INICIAR SESIÓNHabang nag-aayos ako para umalis na papunta sa trabaho ko ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwal doon ang anak kong babae, nakasimangot siyang nakatingin sa’kin na ikinakunot ng noo ko.
“What happened, baby girl?” I ask.
“Tito Gab always annoys me, Mom. I don’t like him to be my nanny today,” reklamo nito.
“Anak, hindi mo siya nanny. Tito mo siya,” saad ko.
“But I don’t really like him.”
“Hala ka, sige. Gusto mo bang ayaw na niyang pumunta dito? Wala nang magtatanggol sa’ten?” saad ko na ikinatingin niya sa’kin.
“Tito Gab is gonna leave us?” she asked, so I nodded.
“No, he can’t,” saad niya at tumakbo palabas. Alam ko na sa tito niya siya tatakbo. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos sa sarili.
Limang taon na ang lumipas at ang daming nangyari sa buhay ko. 24 years old na ako at napalaki ko naman nang maayos ang anak ko, apat na taon na. Pinanganak ko siya noong 19 years old pa lamang ako. Mahirap iyon dahil bata pa ako at walang kaalam-alam sa buhay-ina. Mabuti na lang at tinulungan kami ni Gabriel.
Siya ang sumagot sa lahat. Binigyan niya kami ng bahay at tinulungan akong makapagtapos. Isa akong secret agent, alagad ng batas. Oo, at may kaso akong hinahawakan ngayon. Malapit ko na itong ma-solve dahil napalapit ako sa suspect.
Isang drug pusher ang suspect at kailangan kong kumuha ng sapat na ebidensya upang maaresto ang suspect. Ngayon ay naghahanda ako para sa gaganaping dinner namin ni Mr. Montenegro. Siya ang drug pusher na tinutukoy ko.
“Aba, ready ka na? Let’s go,” saad ni Gabriel nang makababa ako.
Partner kami ni Gabriel sa trabaho, pero mas mataas ang posisyon niya kaysa sa’kin. Pero minsan ay ako ang sinusunod ng grupo kapag wala siya, dahil hindi lang bilang secret agent ang trabaho ni Gabriel—nagpapatakbo rin siya ng malalaking company.
“Wait, how about Grace?” he asked me.
“Iyon nga dapat ang sasabihin ko. Antayin na muna natin bago tayo umalis,” saad ko.
Si Grace kasi ang kinuha kong magbabantay sa anak ko dahil comfortable naman ang anak ko sa tita niya, at alam kong day off ni Maria ngayon. Wala talaga akong mapagbibilinan kaya nakiusap lang talaga ako sa kanya na baka puwedeng bantayan si Raisa. Mahaba ang pangalan ng anak ko kaya sa second name ko siya tinatawag.
Wala siyang middle name at tanging last name ang kulang ang dala niya dahil hindi ko naman kilala ang lalaking gumalaw sa’kin. Kahit pa man ay sising-sisi ako dati, tinanggap ko nang buo ang anak ko kasi wala akong magagawa doon. Anak ko rin naman si Raisa kaya hindi puwedeng pabayaan ko ang sarili kong anak.
Makalipas ang mahabang pag-aantay ay may narinig na kaming nag-doorbell. Si Gabriel ang nagbukas noon habang ako ay inaayos ang higaan ng anak ko—nakatulog kasi. Mabuti na lang din iyon dahil kapag nadatnan niya akong umalis ay ayaw niya akong payagan.
“Hi, Sissy,” nakangiting bungad sa’kin ni Maria.
“Hinaan mo boses mo, natutulog si Raisa,” saad ko.
Si Grace ay isang teacher sa elementary school. Magkaibigan na talaga kami simula pa noon. Isa rin siya sa nagpatuloy sa’kin nang pinalayas ako nina Mommy. Tungkol sa kanila naman, simula nang pinalayas nila ako ay wala na akong balita sa kanila. Huli na lang noong nalaman kong umalis sila sa bansa.
