Share

CHAPTER 3

NANLILISIK ang kulay asul nilang mga mata, bakalabas ang mahahaba at matutulis na kuko, nakalabas ang mga ngipin habang tumutuloy ang laway at handa nang sugurin sina Eris at Hasna.

“Eris, ilayo mo ang babae. Ako na ang bahala rito,” sigaw ni Hasna. Kaagad na hinila ni Eris ang babae palayo sa lugar habang si Hasna ay hinintay na makalapit ang dalawang lalaking nauna sa pagsugod.

Sinugod ni Hasna ang dalawa. Akmang kakalmutin siya ng naunang lalaking sumugod, mabuti na lang ay kaagad na napayuko si Hasna at saka ito binigyan ng suntok sa sikmura at nilampasan ito para sugurin naman ang kasunod nitong kasama.

Gamit ang kaniyang hawak-hawak na kutsilyo, sinugatan niya ang tagiliran ng taong loob. Nang muling malampasan ni Hasna ang dalawang taong loob kaagad siyang lumingon at mabilis na hinagis ang isang kutsilyo na tumama mismo sa likurang bahagi ng ulo na siyang nagpahinto sa pagkilos nito.

Matalim na mga tingin ang itinapon ni Hasna sa taong lubo na kaniyang sinikmuraan. Tila ba lalong nag-alab sa galit ang taong lobo nang makita ang kaniyang kasamahan na kung kaya’t mabilis na kumulos ito para balikan si Hasna. Ang paligid ay tila ba nagging mabagal kay Hasna habang pinakikiramdaman ang bawat hakbang ng papalapit na lalaki. Dahan-dahan niyang hinugot ang isa pang kutsilyo.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at inayos ang posisyon. Kaagad niyang ihinagis ang kutsilyo at direktang tumama ito sa sentro ng noo ng kalaban. Agad na bumagsak ng nakaluhod ang lalaki.

Naibaling ni Hasna ang kaniyang atensyon sa isa pang taong lobo na kararating lang mula sa paghahabol kina Eris at sa babaeng muntik nang maging biktima ng kanilang kasamahan.

Tila ba nag-aalangan na itong lumapit nang makita ang kinahinatnan ng kaniyang mga kasama. Sa inis ni Hasna, tinadyakan niya ang taong lubong nakatalikod at nakaluhod sa kaniyang harapan para sugurin pa ang isang pang natitira at buhay na taong lobo.

Base sa pagkakatanda ni Hasna, ang taong lobo na natitira ay ang tumatayong lider sa dalawa niyang nakasagupa. Ang kaninang matapang at tila ba hayok na hayok sa laman ng tao ay napalitan ng pagkabalisa at takot. Humakbang paurong ang taong lobo habang hindi inaalis ang tingin kay Hasna.

 “Hinding-hindi ka makakatakas sa akin,” gigil na gigil na sigaw ni Hasna at saka sinugod ang taong lobo.

Pinalabas ng taong lobo ang kaniyang matutulis na kuko at pangil at mas piniling ayusin ang posisyon para sa pagsugod ni Hasna.

“Hasna,” tawag sa ni Eris sa kaibigan.

Napatingala si Hasna sa itaas kung saan nagmula ang boses ni Eris. Ihinagis nito ang latigo na ginamit niya kanina sa pagbabang gusali. Inikot-ikot ni Hasna ang kaniyang latigo sa at saka ito pinakawalan. Eksaktong sa leeg ito tumama ng taong lobo.

Napahawak sa latigo ni Hasna ang taong lobo nang maramdaman ang phigpit na pahigpit na pagkakapulupot nito sa kaniyang leeg. Umangal ito nang maramdaman ang paghapdi ng balat sa kaniyang leeg dahil sa epekto latigo na may bahid ng pilak kung saan iyon ang isa sa kanikang kahinaan at kung matindi ang epekto nito sa kanila ay maari nila itong ikamatay.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Hasna sa latigo habang papalapit siya sa taong lobo.

“Where’s your alpha? Where can I meet your alpha?” tanong ko pa sa kaniya. Biglang bumalik sa normal ng anyo ang taong lobo para maluwagan ang pagkakapulupot ng latigo. Hindi naman siya nabigo dahil nakawala siya mula sa pagkakatali sa kaniyang ni Hasna.

