/ Romance / THE INVESTIGATOR / THE INVESTAGTOR-Chapter 1

공유

THE INVESTIGATOR
THE INVESTIGATOR
작가: CHENEL

THE INVESTAGTOR-Chapter 1

작가: CHENEL
last update 최신 업데이트: 2026-02-09 10:38:10

Pov: Samantha

Kasalukuyan akong nakikipaglaban sa isang grupo ng mga lalaking nakapalibot sa akin, at

dahil nga sa subrang dami ay nahihirapan akong patumbahin ang bawat isa sa kanila.

Ngunit hindi ako natakot o nagpatinag sa kanila bagkus ay nag-isip ako ng gagawing takteka, may alam ako pagdating sa pakikipaglaban dahil bata pa lang ako ay sinanay na ng husto ng aking Ama.

Dalubhasa siya sa larangan ng karati at isa rin siyang NBI katulad ko, nakakalungkot lang isipin na maaga siyang namatay, dahil sa mga mission niya. Ngunit ganoo paman ay nagpapasalamat pa rin ako sa aking Ama. Dahil itinuro niya S'akin ang kaalaman niya pagdating sa pakikipaglaban.

Nanatili lang akong kalmado sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan sila at inaabangan ang possibleng pagkilos ng mga kalaban. Mas hinigpitan ko pa ng hawak sa tubo nasa kamay ko, dahil ito lang ang maasahan kong kakampi sa ngayon.

Naging agrisibo ang mga lalaking nakapalibot sa akin napansin ko samukha nila ang pagkasabik na mahawakan ang katawan ko, ngunit hindi ko hahayaan mangyari iyon, dahil kapag nahuli nila ako ay malamang katapusan ko na at hindi na bubuhayin pa, patuloy lang sila sa pagikot sa paligid ko at naging mabilis ang mata ko.

Hanggang magdesisyon na silang sumugod sa akin at binalak ka-agad nilang hampasin ang likod ko, subalit lahat sila ay na bigo. Dahil mabilis ko lang itong naiwasan at naging mas mabilis rin ang aking paggalaw.

Hanggang sa mahawakan ko ang kamay ng isang lalaki, mahigpit kong, sinakal ang kanyang leeg hanggang malagutan ito ng hininga saka, ko pinaikot-ikot, ginamit ko ang katawan niya bilang panangga. Halos magka dorogdorog ang mga buto nito, dahil sa malalakas na palong natatamo niya sa kanyang mga kasama.

Naramdaman kong huminto ang mga ito siguro nagkaroon sila ng awa sa kasama nila. Nagdesisyon na lang akong bitawan ang katawan ng lalaking wala ng buhay at tumingin sa mga kalaban.

"Ano! gusto ninyo rin ba mamatay kagaya ng lalaking yan!" Mariin kung sigaw, ngunit hindi ko manlang nakita sa mga mukha nila ang pagkasindak o kakaunting takot, bagkus ay mas lalo pa silang nanggigil sa ginawa ko.

Napaatras ako ng bahagya, at naging handa sa susunod na mangyayari, at hanggang ngayon ay hawak ko pa rin sa mga kamay ko ang tubo na tanging proteksyon ko.

Namilog ang kanilang mga mata at mas naging matapang, walang takot silang lahat na sumugod sa akin, para silang galit na galit na tegre na gustong manakmal parang gusto nila akong lapain.

Naging mas maingat ako sa pagkakataong iyon at ng makalapit sila ng husto ay walang awa kong pinaghahampas ang kanilang mga Binti, hanggang lumuhod sila sa lupa.

Subalit nagulat ako ng may isang bagay ang lumapat sa aking balikat at nakaramdam ako ng kirot. At bahagya akong napaluhod sa lupa. Hinampas ako ng tubo ng isang lalaking bigla na lang sumolpot sa aking likoran.

"Ara----y," sambit ko, dahilan para manghina rin ang katawan ko, loko to ha----!" Humanda ka sakin! hindi kita mapapatawad!" galit na sambit ko sa lalaki.

"Oh, ano babae, masakit ba? Kulang pa yan sa ginawa mo sa lahat ng kasamahan ko! Kaya magbayad ka! Dahil babasagin ko ang ulo mo ng tubong hawak ko!" galit na wika nito.