Tuluyan nila akong kinalimutan pagkatapos malaman na nagdadalang-tao ako. Ganito rin ang nangyari kay Mommy noon at nagawa niya rin sa’kin ang ginawa nina Lola sa kanya. Kung kinaya nilang kalimutan ako, kaya ko rin. Sila ang gumawa ng paraan para mas lalong lumayo ang loob ko sa kanila.
Oo, pamilya ko sila at nagkasala din ako sa kanila, pero bakit ayaw nila akong tanggapin? Kahit bilang anak na lang nila. Hindi ko rin sila masisisi; sobra ang galit nila sa’kin. Ngayong nakakaya ko nang buhayin ang anak ko, nagsisimula kami ng panibagong buhay.
“Sis,” tawag sa’kin ni Grace kaya nabalik ako sa ulirat.
“Inaantay ka na ni Gabriel. Good luck sa date niyo,” kumindat pa siya na ikina-ismid ko.
“Huy, trabaho ang pupuntahan namin, hindi date,” suway ko pero tumawa lang siya.
Umupo siya sa tabi ng anak ko at pareho naming pinagmamasdan ang anak ko. Malapit din ang loob nila sa isa’t isa dahil kapag wala ako, nagiging second mommy si Grace sa anak ko kaya sobra silang close.
“Maraming salamat talaga, Grace,” nakangiting wika ko sa kaibigan ko.
“Saan?” tanong niya.
“Salamat sa mga naitulong mo sa’kin. Pangako, kapag nakuha ko na ang sahod ko, babayaran kita,” saad ko na ikinatawa niya.
“Ano ka ba, Sis, napaka-seryoso mo naman masyado. Huwag munang intindihin ’yon. Para din naman iyon sa’yo at sa inaanak ko,” anya at matamis na ngumiti sa’kin. Napakabait.
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na rin ako para makaalis na kami ni Gabriel. Pagkalabas ko ay nakita ko siyang may kausap sa telepono niya.
“We’re on the way,” rinig kong wika niya.
“Yes, ganoon pa rin ang plano. Mamaya na we’ll discuss everything. Just wait for us,” dagdag pa niya. Pinatay na niya ang tawag at tumitig sa’kin.
“You look gorgeous now, Ms. Gonzalez,” natatawa ako sa sinabi niya. Ganyan talaga siya kapag may lakad kami o laging magkasama.
“Alam ko na ’yan. Tara na at baka inaantay na nila tayo,” saad ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse—napaka-gentleman.
Umikot na rin siya para sumakay. Pinaandar na niya ang kotse patungo sa pupuntahan namin. Kailangan kong ihanda ang sarili ko; pang-limang mission ko na ’to at malaking tao ang babanggain namin kumpara sa iba.
Leader ng drug pushers na ’to, kaya ako kinakabahan dahil baka hindi ako magtagumpay. Napabuntong-hininga ako. Nakasunod ako kay Gabriel. Ngayon kakarating lang namin sa bahay na palagi naming pinupuntahan kapag nagpaplano kami.
“Good morning, Mrs. Alcantara,” napahagikhik na lang ako sa sinabi nila.
Marami kasi kaming mga kasamahan na shiniship kaming dalawa ni Gabriel. Sinasakyan na lang namin ni Gabriel; alam naman naming magkaibigan lang talaga kami. Parang kuya ko nga lang si Gabriel. Palagi akong nagpapasalamat sa kanya dahil kung wala ang tulong niya, hindi ko makakamit itong trabaho ko ngayon.
“Sir,” nagsitayo ang mga tauhan ni Gabriel nang makapasok kami sa isang kwarto.
Nakasunod pa rin ako kay Gabriel hanggang sa pinaupo niya ako. Siyempre, umupo din siya. Nagsimula siyang magsalita habang ako at ang mga tauhan niya ay nakikinig lamang sa kanya.
“Kapag nakapasok si Reign sa restaurant, alisto na kayo at mag-aantay ako sa likod para antayin si Reign. Tumawag ka lang, Reign, kapag okay na ang lahat. Ito ang huling araw natin. Kapag hindi natin nalutas ang mission na ’to, pareho tayong mawawalan ng mission, kaya be with me at ayusin ang trabaho. Understood?” seryosong saad ni Gabriel.
