INICIAR SESIÓNNakangiti akong naglalakad habang may dalang ice cream sa anak ko. Ito, 2 weeks had passed. Nakalimutan ko na rin ang nangyari, pero hindi ko pa rin nalutas ang problemang kung sino ang bumaril kay Brown.
Nailibing na rin si Brown, at syempre nakakalungkot. Kahit pa man marami siyang nagawang mali, tao lang din naman siya-nagkakamali. Mabait talaga ako, kaya minsan hindi ko tinutuluyan ang bawat makakaharap kong kalaban dahil naniniwala akong magbabago sila.
Napahinto ako muli nang makita ang isang pamilyang ngayon ay nakangiti. Sa pagkakataong ito, nakaharap na sila kaya kitang-kita ko. Ang pamilyang kinikilala ko, ang pamilyang nang-iwan sa'kin, ang pamilyang nagpalayas sa'kin sa sarili naming bahay.
Tinitigan ko sila. May batang hawak si Daddy habang tuwang-tuwa pa silang tatlo. Parang dati, kami lang tatlo iyon. Pero ngayon, bakit may bata sila? Siguro noong mawala ako at pumunta sila sa ibang bansa ay nabuntis ulit si Mommy.
Nakatitig lamang ako sa kanila habang hindi ko namalayan na may batang nabangga sa'kin. Napatingin ako sa ice cream na dala ko-wala na-kaya saglit ko itong itinapon sa basurahan at pinunasan ang sarili kong kamay.
Napatingin ako muli sa mga magulang ko na ngayon ay patingin sa pwesto, kaya umiwas ako ng tingin gamit ang mahaba kong buhok na natakpan ang mukha ko. Napatingin ako sa batang lalaki na ngayon ay nakatitig sa'kin.
"Hey baby, are you lost?" I asked.
Nginitian ko ang bata dahil nakatitig lamang siya sa'kin. Magkasingtangkad sila ng anak ko, at nakikita ko rin ang anak ko sa batang ito. Sandali ko siyang inantay na magsalita, pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa'kin.
"Baby, where are your parents?" I asked the child again.
"I'm lost. Please help me find my mom," ang bilis niyang magsalita.
Naguguluhan ako sa sinabi ng bata. Pinantayan ko siya-paiyak na siya-kaya napayakap ako sa kanya. Diyos ko naman, sino ba ang mga magulang ng napaka-cute na batang ito?
"Shh, shh, tahan na," tanging saad ko.
Napatayo ako nang may biglang magandang babae na humila sa bata. Nagulat din ang bata, kagaya ko. Maputi ito-siguro ito ang ina ng bata. Napaka-perfect ng katawan at napakaganda.
"I told you na huwag kang humiwalay sa'kin. Papatayin ako ng daddy mo kapag naiwala kita, alam mo ba iyon?" Nagulat ako kung paano sinigawan ng babae ang anak.
"I'm sorry, Mommy," naawa ako sa sinabi ng bata.
"Mom, I'm sorry. I just want to buy a gift for you, but I walked the wrong way. I'm really sorry, Mommy," dagdag ng bata. Naiiyak ako.
Akalain mo 'yon-gusto niyang bumili ng regalo para sa ina niya. Napaka-sweet ng batang ito. Pero nagtataka ako sa kanyang ina-bakit parang nagagalit pa siya?
"No more reason, and let's go."
Magsasalita na sana ako nang umalis na sila. Parang ayaw niya sa bata dahil sa kung paano niya ito hilain. Kawawa naman. Bumuntong-hininga ako, naalala ko ang anak ko, kaya bumili ulit agad ako ng ice cream. Pagkatapos kong bumili, tinungo ko ulit ang daan kung nasaan ang anak ko.
Pero sa pangalawang pagkakataon, nahagip muli ng mata ko ang mga magulang ko. Hindi maitatanggi ng kanilang mga mata ang saya. Naging masaya sila kahit wala ako, kaya dapat maging masaya rin ako kahit wala sila.
Siguro ito na ang nakatadhana sa'min. Gustuhin ko mang lapitan at kausapin sila, pero alam kong ayaw nila akong kausapin. Namimiss ko sila, lalo na ang mga paglalambing ni Mommy sa'kin. Namimiss ko ang bonding naming tatlo, pero ngayon nasaksihan ng sarili kong mata ang lahat.