Muling ipinitik ni Hasna ang kaniyang latigo na siyang bumalot sa katawan ng lalaki na sa tingin niya ay nasa edad na singkwenta ngunit kakikitaan pa rin ng pagkamakisig at kakaibang lakas.

Nagulat si Hasna nang biglang may lumagpak na tao mula sa itaas na gusali. Nanlaki ang mata niya nang makita na may nakatusok nang punyal sa likuran ng lalaki na lumampas sa dibdib nito. Sa isang mabilis na pagkilos ng lalaking dumating, kaagad na pinugutan nito ang lalaking bihag ni Hasna. Ang ulo nito ay sinambot pa ni Hasna habang hindi makapaniwala na hawak-hawak niya ang ulo ng kaniyang kalaban.

“Almidos,” inis na banggit ni Hasna sa pangalan ng lalaking kararating lamang. “Ano bang problema mo? Wag ka ngang makialam sa ginagawa ko,” mariin niyang sabi. Bitawan niya ang ulo ng lalaking lobo at mabilis na kuwinelyuhan si Almidos.

Itinulak niya si Almidos hanggang sa tumama ang likuran nito sa isang pader.“I warned you, Almidos, do not interfere!” nagngingitngit niyang sabi.

Itinaas ni Almidos ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko habang nakangisi at tila ba nang-aasar pa.

“I won’t. I just cared fo you. Once you spare the life of that man, hindi mo magugustuhan ang parusa ni kapitan,” wika niya at saka muling ngumisi.

“Tama na ‘yan,” sigaw ni Eris sa amin. Napalingon si Hasna sa kay Eris hanggang sa napadako ang kaniyang tingin sa katawan ng dalawang taong lobo na wala ng ulo. Pinugutan na niya ng ulo ang dalawang lalaki na nakalaban niya kanina.

“Alam mo ba kung bakit hindi ka pinapayagan ni Kapitan na sumama sa ganitong misyon? Dahil d’yan, d’yan sa galit mo. Nagpapakain ka sa galit mo at hindi mo namamalayang kulang ang ikinikilos mo, mali ang ginagawa mo,” seryusong sabi ni Almidos sa mismong pagmumukha ni Hasna.

Dahil sa payat na katawan ni Almidos, nakayanang iangat nang bahagya ni Hasna si Almidos.

“Do you think you can beat them all? Do you think you killed them just by targeting their heads? No, Hasna, you simply disable them to move for about fifteen or twenty minutes. Habang abala ka sa isa, hindi mo namamalayang ang isa sa mga nauna mong kalaban ay malapit nang bumalik ang malay,” sermon pa ni Almidos kay Hasna.

“I said, enough!” mariing sabi ni Eris at mahigpit na hinawakan ang kanang kamay ni Hasna na nakakapit sa kuwelyo ng suot-suot ni Almidos. Hinila niya ito upang makaalis ang pagkakapit sa kuwelyo ng kaibigan.

Pinagpagan ni Almidos ang kaniyang suot na damit at inayos ang kaniyang kuwelyo. Magsasalita pa sana siya ngunit kaagad na silang tinalikuran ni Hasna matapos makuha ang mga kutsilyo niya na inabot ni Eris.

Sumenyas si Eris na susundan niya si Hasna at sinabing siya na ang bahala sa kaibigan. Tumango lang si Almidos at pinanood ang pag-alis ni Eris.

Napailing-iling na lang siya at saka pinanood ang katawan ng mga taong lobo na kanilang pinatay ngayon gabi. Napatingala siya sa maaliwalas na kaulapan at napatingin sa bilog na bilog na buwan bago muling ibinaling ang atensyon sa nauupos na katawan ng kanilang nakalaban.

Laking gulat ng grupo nang makita nila si Hasna na nakahiga sa loob ng dyip. Tahimik at walang kibo. Nang maramdaman ni Hasna na napapligiran na siya ng mga tao na sasakay sad yip. Umupo siya at bumaba ng sasakyan.

Tiningnan niya nang mariin si Almidos habang si Eris naman ay tinapik ang kaniyang balikat nang pumasok na ito sa loob ng sasakyan.

