Compartir

Chapter 3

last update Fecha de publicación: 2026-03-10 19:53:22

Pagkatapos kong ihatid ang anak ko ay umalis na rin ako sa paaralan upang bumili ng mga groceries. Mabilis kasing talagang maubos kapag nasa bahay lang si baby Raisa, kaya ngayon mag-groceries ako.

Matagal pa akong nakarating sa grocery store dahil sa sobrang traffic. Wala rin naman akong alam kung saan ang daan na direct, kaya mag-aantay na lang. 

Mga ilang oras na ako at hanggang ngayon andito pa rin sa pwesto ko. Napakaraming sasakyan sa unahan ko, kaya nakaisip naman ako ng paraan.

Dahil walang sasakyan sa gilid ng pwesto ko, agad akong lumiko at maghahanap na lang ako ng ibang daan. 

Habang tinatahak ko ang daan pabalik, may napansin ako sa isang kalye—may grupo ng mga lalaki, at napansin ko ang batang babae na tansya ko ay nasa mga 17 years old pa ito.

Napaawang ang labi ko at hininto ang kotse. Pinagmasdan ko pa ang mga ito hanggang sa hindi ko na matiis—may ginagawa sila sa bata. Pinarada ko ng maayos ang kotse ko bago bumaba at dahan-dahang naglakad sa kalye.

Napakunot ang noo ko nang makita kung paano sinampal ng lalaki ang batang babae, kaya naman dahil hindi ko na matiis ay agad akong nakarating sa kinaroroonan nila. 

Ang babata pa, tapos kaya nilang gawin ang mga bagay na ’yan? Hindi siguro sila mahal ng magulang nila.

“Ibigay mo na.” Rinig kong wika ng batang lalaki rin na sa tingin ko ay leader nila.

“Parang ayaw talaga, pre.”

“Kasahin na ’yan.” Naghiyawan pa sila.

Ayoko sanang mangialam sa problema nila, pero hindi naman ata tama ang ginagawa nila sa batang babae. Takot na takot na ito at parang may ibang binabalak sila sa babae. 

Kunwari ay nauubo ako at napatingin silang lahat sa’kin, kaya naman ngumisi ako. Pinalapit ko ang batang babae sa’kin, pero hindi siya lumapit dahil na rin siguro sa takot.

“Bakit n’yo sinasaktan ang babae?” I asked, but they laughed. Kaya naman napaawang ang labi ko.

Ang lalaking sumampal kanina sa batang babae ang lumapit sa’kin. Mas matangkad ako sa kanya—syempre, bata pa ’to. Siguro 5'2 siya, nasa 5'4 kasi ako kaya mas matangkad ako ng kaunti. 

Para pa siyang siga kung makatingin sa’kin at parang sinusubukan akong takutin.

“Bakit? Sino ka ba para makialam sa’min?” tanong niya rin, kaya nagsitawanan ang mga kasama niya maliban sa batang babae.

“Huy, ginang, kahit mas matangkad ka sa’kin, kaya kitang bayóin.” Umakto pa siyang may binabayo talaga, kaya naman natawa ako.

Kay bata-bata pa at alam na ang ganyang bagay? Wala siguro silang alam sa ginagawa nila. Tinawag pa akong ginang—nakakabastos naman ’yon. 

Dinuduro pa ako ng batang lalaki, kaya naman agad kong hinawakan ang kamay niya at pinaikot ito sabay kuha sa baril ko.

“Aray, arayyyy!” sigaw ng batang lalaki at parang naiiyak na.

Ayokong gawin ito sa kanila, pero sobra na sila sa mga pinaggagawa nila. Ang mga kasama niya ay nagulat din nang makita ang baril ko, at ang batang babae ay napatakip ng sariling mga mata—natatakot din siya.

“Police ako. Kapag hindi n’yo pa tinigilan ang batang babae na ’yan, mapupunta kayo sa nararapat sa inyo,” wika ko. 

Binitawan ko ang kamay ng batang lalaki at nagsitakbohan sila. Naiwan naman ang batang babae.

Pinagmasdan ko silang nagsitakbohan at pumasok sa school nila, kaya napa-smirk ako. Mamaya haharapin ko ang dean nila para naman maturuan sila ng leksyon. 

