[Amelia]HINDI pa ba sapat ang ginawa nitong pagtulak sa kanya dahilan para masugatan siya? Tumingin siya sa dalawang kamay na halos mapuno ng sugat dahil sa mga bubog."Ito ang dapat sa'yong masungit ka."Matapos niyang magluto ay agad na naghain siya. Hindi na siya umalis sa harap ng amo niya hangga't hindi nito natitikman ang bago niyang niluto.Dahil maputi ang amo niya ay kitang-kita kung paano namula ang mukha nito ng matikman ang bagong luto niya. Kinagat niya ang loob ng labi para hindi matawa dahil sa reaksyon nito."What the hell! Ano 'to, Amelia?!" Galit na tumingin ito sa kanya."Tinola po." Sagot niya."Oo, alam kong tinola 'to! Pero puta, bakit sobrang anghang?!" Halos umusok ang ilong na tanong nito sa kanya. Namumula parin ang buong mukha nito habang nakatingin sa kanya.Yumuko siya at pigil ang pagtawa niya."Nilagyan ko po ng chili powder, Sir. Di'ba wala kang panlasa? Naisip ko na babalik ang panlasa mo dahil sa anghang, di'ba effective?" Nang mag-angat siya ng tingi
[Amelia]SOBRANG saya niya ngayon dahil nakabale na siya ng pera kay Miss Neil. Hindi lang 'yon, pinayagan pa siya na umuwi nito para siya na ang maghatid ng pera sa nanay niya. Habang nagbibihis ay tuwang-tuwa siya. Pinadalhan din siya ni Miss Neil ng iba't ibang klase ng softdrinks, Juices at tsokolate, para sa pamilya niya. Pati ang mga karne sa ref ay pinadala din nito sa kanya dahil mamimili daw ito ng mga bago.Nagulat siya dahil paglabas niya ng gate ay naka-abang si Nelson sa kanya."Sa'n ka punta, Nelson?" Tanong niya. Kahit hirap na hirap siya sa pagbubuhat ng mga dala niya dahil sa marami 'yon ay hindi siya nagreklamo. Masaya pa nga siya dahil libre lang na binigay sa kanya lahat ng 'yon."Hinihintay kita." Sagot nito.Kumunot ang noo niya. "Bakit? Wag mo sabihin na uutang ka? Naku ha, Nelson. Di ako nagpapautang. Pang-budget 'to sa bahay namin saka pambayad ng utang namin sa tindahan. Sa sunod ka na umutang sa akin pagwala na ako babayaran sa tindahan.""Grabe ka naman. Uut
[Amelia]PAGKATAPOS gawin ang mga trabaho niya ay nagluto na siya para sa gabihan ng amo niya at bago pumatak ang alas otso ng gabi ay nakapaghain na siya para rito.Kumunot ang noo niya ng makarinig ng malakas na pagkabasag ng kung ano. Agad na lumabas siya ng kusina.Nakita niya ang amo niya na nakaupo habang may hawak ng baso na may laman na alak."There you are. Come here, Amelia." Iminuwestra nito ang kamay para palapitin siya.May nagawa na naman ba siyang mali? Lumunok siya at lumapit sa amo niya. Hindi man niya gusto na lumapit ay sumunod nalang siya. Alam niya kasi na magagalit na naman ito sa kanya paghindi siya sumunod."I thought you'll never come back. But there you are now, standing here in front of me." Halata na lasing na lasing ito.Hindi siya sumagot. Nanatili siya na nakatayo lang sa harap nito. Hindi siya sigurado pero parang dumaan ang takot at lungkot sa mata nito, saglit lang 'yon at agad din nawala."I knew it. Hindi ka talaga aalis kasi malaki ang sahod... kai
[Amelia]ANTOK na antok siya dahil hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari. Pakiramdam niya kasi ay nararamdaman parin niya ang matigas na bagay na 'yon sa pang upo niya.Kasalanan 'tong lahat ng amo niya.Humikab siya habang nagluluto. Nagdodoble ang paningin niya dahil sa sobrang antok. Parang wala siyang lakas na gumalaw at kumilos. Ang sarap mahiga sa malambot na kama at matulog maghapon.Mahina niyang sinampal ang pisngi. "Bawal tamarin, Amelia." Aniya sa sarili. Matapos magluto ay naghain na siya. Nagtimpla din siya ng kape para sa amo niya.Naalala kaya ng amo niya ang ginawa kagabi? Umiling siya, tiyak na wala itong naaalala dahil sa sobrang kalasingan. Sumuka pa nga ito.Gusto niya sana palitan ng damit ito kagabi pero naisip niya na malilintikan siya rito pagka napansin nito na iba na ang damit na suot kaya hindi nalang niya ginawa. Maganda na 'yong sigurado.Hindi siya kumain dahil wala rin siyang gana na kumain. Pagka antok lang ang nararamdaman niya ngayo