"Talaga ba? bakit hindi mo subukan ng magkaalaman tayo!" sambit ko

Dahil nga sa gigil ko sa ginawa ng lalaki ay walang takot ko itong nilapitan at pinaghahampas ko ang ulo hanggang mabasag ito, dahilan para ito ay mamatay.

At sa matagal ng laban ay napagod rin ang katawan ko. umagos ang dugo ng mga sugatan at nasawi sa laban, habang ang iba naman ay naghihiyawan dahil sa sakit na natamo nilang bogbog sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag dahil napansin kong ubos na ang kalaban ko sa paligid, subalit ramdam ko pa rin ang sakit ng pag palo na aking natamo. Naging kampanti na rin ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pinaka lungga nila.

Malayo pa lang ako nakita ko ang mga lalaking na nakaabang na pala sa labas ng pintong papasukan ko.

Kaya medyo ako ay kinabahan subalit nagpatuloy pa rin ako sa aking paglalakad kahit alam kong mas marami pa akong haharapin na kalaban.

Hanggang sa mapansin na nila ako, kaya naman mas naging handa sila sa aking paglapit.

Nagulat ako ng bigla na lang nahati sa dalawa ang linya ng mga lalaking nakaharang sa akin, maya-maya pa nga ay

biglang dumaan sa gitna ang isang lalaking nakasuot ng polo habang may tangay itong tabako at marami siyang tattoo sa katawan at matapang siyang lumapit sa akin.

"Hoy, Babae! ang lakas naman ng loob mong pasukin ang tirotoryo ko! Ano ka nagpapakamatay?! galit na tanong nito.

Pinagmasdan ko lang ang mukha nitong nakakasuklam mukhang hindi gagagawa ng maganda.

"Pinahanga mo ako sa kakayahan mo dahil nalampasan mo ang mga bantay ko na nasa labas ng gusaling ito at umabot ka rito,' wika niya.

"Subalit malas mo lang! dahil hindi ka na makakalabas pa rito ng buhay! tingnan mo ang paligid mo, hindi kaba natatakot sa mga tauhan ko, kaya kung marunong kang magdasal ngayon pa lang umpisahan mo na babae!" mariin sambit nito na may kasamang halakhak.

Ngunit hindi ako natakot sa sinabi ng lalaki bagkus ay napailing lang ako at naging handa.

"Bakit sa tingin mo ba ay natatakot ako sa iyo, matapang ka lang dahil marami kang tauhan, pero ang totoo isa kang duwag, kaya huwag kang umasta sa harapan ko matapang dahil hindi mo ako masisindak," anas ko.

Nanggigil at namilog ang mga mata ng lalaking kaharap ko. Bigla niyang nilabas ang kanyang baril saka, itinutok sa mukha ko.

"Talaga ngang matapang ka babae, Ano kaya kung ngayon pa lang itumba na kita? Sa tingin ko 'di uumbra ang tapang mo kapag pinasabog ko ang ulo mo.

"Hahaha... Bakit hindi mo subukan ng magkaalaman tayo! Sige iputok mo ang hawak mong baril dahil kung may pagkakataon ako, hindi mo na muling mahahawakan pa ang baril mo, bangkay kang ilalabas sa gusaling ito!" Saad ko.

Napalunok ang lalaki napansin ko sa mukha niya ang takot, binaba niya ang baril niyang hawak at sandaling umatras, sinabihan niya ang kanyang mga tauhan na harapin ako. sila na ang bahala at turaan daw ako ng leksyon.

Ilang saglit nga ay sabay-sabay silang lumapit sa akin at naging angresibo, wala akong ibang maisip na paraan kung hindi ilabas na ang bar*l ko.

Mabilis ko itong pinutok ang baril kong hawak sa mga papalapit sa akin, bago pa nila ako maunahan lahat sila ay bumagsak sa lupa. Hanggang ang ilan sa kanila ay nagdesisyon na hindi na lang lumaban.

Nakita ko ang reaction sa mukha ng leader nila, mapansin ko rito ang matinding takot, dahil sa kakaibang kilos niya, Hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

Kaya naman itinutok niya at pinaputok ang hawak niyang bar*l sa dereksyon ko, mabilis naman akong nakaiwas at nagpagulong-gulong para makapagtago sa poste.