Napatingin ako sa batang babae na ngayon ay nakatakip pa rin ang dalawang kamay sa sariling mga mata. Lumapit ako rito saka yumuko—hindi naman sa pagmamayabang, pero parang nasa 4'10 ang babae.

Syempre, senior high pa.

“Hey, it’s okay. Wala na sila,” nakangiting wika ko sabay tapik sa balikat nito.

Dahan-dahan namang tinanggal ng bata ang kamay niya sa kanyang mga mata. Nakangiti ko siyang tiningnan, kaya napatingin siya sa’kin—napaka-inosente ng mukha niya.

“Ayos ka lang?” tanong ko, pero nanatili siyang nakatingin sa’kin.

Siguro nagulat lang din siya sa nangyari. Niyakap ko siya pagkatapos ay sinabayan ko siyang pumasok sa loob ng school nila. Nais kong makausap ang dean nila kung bakit hinahayaan ang mga ganitong bagay.

“Thank you po,” napatingin ako sa batang kasama ko at napangiti na lang.

Nakarating na kami ngayon sa office ng dean at wala pa rin ang dean, kaya aantayin na lang namin. Nakaupo kami ngayon sa upuan, syempre.

“Wala ’yon. Bakit ka pala ginaganon nila?” tanong ko.

“Nais kasi nilang kunin ang baon kong pagkain at ang pera ko po, but I don’t want them to catch my baon and money. Si Mommy po kasi ang nagluto ng baon ko at bigay pa po ng kuya ko ang pera allowance ko po, pero gusto ko itong itabi dahil may gusto po akong bilhin,” saad nito.

Napaka-sweet ng batang babae at mahal na mahal niya ang mama niya. Pinapahalagahan niya ang mga bagay na bigay ng pamilya niya. Napakunot ang noo ko—mayaman ang batang ’to sa itsura pa lang, halatang mayaman.

“Kung gano’n, bakit hindi ka magpatulong sa kapatid mo?” tanong ko.

“Ayoko po dahil nahihiya ako. Sa totoo lang po, may sakit talaga ako,” anya, kaya napahinto ako sa paglalakad. May nakita akong kahoy na upuan kaya dinala ko siya roon.

“What do you mean?” mahinahon na tanong ko.

“Na-rehab po ako dati dahil po naging baliw ako, dahil po sa traumang nangyari sa’kin noon. My mom and dad were in an accident. Nasa ibang bansa sila noon dahil buntis si Mommy noon at napag-usapan nina Daddy na sa States manganganak si Mommy. Gusto niya kaming isama pero ayaw ng mga kuya ko kaya nagpa-iwan lang din ako,” anya.

“Ilan kuya mo?” tanong ko.

“Apat lang po ang kuya, pero kuya na rin po ang turing ko kay Kuya Brown, dahil kagaya ng mga kuya ko ay tinuring niya rin akong kapatid niya. Spoiled po ako sa kanila, pero noong nalaman kong wala na siya, bumalik ang sakit ko at na-rehab po ulit ako dahil sa kalungkutan ko. I saw my mom crying and I hate seeing her crying. Kahit po wala ako sa tamang pag-iisip ay sinusunod ko ang pinapainom ng nurse ko para gumaling ulit ako. Bago lang po ako nakabalik sa school,” dagdag niya, kaya naman nakuha ng atensyon ko ang pagbanggit niya kay Brown.

“Brown?” I asked.

“Opo, si Kuya Varry Brown Montenegro po,” nakangiting wika niya kaya nagulat ako.

Sh*t!!

“What is your name?” I asked again.

“Lian po, Lian Blue,” she said. Napangiti ako—kaya may “Blue” sa pangalan niya dahil blue ang mga mata niya?

“Napakagandang pangalan naman ’yan,” saad ko.

“Ang kuya ko po talaga ang nag-suggest sa name na ’yan. Sabi ni Daddy dahil po same kami ng kulay ng mata,” nakangiting wika niya.