Parang gusto ko na lang tumalikod at tuluyan silang kalimutan. Gustong-gusto ko silang yakapin sa huling pagkakataon. Alam kong galit na galit pa rin sila sa'kin. Naiintindihan ko 'yon dahil kasalanan ko naman talaga. Pinunasan ko ang mga luha na dumaloy sa mga mata ko bago nagsimulang maglakad.
I'm so weak pagdating sa kanila.
"Mommy." Napangiti ako nang marinig ang boses ng anak ko.
"Baby, here's your ice cream." Nakangiti kong binigay sa kanya ang ice cream na hawak ko.
"Wow, thanks, Mom." Ngiting wika ng anak ko at hinalikan pa ang pisngi ko na mas lalo kong ikinangiti.
Napatingin ako kay Gabriel na ngayon ay nakangiti na nakatingin sa'min. Magkasama kaming tatlo ngayon. Wala pa kaming new mission, kaya nag-e-enjoy pa kaming dalawa ngayon kasama ang anak ko.
"Napakaganda n'yong tingnan, mag-ina," anya.
"Asus."
"Matagal ko na talagang gusto itanong sa'yo kung nasaan na kaya ang ama ni Raisa." Kinurot ko siya kaya humina ang boses niya sa dulo ng kanyang sinabi.
"'Yang bibig mo," suway ko. Ngumisi lang siya.
Iyan din ang palagi kong tanong-kung nasaan na ba talaga ang ama ng anak ko. Ang pagkakamali ko lang, hindi ko tiningnan ang mukha ng nakagalaw sa'kin. Edi sana ngayon ay kilala ko siya, pero hindi ko man lang nagawa.
Gusto kong makilala ang ama ni Raisa. Galit ako sa taong may gawa sa'kin noon. Pero may karapatan din siya sa anak ko. Pareho kaming lasing noong gabing 'yon, at pareho rin kaming walang maaalala. Mali ang nangyari sa'ming dalawa, kaya nga nagalit sa'kin sina Mommy.
Pero wala akong pinagsisihan sa nangyari. Binigay ng Panginoon sa'kin ang anak ko. Ginawa ko siyang inspirasyon para sa araw-araw kong trabaho. Ang anak ko ang lakas ko, ang buhay ko. Mahal na mahal ko ang anak ko at ayokong mahiwalay siya sa'kin. Hindi ko kaya.
"Sorry." Napa-ismid ako nang humingi ng pasensya si Gabriel sa'kin.
"Ah, okay lang. Alam ko naman na doon talaga mapupunta ang lahat, kaya kapag nangyari 'yon, kailangan kong ihanda ang sarili ko," saad ko habang pinagmamasdan ang anak ko na nag-e-enjoy sa pagkain ng ice cream.
"Basta always remember that I'm always here for you," saad nito na ikinangiti ko.
"Salamat," tanging saad ko.
Matagal din kaming namalagi sa lugar na 'yon hanggang sa umulan na, kaya pumasok kami sa loob ng kotse ni Gabriel at siyang pagbuhos din ng ulan. Mabuti na lang at nakapasok agad kami. Tiningnan ko ang anak ko sa back seat-masaya siyang naglalaro sa iPad niya.
Simula bata pa siya ay hinahanap niya kung sino ang ama niya, pero ang sinabi ko, nagwo-work sa malayo. Mabuti na lang at naniwala naman siya, kaya noong nag-apat na taon na siya, hindi na niya tinanong ang ama niya sa'kin.
Childish ang anak ko. Syempre bata pa-gusto niya laging nilalambing ko siya at ang mga gusto niya ay binibigay ng Tito Gabriel niya. Spoiled talaga siya pagdating kay Gabriel, kasi sa'kin sinasanay ko siyang kailangan paghirapan ang mga bagay na gusto niya.
"Kailangan ko na kayong iuwi," saad ni Gabriel kaya napatango ako. Mabuti na lang at marunong maglagay ng seatbelt ang anak ko.
Pinaandar na ni Gabriel ang kotse niya, dahan-dahan lang dahil maputik sa daan. Lakas ba naman kasi ng ulan, at kahit nasa loob kami ng kotse niya at nakapatay na ang aircon, nilalamig pa rin talaga ako.
"Salamat," nakangiting wika ko kay Gabriel nang makarating sa aming munting bahay. Ang anak ko ay nauna sa loob dahil nga sa nauuhaw siya.
"Gusto mo bang dito na muna? Malakas ang ulan, baka mapano ka. Delikadong magbiyahe sa gabi," saad ko na ikinangiti niya.