"Lumabas ka riyan sa pinagtataguan mo babae huwag kang duwag! harapin mo ako! nanginginig na sambit ng lalaki habang patuloy ito sa pagpapaputok ng bar*l.

Halos magkabutas-butas ang posteng pinagtataguan ko, ngunit 'di pa rin ako umalis rito, hanggang sumabay na rin ang iba nitong tauhan buhay.

Napansin kong konti na lang ang bala ng bar* l ko, sumbalit nakita kong unti-unting ang paglapit ng mga ibang tauhan nito sa dereksyon ko. kaya inabangan ko na sila, at inubos ko ang huling bala sa magasine ng hawak kong baril.

Pagkatapos ay tinapon ko na ang baril kong hawak at inilabas ko ang balisong kong dala dahil ito na lang ang tangi kong magagamit sa laban.

Ngunit nagtaka ako ng makita kong parang mas lalong dumarami ang bilang ng kalaban ko at hindi manlang nababawasan kahit ang ilan ay pinatay ko na. Shit, imortal ba sila mukhang dito na yata ako mamatay," sambit ko sa aking isipan.

Bumilis ang tibok ng dibdib ko, ngunit hindi ako pwedeng Wala akong gawin at Hayaan na lang sila. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin, ang mahalaga mamamatay akong lumalaban.

Pumukit ako at huminga ng malalim, D'yos ko kayo na ang bahala sa akin---" bulong ko.

Subalit Ilang sandali pa nga ay nagulat na lang ako ng bigla kong makarinig ang sunod sunod na putok ng bar*l sa paligid at ng idilat ko ang aking mata nakita ko ang iba kong kasamahan nakikipag sagupaan sa mga kalaban ko. Tumagal rin ng ilang oras ang palitan ng putok ng mga kasama ko at ng sindikato. Hanggang tuluyan na itong huminto.

Nakahinga ako ng maluwag at lumabas na rin sa pinagtataguan ko, dahil alam kung ligtas na ako sa mga oras na iyon, ngunit bigla kumunot ang noo ko, dahil sinalubong bumungad sa harapan ko si Bryan Cortez, ang lalaking kinaiinisan ko, alam kong bubulayawan na naman niya ako--" sa isip isip ko. Hindi nga ako nagkamali.

"Muntik ka nang mapahamak! dahil diyan sa katigasaan ng ulo at tiwala sa iyong sarili. Hindi ka man lang nagsabi sa akin na susugod ka rito ng mag-isa!" galit ng sambit nito. Ang akala mo'y kung sino kang magaling na basta-basta susugod sa mission mo na ito ng nag-iisa. "Mabuti na lang may tumawag sa NBI station na mayroon raw nagaganap na bar*lan sa lugar na ito, kaya ka-agad kaming nagtungo rito. Paano kung 'di kami dumating siguro ay napahamak ka na, dahil pinililigiran ka na ng mga kalaban mo!" Nang gigigil na sambit niya sa harapan ko.

Alam kung nangamba siya sa posimbleng mangyari sa akin sa lugar na ito, kaya siya nagagalit. Medyo na touch naman ako sa pag-alala s'akin ng binatang nasa harapan ko, kahit lagi kaming nag-aaway malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil dumating siya para iligtas ako.

Pinagmasdan ko lang ang mukha nito na nang-gigil sa inis. Ngunit hindi ako nagpahalata natuwa sa sinabi niya, bagkus ay tinaasan ko ito ng kilay at sinermonan din.

"Ano bang paki mo? kung mag-isa akong pumunta sa lugar na ito! at kaya ko naman ang sarili ko. naubos ko nga ang mga kalaban ko sa labas ng gusali na ito, 'yon nga lang mas marami pala dito sa loob kaya nagtago na lang ako." Paliwanag ko.

"Nangangatwiran kapa! dalawa tayo sa mission na ito kaya dapat ay nagsabi ka sa akin para naman matulungan kitang harapin ang mga ito." Sambit ni Bryan.