Napaka-expensive siguro ng pamilya nila—blue ang mata, habang ako normal lang. Mayaman na mayaman talaga sila, at sigurado akong napakagwapo ng mga kuya—magpapa-reto ako. Joke lang, haha. Dumating na rin ang dean at may inayos lang siya sa lamesa niya hanggang sa nagtanong ulit si Lian.

“What is your name po pala?” she asked.

“My name is—Hey, Lian, are you okay?” Natigilan ako nang may biglang lalaking sumulpot.

Hindi na lang ako nagsalita nang niyakap niya agad si Lian, kaya napangiti ako. Ito na siguro ang sinasabi niyang kuya niya—pareho kasi sila ng kulay ng mata, blue, at napakagandang tingnan nito. Kung puwede lang sana dukutin, eh para lang contact lens, pero totoo pala ’yan.

Nagkatitigan kaming dalawa ng mga 6 seconds at napaiwas agad ako, kasi parang kilala niya ako. Ngumisi kasi siya at parang manyak pa. Nagsalita ang dean na ikinagulat ko.

“Andito na pala ang asawa mo, misis. Maaari ko bang malaman ang iyong nais sabihin?” tanong ng dean, kaya pareho kaming nagulat ng lalaking kasama ko ngayon.

“Ho?” tanging lumabas sa bibig ko.

“Sabihin mo na, misis. Nag-aantay rin ang asawa mo,” pag-uulit nito. Nakita kong napahagikhik si Lian kaya tinaasan ko siya ng kilay, pero nginisian niya ako.

Hays, I’m in trouble again.

“Hindi ko po siya asawa,” turo ko sa lalaking nasa gilid ko lang.

“Tinatanggi talaga kapag nag-away. Sige, sabihin mo na muna,” wika ng dean kaya napabuntong-hininga na lang ako. Ayaw pa maniwala na hindi ko naman asawa itong lalaking ito.

“Ah, I was on my way po kanina papuntang grocery store, then I saw Lian na binubully ng mga estudyante n’yo dito. Nagtataka lang ako kung ganito ang mga bata dito. Hindi ho ba kayo nag-lesson about bullying?” tanong ko. Tama ba?

Nagkatitigan kami ng dean. Tinanggal niya ang kanyang eyeglasses, kaya naman nagtataka ako—baka nagagalit na ’to. Napatingin ako sa lalaki at sinenyasan ko siyang tulungan niya akong magsalita, pero hindi niya ako pinansin kaya sumakit na lang bigla ang ulo ko.

“I’m sorry about that, misis. Mamaya kausapin ko ang mga magulang ng mga bata. But I want to tell you something, Mrs. Montague.”

Nakakahilo—hindi ho kami mag-asawa, at higit sa lahat, hindi ako Mrs. Montague. Miss pa ako. Diyos ko, Dean, makinig ka naman sa’kin. Napatayo ang dean kaya tinitigan ko siya.

“We’re having a family program on Friday and I would like to invite your husband and, of course, you too, misis. Kailangan ng makakasama ng anak n’yo,” saad nito kaya napatayo ako.

Ano? Pagkatapos kong maging asawa ng lalaking ’to, magiging parents of the day pa talaga? Naku, ayoko talaga. Baka pag nalaman ng anak ko, magselos pa ’yon. Selosa ang anak ko—kapag nalaman niya ang lahat ng ito, baka isipin niyang hindi ko siya mahal dahil may ibang pamilya ako.

“What? No way.” Kinuha ko ang bag ko at saka lumabas ng room.

Nakarating ako sa kotse at napansin kong hinahabol ako ng magkapatid. Akmang papasok na ako sa kotse nang magsalita ang kuya ni Lian.

“Sige, kapag pumasok ka diyan, hindi muna kami makikita ng anak mo,” saad nito na ikinairap ko. Anong akala niya sa’kin, uto-uto? Hindi ko naman anak ’yan. Tuluyan akong nakapasok sa kotse ko at tiningnan ang magkapatid.

I saw Lian—nakakaawa siyang tingnan. Nahihila ang pagiging mabait ko sa mas bata sa’kin. Nakikita ko rin ang anak ko sa kanya, pero teenage version ng anak ko. Napabuntong-hininga na lang ako at bumaba sa kotse ko.