“Tabi na tayo sa upuan, Hasna,” wika ni Eris. Hindi nagsalita si Hasna at tiningnan lamang ang kaibigan bago isinampa ang paa sa tapakan. Ang buong akala ng grupo ay makikisama ito sa loob ngunit nagkamali sila. Umakyat sa bubong ng dyip si Hasna kung saan siya pumwesto kanina habang papunta sa bayan.

Nang maging maayos na ang kaniyang pagkakaupo, pasimple niyang pinukpok ang bubong, hudyat na maayos at komportable na siya sa kaniyang puwesto kaya maari na itong makaalis.

Hindi nagtagal, pinaandar na ang makina ng dyip at nagsimula nang magmaneho ang driver ng sasakyan. Buong biyaheng pinanood ni Hasna ang paligid at ang daan pabalik ng Sitio Perdis habang ang ilan sa mga nakasakay sa loob ng sasakyan ay masayang nagkukuwentuhan tungkol sa naging karanasan nila ngayong gabi.

Nang makauwi ang grupo sa Sitio Perdis, bumungad kay Hasna si Kapitan nang buksan niya ang pinto ng kanilang bahay. Nakapatong ang dalawang siko nito sa ibabaw ng mesa at ang mga kamay ay nasa ilalim ng kaniyang baba habang nakunot ang noo nito at pinagmamasdan ang kauuwi lamang na si Hasna.

“Bakit ngayon ka lang umuwi?” tanong ni Kapitan Klaus kay Hasna. Nangunot ang noo ni Hasna at pinagmasdan rin ang kapitan na ngayon ay nakasandal na ang likod sa sandalan ng upuan.

Marahas na ibinagsak ni Kapitan Klaus ang kaniyang kamay sa mesa na lumikha ng malakas na tunog. Nagulat man si Hasna, hindi niya ito ipinahalata sa kaniyang ama-amahan.

“Umaga ka pa umalis at babalik ka ng ganitong oras. Baka nakakalimutan mong minor de edad ka pa, Hasna. Kargo pa kita,” sermin ng matanda kay Hasna.

Nanatiling tahimik habang nakatayo sa may pintuan si Hasna at tinatanggap ang sermon ni Kapitan Klaus.

“Ang hirap sa ‘yong bata ka, sarili mo lang iniisip mo. Galit at poot ang pinaiiral mo. Siguraduhin mo lang na walang kang ginawang hindi ko magugustuhan dahil kung hindi, hindi na ako makakapayag pa na makalabas ka ng sitio,” mariing sabi ni Kapitan Klaus.

Ang kaninang nakakunot na noo ni Hasna ay napalitan ng pagkabahala.

“Hasna, I’m warning you,” sabi pa ni Kapitan Klaus.

Huimnga nang malalim si Hasna at muling inayos ang kaniyang tindig. “Not now, Captain,” walang gan niyang sabi. Mula sa kinatatayuan ni Hasna, rinig na rinig ang pagbuntonghininga ni Kapitan Klaus. Hindi na nagsalita pa si Hasna at saka naglakad na papunta sa kaniyang silid.

Pabagsak na humiga si Hasna at napatingin sa isang litrato na naka-frame sa gilid ng kaniyang higaan.

Nakangiti siya habang nasa tabi ni Kapitan Klaus at hawak-hawak ang isang medalya na natanggap niya noong siya ay walong taong gulang pa lamang.

Kanina lang habang pauwi at ninanamnam ni Hasna ang malamig na pagsapak ng hangin sa kaniya ay mayroong siyang napagtanto. Batid niyang magagalit si Kapitan Klaus sa oras na malaman nito ang kaniyang ginawa ngayong araw.

Siguradong hindi nito mapipigilan na mag-alala habang siya ay wala sa kanilang bahay. Hindi maipagkakaila ni Hasna ang pag-aalala ng mga taong nasa kaniyang paligid lalo na’t alam nito ang kaniyang nakaraan lalong-lalo na kay Kapitan Klaus na naging saksi sa kaniyang pinagdaanan mula noong makuha siya sa kakahuyan. He was like a father to Hasna since she left her home. He raised her with his armies or the so-called, Head Hunters – a group that hunts nocturnal beast or monster especially the one who spread darkness in the city, the werewolves.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status