"Huwag na, Reign. Kailangan kong pumunta sa police station dahil may ipapagawa lang si Tito sa'kin," saad nito.
"New mission without me?" Nakasimangot na saad ko na ikinatawa ng mahina ni Gabriel.
"Hindi, haha. Alam naman natin kapag may bagong mission dahil tayong dalawa ang ipapatawag. Partner tayo, kaya dapat tayong dalawa ang gagawa ng mission na ibibigay sa'tin ni Tito," anya na ikinabuntong-hininga ko na lang. Tama naman.
"Mag-iingat ka," paalala ko. Ngumiti siya.
"I will. Mauna na ako," anya.
Naglakad na siya palapit sa kotse niya. Agad siyang pumasok. Bago siya makalabas sa bakuran namin ay nag-wave pa siya kaya napa-wave na lang ako. Nang hindi ko na siya matanaw ay agad na akong pumasok sa loob.
"Hey baby, are you sleepy na ba?" I asked my daughter. Halata kasi sa mga mata niya.
"Yes, Mom," antok niyang sagot.
Kaya naman binuhat ko siya para makapagpahinga na. Malalim na ang gabi at mukhang nag-enjoy kami sa pamamasyal dahil puro laro ni baby Raisa. Pagkarating namin sa kwarto ay agad ko siyang binaba. Pinagmamasdan niya ako habang inaayos ko ang kumot sa katawan niya.
"Bakit, anak? Anong klaseng titig 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Hmm, someone asked me, Mom," wika niya.
"Ano iyon?" tanong ko.
"They asked me about my dad," malungkot niyang saad.
Ito na nga ba ang sinasabi ko-hindi talaga maiiwasan na may magtanong sa anak ko. Nag-aaral na siya ng daycare at siguro napansin ng iba na ako lang lagi ang nagsusundo sa anak ko. 'Yong iba kasi ay mga magulang talaga ang sumusundo, maliban sa'kin.
Hinawakan ko ang kamay ng anak ko at hinalikan ito. Pareho kaming kawawa dahil hindi ko rin alam kung sino ang ama niya. Hindi ko kilala. Gusto ko ring makilala ang ama niya, pero wala akong magagawa dahil hindi ko naman nakita ang mukha niya.
Hays...
"I told you, diba, na nagwo-work si Daddy mo sa malayo," wika ko.
"Mommy, it's been a year, but I never talked to my dad. I didn't see him too. I want to see his picture, Mom," malungkot niyang saad.
Naaawa ako sa anak ko. Ayokong magsinungaling sa kanya, kaya siguro dapat lang na malaman niyang hindi ko rin naman kilala ang Daddy niya. Magtatampo ang anak ko kapag nagsinungaling ako.
"Baby, may sasabihin si Mommy sa'yo."
"What is that, Mom?" Nakayuko pa rin niyang saad habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
"Huwag kang magagalit kay Mommy, ah," wika ko.
"Why would I, Mommy? I will never get mad at you because I love you, Mommy," nakatingin na siya sa'kin ngayon. Umupo ako sa kama niya at niyakap siya.
Dapat malaman ng anak ko kahit nasa murang edad pa lang siya para hindi ako mapunta sa komplikadong sitwasyon. Kapag dumating na ang tamang pagkakataon na sabihin ko ang totoo, ay hindi na magiging komplikado. Kaya ngayon sasabihin ko na.
"Baby, the truth is hindi ko talaga kilala ang ama mo," saad ko na ikinaangat ng tingin niya sa'kin.
"What do you mean po?" she asked.
"Ganito, anak. Hindi nagtatrabaho sa ibang bansa ang Daddy mo dahil hindi ko talaga siya kilala. Kaya sinasabi kong nasa ibang bansa siya dahil ayokong masaktan ka kapag nalaman mong wala kang ama," mahinang saad ko. Nanatili akong nakatitig sa anak ko. Tahimik lang siya.
"Are you mad at me, baby?" I asked.
"No, Mommy. I'm sad knowing the truth that I don't have a father. But Mom, can I ask you?" she asked.
"Of course, baby."
"Can we find my dad?" she asked again. Napatitig ako ng maayos sa kanya.
"Baby, I don't know your dad, but I will try my best to find him. Don't worry, baby," I said, then I hugged her.
I can't promise my daughter dahil hindi ko naman talaga alam kung mahahanap ko pa ang lalaking 'yon. Hindi ko kayang maging malungkot ang anak ko. Ngayon na alam na niya ang katotohanan, siguro hindi na siya magtatanong.