“Sige na nga, payag na ako,” pagsuko ko. Kita ko ang pagngiti ng magkapatid. Niyakap ako ni Lian kaya naman napangiti ako.

“Thank you. Let’s eat first before you come home,” saad nito kaya napatango ako. Akmang papasok ulit ako sa kotse nang magsalita ulit siya.

“Tauhan ko na ang bahala sa kotse mo,” anya.

“Hindi puwede, mag-grocery pa ako, eh,” saad ko.

“Let them grocery for you. Come in my car,” anya at naunang naglakad. Pinagmasdan ko ang mga tauhan niya—ang popogi.

“Alagaan n’yo ang kotse ko, mga pogi,” saad ko at tinapik ang braso nila—matangkad rin kagaya ng boss nila.

Nakapapasok ako sa kotse niya. Sa back seat talaga ako, tabi kami ni Lian. Parang may pagka-childish ang kapatid niya—’yong pag-iisip, kasi parang bata. Tama ngang may sakit siya. Mahiyain din siya at halata talaga ang pagka-inosente niya.

“I’m not your driver, so you better sit here,” anya, kaya tumingin ako sa kanya. Gusto niya sa front seat ako.

Hays naman, ang dami ko nang problema, dumagdag pa ’to, eh. Bumaba na lang ako at umupo sa front seat bago niya paandarin ang maganda niyang sasakyan. Nakarating kami sa isang malaking mall at nakasulat doon ang apelyido nila: “MONTAGUE MALL.” Napakalaki ng mall na ito.

Sabay kaming bumaba at namangha pa ako. Napakaraming tao sa loob at ang setup napakaganda, at may pogi pang dalawang bantay sa pinto. May dalawang guard din sa loob. Sabay kaming pumasok at maraming staff ang bumati sa magkapatid.

Talagang masasabi kong expensive sila. Dinala niya kami sa loob ng restaurant dito sa mall niya. Namangha rin ako sa setup ng restaurant nila—napakaganda at napakalinis nito. Napangiti ako nang makita ko ang saya ni Lian. Gusto ko pang makilala ang batang ito.

“Stay here. I’ll order,” saad ng kuya ni Lian, kaya naman tumango lang ako.

Pinaupo ko si Lian sa may upuan—syempre, alangan naman sa sahig, ’di ba? DJK lang talaga. Pinagmasdan ko siya—she’s like a kid. Para talaga siyang may problema, I mean, may problema sa kanya. Tahimik lang siya, pero pagdating sa kuya niya ay napaka-sweet niya.

“Can I ask you something, Lian?” I asked, dahil nakita kong busy naman ang kuya niya.

“Yes po.”

“Nasa’n pala ang Mommy at Daddy mo? Bakit parang pagkakakilala ng dean sa school n’yo ay tatay mo ang kuya mo?” tanong ko. Tiningnan niya ako kaya naman natahimik ako.

“Nasa ibang bansa po. Kailangan po kasi nilang alagaan ang company namin doon. Doon rin nag-aaral ang bunso namin, doon kasi niya gustong mag-aral. Pero uuwi naman po sila pag mag-18 na po ako,” magalang niyang saad sa’kin kaya naman napangiti ako.

Napakabait.

“Done,” bumalik na ang kuya niya kaya naman napaayos na ako ng upo. Mga ilang sandali pa ay dumating na ang order niyang pagkain. Napakarami naman—sure ba siyang mauubos ’yan?

“Dami naman niyan,” saad ko.

“I know you’re hungry, kaya dinamihan ko na,” anya.

Hindi ako nagsalita dahil nakita ko kung paano niya pinakain ang kapatid niya. Talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Tumingin siya sa’kin at sinenyasan na kumain na, kaya napatingin ako sa pagkain.

Nag-star agad ang mata ko nang makita ko ang menudo. Akala ko sa karinderya lang meron ito, pero andito rin pala. Akala ko napaka-expensive ng mga pagkain na ito dahil mahahalata sa setup ng restaurant nila, pero nang makita ko ang price ay nagulat na lang ako. Ang mumura lang—50 lang isang serve at napakarami na noon.

