? Hindi naman ikaw ang pagagalitan,” inis na sabi ni Hasna. Napakagat labi na lamang si Eris at saka nanahimik. Sabay nilang pinagmasdan ang bayan at hinayaan ang mga sarili na guluhin ang kanilang buhok ng malakas na hangin sa tuktok ng gusali na kanilang tinatapakan.

“Hindi ko hahayang marinig at makita ang mga tao na binabalot ng takot nang dahil sa kanila. Aanhin ang aking isinagawang pagsasanay kung mananatili lang ako sa sitio at walang gagawin kung hindi ang alagaan ang sarili at sumunod kay Kapitan Klaus,” wika ni Hasna.

Napabaling si Eris kay Hasna habang nakakunot ang kaniyang noo.

“Ibig mo bang sabihin, kayang mong suwayin si Kapitan Klaus?” tanong ni Eris.

“Tss. Ano pa ba itong ginagawa ko, hindi ba’t paglabag na ito sa kanyang kagustuhan para sa akin? Gusto niya akong ingatan, gusto niya akong hindi masaktan mula sa pakikipaglaban kaya hindi n’ya ako isinama sa inyo pero heto ako ngayon, nasa tabi mo, sabay na niyayakap ng malamig na hangin,” wika ni Hasna at saka ito bumaling kay Eris na mayroong ngisi sa kaniyang mga labi.

Napanganga na lamang si Eris at hindi na nakapagsalita habang pinagmamasdan si Hasna. “Ang simpleng pagtakas ko ng gamit niya ay isa nang pagsuway, Eris,” dagdag pa ni Hasna. Napailing-iling ito at saka dahan-dahang naglakad palapit kay Eris.

Nang makalapit si Hasna sa kaibigan, ipinatong nito ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang balikat ni Eris at saka tinapik ng dalawang beses at binigyan ng isang matamis na ngiti.

“Don’t worry about me, Eris. Parang hindi mo naman ako kilala, eh,” wika pa ni Hasna.

“Hasna,” tawag pa ni Eris sa pangalan ng kaniyang kaibigan. Hindi nawala sa itsura ni Eris ang pag-aalala sa kahihinatnan ng kaniyang kaibigan. Batid niyang alam niya ang ipinaglalaban nito ngunit hindi niya inaakalang darating sa ganitong punto ang mga ikinikilos ni Hasna.

“Ilang taon, ilang taon ko itong pinaghandaan. Hindi ko maaring pabayaan ang lahat ng nangyari at nangyayari. Hindi ko hahayaang mangyari sa iba ang nangyari sa akin,” mariing sabi ni Hasna sa kay Eris upang makumbinsi ito.

Huminga nang malalim si Eris at hindi inalis ang mga tingin kay Hasna. “Don’t do this to us, Hasna,” mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Eris.

Muling tinapik ni Hasna ang balikat ng kaibigan at saka muli inangat ang kaniyang paningin at inilibot ito sa paligid. Napabaling silang dalawa sa kaliwa nang makarinig ng sigaw.

Napabaling ang dalawa sa isa’t isa at sabay na tumango. Bumaba silang dalawa sa dulo ng gusali at saka bumuwelo ng talon upang makalipat sa kabilang gusali na mas mababa sa gusali na kanilang tinatapakan. Nagpatalon-talon sila sa ibabaw ng mga gusali.

Nang mapagod sa pagtalon at pagtakbo, sabay na hinugot nila ang latigong nakapulupot sa kanilang baywang na nagsilbing sinturon ng kanilang mga suot at saka naghanap ng bakal na pwede matibay at mapupuluputan.

Nang makahanap at makasigurong matibay na ang pagkakapulupot, mahigpit na hinawakan ni Hasna ang dulong hawakan ng latigo at saka bumaba sa isang iskinita.

Naunang makababa si Hasna kaysa kay Eris dahil naghahanap pa ito ng mapagkakabitan ng kaniyang latigo.

Hinugot ni Hasna ang isang pilak na kutsilyo na nakalagay sa kaniyang tactical leg belt habang bumaba. Hindi na nagdalawang isip pa si Hasna na balikan pa ang kaniyang latigo na nanatling nakasabit sa bakal. Ang mas mahalaga sa kaniyang sa mga oras na iyon ay maligtas ang babae mula sa mga kamay ng panganib.

Tumakbo nang tumakbo si Hasna hanggang sa marating sa isang madilim na iskinita. Kitang-kita ng kaniyang dalawang mata kung ano ang ginagawa ng lalaki sa babae.