“Yes, boss,” sabay naming saad.
Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa gagawin namin ay naghanda na rin kami. Nagbihis ako—black dress ang suot ko hanggang paa ko dahil may baril at kutsilyo sa hita ko. Dahil kapag nanlaban si Mr. Montenegro ay tatamaan ko lang siya sa paa o sasaksakin sa parte ng kanyang katawan na hindi siya mamamatay.
“Are you ready?” napatingin ako kay Gabriel nang pumasok siya. Kakatapos ko lang magbihis at naglagay na lang ako ng simpleng makeup sa mukha ko.
“Yes, afraid at the same time. Haha,” pabirong saad ko kahit totoo naman.
“Nasa likod mo lang kami. Mag-aantay ako sa likod ng restaurant,” pagpapakalma niya.
Alam ko naman na maaasahan siya dahil sa lahat ng mission namin ay kasama ko siya at ligtas akong nakakauwi sa anak ko dahil sa kanya. Pinakalma ko ang sarili ko bago tumango sa kanya.
Inihanda nila ang kotseng gagamitin habang ako naman ay nasa kotse na gagamitin ko. Kulay pulang sports car ang gagamitin. Tinitigan ko ang litrato ng anak ko na nasa likod ng cellphone ko at hinalikan ko ito. Gagawin ko ito para sa anak ko. Binalik ko iyon sa case ko at tiningnan si Gabriel.
“Safe ride, Reign,” anya.
“I will.”
Hinawakan ko ang manibela ng sasakyan, bumuntong-hininga bago paandarin ang kotse. Tinungo ko na ang restaurant na gaganapin ang pag-uusapan namin ni Mr. Montenegro. Hindi lang basta restaurant ang pupuntahan dahil may nakatagong kweba sa ilalim nito.
Inimbestigahan na namin ang lugar na ’yon kaya nalaman namin. Wala ring kaalam-alam si Montenegro kung ano ang mangyayari sa kanya dahil ang aakalain niya, isa ako sa mga slave niya—pero doon siya nagkakamali.
Inihinto ko ang kotse na gamit ko bago tiningnan ang restaurant na nasa harapan ko ngayon. Kinakabahan ako dahil napakalakas na tao ang babanggain namin. Nakakaba.
Nag-retouch ako bago lumabas sa kotse. Nakangiti akong winelcome ng guard. Napag-usapan namin ni Mr. Montenegro na kakaway lang siya kapag nakita ako. I sent him my picture kaya kilala niya ako. Habang hinahanap ng mata ko ang lalaking ’yon ay agad namang nasagip ng mga mata ko ang isang pamilya—parang kilala ko sila.
“Ms. Pretty, here,” nakuha ng attention ko ang lalaking kumaway. Siya na ata ang lalaking hinahanap ko.
Sinawalang-bahala ko ang nakita ko at lumapit sa lalaking mamaya ay mawawala na. Pinaghila niya ako ng upuan kaya napaupo ako. Nakangiti niya akong tiningnan kaya nang tingnan ko siya ay namangha ako sa napaka-perfect ng mukha niya.
He has brown eyes at napakagwapo nito, kaso drug pusher lang. Napakapogi pa naman. Talaga namang itong lalaking ito—puwede ho bang huwag na lang natin patayin ’to? Enebe eme, haha.
“Varry Brown Montenegro,” pagpapakilala niya. Kaya naman may Brown ang pangalan niya dahil brown ang mga mata niya. Siguro ’yon ang connect?
“Reign,” hindi ko sinabi ang buong pangalan ko.
“Nice name. Shall we start now?” he asked.
Gumapang ang kamay niya sa kamay ko. Hindi na ako nagulat pa at inaakit ko siyang tiningnan. Ito ang mission ko ngayon—maging malandi sa harapan ng Varry na ’to para maakit ko at mahuli.
“You have beautiful hands,” hinalikan niya ang kamay ko na ikinangiti ko na lang. Palagi na akong nakakaranas nito kaya sanay na rin.