"Let's sleep na po, baby," I said.
"Good night, Mommy. I love you," malambing niyang saad at hinalikan pa ang pisngi ko na ikinangiti ko. Hinalikan ko rin siya sa pisngi at pinahiga ng maayos.
"Good night, baby. I love you too," ngiting bati ko.
Natulog na rin ako dahil na rin sa pagod ko. Wala rin naman akong gagawin bukas dahil wala pang bagong pinapagawa ang Tito ni Gabriel. Mag-aaral din kasi ang anak ko bukas, ihahatid ko lang.
Kinaumagahan ay nagising ako ng mga alas-singko ng umaga. Dahan-dahan akong bumangon upang hindi magising ang anak ko. 8 pa ang klase nila kaya puwede pa siyang matulog ng ilang oras.
Inayos ko ang kumot sa katawan ng anak ko para hindi lamigin. Pinahinaan ko na rin ang aircon. Hindi naman masyadong malaki ang bahay namin. Bali, may dalawang kwarto lang-isa sa'min at ang isa naman ay guestroom. Nagkaroon lang talaga ako ng ganitong bahay at mga gamit dahil na rin sa tulong sa'kin ni Gabriel.
Magkasama lang kami sa kwarto ng anak ko dahil ayaw niyang humiwalay sa'kin. Nasanay na rin kasing magkatabi kami matulog. Ayaw niyang matulog kapag hindi ako katabi.
Pagkalabas ko sa kwarto ay dumiretso ako sa kusina upang maghilamos at mag-toothbrush na rin. Pagkatapos kong mag-toothbrush ay nagluto na ako ng agahan namin at babaunin ng anak ko.
"Kailangan ko na namang mag-groceries mamaya, hays," saad ko.
Paubos na rin kasi ang laman ng ref, kaya mamaya mag-groceries na lang din ako. Pagkatapos kong maghanda ng mga ulam at kanin ay tinakpan ko muna para hindi lumamig. Iniwan ko muna ito sa maliit naming lamesa at tinungo ang kwarto namin. Pero bago 'yon, nagulat na lamang ako dahil bumukas ang pinto namin at may nakita akong katangkarang lalaki na pumasok.
Nagulat ako at parang na-freeze pa. Nakabalot ang buong mukha niya, kaya napaisip ako na baka magnanakaw ito. Napataas ang kilay ko nang tumakbo siya papunta sa kusina, kasabay noon ang pagpasok ng tatlong tao.
"May nakita ka bang matangkad na lalaki, Miss? May takip ang buong mukha niya," tanong sa'kin ng isang lalaki kaya naman napatingin ako sa lalaking tinutukoy nila.
Sinenyasan niya akong huwag ko siyang isusumbong, kaya napakunot ang noo ko. Naku naman, kung may away silang apat, dinadamay pa talaga ang bahay ko. Natutulog pa ang anak ko, kaya magsisinungaling na lang ako dahil kung sasabihin ko, magkakagulo.
"Nakita ko siyang tumakbo doon banda," pagsisinungaling ko na agad nilang ikinatakbo.
Pagkatapos nilang lumabas ay agad kong sinarado ang pinto, at pagkaharap ko ay nagulat pa ako nang bumungad sa'kin ang mukha ng lalaki. Gusto kong sumigaw-nakakatakot.
"Magnana-" hindi ko natuloy ang pagsigaw ko nang takpan niya ang bibig ko.
"Ano ba, bitawan mo ako," sigaw ko.
"I'm not a thief, Miss. Anyway, thank you."
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa dahil tinatakpan niya ang bibig ko. Napa-irap ako. Baka magising ang anak ko, at baka idamay niya-ipapakita ko talaga ang karate moves ko. May naisip akong paraan para bitawan niya ang bibig ko. Dinilaan ko ang kamay niya, kaya nabitawan niya ako. Ngumisi ako.
"Magnanakaw ka talaga. Wala kang makukuha dito. Wala pa akong sahod. Wala akong mabibigay sa'yo," palayo ako sa kanya.
Ngunit imbes na magalit siya sa'kin ay nagulat ako sa ginawa niya dahil dinilaan niya rin ang kamay niya-'yong dinilaan ko rin-kaya napasimangot ako. Kadiri naman ang lalaking 'to. Tumingin siya sa'kin kahit may takip ang mukha niya. Naka-expose naman ang ilong at bibig niya. Ang tanging nakita ko ay ang kanyang mga mata-blue.