Dahil sa sobrang gutom ko ay kumuha agad ako ng kanin at saka ng menudo. Nilagay ko lahat ’yon sa pinggan ko. Nagsimula akong kumain at napatingin din agad sa kuya ni Lian.

“Ah, eh, haha. Sorry, favorite ko lang kasi ito,” saad ko. Kumunot ang noo niya kaya binitawan ko ang kutsara sa bibig ko at tinitigan siya.

“Really?” anya na ikinatango ko.

“Wow, I ordered that because my son also favorite that food,” anya, kaya naman napatango ako.

Ay, sayang naman—may anak na pala siya? Akala ko wala. Ang gwapo niya kasi at parang nasa mga 20 years old. Para nga sigurong mas matanda pa ako, eh.

“May anak ka na pala? Ilang taon ka na ba?” I asked.

“28,” anya, kaya natigilan na naman ako sa pagsubo ng pagkain.

“Ha? Akala ko 20 ka pa. Mukhang mas matanda ang itsura ko sa’yo, eh,” saad ko.

“How old are you?” he asked.

“24,” wika ko.

Tumango lang siya kaya naman nagpatuloy na lang din ako sa pagkain habang nakatingin ako sa kanilang dalawa. Para nga silang mag-ama, pero ang totoo, magkapatid sila.

Pagkatapos naming kumain ay agad na rin kaming lumabas sa mall. Gusto pa nga niya akong i-shopping, pero hindi ako sumang-ayon. Makulit siya at pinilit ako. Sinabi ko lang na hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari na maging parents of the day kay Lian, kaya ayun, sumuko na rin siya.

Maggagabi na. Andito kami sa isang lugar na alam naming pareho na mag-e-enjoy si Lian. Tama nga ako—nag-e-enjoy ang bata. Nasa palaruan kami, malapit lang sa lugar ko. Dito ko sila dinala para naman maging masaya rin ang kapatid niya, at ngayon masaya siyang nakikipaglaro sa mga kapwa niya bata.

“Thank you,” napatingin ako sa kuya ni Lian nang magsalita.

“Ah, wala ’yon. Noong kabataan ko rin ay kagaya din ako ni Lian na gustong maglaro sa ganyan,” saad ko.

“You’re so kind,” anya, kaya ngumiti ako.

“Can I ask where your parents are now?” I asked.

“Tanong na ’yan, eh, hahaha,” tawang wika ko, pero nagseryoso rin nang makita kong seryoso rin siya.

“Joke lang. My mom kicked me out of our house, but kasama ko naman ang anak ko ngayon at nabubuhay naman kami ng maayos,” saad ko na ikinatango niya.

“Bata mo pa, may anak ka na, ha,” anya.

“Ikaw nga rin, eh, haha,” tawang wika ko.

“Where is your husband? Bakit hindi siya ang nag-grocery para sa inyo?” tanong niya, kaya nanahimik ako. Hindi puwedeng sabihin ko ang totoo—baka pagtawanan niya ako.

“Eh, bakit ikaw? Asan ba ang asawa mo?” tanong ko rin.

“Nasa harapan ko,” anya, kaya napatulala ako. Ha? Ako ba ang sinasabi niya?

Delulu.

“Just kidding, haha. My wife is in our house. She’s taking good care of our son,” anya, kaya nawala ang ngiti ko sa labi.

“Ang asawa ko naman ay nagtrabaho sa ibang bansa,” pagsisinungaling ko.

“Oh, I see,” anya.

Napabuntong-hininga ako at napabalik ang tingin ko kay Lian na ngayon ay kumakain ng lollipop. 17 years old na siya pero isip-bata pa rin. Dapat siyang magamot para naman maging maayos na ang kalagayan niya.

“Bakit nga pala nagkaganyan ang kapatid mo?” tanong ko sa kuya niya.

“Traumatized,” anya.

“Kailangan n’yo siyang ipagamot para naman gumaling na siya,” saad ko.

“Kahit man gustong-gusto naming ipagamot siya ay wala kaming magagawa. Pag-uwi nina Mommy, sila ang magpapagamot kay Lian,” anya, kaya napatango ako.

“Huwag mo muna siyang payagang pumasok.”