“You are handsome, Mr. Montenegro,” puri ko kaya ngumiti siya na ikinatitig ko sa kanya. Parang naiinlove ako sa kagwapuhan niya.
Mali…
“Thanks. Call me Brown. Let’s go,” anya. Tinanggap ko ang kamay niya dahil alam ko kung saan niya ako dadalhin.
Nakahawak ako sa braso niya habang maingat na naglalakad para hindi mahalata. Ang alam niya lang talaga ay s*x slave niya ako. Tinulak lang niya ang pader at bumukas ito. Tama nga kami, may kweba nga talaga sa restaurant na ’to. Pumasok kami doon. Hindi ko ipinahalata na kinakabahan ako dahil baka maghinala siya.
Pumasok kami sa isang kwarto at namangha pa ako sa ganda nito. Bakit pa kasi naging drug pusher pa ito? Kahit babae ako, liligawan ko talaga ’to. Pero mali—mission ko hulihin ang lalaking ’to kaya dapat doon ako mag-focus.
“Hubad na, Reign,” utos niya kaya kinabahan ako. Kapag hinubad ko ang dress, makikita ang baril at kutsilyong dala ko. Nag-isip ako ng mabuting dahilan. Nakita ko ang wine sa lamesa kaya lumapit ako doon at kinuha.
“Let’s drink first. Pampadagdag sa init ng katawan,” I said to him seductively.
“Why?” nagtanong pa talaga.
“Mas gaganahan kasi ako kapag lasing,” kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang mas lalong maakit siya. Ngumisi at lumapit sa’kin. Hindi ako umatras para masabayan siya.
“Okay,” he said.
Nagsimula kaming mag-inom hanggang sa isang bote na ang naubos. Siya lang ang umiinom dahil kapag sa’kin naman ay hindi ko nilulunok. Pasimple ko siyang tiningnan nang makitang parang matutulog na.
“Brown?” tawag ko sa pangalan niya.
“Hmm,” tanging sambit niya.
Nakapikit lamang ang kanyang mga mata kaya naman ngumisi ako. Akmang kukunin ko na ang cellphone ko ay bigla itong tinabig ni Brown. Gising siya at hindi lasing. Nagulat ako sa nangyari. Nakita ko siyang parang baliw na nakatingin sa’kin.
“Tama nga ako, you’re a secret agent,” anya. Hindi pa ako nakabawi sa pagkagulat.
“Unang kita ko pa lang sa’yo, halatang-halata sa mga kilos mo,” anya kaya ngumisi ako.
“Who are you?” he asked.
“Vienna Reign Gonzalez,” I said.
“The fvck?” anya.
“Napakatuso mo, Mr. Montenegro,” I smirked.
“Hindi ka na makakalabas ng buhay dito, kaya kung ako sa’yo, surrender yourself to me,” nakakaloko siyang ngumiti. Baliw nga talaga.
“In your dreams,” tapang na saad ko. Mabilis niya akong nahuli at ang braso niya ay nakapulupot sa leeg ko. Nakahawak din ako.
Gamit ang paa ko, tinaas ko at natamaan siya sa ulo kaya nabitawan niya ako. Ngumisi ako sa kanya habang siya ay nakangiti sa’kin. Palaban din pala. Akala ko talaga mabilis lang ang trabaho na ’to pero alam na alam niya rin pala ang plano ko.
“Mga katulad mong babae ang gusto ko,” anya.
Ngumisi ako sa kanya. Nagsimula kaming maglaban. Babae ako, alam kong wala akong laban sa lakas niya. Puro ilag ang ginawa ko sa bawat suntok niya. Napangiti ako nang maisip ang magandang plano.
“Napakagaling mong lumaban. I like you na talaga,” anya.
“Takot ka na?” tanong ko.
“Never.”
Naghanap ako ng tiyempo na makapatong sa leeg niya. Doon ko siya mapapabagsak. Nang akmang sasampalin niya ako ay agad akong umilag at umikot at ayon nga, nagawa kong makapatong sa leeg niya kasabay noon ang pagbagsak niya sa sahig. Kinuha ko agad ang kutsilyo sa hita ko at tinutok sa kanya.