Damn, beautiful.
"Kadiri ka," wika ko.
"Tastes so good," wika niya. Ako na lang ang nandiri sa kanya. Akmang lalapit siya sa'kin nang may tumawag sa telepono niya.
"Till we meet again," anya bago tuluyang umalis, kasabay noon ang pagdating ng anak ko na naka-uniform na siya.
Ewan ko kung ano ang nangyari sa lalaking 'yon. Baliw ba 'yon? Basta-basta na lang pumapasok sa bahay nang walang paalam. Sinalubong ko ng yakap ang anak ko. Alam na alam na niya talagang maghanda papuntang school. Tinuruan ko na rin kasi.
"Good morning, baby," bati ko.
"Good morning, Mommy. Take a bath na po ikaw and change your clothes po," wika niya sabay halik sa pisngi ko.
"Opo, mamaya. Lika muna at para makakain ka na," wika ko.
Sumunod naman siya sa'kin. Maayos ko siyang pinaupo at binigyan ng pagkain. Nag-pray pa siya before eating. Nagpaalam na rin ako upang maligo na dahil napakabilis ng oras-6:47 a.m. na pala. Pagkatapos kong maligo ay agad na rin akong nagbihis. Simple lang naman ang suot ko.
I don't apply makeup on my face dahil may simpleng ganda naman ako. Charot. Hindi lang talaga ako mahilig sa makeup, kaya gano'n.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na rin ako at nagulat na lang ako nang nakapamewang na nakatayo ang anak ko sa pinto.
"Mommy, you took so long. It's already 7:26 a.m. Ma-late na po ako," anya. Kaya naman napahagikhik ako. Natagalan talaga.
"Sorry, baby. Sige na, mauna ka na sa kotse at ililigpit ko lang ito," saad ko. Tumango naman siya at lumabas na.
Niligpit ko na ang kinainan niya, hinugasan ko pa at inayos ang mga pagkain na nasa lamesa bago lumabas dala ang baunan ng anak ko. Nilock ko na rin ang pinto. Pagkapasok ko sa kotse ay nakaupo na ang anak ko at naka-seatbelt na.
"You're so beautiful now, Mommy," napatingin ako sa anak ko nang magsalita siya.
"Thanks, baby. You are so beautiful too," ngiting wika ko.
"Yes, Mommy, because I'm your product," anya. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya natawa ako.
Pinaandar ko na rin ang kotse para ihatid ang anak ko sa paaralan niya. Nandoon naman si Grace kaya mababantayan niya ng maayos ang anak ko.
May tiwala naman ako sa anak ko at alam kong magbe-behave lang siya sa school. Never rin kasi akong napatawag sa school-mabait talaga ang anak ko, like me.
Pauwi na ako at marami akong nakitang mga bata. Nakakaawa sila. Binigyan ko sila ng pera para naman makabili sila ng makakain nila. Nang makarating ako sa bahay, bukas pa ang ilaw at pagkapasok ko ay nakita ko ang sasakyan ko.Agad kong naalala na kailangan ko palang sunduin ang anak ko. Papasok sana ako sa loob ng kotse nang may marinig akong tawanan sa loob ng bahay kaya naman dali-dali akong pumasok.“But you gave me this one, Raina.” Rinig ko ang boses ng isang pamilyar na tinig.Pagkapasok ko ay nagulat ako nang makita ko kung paano ka-sweet si Gabriel at ang anak ko. Napangiti ako dahil sa nakita ko. Magkasundo talaga sila, pero kapag iniinis ni Gabriel si Raina, nagagalit ito at nakikipagtalo pa. But I told her na huwag ganoon sa tito niya kahit iniinis pa siya—show some respect, nakakatanda pa rin iyon sa kanya.“But Daddy, I want that. Can I have it again?” naka-pout na wika ng anak ko kaya napa “ow” ako.Tinawag na niyang Daddy si Gabriel, eh ang tawag naman ng anak ko kay G