“Why?” he asked.

“Sa kalagayan niya, maaaring maulit sa kanya ang nangyari kanina. Concern lang din ako sa kapatid mo,” wika ko.

“Thanks for your advice. What is your name?” he asked.

“Ah, oo nga pala. Ako pala si—” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

“Hello, baby,” bungad ko. Ang anak ko ang tumatawag.

“Okay, baby, pauwi na ako.”

“Okay, I will. Thanks. I love you, baby,” huling saad ko bago patayin ang tawag.

“I’m sorry, pero kailangan ko nang umuwi. See you,” mabilis kong saad at naglakad na paalis, ngunit tinawag niya ako.

“Hey,” tawag niya kaya agad akong napatingin sa kanya.

“Bakit?”

“Do you want me to drive you to your home?” he asked, pero umiling ako.

“Huwag na. Malapit lang naman ang bahay namin dito. Bye na,” saad ko at nagmamadaling umalis.

Pagkarating ko sa kalye na papasok sa aming lugar ay napangiti ako. Nafe-feel ko ang isang kompletong pamilya, pero nalulungkot kasi hindi ko nakasama ang anak ko kanina. Gano’n pala ang feeling kapag may pamilya kang kompleto, kahit pa man fake parents lang kami kay Lian.

Naging masaya ang araw ko ngayon dahil sa wakas naranasan ko na rin ang feeling kung paano magkaroon ng masaya at kompletong pamilya na kailanman hindi ko naranasan. 

Pareho siguro kami ng nararamdaman ng anak ko. Kahit may galit ako sa ama, kailangan ko pa rin siyang mahanap.

Bahala na kung may iba siyang pamilya. Basta ang sa’kin lang, makilala siya ng anak niya at para na rin sa ikasasaya ng anak ko. Patuloy akong naglakad habang hindi na lumilingon. 

This day is so happy for me—simple na fake parents o pamilya, ay naging masaya naman ako.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • THE LOVE AFTER SECRET    Chapter 4

    Pauwi na ako at marami akong nakitang mga bata. Nakakaawa sila. Binigyan ko sila ng pera para naman makabili sila ng makakain nila. Nang makarating ako sa bahay, bukas pa ang ilaw at pagkapasok ko ay nakita ko ang sasakyan ko.Agad kong naalala na kailangan ko palang sunduin ang anak ko. Papasok sana ako sa loob ng kotse nang may marinig akong tawanan sa loob ng bahay kaya naman dali-dali akong pumasok.“But you gave me this one, Raina.” Rinig ko ang boses ng isang pamilyar na tinig.Pagkapasok ko ay nagulat ako nang makita ko kung paano ka-sweet si Gabriel at ang anak ko. Napangiti ako dahil sa nakita ko. Magkasundo talaga sila, pero kapag iniinis ni Gabriel si Raina, nagagalit ito at nakikipagtalo pa. But I told her na huwag ganoon sa tito niya kahit iniinis pa siya—show some respect, nakakatanda pa rin iyon sa kanya.“But Daddy, I want that. Can I have it again?” naka-pout na wika ng anak ko kaya napa “ow” ako.Tinawag na niyang Daddy si Gabriel, eh ang tawag naman ng anak ko kay G

  • THE LOVE AFTER SECRET    Chapter 3

    Pagkatapos kong ihatid ang anak ko ay umalis na rin ako sa paaralan upang bumili ng mga groceries. Mabilis kasing talagang maubos kapag nasa bahay lang si baby Raisa, kaya ngayon mag-groceries ako.Matagal pa akong nakarating sa grocery store dahil sa sobrang traffic. Wala rin naman akong alam kung saan ang daan na direct, kaya mag-aantay na lang. Mga ilang oras na ako at hanggang ngayon andito pa rin sa pwesto ko. Napakaraming sasakyan sa unahan ko, kaya nakaisip naman ako ng paraan.Dahil walang sasakyan sa gilid ng pwesto ko, agad akong lumiko at maghahanap na lang ako ng ibang daan. Habang tinatahak ko ang daan pabalik, may napansin ako sa isang kalye—may grupo ng mga lalaki, at napansin ko ang batang babae na tansya ko ay nasa mga 17 years old pa ito.Napaawang ang labi ko at hininto ang kotse. Pinagmasdan ko pa ang mga ito hanggang sa hindi ko na matiis—may ginagawa sila sa bata. Pinarada ko ng maayos ang kotse ko bago bumaba at dahan-dahang naglakad sa kalye.Napakunot ang no