“Maling galaw mo lang, dadanak ang dugo mo sa silid na ito,” saad ko.
“Chill, hahahahaha,” napakalakas ng tawa niya.
“Huli ka na, kaya mabulok ka sa bilangguan ng habang-buhay,” saad ko pa.
“Tayo,” utos ko.
Alam ko na ang iisipin niya at ang gagawin niya kapag pinatayo ko siya—aagawin niya ang kutsilyong hawak ko kaya kinuha ko ang baril sa hita ko. Tama nga ako, ganoon nga ang nangyari nang tumayo siya pero agad ko siyang tinutukan ng baril.
“Sige at tuluyan kang malagutan ng hininga,” wika ko na ikinaikot niya sabay taas ng kamay.
“You win this time, Ms. Gonzalez,” inis niyang saad.
“Palagi naman talaga akong nananalo,” saad ko.
Akmang hahakbang na kami palabas sa silid na ’to nang nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto kasabay noon ang pagpatay ng ilaw at nakarinig ako ng putok ng baril. Sigurado akong hindi sa’kin nanggaling ’yon—hindi ko kinalabit.
Bumukas ulit ang ilaw at nakita ko na lang ang katawan ni Brown na ngayon ay nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sariling dugo kaya napahawak ako sa bibig ko. Nabitawan ko ang kamay ko. Hindi ito ang mission ko—hulihin lang si Brown, hindi patayin.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na sina Gabriel. Nasira ang plano—hindi na gaya noong sinabi ni Gabriel. Lumapit siya sa’kin habang ang bangkay ni Brown ay binubuhat ng tauhan ni Gabriel.
“Hindi ko siya pinatay,” saad ko kaya nagtataka akong tiningnan ni Gabriel.
“Huh? Pero kayo lang dalawa sa silid na ’to?” tanong niya.
“Bigla na lang nangyari ’yan. Hindi ko siya binaril,” tanggi ko kasi totoo naman talaga.
“Calm down. Maaayos natin ’to,” anya. Hinubad niya ang kanyang jacket at pinasuot sa’kin.
Sabay-sabay kaming lumabas sa kweba na ’yon at mabilis na pinaandar ang kotse para sundan ang katawan ni Brown sa hospital. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lamang ako. Hindi ko maintindihan ang nangyari—bigla na lang namatay ang ilaw at ayon, bigla na lang nakahandusay sa sahig si Mr. Montenegro. Hindi ko mission na patayin si Brown, hulihin lang!
“Okay, pupunta na kami,” napatingin ako kay Gabriel nang magsalita siya.
“Bakit?” tanong ko.
“Nalaman na ni Kernel Garcia ang nangyari. Kailangan niya tayong makausap,” saad niya. Inikot niya ang kotse at nag-iba ang daan.
This is my first mistake. Sa lahat ng naging mission ko, ngayon lang ako nagkamali. Bumuntong-hininga ako at pinakalma ang sarili. Kung ano man ang itatanong, kaya ko naman sagutin lahat.
Pagkarating namin doon ay agad kaming sinalubong ng maraming kapulisan. Pinakita namin ang ID namin kaya nakilala din kami agad. Pumasok kami sa kwarto ni Kernel Garcia, mas mataas ang ranggo sa’min.
“Andito na pala kayo,” saad nito. Kinakabahan ako sa puwedeng sabihin niya.
“Sir,” sabay kaming nag-salute sa kanya. Tumango lang siya.
Masususpinde ako kapag nagkataon dahil mali ang ginawa ko. Hindi naman kasi ako naka-assign sa pagpatay sa kanya. Pinaupo niya kami kaya napabuntong-hininga ako. Nagtataka akong tiningnan si Kernel Garcia—nakangiti siya sa’kin.
“Good job, Gonzalez. Akala ko hindi mo magagawa nang maayos ang trabaho mo, pero you did it,” anya na ikinagulat ko. Nagkatitigan kami ni Gabriel.