Pagkatapos kong ihatid ang anak ko ay umalis na rin ako sa paaralan upang bumili ng mga groceries. Mabilis kasing talagang maubos kapag nasa bahay lang si baby Raisa, kaya ngayon mag-groceries ako.Matagal pa akong nakarating sa grocery store dahil sa sobrang traffic. Wala rin naman akong alam kung saan ang daan na direct, kaya mag-aantay na lang. Mga ilang oras na ako at hanggang ngayon andito pa rin sa pwesto ko. Napakaraming sasakyan sa unahan ko, kaya nakaisip naman ako ng paraan.Dahil walang sasakyan sa gilid ng pwesto ko, agad akong lumiko at maghahanap na lang ako ng ibang daan. Habang tinatahak ko ang daan pabalik, may napansin ako sa isang kalye—may grupo ng mga lalaki, at napansin ko ang batang babae na tansya ko ay nasa mga 17 years old pa ito.Napaawang ang labi ko at hininto ang kotse. Pinagmasdan ko pa ang mga ito hanggang sa hindi ko na matiis—may ginagawa sila sa bata. Pinarada ko ng maayos ang kotse ko bago bumaba at dahan-dahang naglakad sa kalye.Napakunot ang no
Nakangiti akong naglalakad habang may dalang ice cream sa anak ko. Ito, 2 weeks had passed. Nakalimutan ko na rin ang nangyari, pero hindi ko pa rin nalutas ang problemang kung sino ang bumaril kay Brown.Nailibing na rin si Brown, at syempre nakakalungkot. Kahit pa man marami siyang nagawang mali, tao lang din naman siya-nagkakamali. Mabait talaga ako, kaya minsan hindi ko tinutuluyan ang bawat makakaharap kong kalaban dahil naniniwala akong magbabago sila.Napahinto ako muli nang makita ang isang pamilyang ngayon ay nakangiti. Sa pagkakataong ito, nakaharap na sila kaya kitang-kita ko. Ang pamilyang kinikilala ko, ang pamilyang nang-iwan sa'kin, ang pamilyang nagpalayas sa'kin sa sarili naming bahay.Tinitigan ko sila. May batang hawak si Daddy habang tuwang-tuwa pa silang tatlo. Parang dati, kami lang tatlo iyon. Pero ngayon, bakit may bata sila? Siguro noong mawala ako at pumunta sila sa ibang bansa ay nabuntis ulit si Mommy.Nakatitig lamang ako sa kanila habang hindi ko namalaya
Habang nag-aayos ako para umalis na papunta sa trabaho ko ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwal doon ang anak kong babae, nakasimangot siyang nakatingin sa’kin na ikinakunot ng noo ko.“What happened, baby girl?” I ask.“Tito Gab always annoys me, Mom. I don’t like him to be my nanny today,” reklamo nito.“Anak, hindi mo siya nanny. Tito mo siya,” saad ko.“But I don’t really like him.”“Hala ka, sige. Gusto mo bang ayaw na niyang pumunta dito? Wala nang magtatanggol sa’ten?” saad ko na ikinatingin niya sa’kin.“Tito Gab is gonna leave us?” she asked, so I nodded.“No, he can’t,” saad niya at tumakbo palabas. Alam ko na sa tito niya siya tatakbo. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos sa sarili.Limang taon na ang lumipas at ang daming nangyari sa buhay ko. 24 years old na ako at napalaki ko naman nang maayos ang anak ko, apat na taon na. Pinanganak ko siya noong 19 years old pa lamang ako. Mahirap iyon dahil bata pa ako at walang kaalam-alam sa buhay-ina. Mabuti
Napaawang ang labi ng isang babae nang makita niya ang isang lalaki na alam niyang kanina pa ito nakatingin sa kanya. Nilapitan niya ito na ikinagulat naman ng lalaki.Isang mayaman ang lalaki at palagi itong pumupunta sa bar, ngunit hindi naman makita ng babae ang mukha ng lalaki dahil sa labis nitong kalasingan.Tuluyan siyang nakalapit sa lalaki at bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Napahiga siya sa kandungan ng lalaki na ikinangisi ng lalaki. Marami siyang naikakaming babae, he’s a playboy rich man.“Hey, wake up,” napamulat ang babae nang may lalaking gumising sa kanya.Tumingin ang babae sa lalaki. Ngumiti naman ng matamis ang lalaki na ikinangisi ng dalaga. Nagagwapuhan siya kahit hindi niya makita ang mukha ng lalaki.“Who are you?” tanong nito sa lalaki.“I am your future husband,” saad nito, at alam niyang ngumisi ang lalaki dahil sa boses pa lang nito.“Palabiro ka talaga,” lasing na wika naman ng babae.Hinawakan ng babae ang mukha ng lalaki na mas lalong ikinangisi