Mahigpit na hawak-hawak ng lalake ang balikat ng isang babae na nagpupumiglas upang makatakas.

“Hoy!” Pag-agaw ni Hasna sa pansin ng lalaking mahigpit ang pagkakahawak sa balikat ng babae. Pasimple niyang itinago sa kaniyang likuran ang kutsilyo.

“Bitawan mo s’ya,” utos ni Hasna sa lalaki. Akala niya ay isang nilalang sa gabi ang kaniyang makakasalamuha ngunit isa pala itong ordinaryong tao.

“’Wag kang makialam kung ayaw ninyong masaktan!” mariing sigaw ng lalaki habang nakatingin kay Hasna.

Humakbang ng isang beses si Hasna habang hindi inaalis ang tingin sa lalake at sa bibiktimahin nito. Nanlaki ang mata niya nang bigla itong nagbago ng anyo. Napasigaw nang malakas ang babae at halos nanginginig na ang katawan dahil sa takot lalo na’t nasa mismong harapan niya ito nagpalit ng anyo.

Hindi nagdalawang isip na sugurin ni Hasna ang lalaki. Mula sa kaniyang likuran, inilabas niya ang hawak-hawak niyang kutsilyo. Kuminang ang matulis nitong dulo nang tumama ang repleksyon ng ilaw sa talim nito.

Mabilis na tumakbo si Hasna at hinagis ang kutsilyo na eksaktong tumama sa noo ng taong lobo. Napaangat ang babae at si Hasna sa itaas nang makarinig ng isang malakas na sigaw habang papasugod sa taong lobo.

Sumisigaw si Eris habang pababa ng gusali hanggang sa lumapat ang paa nito sa lupa at marahas na iwinasiwas ang kaniyang hawak-hawak na bolo.

Bumagsak ang katawan ng taong loob habang ang ulo nito ay tumasik sa likuran nito.

Napatingin si Hasna  kay Eris na nag-aalis ngayon ay hinihila ang kaniyang latigo mula sa pinupuluputan nito. Sumulyap ito kay Hasna at saka kuminda bago naglakad papunta sa ulo ng lalaki na unti-unti nang nagiging abo.

Napalunok na lamang ang si Hasna ng kaniyang sariling laway bago nilapitan ang babaeng muntik nang maging biktima.

Nanginginig pa rin sa takot ang babae habang nakatingin sa katawan ng taong lobo na walang ng buhay.  “Miss, kailangan mo nang umalis at wag na wag nang dadaan sa iskinitang ito,” utos ni Hasna sa babae.

“Ano’ng klaseng nilalang ‘yan?” nakatulalang tanong ng babae kay Hasna.

Nilingon niya si Eris na ngayon ay pinapanood ang unti-unting paglaho ng ulo. Bago pa man ito maubos ay hinugot nito ang kutsilyo na kaniyang hinagis kanina at saka siya nito tinignan.

“Taong lobo,” diretsong sagot ni Eris. Nanlaki ang mata ni Hasna nang walang alinlangang sagutin nito ang tanong ng babae. Tiningnan lang siya ni Eris at saka tinaasan ng kilay.

Napatingin na lamang si Hasna sa babae at hinaplos ang balikat nito na nagkaroon ng makat ng mga daliri mula sa mahigpit na pagkakahawak dito ng lalaki kanina.

Sabay-sabay silang tatlo na napabaling sa pinagmulan ng mga ingay. Animo’y mga hayop sa kakahuyan ang kanilang mga ingay, hayop na hayok na hayok sa laman ng tao.

Napatingala ng tingin si Hasna sa kaulapan at doon niya na lamang napansin ang bilog na bilog na buwan na siyang dahilan kung bakit mas malakas at malabas ang katulad nilang mga nilalang. Isa rin dahilan kung bakit mabilis silang nakakapagpalit ng anyo.

Lahat sila ay nangatal nang makita ang tatlong taong lobo na kalalabas lamang sa kanto. Napahinto ang isang taong lobo na nagsisilbing lider ng kanilang grupo. Nakatingin sa kanilang tatlo. Sumenyas ang taong lobo na nasa unahan na siyang nagpatigil sa susunod pa nitong mga kasama. Nakataas ang kaliwang kamay. Isang hudyat lamang ng nasa unahan, panigurado ay susugurin na sila ng mga ito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status