“Po?” tanging sambit ko, pero nakangiti lang siya.
“Pero mali ako,” dagdag ko.
“Walang mali sa ginawa mo. Napakagaling talaga magturo ang pamangkin ko sa’yo. Tama ang iyong ginawa,” saad niya.
“Hindi ako ang pumatay,” saad ko na ikinagulat niya.
“Ano?”
“Huli ko na si Mr. Montenegro at lalabas na sana kami nang biglang pumatay ang ilaw at nang bumukas ulit, nakita ko na lang na bumagsak na sa lupa ang katawan niya at nagkalat na ang dugo sa katawan niya,” paliwanag ko. Nagkatitigan sila ng pamangkin niya.
“Huwag mo muna ’yang isipin. Importante, nagawa mo ang pinapagawa ko sa’yo. Mission accomplished, Gonzalez. Congratulations,” anya at nakipag-shake hands sa’kin.
“Salamat po,” tanging wika ko.
“Galing niyo,” puri pa ni Kernel na ikinangiti namin pareho ni Gabriel. Mabait din ang uncle niya. Siya ang tumanggap sa’kin sa trabahong ito at si Gabriel ang nagturo sa’kin ng lahat.
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na rin kami at nag-usap pa kami habang naglalakad, kasi iniisip ko talaga kung sino ang bumaril kay Brown. Mas pipiliin ko pang makulong siya kaysa madatnan sa ganoong sitwasyon.
“Kalaban niya rin siguro ang gumawa noon,” saad ni Gab.
“Hindi talaga ako makakapayag hangga’t hindi ko nalalaman ang katotohanan,” tanging sambit ko.
“Ikaw na ’yan eh. Para saan pa ang pagiging secret agent mo kung hindi mo malalaman? I know magaling ka diyan,” puri nito sa’kin kaya natawa ako.
Aalamin ko kung sino ang bumaril sa kanya. Sigurado akong hindi na siya makakaligtas—napakaraming dugo ang nawala sa kanya. Hindi ko naman alam kung may sisira sa plano namin at talagang nalaman pa, o baka nagkataon lang.
Pauwi na ako at marami akong nakitang mga bata. Nakakaawa sila. Binigyan ko sila ng pera para naman makabili sila ng makakain nila. Nang makarating ako sa bahay, bukas pa ang ilaw at pagkapasok ko ay nakita ko ang sasakyan ko.Agad kong naalala na kailangan ko palang sunduin ang anak ko. Papasok sana ako sa loob ng kotse nang may marinig akong tawanan sa loob ng bahay kaya naman dali-dali akong pumasok.“But you gave me this one, Raina.” Rinig ko ang boses ng isang pamilyar na tinig.Pagkapasok ko ay nagulat ako nang makita ko kung paano ka-sweet si Gabriel at ang anak ko. Napangiti ako dahil sa nakita ko. Magkasundo talaga sila, pero kapag iniinis ni Gabriel si Raina, nagagalit ito at nakikipagtalo pa. But I told her na huwag ganoon sa tito niya kahit iniinis pa siya—show some respect, nakakatanda pa rin iyon sa kanya.“But Daddy, I want that. Can I have it again?” naka-pout na wika ng anak ko kaya napa “ow” ako.Tinawag na niyang Daddy si Gabriel, eh ang tawag naman ng anak ko kay G
Pagkatapos kong ihatid ang anak ko ay umalis na rin ako sa paaralan upang bumili ng mga groceries. Mabilis kasing talagang maubos kapag nasa bahay lang si baby Raisa, kaya ngayon mag-groceries ako.Matagal pa akong nakarating sa grocery store dahil sa sobrang traffic. Wala rin naman akong alam kung saan ang daan na direct, kaya mag-aantay na lang. Mga ilang oras na ako at hanggang ngayon andito pa rin sa pwesto ko. Napakaraming sasakyan sa unahan ko, kaya nakaisip naman ako ng paraan.Dahil walang sasakyan sa gilid ng pwesto ko, agad akong lumiko at maghahanap na lang ako ng ibang daan. Habang tinatahak ko ang daan pabalik, may napansin ako sa isang kalye—may grupo ng mga lalaki, at napansin ko ang batang babae na tansya ko ay nasa mga 17 years old pa ito.Napaawang ang labi ko at hininto ang kotse. Pinagmasdan ko pa ang mga ito hanggang sa hindi ko na matiis—may ginagawa sila sa bata. Pinarada ko ng maayos ang kotse ko bago bumaba at dahan-dahang naglakad sa kalye.Napakunot ang no