"Ah, eh, natulangan mo na nga ako 'diba? heto nga at nailigtas mo na ako. kung dalawa tayo nagpunta rito kanina baka nahuli pa tayo, kaya maraming salamat may hero. Dahil dumating ka," sagot ko habang ngumingisi pa.

Nainis si Bryan siya sa akin. Di'yan ka na nga! ang dami mong dahilan. Tiyak kong malalagot ka sa boss ng black stone kapag nalaman niyang muntik ka na mapahamak dahil makasirili ka," Saad niya bago tuluyan umalis sa harapan ko.

Pinagmasdan ko siyang palayo sa akin, hanggang sumakay na ito sa kotse, bigla naman lumapi sa akin si Sarget, Derick, matalik na kaibigan ni Bryan, Cortez sa aming organization.

"Sargent Velasco, napapansin kong palagi na lang kayo nag-aaway ng kaibigan ko para kayong aso at pusa,"Saad niya.

"Ah, ganoon ba? hindi ko nga alam sa lalaking 'iyon masyado mainitin ang ulo konting pagkakamali ko lang sa mission namin pinapagilitan niya ako," sagot ko.

"Eh,----" Di siya na ang magaling! nanggigigil talaga ako sa lalaking iyon! Bakit kasi siya pa ang binigay sa'kin na maging partner ko lahat ng mission ? Puwede naman iba na lang o ikaw tiyak kong magkakasundo tayo, hindi gaya ng lalaking 'yon masyadong mainitin ang ulo daig pa niya ang isang babaeng may dalaw, mamaya nga elelebre ko siya ng isang balot na napkin," paliwanag ko.

Natawa si Sargent Derick sa sinabi kong iyon. "Loka ka talaga Samantha, tiyak kong pagtatawanan si Bryan sa sa opisina ng black stone kapag ginawa mo ang sinabi mo.

Siguro ay concern lang sa'yo ang kaibigan ko at ayaw ka niyang mapahamak." sambit ni Derick sa akin.

"S-siguro nga," maybe but soon malalaman natin Yan," sambit ko.

"So, pa-ano, sumabay ka na sa sasakyan ko, dahil magtutungo rin ako ako sa office para magreport ng mga nangyari rito," wika ni Dereck.

"S-sge tara at umalis na tay," anas ko.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTIGATOR-Chapter 5

    Habang nasa loob ako ng sasakyan ni Sam ay hindi ako mapakali e,wan ko ba kung bakit? at medyo naiilang rin ako sa lalaking kasama ko ngayon lalo't hindi ko pa naman talaga siya lubusan kilala, at malay koba, kung saan lupalop pa ako dalahin ng kumag na ito.Siguro naman ay mabuting tao ang lokong ito. Dahil oras na may masama siyang gawin sa akin ay malalagot talaga siya sa papa niya---" bulong ko sa aking isipan. Subalit nagulat na lang ako ng bigla kong marinig ang boses niyang nagsalita. Nahiya pa nga ako ng bahagya sa lalaking kasama ko lalo na't nang magtama ang aming mga mata dahil sa salamin nasa harap niya. kaya pasimple akong napayuko."Sergeant velesco. Are you okay? Maikli niyang tanong. Nakalimutan mo yatang sabihin sakin kung saan lugar kita ihahatid," sambit niya.Marahan kong binaling ang paningin ko sa lalaking kasama ko sa loob ng kotse at sinagot ko ang tanong niya."Okay lang a

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTAGTOR-Chapter 4

    Nagpaalam si Boss Niel sa aming lahat dahil babalik na ito sa oposina niya bago tuluyan umalis ay nagpasalamat siya sa kabayanihan ginawa ng ibang kasama ko lalo na sa akin at naging proud ito. "Samantha binabati kita sa tapang at lakas ng loob mong pagkakaligtas sa mga hostage kanina. Sa ngayon magpahinga ka! mag- iingat ka sa iyong pag-uwi Sergeant Velasco paalala ni Boss Niel, sa'kin sabay talikod at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa opisina niya. Pinagmasdan ko lang ang malapad nitong likod na unti,-unting naglalaho sa aking paningin hanggang nabaling na ang atensyon ko sa mukha ni Bryan, pansin kong kakaiba ang emahe ng mukha nito. dahil siguro sa nasaksihan niya kanina hanggang marinig ko na ang boses niya "Samantha are you okay, why are you looking at my face, is there a problem?" Nag tatakang tanong ng Bryan. "Ahmmm.... e---h, W-wala," nauutal-utal na sagot ko, napansin ko kasi sa mukha mo parang na malungkot ka, at parang may problema kang dinadala, hindi tuloy ako