  • THE LOVE AFTER SECRET    Chapter 2

    Nakangiti akong naglalakad habang may dalang ice cream sa anak ko. Ito, 2 weeks had passed. Nakalimutan ko na rin ang nangyari, pero hindi ko pa rin nalutas ang problemang kung sino ang bumaril kay Brown.Nailibing na rin si Brown, at syempre nakakalungkot. Kahit pa man marami siyang nagawang mali, tao lang din naman siya-nagkakamali. Mabait talaga ako, kaya minsan hindi ko tinutuluyan ang bawat makakaharap kong kalaban dahil naniniwala akong magbabago sila.Napahinto ako muli nang makita ang isang pamilyang ngayon ay nakangiti. Sa pagkakataong ito, nakaharap na sila kaya kitang-kita ko. Ang pamilyang kinikilala ko, ang pamilyang nang-iwan sa'kin, ang pamilyang nagpalayas sa'kin sa sarili naming bahay.Tinitigan ko sila. May batang hawak si Daddy habang tuwang-tuwa pa silang tatlo. Parang dati, kami lang tatlo iyon. Pero ngayon, bakit may bata sila? Siguro noong mawala ako at pumunta sila sa ibang bansa ay nabuntis ulit si Mommy.Nakatitig lamang ako sa kanila habang hindi ko namalaya

  • THE LOVE AFTER SECRET    Chapter 1

    Habang nag-aayos ako para umalis na papunta sa trabaho ko ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwal doon ang anak kong babae, nakasimangot siyang nakatingin sa’kin na ikinakunot ng noo ko.“What happened, baby girl?” I ask.“Tito Gab always annoys me, Mom. I don’t like him to be my nanny today,” reklamo nito.“Anak, hindi mo siya nanny. Tito mo siya,” saad ko.“But I don’t really like him.”“Hala ka, sige. Gusto mo bang ayaw na niyang pumunta dito? Wala nang magtatanggol sa’ten?” saad ko na ikinatingin niya sa’kin.“Tito Gab is gonna leave us?” she asked, so I nodded.“No, he can’t,” saad niya at tumakbo palabas. Alam ko na sa tito niya siya tatakbo. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos sa sarili.Limang taon na ang lumipas at ang daming nangyari sa buhay ko. 24 years old na ako at napalaki ko naman nang maayos ang anak ko, apat na taon na. Pinanganak ko siya noong 19 years old pa lamang ako. Mahirap iyon dahil bata pa ako at walang kaalam-alam sa buhay-ina. Mabuti

  • THE LOVE AFTER SECRET    Prologue

    Napaawang ang labi ng isang babae nang makita niya ang isang lalaki na alam niyang kanina pa ito nakatingin sa kanya. Nilapitan niya ito na ikinagulat naman ng lalaki.Isang mayaman ang lalaki at palagi itong pumupunta sa bar, ngunit hindi naman makita ng babae ang mukha ng lalaki dahil sa labis nitong kalasingan.Tuluyan siyang nakalapit sa lalaki at bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Napahiga siya sa kandungan ng lalaki na ikinangisi ng lalaki. Marami siyang naikakaming babae, he’s a playboy rich man.“Hey, wake up,” napamulat ang babae nang may lalaking gumising sa kanya.Tumingin ang babae sa lalaki. Ngumiti naman ng matamis ang lalaki na ikinangisi ng dalaga. Nagagwapuhan siya kahit hindi niya makita ang mukha ng lalaki.“Who are you?” tanong nito sa lalaki.“I am your future husband,” saad nito, at alam niyang ngumisi ang lalaki dahil sa boses pa lang nito.“Palabiro ka talaga,” lasing na wika naman ng babae.Hinawakan ng babae ang mukha ng lalaki na mas lalong ikinangisi

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status