Nakangiti akong naglalakad habang may dalang ice cream sa anak ko. Ito, 2 weeks had passed. Nakalimutan ko na rin ang nangyari, pero hindi ko pa rin nalutas ang problemang kung sino ang bumaril kay Brown.Nailibing na rin si Brown, at syempre nakakalungkot. Kahit pa man marami siyang nagawang mali, tao lang din naman siya-nagkakamali. Mabait talaga ako, kaya minsan hindi ko tinutuluyan ang bawat makakaharap kong kalaban dahil naniniwala akong magbabago sila.Napahinto ako muli nang makita ang isang pamilyang ngayon ay nakangiti. Sa pagkakataong ito, nakaharap na sila kaya kitang-kita ko. Ang pamilyang kinikilala ko, ang pamilyang nang-iwan sa'kin, ang pamilyang nagpalayas sa'kin sa sarili naming bahay.Tinitigan ko sila. May batang hawak si Daddy habang tuwang-tuwa pa silang tatlo. Parang dati, kami lang tatlo iyon. Pero ngayon, bakit may bata sila? Siguro noong mawala ako at pumunta sila sa ibang bansa ay nabuntis ulit si Mommy.Nakatitig lamang ako sa kanila habang hindi ko namalaya
Habang nag-aayos ako para umalis na papunta sa trabaho ko ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwal doon ang anak kong babae, nakasimangot siyang nakatingin sa’kin na ikinakunot ng noo ko.“What happened, baby girl?” I ask.“Tito Gab always annoys me, Mom. I don’t like him to be my nanny today,” reklamo nito.“Anak, hindi mo siya nanny. Tito mo siya,” saad ko.“But I don’t really like him.”“Hala ka, sige. Gusto mo bang ayaw na niyang pumunta dito? Wala nang magtatanggol sa’ten?” saad ko na ikinatingin niya sa’kin.“Tito Gab is gonna leave us?” she asked, so I nodded.“No, he can’t,” saad niya at tumakbo palabas. Alam ko na sa tito niya siya tatakbo. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos sa sarili.Limang taon na ang lumipas at ang daming nangyari sa buhay ko. 24 years old na ako at napalaki ko naman nang maayos ang anak ko, apat na taon na. Pinanganak ko siya noong 19 years old pa lamang ako. Mahirap iyon dahil bata pa ako at walang kaalam-alam sa buhay-ina. Mabuti
Napaawang ang labi ng isang babae nang makita niya ang isang lalaki na alam niyang kanina pa ito nakatingin sa kanya. Nilapitan niya ito na ikinagulat naman ng lalaki.Isang mayaman ang lalaki at palagi itong pumupunta sa bar, ngunit hindi naman makita ng babae ang mukha ng lalaki dahil sa labis nitong kalasingan.Tuluyan siyang nakalapit sa lalaki at bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Napahiga siya sa kandungan ng lalaki na ikinangisi ng lalaki. Marami siyang naikakaming babae, he’s a playboy rich man.“Hey, wake up,” napamulat ang babae nang may lalaking gumising sa kanya.Tumingin ang babae sa lalaki. Ngumiti naman ng matamis ang lalaki na ikinangisi ng dalaga. Nagagwapuhan siya kahit hindi niya makita ang mukha ng lalaki.“Who are you?” tanong nito sa lalaki.“I am your future husband,” saad nito, at alam niyang ngumisi ang lalaki dahil sa boses pa lang nito.“Palabiro ka talaga,” lasing na wika naman ng babae.Hinawakan ng babae ang mukha ng lalaki na mas lalong ikinangisi