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTIGATOR- Chapter 3

    Pansin ko sa mukha ng lalaki ang matinding takot, siguro naman magtatanda na siya. At hindi na paiiralin ang init ng ulo sa daan---" bulong ko. Hinayaan ko na ang lalaki at bumalik na ako sa motor ko, ilang minuto rin lang ay naging maganda na ang galaw ng mga sasakyan sa kalsada, sinuot ko muli ang helmet, at mabilis kong pinaandar ang minamaneho kong motor. Sandali ko lang narating ang opisina ng Blackstone, bumaba ako sa motor, at deretso ako sa kinatatayuan ng security. "Manong Guard, kayo na po mo na ang bahala sa motor ko, tutal po ay lagi mo naman po ito ginagawa sa'kin, heto po ang susi at ang helmet ko, pakitago na lang po, nagmamadali po kasi ako, marami pong salamat," sambit ko na nakangiti sa security. "Walang problema po Mam, Ikaw pa po ba! eh.... malakas ka po sa'kin," pabirong sambit nito. "Sus, ikaw talaga Manong binobola mo naman ako, oh, s'ya! ma-iiwan na po kita ha," Anas ko. Dumeretso na ako sa loob ng gusali matapos kong ihabilin ang motor ko sa security nag

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTIGATOR-Chapter 2

    Hindi nagtagal nakarating kami ni Sargent, Dereck, sa tapat ng gusali ang departamento ng black stone. Pagkapark ng kotse ay ka-agad rin kaming bumaba ng sasakyan at sabay na kaming pumasok sa entrance, deretso kaming nagtungo sa opisina ni Boss Niel, may iilan rin mga kasamahan ko ang nakatingin sa akin, saka bumati. Pagpasok namin ng pinto ay naabutan kong nakatalikod ang boss ko, habang nakalapat ang likod niya sa silya at nakataas ang paa, ngunit bigla akong nairita ng masagip ng mata ko si Bryan sa may bandang gilid, habang may ibang babaeng kausap. Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila. Pero napansin kung masaya sila at isa pa, bago lang sa paningin ko ang babaeng kausap niya. Dito pa talaga sila naglalandian sa opisina ni Boss Niel, at yong babae parang kinikiliti kung makangisi---" bulong ko. Bigla na lang nawala ang atensyon ko sa kanila ng magsalita si Dereck, sa harapan ko, at inayos ko ang aking tindig. "Good evening Sir, Mission accomplished Sir," sambit ni Derec

  • THE INVESTIGATOR    THE INVESTAGTOR-Chapter 1

    Pov: Samantha Kasalukuyan akong nakikipaglaban sa isang grupo ng mga lalaking nakapalibot sa akin, at dahil nga sa subrang dami ay nahihirapan akong patumbahin ang bawat isa sa kanila. Ngunit hindi ako natakot o nagpatinag sa kanila bagkus ay nag-isip ako ng gagawing takteka, may alam ako pagdating sa pakikipaglaban dahil bata pa lang ako ay sinanay na ng husto ng aking Ama. Dalubhasa siya sa larangan ng karati at isa rin siyang NBI katulad ko, nakakalungkot lang isipin na maaga siyang namatay, dahil sa mga mission niya. Ngunit ganoo paman ay nagpapasalamat pa rin ako sa aking Ama. Dahil itinuro niya S'akin ang kaalaman niya pagdating sa pakikipaglaban. Nanatili lang akong kalmado sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan sila at inaabangan ang possibleng pagkilos ng mga kalaban. Mas hinigpitan ko pa ng hawak sa tubo nasa kamay ko, dahil ito lang ang maasahan kong kakampi sa ngayon. Naging agrisibo ang mga lalaking nakapalibot sa akin napansin ko samukha nila ang pagkasabik na ma

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status