[Amelia]NATIGILAN siya. Ibig sabihin pala ay hindi ganito kasama ang ugali ng amo nila dati? Nagbago lang ito dahil sa nangyari sa pamilya? Tumango-tango siya. Kaya pala."Basta kapag nakapagtapos ako, liligawan kita. Isang taon nalang ang hihintayin ko para makapagtapos." Seryoso ang mukha na tumingin ito sa kanya."Tigilan mo nga ako, Nelson. Wala kang mapapala sa akin. Kasi magpapayaman muna ako sa pagtatrabaho." Seryoso din na sabi niya.Nagkamot ito sa ulo. "Ah, basta. Liligawan kita. Bahala ka." Ani ni Nelson saka malakas na tumawa."Ewan ko sayo. Ang kulit mo!" Sarap kutusan. Paulit-ulit nalang ganito. Napailing nalang siya."Sige na, d'yan ka na. Balik na ako sa loob dahil baka ibaon kita d'yan kasama ng mga halaman." Inis niya na sabi dito pero tinawanan lang siya nito."Bye, Amelia ko. Labyu!" Nalukot ang mukha niya habang naglalakad ng marinig ang sinabi nito. "Baliw na talaga siya." Aniya habang naglalakad.Napangiwi siya ng bumangga siya sa matigas na dibdib. Nag-angat
[Amelia]ISANG buwan na siya rin siya dito sa mansion. Hindi makapaniwala si Miss Neil at Nelson na magtatagal siya dahil karamihan ng pumapasok dito ay hindi umaabot ng dalawang linggo.Nakangiti siya habang hinahalo niya ang niluluto niya. Kahit siya rin naman ay hindi makapaniwala.Pero tulad nga ng sinabi niya ay kakayanin niya at tatagal siya rito. Sulit ang pagtitiis at pagod niya para sa pamilya niya. Hindi na talaga kailangan magtrabaho ng nanay niya at makakapag aral na ng tuloy-tuloy ang mga kapatid niya. At para sa future nila ay mag iipon siya para makapag simula ng maliit na negosyo balang araw."Ngiting-ngiti ka, Amelia. Anong meron?" Tanong ni Nelson sa kanya. Kadarating lang nito galing sa hardin.Bago humarap dito ay pinatay na niya ang apoy saka umupo."Nagtatanong kapa, di'ba nga isang buwan ko na ngayon dito saka makukuha ko na ang kabuuhang sahod ko." Hindi muna siya uuwe ngayon dahil itatabi niya ang sahod na tira. Iyon na ang napag usapan nila ng nanay niya."Iyo
[Amelia]"S-SIR..." Nag iba ang pakiramdam niya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa tainga niya. Ngayon lang niya naranasan ang ganito at hindi niya alam kung bakit.Tumingin siya sa puson niya ng maramdaman na may tumutusok do'n na matigas na bagay.Nanlaki ang mata niya ng ma-realize kung ano ang bagay na 'yon.Mabilis na itinulak niya ang amo niya at nagmamadali na umahon. Nagmamadali siya tumakbo pabalik sa kwarto niya. Gusto niya maiyak ng maalala ang pagkadikit ng bagay na 'yon sa puson niya.Noong una ay nakita lang niya, tapos naupuan, tapos ngayon sa puson na niya dumikit! Pumasok siya ng banyo at agad na nagbanlaw.Bakit ba palagi nalang nangyayari ito sa kanya?! Madilim ang mukha ng amo niya sa kanya kanina, sigurado siya na galit na naman ito at baka malintikan na naman siya bukas.Kapag minamalas ka nga naman!Bakit naman kung kailan siya nag swimming ay saka naman din nito naisipan na magswimming.Namula siya ng maalala ang bagay na tumutusok sa puson niya kanina.
[Amelia]BIBILI siya ng mga bagong panty at bra. Iyon ang plano niya kapag sumahod siya. Kailangan niya 'yon para hindi masabi ng amo niya na maski panty at bra ay wala siyang pambili.Sa ugali ni Sir Damon ay hindi malabo na sabihin nito ang mga bagay na iyon sa kanya. Pinagpag niya ang luma n'yang tuwalya na naiwan niya sa pool. Mabuti at hindi naisipan na itapon ito ang amo niya.Ano kaya ang nakain ni Sir Damon? Bakit hindi siya nito pinagalitan at sinigawan? Nakapagtataka talaga."Amelia ko!" Inirapan niya si Nelson na kararating lang. Nakangiti na nilapag nito ang gulay sa mesa."Bakit araw-araw kang maganda, Amelia? Lalo tuloy akong nahuhulog sayo." Hirit pa ni Nelson."Alam mo, Nelson, tigilan mo 'ko sa kabobola mo, hindi ako tatablan n'yan, no!" Pakli niya na tinawanan lang ng binata. Sinamaan niya si Nelson ng tingin ng maalala ang nangyari kagabi. Lumapit siya rito at mahinang nagsalita."Ang sabi mo sa akin wala ng gumagamit ng swimming pool, eh bakit ginamit ni Sir Damon